You are on page 1of 13

Edukasyon sa

Pagpapakatao
Tungkulin ng Tao sa Lipunan
Kaakibat ng ating karapatan bilang isang
mamamayan ay ang ating tungkulin sa kapwa. Sabi
ng isang sikat na superhero na si Spiderman na
“Great power comes with great responsibility.”
Anong kapangyarihan ang tinutukoy ditto? Anong
pananagutan ang tinutukoy sa pahayag? Saan
nakaangla ang kapangyarihang ito?

Ngayon, naunawaan mo ng kahalagahan ng Likas


na Batas Moral bilang batayan ng mga batas na binuo
ng tao. Nakita moa ng kaugnayan ng pagkakatugma
ng dalawang batas na binuo ng tao. Nakita mo ang
kaugnayan ng pagkakatugma ng dalawang batas na
ito upang makamit ang kabutihang panlahat.
Bago natin simulan ang pag-aaral tungkol
sa karapatan ng tao sa lipunan. Isulat
muna sa kahon ang iyong mga karapatan
bilang parte ng isang pamilya at bilang
mag-aaral.
ANG AKING MGA KARAPATAN:
SA BAHAY SA PAARALAN
MGA TUNGKULIN
May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang
anim na tungkulin na tutugon sa angkop na karapatan:
1.
Sa karapatan sa buhay, may tungkulin ang bawat tao na
pangalagaan ang kaniyang kalusugan at ang kaniyang sarili sa
mga panganib ng katawan at kaluluwa. May tungkulin siyang
paunlarin ang kaniyang mga talent at kakayahan – sa
aspektong pangkatawan, pangkaisipan (sa pamamagitan ng
pag-aaral nang mabuti) at moral. Obligasyon ng bawat isa ang
pagpapagamot kung may sakit o pumunta sa ospital kung
kailangan. Kailangang iwasan ang mga isport na mapanganib,
na maaaring humantong sa kamatayon tulad ng car racing,
wrestling, o boxing.

Mahalaga ang patuloy napag-aaral o pagkuha ng


kurso na matutulong upang umangat ang karera at
maitaas ang antas ng pamumuhay. Kailangan din ang
paglinang ng mga birtud sa pamamagitan ng paulit-
ulit o palagiaang pagsasagawa ng mga bagay na
makatutulong sa paglampas sa ,ga pansariling
kahinaan
2.
Sa karapatan sa pribadong ari-arian. May tungkulin ang
tao na pangalagaan at palaguin ang anumang ari-arian
niya ta gamitin ito upang tulungan ang kapuwa at
paunlarin ang pamayanan. Isang halimbawa nito ang
pagtulong sa mga nasalanta nab aha sa pamamagitan
ng pagbibigay ng pagkain, damit,o pera, mga bagay na
tunay nilang kailangan.

3.
Sa karapatang makasal. May kaakibat na tungkulin na
suportahan ang pamilya at bagayan ang mga anak
upang maging mabuting tao ang mga ito. Kasama rito
ang pagiging mabuting halimbawa sa mga anak, pag-
iwas sa eskandalo na magiging sanhi ng pagsira ng
pangalan ng pamilya, at pagsasabuhay ng mga birtud
bilang isang pamilya.
Ginagarantiyahan ng pamahalaan at estado ang karapatang ito
sa pamamagitan ng batas na nag-iingat sa karapatan ng
asawang babae at mga anak sa abusadong asawang lalaki.

4.
Sa karapatang pumunta sa ibang lugar. May tungkulin
na igalang ang mga pribadong boundary. Kaakibat ng
karapatang ito ang tungkulin na kilalanin ang
limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo
ng kapuwa. Mahalaga ang paggalang na ito kahit sa
pagitan ng mag-asawa o magkaibigan.

5.
Sa karapatang sumamba o ipahayag ang
pananampalataya. May tungkulin na igalang ang
relihiyon o paraan ng pagsamba ng iba. Kahit
magkakaiba ang mga relihiyon, may pagkakapareho rin
ang mga ito – ang pagsamba sa isang nilalang nahigit na
makapangyarihan sa tao. Kasama sa tungkuling ito ang
paggalang sa paraan ng pag-alaala sa mga patay at
ninuno.
6.
Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay.
May tungkulin ang bawat isa na magpunyagi sa
trabaho o hanapbuhay at magpakita ng
kahusayan sa anumang gawain. Mahalaga ang
karapatan ng mga empleyado sa kanilang
trabaho – ibig sabihin, nakapokus sa gawain at
hindi pinalilipas ang oras nang walang
ginagawa. Kasama sa karatang ito ang
karapatang mag-alsa (strike) kung may
inhustisya sa pagsusuweldo at ang pagiging
bukas ng mga empleyado sa diyalogo sa
kompanya o arbitration.
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na
karapatan ng bawat tao sa buong mundo na
pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at
kapayapaan ay nangangailangan ng patas na
pagbibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang
makabuo ng batayang moral jung saan lahat ng
lalaki at babae ay namumuhay nang mapayapa at
makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. Ito
ang dahilan kung bakit binuo rin ng United Nations
ang Pangkalahatang Pagpapahayag ng mga
Tungkulin ng Tao (Universal Declaration of Human
Responsibilities) noong 1997. May 19 na
artikulo(articles ) ito. Narito ang unang apat sa
Batarang Prinsipyo ng Sangkatauhan (Fundamental
Principles for Humanity).
Artikulo 1. Ang bawat tao, anuman ang kasarian, lahi,
estado sa lipunan, opinyon sa mga isyung political,
wika,edad, nasyonalidad, o relihiyon ay may tungkulin
na pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang
makatao.

Artikulo 2. Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri


ng hindi makataong asal, kaya ang lahat ng tao ay may
tungkuling pagsumi-kapang pangalagaan ang dignidad at
tiwala sa sarili ng kapuwa

Artikulo 3. Walang tao, pangkat, organisayon,


bansa, army o pulisya ang dapat mangibabaw sa
mabuti at masama; lahat ay dapat sundin ang
pamantayang moral. Bawat isa ay may tungkuling
itaguyod ang

Artikulo 4. Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at


konsensiya, ay dapat tanggapin ang kanilang tungkulin sa
bawat isa, sa mga pamilya at pamayanan, lahi, bayan, at
relihiyon nang may pagkakaisa: Huwag mong gawin sa iba
ang anumang ayaw mong gawin nila sa iyo.

You might also like