You are on page 1of 2

Edukasyon sa Pagpapakatao 9

IKALAWANG MARKAHAN
Week 1&2

TOPIC: MGA KARAPATAN AT TUNGKULIN NG TAO

Napakahalaga sa isang tao na malaman niya ang kanyang karapatan at tungkulin upang makapamuhay siya ng maayos
dito sa mundo.

Ang pagsasabuhay ng karapatan at paggawa ng tamas a kanyang mga tungkulin ay maituturing na misyon ng isang
tao.

KARAPATAN - KAPANGYARIHANG MORAL

KAPANGYARIHAN – Ito ay kapangyarihang gawin, hawakan, pakinabangan, at angkinin ang mga bagay na
kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay.

MORAL – Hindi ito sapilitan, nararapat na ibigay sa kanya ang mga kailangan sa buhay.

ANIM (6) NA KARAPATAN NA HINDI MAALIS AYON KAY STO. THOMAS DE AQUINO
1. Karapatan sa Buhay – Ito ang pinakamataas na karapatan.
2. Karapatan sa Pribadong Pag mamay-ari – Kailangan ng tao ang mga ari-arian upang
mabuhay ng maayos at maging produktibong
mamamayan.
3. Karapatang Magpakasal – May karapatan ang tao na bumuo ng pamilya sa
pamamagitan ng kasal.
4. Karapatang pumunta sa ibang lugar (Migrasyon) – Kasama sa karapatang ito ang
pumunta sa ibang lugar na may
oportunidad tulad ng trabaho at
kaligtasan sa panganib.
5. Karapatan sa Pananampalataya – Bawat tao ay may karapatang pumili ng kanyang
relihiyon na makakatulong sa kanyang mapaunlad ang
kanyang pagkatao.
6. Karapatang Maghanap-buhay – Ang tao ay may karapatan sa disenteng hanapbuhay
upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.

Ayon kay Pope John XXIII, ang mga karapatang pang indibidwal na kinikilala sa encyclical na “Kapayapaan
sa Katotohanan o “Pacem In Terris”

1. Karapatang mabuhay at Kalayaan sa pangkatawang panganib.


2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan.
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinion at impormasyon.
4. Karapatan sa pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensiya.
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa Migrasyon
7. Karapatan sa Aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksyon ng batas laban sa mga palabag sa mga karapatang ito.

Kung may karapatan, mayroon ding tungkulin na dapat tanggapin at gawin. May batas na nagpapataw ng obligasyon
sa lahat ng tao na igalang ang karapatan ng isang tao.

TUNGKULIN – OBLIGASYONG MORAL


Kailangang gawin sapagkat ito ay nararapat o nakabubuti.
Kaakibat ng karapatan ay ang tungkulin o responsibilidad.

ANG MGA KAAKIBAT NA TUNGKULIN NG BAWAT KARAPATAN:


1. Karapatan sa buhay – Tungkulin na pangalagaan ang kalusugan at sarili sa
mga panganib ng katawan at kaluluwa.
2. Karapatan sa pribadong ari-arian – Tungkuling pangalagaan at palaguin
ang anumang ari-arian.
3. Sa karapatang magpakasal – Tungkulin na suportahan ang pamilya at
gabayan ang mga anak sa pagiging
mabuting tao.
4. Sa karapatang pumunta (Migrasyon) – May tungkulin na igalang ang
pribadong boundary.
5. Sa karapatang ipahayag ang pananampalataya – Tungkulin na igalang ang
relihiyon o paraan ng
pagsamba.
6. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay – Tungkulin na maghanap
buhay ng maayos at
mabuti.
UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHT
Ibinatay sa dignidad ng tao bilang pundasyon ng Kalayaan, katarungan at kapayapaan ng mundo.
Ito ay binuo para sa patas na pagbibigay halaga sa karapatan at tungkulin upang makabuo ng batayang moral
nang makakamit ng tao ang kaganapan.

UNANG APAT (4) NA BATAYANG PRINSIPYO NG SANGKATAUHAN O FUNDAMENTALS


PRINCIPLES OF HUMAN RIGHTS
 ARTIKULO I – Ang bawat tao ay may tungkulin na makitungo sa paraang
makatao.
 ARTIKULO II – Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng hindi makataong asal.
 ARTIKULO III – Lahat ng tao ay dapat sundin ang pamantayang moral na itaguyod ang
mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay.
 ARTIKULO IV – Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensya ay dapat tanggapin ang
kanilang tungkulin na huwag gawin sa iba ang anumang ayaw na magawa
ng iba sa iyo.

Ayon nga kay Max Scheler “Kailangan hubugin ang sarili tungo sa pagkatao upang matupad rin ng pamayanan ang
paglinang nito sa mga tao”

You might also like