You are on page 1of 23

PANALANGIN

MODYUL 1
KATAPATAN AT TUNGKULIN NG TAO

GROUP 1
MEMBER:

KASSANDRA CLAIRE CAPIN MARY ALTHEA CAPUNO ANGELA MARIZ EDON KELDA MARCOS

Juris Kirsten Bagagunio VANESSA CARIAGA NARJ ANNE ROMAGUERA

KYLE POLI CARPIO NISH ATHAN ASTURIAS CHRISTAN AZE DONATO RAFIE T. ATUP

JAMES MATTHEW G. MEDEL JERICHO ELEAZAR LORENZO LANIC


“With great power comes great responsibility.”

Isang tanyag na linya mula sa pelikulang Spiderman na pinagbibidahan ni


Tobey Maguire bilang “Peter Parker”. Ano nga ba ang mensaheng nais ipabatid ng
linyang ito? Simple lang! Ang ibig sabihin nito ay kapag ika’y may kapangyarihan,
mayroon din itong mabigat na resposibilidad. Bagay lamang na dapat mong isipin
nang mabuti bago tanggapin o gampanan ang kapangyarihan na ito. Gayundin,
kapag ikaw ay napagkalooban ng mga karapatan, ito ay may kaakibat na
resposibilidad o tungkulin

Sa modyul na ito, pag-aaralan at pag-iisipan mo ang kalikasan ng karapatan


at kaakibat nitong mga tungkulin. Mahalagang maunawaan ang mga ito upang
magamit mo ng may kahusayan ang iyong mga karapatan at mga obligasyong iyong
kailangan namang gampanan.
Pagkatapos talakayin ang modyul na ito, inaasahan na maisasagawa mo ang
sumusunod

Kasanayang Pampagkatuto:

5.1 Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao (EsP9TT-IIa-5.1)

5.2 Nasusuri ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya,


barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIa-5.2)

5.3 Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na


kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na
kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katuwiran, ang
pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao (EsP9TT-IIb-5.3)

5.4 Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa
o naobserbang paglabag sa mga karapatang pantao sa pamilya,
paaralan, barangay/pamayanan o lipunan/bansa (EsP9TT-IIb-5.4)
BALIK ARAL
1.B 6.B
2.A 7.B
3.B 8.A
4.C 9.C
5.C 10.A
SAGUTIN NATIN!
MOTIVATIONAL ACTIVITY: BASAHIN AT SAGUTAN ANG MGA SUMUSUNOD.
ANG HINDI MAKAKASAGOT AY MAY PARUSA,AT ANG MAKAKASAGOT AY MAY
PABUYA

1. Sa iyong pamumuhay, magbigay ng halimbawa ng karapatang


iyong natatamasa, ipaliwanag.
2. Sa iyong palagay mahalaga ba ang karapatan?
3. Pumili ng isang kaklase, satingin mo ba ay pantay kayo ng
karapatan na natatamasa? Ipaliwanag.
Suriin

Kumpara sa iba pang nilikha, ang tao lamang ang mayroong higit na halaga
kaysa sa ibang bunga ng pagkakalikha sapagkat siya ay nilikha ayon sa larawan
at wangis ng Diyos, at siyang paraan na rin ng paghahayag nang Kaniyang sarili
sa tao.
Ang halagang ito o value ay tinatawag na dignidad na siyangpinakamatibay
na dahilan kung bakit ang bawat tao ay mayroong karapatan. Umuusbong
ang karapatan mula sa dignidad sapagkat ang bawat karapatan ay pagpapakita
nang pagkamahalaga ng tao.

Ang karapatan ay tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga


pananaw ng tao na may kinalaman sa kung papaano niya itrato ang kanyang
kapuwa at sa kanyang dignidad bilang tao. Ito ay itinuturing na kapangyarihang
moral sapagkat ang paggamit ng mga karapatan ay may kakayahang magdulot ng
kaligayahan, kapayapaan, at pagkakaisa.
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng bawat tao sa
buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay
nangangailangan ng patas na pagbibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang
makabuo ng batayang moral kung saan lahat ng lalake at babae ay mamumuhay ng
mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao. Ito ang dahilan kung
bakit binuo rin ng United Nations ang Pangkalahatang Pagpapahayag ng Tungkulin
ng Tao o Universal Declaration of Human Rights noong 1997.3

Halimbawa, ang mga kababaihan noong unang panahon ay walang lugar sa


politika ngunit hindi naglaon ay nabigyan na ang mga kababaihan ng karapatan
upang mamuno sa lipunan. Ngunit inaasahan din sa kanya ang maayos na
pamamalakad at paglilingkod.

Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o


maisasakatuparan ng isang tao. Kung maisasagawa mo nang maayos ang mga
tungkuling paggawa ng mabuti sa kapuwa, maaaring magbigay ng kaligayahan
at kaganapan kung sino at ano ka bilang tao ditto sa mundo.
BILANG ISANG BATA ANO ANG IYONG
KARAPATAN?
KARAPATAN?
Tandaan ang bawat karapatan at ang kaakibat na tungkulin ng tao.

1. Karapatang mabuhay
Ang bawat tao ay may likas na karapatan sa
kanyang buhay. Ang karapatang ito ay
protektado ng batas. Walang sinuman ang
pinagbabawalan na mabuhay mapa babae man
o lalaki, bata o matanda. Karapatan ng isang tao
ang mabuhay kung kaya't sa mga bansa na hindi
binawi ang parusang kamatayan, ang kamatayan
ay maaaring ipataw lamang para sa mga
pinakamalubhang krimen alinsunod sa batas na
ipinatutupad sa panahon ng pagsasagawa ng
krimen ngunit katulad ng bansang Pilipinas
binawi natin ito at ang pinakamataas na uri ng
parusa sa bansa ay ang pagkakulong sa
mahabang panahon.
2.Karapatan magkaroon ng pribadong ari-arian

Ang bawat tao'y may karapatang magmay-ari


ng ari-arian nang mag-isa gayundin sa
pakikisama sa iba. Kailangan ng tao ang mga
ari-arian upang mabuhay nang maayos at
makapagtrabaho nang produktibo at
nakikibahagi sa lipunan. Tungkulin na gawing
legal ang pag-aari, mapayabong ang mga ito at
gamitin upang tulungan ang kapuwa at
paunlarin ang pamayanan.
3. Karapatang magpakasal o magkaroon ng pamilya
Sa pagdesisyon ng tao namagpakasal, dapat
handa na siya sa mga resposibilidad na dapat
niyang gampanan tulad ng pagsuporta ng
kanyang pamilya, ang suportang financial
para sa kinakailangan nila, at ang
resposibilidad na gabayan ang kanilang mga
anak para hindi sila mapariwara, dapat
magbigay sila ng oras para sa mga anak nila
upang hindi ito maghanap ng ibang taong
makakasama nila na baka makapagbigay ng
hindi mabuti sa kanila
4. Karapatan sa pananampalataya

May karapatan ang tao na piliin ang relihiyon


na makakatulong sa kanya upang mapaunlad
ang kanyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa
Diyos at kapawa. Ang pananampalataya ay
kadalasang hinahalili para sa "pag-asa",
"pagtitiwala" o "paniniwala"
5. Karapatang maghanapbuhay

Ang karapatang magtrabaho ay isang


karapatan ng isang tao, ito ay ang karapatang
maghanapbuhay o kumita ng salapi para
maitaguyod mo ang iyong sarili kasama ang
iyong pamilya.. Maging ikaw ay may
kakulangang pisikal, ikaw ay mayroon
karapatan na humanap at makahanap ng
trabaho na maari sayo.
6. Karapatang pumunta sa ibang lugar

Ang karapatang pumunta o makapunta sa ibang lugar.


Ito ay ipinagkakaloob sa atin ng ating pamahalaan
bilang isang Pilipino, malaya tayong pumunta sa ibang
lugar o bansa na gusto nating puntahan at marating
depende sa ating mga dahilan, maging pumasyal man
o magtrabaho. Walang sinuman ang maaring
magbawal sa atin kung gustuhin man nating matamasa
ang karapatan ito dahil tayo ay malaya at malaya
nating gawin anuman ang ating naisin na hindi
lumalabag sa batas.
Sa kabuuan, mayrong anim na karapatang
pantao, karapatang mabuhay, karapatang
magkaroon ng pribadong ariarian, karapatang
magpakasal o magkaroon ng pamilya,
karapatan sa pananampalataya, karapatang
maghanapbuhay, at karapatang pumunta sa
ibang lugar. Mahalagang malaman mo ang
iyong mga karapatan upang magamit mo ito
ng may kahusayan. Ang mga karapatan na ito
ay nagdudulot ng kaligayahan, kapayapaan, at
pagkakaisa. Bawat karapatan ay may kaakibat
na tungkulin na aming tatalakayin bukas.
Takda: Pumili ng tatlong
karapatan ng tao at gumawa ng
halimbawa nito.
salamat sa pakikinig

You might also like