You are on page 1of 2

1 2

MODYUL 5: KARAPATAN AT TUNGKULIN


Ilang karapatang pang-indibidwal ang kinilala sa
encyclical na "Kapayapaan sa Katotohanan" Pacem in
ANO BA ANG KARAPATAN? Kailan nasasabing Terris:
iginagalang ang karapatan? Sa anong paraan ipinapakita ito?
Ano ang kailangan upang matamasa ito nang may 1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang
pananagutan? panganib.
2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan
KARAPATAN -- ay ang kapangyarihang moral na gawin, upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan 3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon
ng tao sa kaniyang buhay. Moral ang karapatan dahil hindi
at impormasyon.
maaaring puwersahin ng tao ang kanyang kapwa na ibigay sa
kanya ng sapilitan o puwersahin ang mga bagay na kailangan niya 4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at
sa buhay. pagsunod sa konsensiya.
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon.
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng 6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar.
kaniyang kapwa na igalang ito
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga
May pantay na karapatan ang lahat ng tao. Ang pagiging pampublikong gawain o proyekto.
pantay niya sa kaniyang kapuwa ay ang taglay niyang 8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban
dignidad. Nag-uugat ang dignidad na ito sa kaniyang sa mga paglabag ng mga karapatang ito.
kakayahang mag-isip at makapili ng mabuti at pagiging
bukod-tangi. Ang mga karapatang kinilala ni Santo Tomas de
Aquino at ng Pacem in Terris ay masasalamin sa
MGA URI NG KARAPATAN
Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao
May anim na uri ng karapatang hindi
maiaalis(inalienable) ayon kay Santo Tomas de Aquino (Quito, (Universal Declaration of Human Rights).
1989). Ang mga ito ay ang karapatang mabuhay, magkaroon ng
mga ari-arian, mag-asawa, maging malaya, sumamba at
maghanapbuhay. Ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga
Karapatan ng Tao ng mga Nagkakaisang
Karapatan sa buhay Bansa (UDHRights) ay pinagtibay ng United
Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung Nation General Assembly noong ika-10 ng
wala ito, hindi mapapakinabangan ng tao ang iba pang Disyembre, 1948. Ito ay itinaguyod bilang
karapatan. bunga ng mapait na karanasang dulot ng
ikalawang digmaang pandaigdig.
Karapatan sa pribadong ari-arian
Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya
ang mga ari-arian upang mabuhay ng maayos at
makapagtrabaho ng produktibo at nakikibahagi sa lipunan.

Karapatang magpakasal
May karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa
pamamagitan ng kasal.

Karapatang pumunta sa ibang lugar


Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa
ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o
komportableng buhay o ligtas sa anumang panganib.

Karapatang sumamba o ipahayag ang pananampalataya


May karapatan ang tao na piliin ang relihiyon na
makatutulong sa kaniya upang mapaunlad ang kanyang
pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa.

Karapatang magtrabaho o maghanapbuhay


Sa karapatang ito ay may obligasyon ang lipunan o
pamahalaan na magbigay ng trabaho o disenteng
hanapbuhay sa mga mamamayan upang mapakinabanangan
nila ang karapatang mabuhay.
3
Ano ang Tungkulin? 4
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maiaalis na
TUNGKULIN – ay ang obligasyong moral ng tao na gawin o karapatan ng bawat tao sa buong mundo na pinakikilos nang
hindi gawin ang isang gawain. Kailangang gawin ang mga may kalayaan, katarungan at kapayapaan ay nangangailangan
ng patas na pagbibigay-halaga sa karapatan at tungkulin upang
tungkulin sapagkat ito ay nararapat o nakabubuti. Ang hindi makabuo ng batayang moral kung saan lahat ng lalaki at babae
pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay- ay mamumuhay nang mapayapa at makakamit ang kanilang
pamayanan na may malaking epekto sa sarili at sa mga kaganapan bilang tao. Ito rin ang dahilan kung bakit binuo rin ng
ugnayan. United Nations ang Pangkalahatang Pagpapahayag ng mga
Tungkulin ng Tao (Universal Declaration of Human
Responsibilities) noong 1997.
May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan.
Narito ang mga tungkulin na tutugon sa angkop na
karapatan:

Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao


ng mga Nagkakaisang Bansa (UDHRights)

❖ Pinagtibay ng United Nation General Assembly noong ika-


10 ng Disyembre, 1948.
❖ Ito ay itinaguyod bilang bunga ng mapait na karanasang
dulot ngikalawang digmaang pandaigdig.

Tungkulin bilang obligasyong moral


❖ Kailangang gawin ang mga tungkulin sapagkat ito ay
nararapat o nakabubuti.
❖ Ang hindi pagtupad sa mga tungkulin ay pagsalungat
sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa
sarili at sa mga ugnayan.

Mga Tungkulin Fundamental Principles for


Humanity

Article 1
Ang bawat tao, anuman ang kasarian, lahi, estado sa
lipunan, opinyon sa mga isyung politkal, wika, edad
nasyonalidad, o relihiyon ay may tungkulin na pakitunguan ang
lahat ng tao sa paraan makatao.

Article 2
Walang taong dapat sumuporta sa anumang uri ng
hindi makataong asal, kaya ang lahat ng tao ay my tungkuling
pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at tiwala sa sarili ng
kapwa.

Article 3
Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army o
pulisya ang dapat mangibabaw sa mabuti at masama; lahat ay
dapat sundin ang pamantayang moral. Bawat isa ay may
tungkuling itaguyod ang mabuti at iwasan ang masama sa lahat
ng bagay.
Article 4
Lahat ang tao, gamit ang kanilang isip at
konsensiya, ay dapat tanggapin ang kanilang tungkulin sa
bawat isa, sa mga pamilya at pamayanan, lahi, bayan at
relihiyon ng may pagkakaisa.

You might also like