You are on page 1of 4

Araling Panlipunan 10

IKAAPAT
Aralin 6: KARAPATANG
NA Week 4
PANTAO
MARKAHAN

PANGKALAHATANG KAALAMAN

KAHULUGAN AT KALIGIRAN KARAPATANG PANTAO


Ayon sa Pandaigdigang Deklarasyon ng
Karapatang Pantao na kilala rin bilang Universal
Declaration of Human Rights (UDHR), ang
karapatang pantao ay tumutukoy sa mga
karapatan na taglay ng tao na kaniyang
kailangan upang mabuhay nang may dignidad.
Sinasang-ayunan din ito ni Manuel Dy,
propesor ng Pilosopiya sa Ateneo de Manila
University. Aniya, nakasalalay sa karapatang
pantao ang dignidad ng isang tao. Ang
pananaw na ito ay masasalamin din sa mensahe ni Secretary General Kofi
Annan na kaniyang ipinahayag sa ika-50 anibersaryo ng Universal Declaration
of Human Rights (UDHR). Aniya, “Human rights are your rights, Seize them,
Defend them, Promote them, Understand them and insist on them.
Nourish and enrich them. They are the best in us. Give them life". Kung
gayon, masasabi natin na ang pagkilala sa karapatang pantao ay mahalaga
hindi lamang dahil itinatadhana ito ng batas kundi ito ay kailangan upang
mabuhay ang isang tao ng may pagpapahalagasa kaniyang sarili at sa kapuwa.
Ang isang taong nabubuhay nang hindi tinatamasa ang lahat ng kaniyang
karapatan ay nabubuhay nang walang dignidad.
Tinitingnan naman ng iba ang karapatang pantao bilang isang kapang-
yarihan na dapat gamitin nang wasto ng isang mamamayan. Sinabi ni Durga
Das Basu, isang abogado at eksperto sa konstitusyon sa India, ang karapatang
pantao ay tumutukoy sa mga karapatang mayroon ang isang indibidwal na
dapat niyang gamitin upang maprotektahan ang kaniyang sarili mula sa pang-
aabuso ng estado o ng ano mang institusyon. Ang mga karapatang ito ay taglay
niya bilang tao at hindi ipinagkaloob ng estado. Ganito rin ang esensiya ng
kahulugan ng karapatan na mababasa sa Stanford Encyclopedia of Philosophy.
Pagpapalalim ng Talakayan!

Ayon dito, ang karapatan ang siyang


nagsisilbing proteksiyon ng mga mamamayan mula
sa pang-aabusong politikal, legal, at panlipunan.
Samantala, ayon naman sa United Nations, ang
karapatang pantao ay may sumusunod na
katangian:

1. Panlahat(Universal)
Ang karapatang pantao ay hindi lamang
para sa iilan. Ang mga karapatan ay tinatamasa ng
lahat ng tao ano man ang kaniyang lahi, wika,
kasarian, at katayuan sa lipunan.

2. Hindi maipagkakait (Inalienable)


Ang isang tao ay may mga karapatan dahil likas ito sa kaniya bilang isang
tao. Hindi ito maaaring alisin o tanggalin ng walang kadahilanan.

3. Di-mahahati, Nakaasa sa isa't isa, at Magkakaugnay (Indivisible,


Interrelated,and Interdependent)
Ang mga karapatang pantao ay di-mahahati,nakaasa sa isa'tisa, at
magkakaugnay dahil hindi maaaring igalang ang ilang karapatan at isantabi
ang iba. AIng paglabag sa isang karapatan ay maaaring magdulot ng
paglabag sa ibang karapatan.

4. Pantay at walang kinikilingan (Equal and non-discriminatory)


Ang karapatang pantao ay proteksiyon ng isang indibidwal at dapat niya
itong matamasa kahit na ano pa ang kaniyang lahi,nasyonalidad,
kasarian,relihiyon,at paniniwalang politikal.

5. Mahalaga at Kinakailangan
Mahalaga ang karapatang tao dahil ito ang susi upang makamit ng isang
indihidwal ang kabutihang moral, pisikal,espirituwal,at panlipunan. Maituturing
na isang panga ngailangan ang karapatang pantao dahil tinitiyak nito ang
paggalang at pagpapahalaga sa tao.

6. Nagbabago
Ang katangian,pananaw,at gamit ng karapatang pantao ay nagbabago
at sumasabay sa panahon. Ang patuloy na pakikipag-ugnayan ng mga
mamamayan sa ibang bansa ay nagdulot ng mga paghabago na nakaaapekto
rin sa mga karapatang tinatamasa ng isang mamamayan.
7. Hindi tuwiran
Bagama't sinasabi na ang karapatan ng tao ay hindi maaaring ipagkait sa
kaniya, mayroon naman itong mga limitasyon upang maging maayos ang
ugnayan ng mga tao sa isa't isa.Kung magiging tuwiran o tatanggalan ng
limitasyon ang karapatang pantao, hindi matatamo ang kabutihang panlahat
dahil bawat isa ay nais na ipilit ang kaniyang karapatan.

Ang karapatang pantao ay maaaring mauri sa dalawa. Ang mga ito ay


ang personal o indibidwal na karapatan at ang kolektibo o panggrupong
karapatan.

1. Ang karapatang personal ay karapatang tinatamasa ng isang indibidwal


na kailangan niya upang matamo ang kaniyang pagkatao at mabuhay nang
may dignidad.
Ang mga karapatang personal ay napapaloob sa karapatang sibil,
karapatang panlipunan, karapatang politikal, karapatang kultural,at
karapatang pangkabuhayan. Ang karapatang sibil ay mga karapatan ng tao
bilang isang malayang nilalang. Halimbawa nito ay ang karapatang maging
mabuhay, maging malaya, at magtamasa ng kapayapaan.Ang karapatang
panlipunan naman ay tumutukoy sa mga karapatan na dapat matamasa ng tao
sa lipunang kaniyang kinabibilangan upang maisu long niya ang kaniyang mga
kapakanan. Samantala,ang karapatang politikal ay tumutukoy sa mga gawain
na may kaugnayan sa pagbuo ng desisyon ng pamnayanan tulad ng pagboto
tuwing eleksiyon at paglahok sa mga plebisito at referendum. Ang karapatang
kultural nainan ay ang mga karapatan na nagpapahintulot sa isang indibidwal
na makilahok sa mga gawaing kultural sa kanilang pamayanan at magtamasa
ng siyentipikong pag-unlad. Ang karapatang pangkabuhayan naman ay
tumutukoy sa mga karapatang mlay kaugnayan sa paghahanapbuhay a
disente at legal na pamamaraan.

2. Ang kolektibo o panggrupong karapatan ay tumutukoy sa mgu


karapatan ng tao na magtaguyod ng pamayanan kung saan dito niya isusulong
ang panlipunan, pangkabuhayan, at pangkultural na kaunlaran sa
pamamagitan ng likas-kayang paggamit ng kalikasan.

You might also like