You are on page 1of 11

MG A I S Y U S A

KAR A P A T A NG P A N TA O
DEM O TEAC HING 4 STE PU P
MGA PAKSA AT LAYUNIN:

• 1. Maipaliwanag ang konsepto ng karapatang pantao at ang mga uri at batayan nito.
• 2. Makapagbigay ng mga halimbawa ng mga karapatang pantao batay sa mga uri nito.
• 3. Mailahad ang mga isyu at uri ng paglabag sa karapatang pantao at masabi ang mga
hakbang upang malunasan ang mga paglabag sa karapatang pantao.
ANO ANG IYONG MARARAMDAMAN SA MGA GANITONG
PAGKAKATAON?
ANO ANG KARAPATANG PANTAO?
• Ang tao ay may pangangailangan na dapat matugunan upang mabuhay siya nang may
dignidad.

• Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya
ay isilang.
URI NG KARAPATANG PANTAO
1. Indibidwal o personal na karapatan – ito ay mga karapatan na pag-aari ng isang indibidwal na
tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan.
a. Karapatang Sibil – karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa.
b. Karapatang Pulitikal – karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan.
c. Karapatang Panlipunan – karapatan mabuhay ang tao sa isang lipunan at upang isulong ang kanyang
kapakanan
d. Karapatang Pangkabuhayan – karapatang ukol sa pagsusulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.
e. Karapatang Kultural – karapatan ng tao na lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa ng
siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.

2. Panggrupo o kolektibong karapatan – ito ay mga karapatan ng tao na bumuo ng pamayanan


upang isulong ang panlipunan, pangkabuhayan at pangkultural na pag-unlad sa pamamagitan ng
paggamit ng kanilang likas na kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran.
KONSEPTO NG PAGLABAG SA KARAPATAN
Anumang karapatan na hindi natatamasa o naisusulong ng tao ay isang uri ng paglabag
sa karapatang pantao. Pangunahin sa karapatan ng tao ay ang karapatang mabuhay ng
may dignidad.
MGA ANYO NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
1. Pisikal na paglabag sa Karapatang Pantao. Pisikal na
paglabag ang turing kapag ang nasaktan ay ang pisikal na
pangangatawan ng tao.
2. Sikolohikal o emosyonal na paglabag sa Karapatang Pantao.
Ang pisikal na pananakit ay nagdudulot ng trauma sa isang tao.
Ito ang nagiging dahilan kaya nawawalan ng kapayapaan ng loob
ang isang tao at bumababa ang pagtingin niya sa kanyang sarili.
3. Istruktural. Ito ay makikita kung ang tao ay walang kabuhayan,
mababa ang kalayaan sa lipunan at wala siyang kapangyarihang
magdesisyon para sa sarili, pamilya, sa pamayanan, sa bansa at
sa daigdig.
MGA HAKBANG UPANG MABIGYAN NG PROTEKSYON
LABAN SA PAGLABAG NG KARAPATANG PANTAO

1. Pagdulog sa mga lokal na hukuman.


2. Pagdulog sa Pandaigdigang Korteng Pangkatarungan (International Court of Justice)
3. Edukasyon para sa karapatang pantao
4. Pagsasabuhay ng karapatang pantao
MGA DAPAT TANDAAN:
• Ang Karapatang Pantao ay mga karapatan na nakakamit ng tao sa oras pa lamang ng
kanyang pagsilang. Ito ay pagtatamasa ng kanyang mga pangangailangan upang siya
ay mabuhay.

• Ang Karapatang Pantao ay may dalawang (2) uri: ang indibidwal at pangkatan.
• Ang Karapatang Pang-Indibidwal ay ang karapatang sibil, pulitikal, pangkabuhayan,
pangkultural at panlipunan.

• Ang Karapatang Pangkatan ay ang karapatang pangkultura, pangkabuhayan at


panlipunan.
MGA DAPAT TANDAAN:

• Ang pagtukoy sa karapatang pantao ay isang hakbang upang ito ay maproteksyunan


laban sa paglabag.

• Ang kaalaman ng isang tao sa kanyang karapatan ay susi upang mapangalagaan hindi
lang ang sarili niyang karapatan kung hindi ang karapatan ng ibang tao upang ang
bawat isa ay makapamuhay ng matiwasay at mag dignidad.
Source/s:
https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-24-karapatang-pantao

You might also like