You are on page 1of 12

The Way of the Cross

CYM & PYM 2022


Ang Daan ng Krus ng Panginoong Hesukristo

Ang Unang Istasyon:


Ang Huling Hapunan

PROLOGUE:
___
Unang Tagpo:
Mateo 26:14-16

Si Hudas Escariote, isa sa labindalawa, ay nakipagkita sa mga punong pari:

Judas: Ano po and maibibigay ninyo sa akin kung tutulungan ko kayong madakip si Hesus?

*Sabay hinagisan si Hudas ng tatlumpung piraso ng pilak*

___
Ikalawang Tagpo:
Mateo 26:20-35

Nang gabing iyon, dumulog sa hapag si Hesus, kasama ang labindalawa.

*Habang kumakain sa hapag, sabay na nagsawsaw sa mangkok si Hesus at Hudas Escariote*

Hesus: Tinitiyak ko sa inyo, ako’y ipagkakanulo ng isa sa inyo.

Apostol: Hindi ako ‘yon, ‘di ba po Panginoon?

Hesus: Ang kasabay kong nagsawsaw sa mangkok ang siyang magkakanulo sa akin. Papanaw ang anak
ng tao ayon sa nasusulat tungkol sa kanya subalit kahabag-habag ang taong magkakanulo sa kanya!
Mabuti pa sa taong iyon ang hindi ipinanganak!

Hudas: Guro, ako po ba?

Hesus: Ikaw ang nagsabi niyan.

*Magkakatinginan saglit si Hesus at Hudas*

___
Ikatlong Tagpo:
1 Corinthians 11:23-26

Habang sila’y kumakain, dumampot si Hesus ng tinapay at kopa, at matapos magpasalamat sa Diyos
ay pinaghati-hati niya iyon, ibinigay sa kanyang mga alagad.

Hesus: Kunin ninyo ito at kanin, ito ang aking katawan na ihahandog para sa inyo.
*pinamigay ang tinapay*

Page 1 of 12
The Way of the Cross
CYM & PYM 2022
Kunin ninyo ito at inumin, ito ang kalis ng aking dugo, ng bago at walang hanggang tipan, ang aking
dugo na ibubuhos para sa inyo at para sa lahat sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Gawin ninyo
ito sa pag-alala sa akin.

Hesus: Sa gabing ito, ako’y iiwan ninyong lahat, gaya ng sinasabi ng kasulatan: “Papatayin ko ang
pastol at magkakawatak watak ang mga tupa.”

Pedro: Kahit na po kayo ay iwan ng lahat, hindi ko kayo iiwan.

Hesus: Tandaan mo, sa gabi ring ito, bago tumilaok ang manok ay tatlong beses mo akong ikakaila.

Ang Ikalawang Istasyon:


Ang Panalangin ng Panginoong Hesukristo sa Getsemani

___
Ikaapat na Tagpo:
Mateo 26:36-46

Isinama ni Hesus ang kanyang mga alagad sa isang lugar na tinawag na Getsemani, kasama sina Simon
Pedro at ang dalawang anak ni Zebedeo sina Santiago at Juan.

Hesus: Dito muna kayo’t ako’y mananalangin ako sa dako roon.

Hesus: Ako’y halos mamatay sa tindi ng aking kalungkutan. Maghintay kayo rito at samahan ninyo ako
sa pagpupuyat!

*Unang paglayo ni Hesus sa mga alagad*


Hesus: Ama ko, kung maaari po, ilayo ninyo sa akin ang kopang ito ng paghihirap. Ngunit hindi po ang
kalooban ko, kundi ang kalooban ninyo ang mangyari.

*Unang pagbabalik*
Hesus: Talaga bang hindi kayo makakapagpuyat ng kasama ko kahit isang oras lamang? Magbantay
kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu’y nakahanda ngunit ang
laman ay mahina.

*Ikalawang paglayo ni Hesus sa mga alagad*


Hesus: Ama ko, kung hindi po maaaring maialis ang kopang ito malibang inumin ko, mangyari nawa
ang inyong kalooban.

*Ikalawang pagbabalik*
Hesus: Natutulog pa ba kayo at nagpapahinga? Dumating na ang oras na ang Anak ng Tao ay
ipagkakanulo sa mga makasalanan. Bangon! Halina kayo, narito na ang magkakanulo sa akin.

Page 2 of 12
The Way of the Cross
CYM & PYM 2022
___
Ikalimang Tagpo:
Mateo 26:47-50
Mateo 26:55-56

Nagsasalita pa si Hesus nang dumating si Hudas, na kabilang sa labindalawa. May kasama siyang
maraming tao na may dalang mga tabak at pamalo; isinugo sila ng mga punong pari at mga pinuno ng
bayan. Bago pa sila dumating doon, sinabi na ng taksil sa kanyang mga kasama:

Hudas: Kung sinong hahalikan ko, siya ang dakpin ninyo.

*Nilapitan at binati agad ni Judas si Hesus saka hinalikan*

Hudas: Magandang gabi, Guro.

Hesus: Kaibigan, gawin mo na ang sadya mo.

*Nilapitan nila at dinakip si Hesus*

Hesus: Ako ba’y tulisan at naparito kayong may tabak at pamalo upang ako’y dakpin? Araw-araw,
nakaupo akong nagtuturo sa Templo, ngunit hindi ninyo ako dinadakip. Ngunit nangyari ang lahat ng
ito upang matupad ang sinulat ng mga propeta.

*Tumakas ang mga alagad at iniwan siyang mag-isa*

Ikatlong Istasyon:
Si Hesus sa Harapan ng Sanedrin
___
Ikaanim na Tagpo:
Juan 18:28-40

Maaga pa nang dalhin si Hesus sa palasyo ng gobernador mula sa bahay ni Caifas. Hindi pumasok ang
mga pinuno ng mga Hudio sa palasyo upang sila’y huwag maituring na di karapat-dapat kumain ng
hapunang pampaskwa. Kaya’y sa labas sila tinanggap ni Pilato at tinanong:

Pilato: Ano ang sakdal ninyo laban sa taong ito?

Saserdote: Kung hindi po siya gumawa ng masama, hindi naming siya dadalhin sa inyo.

Pilato: Dalhin niyo siya at hatulan ayon sa inyong kautusan.

Saserdote: Wala po kaming kapangyarihang humatol ng kamatayan kaninuman.

Pilato: Ikaw ba ang hari ng mga Hudyo?

Page 3 of 12
The Way of the Cross
CYM & PYM 2022

Hesus: Iyan ba’y galing sa iyong sariling isipan o may nagsabi sa inyo?

Pilato: Ako ba’y Hudyo? Ang mga kababayan mo at mga punong saserdote ang nagdala sa iyo rito.
Ano bang ginawa mo?

Hesus: Ang kaharian ko’y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian,
ipinakipaglaban sana ako ng aking mga tauhan at hindi naipagkanulo sa mga Hudyo. Ngunit, hindi sa
sanlibutang ito ang aking kaharian.

Pilato: Kung gayon, isa kang Hari?

Hesus: Kayo na ang nagsasabing ako’y hari. Ito ang dahilan kung bakit ako ipinanganak at naparito sa
sanlibutan, upang magsalita tungkol sa katotohanan. Nakikinig sa aking tinig ang sinumang nasa
katotohanan.

Pilato: Ano ang katotohanan?

Pilato: Wala akong makitang kasalanan sa taong ito. Ngunit ayon sa inyong kaugalian, dapat akong
magpalaya ng isang bilanggo kung araw ng Paskuwa. Ibig ba ninyong palayain ko ang Hari ng mga
Hudyo?

Taumbayan: Hindi! Hindi! Huwag siya! Kundi si Barrabas!*

Mateo 27:19-21
Claudia: Huwag kang makialam sa taong iyan na walang kasalanan, sapagkat kagabi’y pinahirapan ako
ng aking panaginip tungkol sa kanya.

Pilato: Sino sa dalawa ang ibig ninyong palayain ko?

Taumbayan: Barrabas! Si Barrabas!*

Pilato: Kung gayon, palayain si Barrabas!

*Sigawan at palakpakan ng taumbayan*


*hihina ang palakpak pag lumabas si Barrabas*
*may sasalubong na sampal kay Barrabas*

Ikaapat na Istasyon:
Ang Paghampas sa Panginoong Hesukristo at Pagpuputong ng Koronang Tinik

___
Ikapitong Tagpo:
Juan 19:1-3

Page 4 of 12
The Way of the Cross
CYM & PYM 2022

Kaya’t ipinakuha ni Pilato si Hesus at ipinahagupit. Ang mga kawal ay kumuha ng halamang tinik,
ginawa itong korona at ipinutong kay Hesus. Siya rin ay sinuotan nila ng balabal na purpura.

Si Hesus ay dinala ng mga kawal ng gobernador sa palasyo nito at nagkatipon ang buong batalyon sa
paligid niya. Siya’y hinubaran nila at sinuotan ng balabal na matingkad na pula.

*Panghahagupit ng mga kawal kay Hesus*


*Babalik sila sa tabi ni Pilato, bibihisan si Hesus at isusuot ang koronang tinik*

Kawal: Mabuhay ang Hari ng Hudyo! *sabay sampal kay Hesus*

___
Ikawalong Tagpo:
Juan 19:4-15

Pilato: Ihaharap ko siya sa inyo upang malaman ninyong wala akong makitang kasalanan niya.

Pilato: Narito ang tao.

Taumbayan: Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!

Pilato: Kunin ninyo siya! At kayo ang magpako sa kanya. Wala akong makitang kasalanan niya.

Saserdote: Ayon sa aming kautusa’y nararapat siyang mamatay, sapagkat siya’y nagpapanggap na
anak ng Diyos!

*Lumapit si Pilato kay Hesus*

Pilato: Tagasaan ka ba? Ayaw mo bang makipag-usap sa akin? Hindi mo ba alam na maaari kitang
palayain o ipapako sa krus?

Hesus: Kaya mo lamang magagawa iyan ay sapagkat ipinagkaloob sa iyo ng Diyos ang kapangyarihang
iyan, kaya mas mabigat ang kasalanan nang nagdala sa akin dito.

Saserdote: Kapag pinalaya mo ang taong iyan, hindi ka kaibigan ni Caesar! Ang sinumang
nagpapanggap na hari ay kalaban ni Caesar!

Taumbayan: Oo nga!

Pilato: Narito ang inyong hari!

Taumbayan: Patayin siya! Patayin! Ipako sa krus!

Pilato: Ipapako ko ba sa krus ang inyong hari?

Taumbayan: Oo! Patayin siya! Patayin! Ipako sa krus!

Page 5 of 12
The Way of the Cross
CYM & PYM 2022

Saserdote: Sandali lamang mga kasama! Wala kaming ibang hari kundi ang Caesar!

Taumbayan: Patayin siya! Patayin! Ipako sa krus!

Mateo 27: 24

Nang makita ni Pilato na wala siyang magagawa, at malamang pa’y magkagulo, nagpakuha siya ng
tubig at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao.

*Bumulong si Pilato sa isang kawal upang magpakuha ng tubig*


*Dumating ang kawal na may batya at tuwalyang puti*

*Naghugas ng kamay si Pilato at tumingin kay Hesus*

Narrator:
Kaya’t si Hesus ay ibinigay sa kanila ni Pilato at upang ipako sa krus.

Ikalimang Istasyon:
Tinanggap ni Hesus ang Kanyang Krus
___
Ikasiyam na Tagpo:
Juan 19:16-17

Kinuha nga nila si Hesus. At lumabas siya na pasan ang kanyang krus patungo sa lugar na kung
tawagi’y “Dako ng Bungo” o Golgota sa wikang Hebreo.

Kawal: Buhatin mo ‘yan!

*sabay tulak at hampas kay Hesus*

Ikaanim na Istasyon:
Si Hesus ay Nadapa sa Bigat ng Krus
___
Ikasampung Tagpo:
Isaias 53:3-7

Narrator:
Hinamak siya ng mga tao at itinakwil. Nagdanas siya ng hapdi at hirap.
Wala man lang pumansin sa kanya. Binaliwala natin siya, na parang walang kabuluhan.

Page 6 of 12
The Way of the Cross
CYM & PYM 2022
Tunay ngang inalis niya ang ating kahinaan, pinagaling niya ang ating mga karamdaman.
Subalit inakala nating ito’y parusa ng Diyos sa kanya.

Ngunit dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan.
Tayong ay gumaling dahil sa pahirap na dinanas niya at sa mga hampas na kanyang tinanggap.

Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya kanya tayo ng lakad.
Ngunit ipinataw sa kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.

Siya ay binugbog at pinahirapan, ngunit hindi kumibo kahit isang salita; tulad ay tupang nakatakdang
patayin, parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan, at hindi umiimik kahit kaunti man.

*Madadapa si Hesus*

Ikapitong Istasyon:
Tinulungan ni Simon si Hesus sa Pagpasan ng Krus

___
Ikalabing-Isang Tagpo:
Mateo 27:32

Paglabas ng lungsod, nakita ng mga sundalo si Simon na taga-Cirene at pilit nilang ipinapasan sa kanya
ang krus ni Hesus.

*Habang binabagtas nila ang daan ni Hesus, naghanap ang mga kawal ng tutulong kay Hesus na
magbuhat ng krus. Nakita ng mga kawal si Simon at ipinilit ang pagpasan ng krus ni Hesus. Tumutol
man ay walang nagawa si Simon.*

Kawal: Ikaw! Tulungan mo siya!

Simon Cireneo: Ayoko! Ayoko!

*Sabay tulak ng mga kawal kay Simon papunta kay Hesus*

Ikawalong Istasyon:
Nasalubong ni Hesus ang Kababaihan ng Jerusalem

___
Ikalabing-Dalawang Tagpo:
Lukas 23:27-31

Page 7 of 12
The Way of the Cross
CYM & PYM 2022
Sinusundan si Hesus ng maraming tao, kabilang ang ilang babaeng nag-iiyakan at tumatangis dahil sa
kanya.

*Lalapit ang mga babae kay Hesus*


Hesus: Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong tangisan. Ang tangisan ninyo’y ang inyong
mga sarili at ang inyong mga anak. Tandaan ninyo, darating ang araw na sasabihin nila “mapalad ang
mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalang-tao, at mga dibdib na hindi nagpasuso.” Sa mga
araw na iyo’y sasabihin ng mga tao sa bundok “gumuho kayo sa’min!” at sa mga burol, “tabunan
ninyo kami!” Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang mangyayari
sa kahoy na tuyo?

Ikasiyam na Istasyon:
Si Hesus ay Ipinako sa Krus

___
Ikalabing-Tatlong Tagpo:
Lukas 23:33-37

Narrator:
Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo, ipinako nila si Hesus sa krus at saka
pinaghati-hatian ang kanyang damit sa pamamagitan ng palabunutan. Ika-siyam ng umaga ng ipako
siya sa krus. Isinulat sa itaas ng krus ang paratang sa kanya “Ang Hari ng mga Hudyo.” May dalawang
tulisang kasamang ipinako sa krus, isa sa kanan at isa sa kaliwa.

*Ipapako si Hesus sa krus*

Kawal: Huwag na nating punitin ito, magsapalaran na lamang tayo para malaman kung kanino ito
mauuwi.

Hesus: Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.

Tao: iniligtas niya ang iba, iligtas naman niya ngayon ang kanyang sarili, kung siya nga Mesiyas, ang
hinirang ng Diyos!

*Lalapit at aalukin ng alak*

Kawal: Kung ikaw nga ang Hari ng mga Hudyo, iligtas mo ang iyong sarili.

Ikasampung Istasyon:
Ang Nagtitikang Magnanakaw

___

Page 8 of 12
The Way of the Cross
CYM & PYM 2022
Ikalabing-Apat na Tagpo:
Lukas 23:38-43

Salarin1: Hindi ba ikaw ng Mesiyas? Iligtas mo ang iyong sarili, pati na rin kami!

Salarin2: Hindi ka ba natatakot sa Diyos? Ikaw ma’y pinarurusahang tulad niya! Matuwid lamang na
tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang
masama.

Salarin2: Hesus, alalahanin moa ko kapag naghahari ka na.

Hesus: Sinasabi ko sa iyo, ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.

Ikalabing-Isang Istasyon:
Ang Mahal na Birheng Maria at ang Mahal na Alagad sa Paanan ng Krus

___
Ikalabing-Limang Tagpo:
Juan 19:26-27

Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang Ina at ang kapatid na babae, si Maria na asawa ni
Cleofas, si Maria Magdalena at ang minamahal niyang alagad.

Hesus: Ginang, narito ang iyong anak! Narito ang iyong ina.

Maria: Laman sa aking laman, puso sa aking puso, anak ko, gusto kong mamatay kasama mo.

Ikalabing-Dalawang Istasyon:
Si Hesus ay Namatay sa Krus

___
Ikalabing-Anim na Tagpo:
Mateo 27:46-49
Juan 19:28
Juan 19:30
Lukas 23:44-46

Hesus: Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan?

Tao1: Tinatawag niya si Elias!

Tao2: Hintay muna, tingnan natin kung darating si Elias upang iligtas siya!

Page 9 of 12
The Way of the Cross
CYM & PYM 2022

Hesus: Nauuhaw ako!

Kawal: Nauuhaw daw siya, painumin mo nga ng maasim na alak.

Hesus: Naganap na!

Nang magtatanghaling tapat na hanggang sa ikatlo ng hapon ay nagdilim sa buong lupain. Nawalan ng
liwanag ang araw at ang tabing ng Templo’y napunit sa gitna.

Hesus: Ama, sa mga kamay mo’y ipinagtatagubilin ko ang aking Espiritu.

Kapitan ng mga Kawal: Tunay na siya’y anak ng Diyos!

Ikalabing-Tatlong Istasyon:
Si Hesus ay Inilibing

___
Ikalabing-Pitong Tagpo:
Juan 19:38-42

Narrator:
Pagakatapos nito, si Jose na taga-Arimatea ay nagsadya kay Pilato upang humingi ng pahintulot na
makuha ang bangkay ni Hesus. Dati ay inilihim ni Jose na siya’y isang alagad ni Hesus dahil sa takot
niya sa mga pinuno ng mga Hudyo.

Pinahintulutan naman siya ni Pilato, kaya’t kinuha niya ang bangkay ni Hesus. Kasama rin niya si
Nicodemo na noong una ay sa gabi nagsasadya kay Hesus. May dala itong pabango, mga tatlumpong
kilong pinaghalong mira at aloe. Kinuha nila ang bangkay ni Hesus at nilagyan ng pabango at binalot sa
telang lino, ayon sa kaugalian ng mga Hudyo.

Malapit sa pinagpakuan kay Hesus ay may isang halamanan, at dito’y may isang bagong libingang
hindi pa napaglilibingan. Dahil noon ay bisperas ng Araw ng Pamamahinga, at dahil malapit ang
libingang ito, doon nila inilibing si Hesus.

Ikalabing-Apat na Istasyon:
Si Hesus ay Muling Nabuhay

___
Ikalabing-Walong Tagpo:
Juan 20:10

Page 10 of 12
The Way of the Cross
CYM & PYM 2022

Narrator:
Madilim dilim pa nang unang araw ng sanglinggo, pumunta si Maria Magdalena sa libingan. Naratnan
niyang naalis na ang batong nakatakip sa libingan. Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon
Pedro at sa alagad na mahal ni Hesus.

Maria Magdalena: Kinuha nila ang Panginoon, mula sa libingan, at hindi naming alam kung saan siya
inilagay!

Narrator:
Sina Pedro at ang nagsabing alagad ay nagpunta sa libingan. Kapwa sila tumatakbo ngunit si Pedro’y
naunahan noon isa. Yumuko at sumilip sa loob sa libingan ngunit hindi pumasok. Nakita niyang
nakalagay doon ang mga telang lino, at ang panyong ibinalot kay Hesus. Ang panyo ay hindi kasama
ng mga telang lino, kundi hiwalay na nakatiklop sa isang tabi.

Pumasok din ang alagad na naunang dumating at nakita niya ito, at siya’y naniwala. Hindi pa nila
nauunawaan noon na si Hesus ay kailangang mabuhay muli ayon sa kasulatan. At umuwi na ang mga
kawal sa kanilang mga tahanan.

EPILOGUE:
___
Huling Tagpo:
Juan 20:11-21

Narrator:
Si Maria ay nakatayong umiiyak sa labas ng libingan. Habang umiiyak ay yumuko siya at sumilip sa
loob. May nakita siyang dalawang anghel na nakadamit na puti at nakaupo sa pinaglagyan ng bangkay
ni Hesus, ang isa’y sa gawing ulunan at isa nama’y sa paanan.

*Dali daling pumunta si Maria Magdalena sa mga alagad at nagbalita*

Maria Magdalena: Nakita ko na ang Panginoon!

Narrator:
Sa isang tahanan kung saan naroroon ang mga alagad, nakasara ang pintuan dahil sa takot nila sa mga
Hudyo, nang dumating si Hesus, tumayo siya sa kalagitnaan.

Hesus: Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.

Page 11 of 12
The Way of the Cross
CYM & PYM 2022

*WAKAS*

Glory be to the Father, and to the Son, and to the Holy Spirit.
As it was in the beginning is now and ever shall be world without end.
AMEN!

Ina ng Laging Saklolo Chapel


Our Lady of Perpetual Help Parish
CYM & PYM 2022

“In all I do, I honor You.”


“In Your love, Your will be done.”

“Let all you do, be done in love.”


1 Corinthians 16:14

Page 12 of 12

You might also like