You are on page 1of 20

Kasaysayan ng Karapatang

Pantao sa Daigdig
(mula 539 BC hanggang sa
kasalukuyang panahon)
Ano nga ba ang Karapatang Pantao (Human Rights)
— ito ay tumutukoy sa payak na mga karapatan at
mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng
mga tao.

— kabilang sa halimbawa ang mga karapatan at


mga kalayaan, ay ang mga karapatang sibil at
pampulitika, tulad ng karapatang mamuhay, kalayaan
sa pagsasalita, at ang pagkakapantay-pantay
sa harap ng batas, karapatan sa pagkain, karapatang
makilahok sa kalinangan, karapatang makapaghanap-
buhay, at karapatan sa edukasyon.
Paano ba ito nagsimula?

Noong unang panahon, wala


pang human rights o karapatang
pantao ang nabuo. Kapag ikaw
mayaman, may kapangyarihan at
kagalang-galang ay ligtas ka.
Pero kung hindi, hindi ka talaga
ligtas.
Kodigo ni Hammurabi noong 1754
B.C.
— isang batas kodigo na nilikha noong 1754 B.C.
sa sinaunang Babilonya ng ikaanim na hari ng
Babilonyang si Hammurabi.

— iisa lamang ang halimbawa ng Kodigo, ang


nanatili at nasagip sa kasalukuyan, na nakaukit sa
pitong talampakan, apat na pulgada ang habang
basalto na nasa wikang Akkadian na nasa panitik na
kuneiporma.
Ilan sa mga batas ni
Hammurabi:
1. Kung ang sinuman ay nagdala ng isang
akusasyon ng krimen sa harap ng mga
nakatatanda at hindi niya ito napatunayan, siya ay
patayin.
2. Kung ang sinuman ay nagnakaw ng pag-aari ng
isang templo o korte, siya ay papatayin. Ang
tumanggap ng ninakaw na bagay mula sa kanya
ay papatayin din.
3. Kung ang sinuman ay nagsasagawa ng marahas
na pagnanakaw at nahuli, siya ay papatayin.
4. Kung sinaktan ng anak na lalake ang kanyang
ama, ang kanyang kamay ay puputulin.
Karapatang Pantao noong 539
B.C. (Cyrus Cylinder)

— noong 539 B.C., sinakop ni Cyrus, ang unang


hari ng Persia, at ng kanyang sundalo ang Babylonia.

— ngunit, imbes na sirain at alilain ang mga tao sa


Babylonia ay sinabi na lahat ng alipin ay pwede nang
umalis at maging malaya at sinabi rin na ang lahat ng
tao ay malayang makakapli ng kanilang relihiyon kahit
na anong pangkat pa sila.
Karapatang Pantao noong 539
B.C. (Cyrus Cylinder)

Sinabi rin ni Cyrus na dapat magkaroon ng


pagkakapantay pantay ang iba’t-ibang lahi na nakatira
sa lungsod na iyon. Ang mga pahayg na ito na
nakasulat sa wika ng Akkadian sa anyo ng cuneiform.
Inukit ang mga ito sa isang silindro na gawa sa luwad.

Itong makasaysayang silindro ay kinikilala nilang


isa sa nagpasimula ng mga batas na kumikilala sa
karapatang pantao.
Karapatang Pantao noong 539
B.C. (Cyrus Cylinder)

Mabilis na kumalat ang


ideyang iyon papuntang Greece,
India, at sa Roma. Napansin nila
na sinunod ng mga tao ang mga
batas kahit di nila sinabing sundan
ito. Kaya tinawag nila itong natural
law.
Karapatang Pantao noong 1215
(Magna Carta)

— ang Magna Carta ay isang kasulatan


o dokumentong pinagpilitang sang-
ayunan ni Haring Juan (King John) ng
Inglatera.

— napapaloob ito na walang sinman


ang maaaring magpawalang bisa sa
karapatan ng tao, kahit ang hari.
Karapatang Pantao noong 1628
(Petition of Right)

— ang sumunod na nakuha sa pag-unlad at


pagbuo ng karapatang pantao ay ang Petition of Right
na ginawa ng English Parliament at ibinigay kay
Charles I bilang pahayag sa kalayaang sibil.

— ay petisyon hinggil sa paglaban sa mga hindi


pagpapatupad at sa paglabag ng batas.
Karapatang Pantao noong 1628
(Petition of Right)
Ito ang nilalaman ng petisyon:

1. Walang buwis na ipapatupad na hindi alam o hindi


naaprubahan ng Parliamento.
2. Ang pagbabawal sa pagkulong ng walang dahilan.
3. Ang pagtutol sa pagpapadala sa mga sundalo sa
mga tahanan na walang pahintulot.
4. Ang pagbabawal sa Martial Law sa panahong
payapa.
Karapatang Pantao noong 1776
(U.S Declaration of Independence)

— isinulat ni Thomas Jefferson


ang Declaration bilang isang
pormal na paliwanag kung bakit
ang kongreso ay bumoto para
magdeklara ng kalayaan at
kasarinlan mula sa Great Britain.
Karapatang Pantao noong 1776
(U.S Declaration of Independence)

Dalawang uri ng Declaration;

1. Individual Rights

2. Karapatan ng Rebolusyon
Karapatang Pantao noong 1776
(U.S Declaration of Independence)

Individual Rights
- ang kalayaan na kumilos,
magtrabaho, mag-isip, at kumilos nang
walang retribution na ipinangkaloob sa
mga miyembro ng isang organisasyon sa
pamamagitan ng legas, regulasyon at
pamantayan ng societal standards.
Karapatang Pantao noong 1776
(United States Declaration of
Independence)
Karapatan ng Rebolusyon
-sa pilosopiyang pampulitika, ito ay
ang karapatan tungkulin ng mamamayan
ng isang bansa upang ibagsak ang
gobyerno na kumikilos laban sa kanilang
interes o nagbabanta sa kaligtasan ng
mga tao nang walang kadahilanan.
Karapatang Pantao noong 1791
(U.S Bill of Rights)

— pinoprotektahan ng Bill of Rights ang kalayaan


sa pananalita, kalayaan sa relihiyon, at kalayaan sa
pagpupulong at petisyon.

— isang deklarasyon at paglilista ng mga


karapatan at pribilehiyo ng isang tao na itinatag ng
konstitusyon upang maprotektahan laban sa paglabag
ng gobyerno, o ng mga indibidwal o grupo ng mga
indibidwal.
Karapatang Pantao noong 1789
(Declaration of the Rights Man and of the
Citizens)
— isang pangunahing dokumento ng French
Revolution at sa kasaysayan ng karapatang
pantao.

— prinoprotektahan ng declaration na lahat


ng mamamayan ay kinatitiyakan ng karapatan
ng kalayaan, ari-arian, seguridad at
proteksyon, at paglaban sa mga nang-aapi.
Karapatang Pantao noong 1864
(The First Geneva Convention)

— noong 1864, 16 na bansa sa Europa at


maraming estado sa America ay dumalo sa isang
pagpupulong sa Geneva. Ginanap ito para sa
paggamot ng mga nasugatang sundalo noong
labanan.

— inilaan para sa obligasyon na magpaabot ng


pakialam nang walang diskriminasyon sa mga
nasugatan at may sakit na tauhan ng militar.
Karapatang Pantao noong 1945
(The United Nations)

— noong Abril 1945, ang mga delegates mula sa


50 na bansa ay nagpulong sa San Francisco na puno
ng pag-asa.

— ang layunin ng UN Conference ay mag-ayos ng


internasyunal na kinatawan para mapigilan ang
digmaan at maitaguyod ang kapayapaan.
Karapatang Pantao sa Kasalukuyang
Panahon
(UDHR)
— noong December 10, 1948, nabuo ang
Universal
Declaration of Human Rights (UDHR) ng maluklok
bilang
tagapangulo ng Human Rights Commission ng United
States si Eleonor Roosevelt.

— tinutukoy na “Magna Carta of all Mankind”

— sinasabi sa artikulo 1 na “All human beings are


born free and equal in dignity and rights.”

You might also like