TERRITORIAL DISPUTE AT INTERNATIONAL LAW TERRITORIAL DISPUTE
Isyung mahalaga sa pandaigdigang lipunan
(international society) dahil ang usaping ito ay nakaugnay sa soberanya o kapangyarihan ng nation-state at mahalaga rin sa pagkakaroon ng kapayapaan sa pagitan ng mga bansa. INTERNATIONAL LAW Nation-state – ay persona at dahil dito ay dapat na may nakatakdang teritoryo batay na rin sa Montevideo Covention noong 1933. Sinasabi sa Artikulo 1 ng Montevideo Convention on Rights and Duty of States na ang persona ay dapat magtaglay ng sumusunod na mga kuwalipikasyon: A. permanenteng populasyon B. tiyak na teritoryo C. gobyerno D. kapasidad na makipag-ugnayansa ibang mga nation-state Mahalaga sa international law and relations ang pagmamay-ari ng isang teritoryo sapagkat ito ang nagtatadhana ng kung ano ang nasasaklaw ng isang nation-state. Ang paglagpas sa teritoryo ng isang bansa ay pagtapak kung gayon sa karapatan nito bilang persona sa international law. Dahil dito, ang ilang mga territorial dispute sa pagitan ng Costa Rica at Nicaragua ay idinulog sa UN International Court of Justice (UN ICJ) noong 2005. 2014 ang Pilipinas ay naghain ng mga diplomatic protest sa ICJ dahil sa pagtatatag ng China ng establisimiyento at pagkontrol sa pook-pangiisdaan na saklaw ng Spratly Islands na nasasakop ng West Philippine Sea (tinatawag na South China Sea ng iba) Hulyo 12, 2016 inilabas ng International Tribunal sa The Hague ang pasiya nito na pabor sa Pilipinas. Idiniin pa nito na walang legal na basehan ang China upang angkinin ang mga lugar sa South China Sea na nakapaloob sa idineklara nitong nine- dash line. Ang karapatan na iginigiit ng China sa mga kayamanan sa tubig ng South China Sea ay walang bisa dahil incompatible ang mga ito sa exclusive economic zone na itinakda ng UNCLOS. Ito ang isa sa mga kongklusyon ng unanimous award na inisyu ng Permanent Court of Arbitration na nakapaloob sa ilalim ng Annex VII ng UNCLOS sa arbitration case na idinulog ng Pilipinas laban sa China The Hague The Hague is a city on the North Sea coast of the western Netherlands. Its Gothic-style Binnenhof (or Inner Court) complex is the seat of the Dutch parliament, and 16th-century Noordeinde Palace is the king’s workplace. The city is also home to the U.N.’s International Court of Justice, headquartered in the Peace Palace, and the International Criminal Court. Nakasaad din sa desisyon na napatunayan ng Tribunal na nanghimasok ang China sa petroleum exploration ng Pilipinas sa Reed Bank, tinangkang pigilin ang mga mangingisdang Pilipino na pigilan ang mga mangingisdang Chinese sa pangingisda sa loob ng EEZ ng Pilipinas sa Mischief Reef (Panganiban Reef) at Second Thomas Shoal (Ayungin Shoal) MGA EPEKTO NG TERRITORIAL DISPUTE AT BORDER CONFLICT 1. PANLIPUNAN
Angmga suliraning teritoryal at hangganan ay nagiging
sanhi rin upang lumipat ng ibang bansa ang mga mamamayan lalo na kung ang hidwaan ay nagbunga na ng armadong salungatan (armed conflict). Apektado kung gayon ang buhay at pamumuhay ng mga tao sa lipunan- ang pag-aara ng kabataan at ang kalakalan o ekonomiya sa rehiyon. 2. PANG-EKONOMIYA
Kapagmay mga territorial dispute at border conflict, ang
ekonomiya o kalakalan sa mga rehiyong sangkot ay apektado. Ang mga negosyante at mamumuhunan (investor) ay atubili ring magtayo ngmga negosyo sa mga apektadong lugar dahil malinaw kung kanino sila marapat na kumuha ng business permit at kung saang gobyerno sila dapat na magbayad ng buwis. 3. PAMPOLITIKA Nakaugnay rin sa politika ang implikasyon ng territorial dispute at border conflict, lalo na at ang mga magkakatunggaling bansa ay nag-aagawan ng impluwensiya at kapangyarihan sa pinagtatalunang teritoryo. Minsan ay ginagamit pa ang ideolohiyang pampolitikka ng mga lider ng bansa upang paigtingin ang tensiyon na lumikha at nagpapalaki ng gulo na nagbubunga ng full- scale o all-out war, gaya ng sa kaso ng Arab-Israeli conflict. 3. PAMPOLITIKA Ang suliraning teritoryal at hangganan ay salik din sa rebisyon ng political agenda ng mga magkakatunggaling bansa. Nabuo rin ang mga alyansa ng nation-states na may magkakaparehong interes at ideolohiyang pampolitika gaya ng Allied Powers at Axis Powers noong World War II, at ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) at Communist Bloc pagkatapos ng World War II. 4. PANGKAPAYAPAAN Ang territorial dispute at border conflict ay nagbubunga ng sigalot sa magkakaibang lahi kagaya ng ibinungangg dignaang sibil sa pagitan ng Tutsi at Hutu tribe sa Rwanda noong 1994. Sinasabing hindi makakamit ang tunay na kapayapaan ggangga’t hindi nareresolba o nabibigyan ng pinal na solusyon ang mga territorial dispute at border conflict. Kung sa kasalukuyan man ay may tiigil-putukan o ceasefire, maaari pa ring mapanauli ang kaguluhan kapag mayroon pa ring territorial dispute at border conflict kagaya ng nangyari sa North at South Korea, sa Israel at Palestine, at sa Ukraine at Russia. Sa kasalukuyan may mahigit 150 territorial disputes sa buong mundo. MGA TERRITORIAL DISPUTE AT INTERNATIONAL LAW AT
MGA EPEKTO NG TERRITORIAL DISPUTE AT BORDER CONFLICT GAWAIN:
Sagutan ang nasa pahina 177 letter B
only. Picturan ang sagot at isend thru pm. Ipasa ng sagot hanggang 2 pm. TAKDANG ARALIN:
1. Sagutan ang nasa mga pahina 176-178 Picturan
ang sagot at isend thru pm. Ipasa ang sagot sa linggo 5pm. 2.Basahin ang nasa 172-174, para maging handa susunod na talakayan. MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!