You are on page 1of 80

BUHAY AT MGA SINULAT NI RIZAL

Week 1: Introduksiyon sa nilalaman ng kurso

Ang kursong ito ay nagbibigay pokus upang mapahalagahan ang mga pananaw at
pagpapahalagang napapaloob sa naging buhay, mga ginawa at sinulat ng ating bayaning Dr.
Jose P. Rizal. Ang unang bahagi ay tumatalakay sa mga mahahalagang tala sa buhay ng
bayani, kasama na rito ang kanyang pinagmulang lahi, ang kanyang kabataan, mga pag-aaral,
paglalakbay, mga pag-ibig gayundin ang kanyang mga huling araw, ang paglilitis at pagkamatay
sa Bagumbayan na ngayon ay Luneta. Ang ikalawang bahagi ay tumatalakay sa mga tula,
sanaysay at iba pang akdang kinapapalooban ng kanyang paniniwala, pananaw at
pagpapahalagang luminang sa kamalayang Pilipino.

Resulta ng Pag-aaral (Learning Outcome)

Ang mga mag-aaral ay dapat na:

1. Ipakita ang sigasig at pagpapahalaga sa kurso.


2. Iparating ang mga inaasahan sa kurso.
3. Sumang-ayon sa mga kinakailangan sa kurso tulad ng itinakda ng tagapagturo.

Week 2: Wika at pamamaraang talakayan

Sa linggong ito, tatalakayin natin ang Sa pagtatapos ng sesyon/talakayan ay


pangkalahatang ideya ng kursong Rizal. inaasahan na:

1. Kasaysayan ng batas Rizal. 1. Maipaliwanag ang kasaysayan ng batas


2. Mahalagang probisyon ng batas Rizal. Rizal.
3. Mga taong kilala sa daigdig noong 1898 na 2. Maipaliwanag ang konsepto ng probisyon
kumilala sa kadakilaan ni Rizal. ng batas Rizal.
4. Mga Mambabatas ng Panukalang Batas 3. Maipakilala ang mga kilalang iskolar sa
5. Bagong bersyon ng orihinal na daigdig.
panukalang-batas. 4. Maibalangkas ang makasaysayang bersyon
ng orihinal na panukalang batas.

Kasaysayan ng Batas Rizal

Ang Batas ng Repulika Blg. 1425 na nakilala sa tawag na Batas Rizal ay pinagtibay noong
Hunyo 12, 1956. Ito ay inihanda ni Jose P. Laurel Sr. Ang batas na nabanggit ay ipinatupad ng
Pambansang Kapulungan ng Edukasyon noong Agosto 16, 1956, ayon sa pagkakalathala sa
“Official Gazette”. Ang batas ay nagtatadhana ng pagsama sa kurikulum ng lahat ng paaralang
pambayan at pansarili ng kursong nauukol sa buhay, mga ginawa at mga sinulat ni Jose Rizal
lalo na ang kanyang mga nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ; pagpapahintulot
sa pagpapalimbag at pamamahagi ng nabanggit at iba pang layunin. Ang batas ay
naghahangad na maitalagang muli ng mga Pilipino ang kanilang sarili sa mga simulain ng
kalayaan at nasyonalismo sa siyang naging dahilan ng kamatayan ng ating bayani.Upang
parangalan an gating mga bayani, lalung-lalo na ang ating pambansang bayaning si Jose Rizal
na magpapaalaala sa atin ng kanilang katangi-tanging pagmimithi at pagpapakasakit upang ang
kanilang buhay at mga likha ay bumuo ng pambansang katauhan; sapakat ang mga nobelang

1
ito ay pumukaw siglang pinagbubuhatan ng pag-ibig sa bayang kailangang maitanim sa murang
kaisipan ng mga kabataan.

Probisyon ng Batas Rizal

Ang orihinal na panukalang batas ay may probisyon para sa parusang ipapataw sa mga
paaralang hindi ipasusunos ang batas at sa mga pinuno ng paaralan at mga guro na tatanggi
na isakatuparan ang hinihingi ng batas.Sa sinusugang panukalang batas, ang probisyong ito ay
inalis at sa halip ang inilagay ay ang probisyon para sa salaping ilalaan sa pagpapalimbag ng
mga sipi ng mga sinulat ni Dr. Jose Rizal. Inilagay din sa binagong bersyon na walang bahagi
ng batas na ito ang mag-aamenda o magbabago sa seksiyon 927 ng Revise Administrative
Code na nagbabawal sa mga guro ng mga paaralang pampubliko na tumalakay sa mga
doktrinang may kinalaman sa relihiyon. Ang mga ginawang pagbabago o susog sa orihinal na
panukalang batas ay nakasiya sa mga dating tumututol dito at naging daan upang ang
sinusugang batas ay pagtibayin ng mga miyembro ng Senado.

Mga taong kilala sa daigdig noong 1898 na kumilala sa kadakilaan ni Rizal

1. Dr. Ferdinand Blumentritt – Ayon sa kanya si Rizal ay siyang pangunahing Pambansang


Bayani ng Pilipinas sapagkat ang kanyang kadakilaan ay walang kapantay.

2. Napoleon M. Kheil – kinakatawan ni Rizal ang isang makapangyarihang talinong asyano at


taglay niya ang isang malalim na pag-ibig sa kanyang mga kalahi.

3. Friedrich Ratzel– si Rizal ang pinakamabuting kinatawan ng “Unibersitas Literatum”. Isang


katotohanan na si Rizal ang isa na tagapagpaliwanag ng ika-19 na siglo hindi lamang sa
Alemanya kundi sa buong mundo.

4. Cornelius Christianberg – si Rizal ay isang pambansang bayani na nagtataglay ng


kaisipang siyentipiko, matapat na pagmamahal sa bayan at kamalayan.

5. Leon Ma Guerrero – tinawag niyang Pilipinong mananalambuhay si Rizal. Ayon sa kanya,


hindi isang dalisay na tao si Rizal, hindi rin siya laging tama subalit ang kaniyang pagkatao ang
siyang tunay sa lihim ng kadakilaan.

6. Rafael Palma – ang kahanga-hanga kay Rizal ay ang kanyang ganap na pagkakait sa sarili.

7. Prop. Esteban de Ocampo – wala pang ibang Pilipinong ipinananganak na makapapantay o


makahihigit kay Rizal.

8. Dr. Onofre Corpuz – ang pagmamahal ni Rizal sa bansa ay napakataas sapagkat ang
pagmamahal niya ay nakasalalay sa katuwiran.

9. Pastor Gottab Weber – tunay na isa siyang pandaigdig na henyo.

10. Eberhard Kunz – humanga kay Rizal bilang pandaigdig na humanista, siyentipiko at
pambansang bayani ng Pilipinas.

Ang mga Mambabatas

1. Claro M. Recto – inihain ang P. Batas 438

2. Senador Jose P. Laurel – matinding naglahad ng pangangailangan sa P. Batas; naniniwala


sa kadakilaan ni Rizal hindi lamang dahil ang bayani ay nagtataglay ng kanais-nais na ugali at

2
asal, tapang na maninindigan sa kanyang paniniwala. Lalong-lalo na kung babasahin ng mga
mag-aaral ang kanyang mga sinulat.

3. Kinatawan Jacobo Gonzales ng Laguna –

a. Sapilitang pagtuturo ng 2 nobela ni Rizal


b. Sapagkat si Rizal ay pinakadakilang bayani ng ating lahi.
c. Apostol ng nasyonalismong Pilipino
d. Ang mga nobela ay salamin ng buhay n gating bansa, ngayon at panahon ni Rizal.
e. Sapilitang pagpapabasa sapagkat sa mga bawat pahina ng nobela makikita ang ating
mga sarili tulad ng ating kamalian, ating lakas, ang ating mga kahinaan at ating mga
katangian.

4. Senador Francisco Rodrigo ng Bulacan –

a. Tumutol sa P. Batas ma inihain ni J. Gonzales


b. Ganun din ang simbahang katoliko
c. Maaring humantong sa hindi pagkakaunawaan ng pamahalaan at simbahan
d. At hindi magandang paraan ang paggamit ng pamimilit sa pag-aaral kay Rizal.

5. Senador Decoroso Rosales ng Samar –

a. Nagpapahayag ng matinding pagtutol sa P. Batas ni J. Gonzales


b. Ikinatuwiran ni D. Rosales na maaaring maging daan sa pagsasara ng mga paaralang
Katoliko ang pagpapatibay ng Batas.

6. Kinatawan Abra Jesus Paredes

a. Nagpahayag ng pagtutol sa pagsasabing ang batas ay lalabag sa Seksyon 9227 ng


Binagong Kodigo Administratibo ng nagbabawal sa mga guro ng paaralang pampublika
na tumatalakay sa mga Doktrinang panrelihiyon.

7. Kinatawan Titong Roces ng Maynila –

a. Nagpahayag ng isang matinding damdamin sa paggamit ng kompulsyon


b. Gumamit ng kompulsyon upang matupad ang ating mithiin
c. Sa loob ng mahabang panahon ipinilit sa atin ng mananakop na Kastila ang salita at
kulturang Kastila.
d. Nang dumating ang mga Amerikano pinilit tayo ng mag-aral at magsalita ng kanilang
wika.
e. Hindi ang mga Pilipino sa 2 grupo ang mga nakapag-aral at ang mga mangmang.
f. Biktima ng Kompulsyon
 Nag-aral siya sa pinakamagandang paaralan sa Pilipinas, pinilit mag-aral ng Wikang
Ingles, sa paaralang ito ang pagsasalita ng Ingles ay may kaparusahan. Dahil dito
nalimutan niya ang sariling wika pagkaraan ng 15 taon ng pag-aaral. Subalit nang
magsalita sa harapan ng kanyang mga kababayan ay may hadlang. Hindi siya
makapagsalit sa sariling wika upang siya ay maunawaan. Magsasalita siya sa Ingles
samantalang ang nauunawan ay Tagalog. Kaya para sa kanya marapat lamang na tayo
ay gumamit din ng kompulsyon para naman sa ating bayan.
 Samantala ang pangamba ni Sen. Rosales ay sinagot ni:
Claro M. Recto – sapagkat ang paaralang Katoliko ang pinagkukunan ng yaman at
kapangyarihan ng simbahan, utusan lang ng simbahan at pamahalaan.
 Ang magkabilang panig ay nagbigay ng depensang tunay na masusing pinag-aralan.

3
 Sa mga naging pagtatalo, wala ni isa man ang nagpahayag ng hindi pagkilala sa
kadakilaan ni Rizal walang lumapastangan sa kanyang alaala.
 Sapagkat ang mahigpit na tinutulan ay ang paggamit ng kompulsyon kaya’t sila ay
gumawa ng makapagpapatibay ng isang batas na may mithiing makabayan. Sa orihinal
na P. Batas ay inalis ang salitang Kompulsyon.

8. Kinatawan Arturo Tolentino

Ang panawagan niya o pakiusap

a. Ibigay natin ang nararapat ayon sa ating kaalaman upang tayo ay magkasundo hindi para
sa ating sarili kundi para sa kapakanan ng ating mga mamamayan na dapat manatiling
nagkakaisa.

 Walang tunay na Nasyonalismo kung ang mga mamamayan natin ay watak-watak


sapagkat ang Nasyonalismo ang higit na uusbong sa puso ng mga taong nagkakaisa.

Dahilan ng pagpapatibay at nagkaroon ng Batas Rizal

 Kakulangan ng pagkamakabansa ng mga Pilipino.


 Ang kakulangan ng nasyonalismo ng maraming Pilipino ang nagtulak sa mga
mambabatas na magpanukala ng batas.
 Sapagkat ang kaisipan at damdamin ng mga Pilipino ay nakagapos pa rin sa
impluwensya ng mga Kanluraning bansang sumakop sa Pilipinas.
o 1. Espanya 333 taon 2. Amerika sa loob ng 48 taon

Bagong bersyon ng orihinal na Panukalang-Batas

Sapagkat ang mahigpit na tinututulan ay ang paggamit ng kompulsyon, nararapat lamang na


gumawa ng paraan upang ang bagay na tinutulan ay mabago at magkaroon ng pagkakasundo
upang makapagpatibay ng isang batas na may mithiing makabayan. Ang pagkakasundo ay
unang naganap sa Senado kung saan nagkaroon ng pagbabago sa orihinal na panukalang-
batas. Sa bagong bersyon ng orihinal na panukalang-batas ay inalis ang salitang kompulsyon at
mula sa orihinal na titulo, ang sinusugang batas ay binigyan ng titulong Isang Batas na
Nagsasama sa Kurikula ng Lahat ng mga Paaralan, Kolehiyo, Pamantasan, Pampubliko
at Pribado ng Kursong Buhay, mga Ginawa at Mga Sinulat ni Dr. Jose Rizal. Higit sa lahat
ang Kaniyang mga Nobelang Noli MeTangere at El Filibusterismo, Nagpapahintulot ng
Pagpapalimbag at Pamimigay ng mga Sipi nito at Para sa Iba Pang Layunin.

Week 2: Gawaing Pangklase 1

Panuto: Gumawa o maglahad ng isang pangyayari kung bakit ang mga mambabatas ay
nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Mangyaring banggitin ang mga taong naging bahagi ng
inamendahang panukalang batas na ngayon ay nakilala sa tawag na Batas Rizal

Pangalan: _______________________________ Kurso: ___________________

Petsa/Natapos: __________________ Grade: _______

4
Week 2: Pagtatasa (Assessment)

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunos na tanong.

Unang bahagi: Uring Papili (Multiple Choice)

1. Pinagtibay ang Batas Rizal


a. Hunyo 15, 1956 c. Hunyo 19, 1956
b. Hulyo 12, 1956 d. Hunyo 12, 1956
2. Nagpanukala o naghanda ng Panukalang-batas
a. Jose p. Laurel Sr. c. Claro M. Recto
b. Emilio Jacinto d. Arturo Tolentino

3. Kailan ipinatupad ang Batas Rizal?

a. Hunyo 12, 1956 c. Agosot 16, 1956


b. Agosto 19, 1956 d. Hunyo 19, 1956

4. Ang lumagda sa Batas Rizal

a. Ramon P. Magsaysay c. Cayetano Arellano


b. Rafael Palma d. Claro M. Recto

5. Saan nalathala ang nasabing batas?

a. La Independencia c. Official Gazette


b. La Solidaridad d. El Heraldo De La Revolucion

Ikalawang bahagi:

Panuto: Sagutin ang mga sumusnod na tanong

Mga tanong:

1. Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas, ano ang dapat maging layunin ng lahat ng
paaralan? Ipaliwanag.
2. Ano ang kahalagahan ng pagtuturo ng buhay,ginawa at sinulat ni Dr. Jose Rizal sa mga
dalubhasaan?
3. Ano ang nasasaad sa bagong bersyon ng panukalang-batas?

5
Week 3 at 4:

Sa linggong ito, tatalakayin natin ang Sa pagtatapos ng sesyon/talakayan ay


pangkalahatang ideya ng mga susmusunod inaasahan na:
sa aspeto:
1. Ang Pilipinas sa ika-19 na Dantaon. 1. Mabait na ang ika-19 na Dantaon ay
2. Pagbubukas ng mga daungan sa panahon ng tunggalian ng nakaraan at ng
pandaigdigang kalakalan. kasalukuyan.
3. Pagbubukas ng Suez Canal. 2. Makilala ang kinatawan sa Cortes na
4. Kontrobersyang dala ng sekularisasyon ng Espanya na putulin ang kalakalan ng galleon
mga parokya. sa Maynila.
5. Kaisipang Liberal at pagpapalabas ng 3. Malaman na ang Suez Canal ay
kautusang Moret pinamamahalaan ni Ferdinand de Lessep.
4. Makilala ang pagkakaiba ng paring sekular
at paring regular.
5. Makilala ang isang tao na nagtataglay ng
magandang kalooban.

Ang Pilipinas sa ika-19 na Dantaon

Ang daigdig sa ika-19 dantaon ay inilalarawan na isang daigdig na punumpuno ng mga hamon
at pagbabago na ang bawat hamon ay pinag-ukulan ng ibat-ibang reaksyon(negatibo at
positibo).

Ang mga pagbabagong ito ay nakakaapekto sa tao at sa lipunang kanilang ginagalawan at


sanhi ng pagbabagong ito. Ang ika-19 na dantaon ay naging panahon ng tunggalian ng
nakaraan at kasalukuyan.

Mga pagbabagong dala ng ika-19 na Dantaon

1. Pakikibaka ng mga sinakop na bansa –ito ay panahong papatindi ng nasyonalismo ng mga


bansang sinakop ng mga makapangyarihan bansa tulad ng Espansya at Inglatera at ito ay nag-
ugat sa 2 pandaigdigan na kaguluhan.

2. Pagkalat ng Demokrasya – sa siglong ito itinatag ng Pransya ang Ikatlong Republika kung
saan ang mamamayan ay pinagkalooban ng karapatang bumoto.

3. Modernisasyong pamumuhay ng mga tao – ito ay dala ng Rebolusyong Industrial. Naimbento


ang mga makabagong sasakyan tulad ng mga bagon, eroplano, automobile etc. Naimbento ang
mga makinarya, nagsimula ang pagtatayo ng mga pabrika na nangangailangan ng mga
manggagawa. Nagsimula ang maraming produksyon, nagsilaki ang mga bayan at lungsod.
Yumaman ang mga bansa tumaas ang uri ng pamumuhay at nagbigay daan upang magkaroon
ng paghahati-hati ng gawain o division of labor.

 Kaakibat ng makabagong pamumuhay na dala ng Rebolusyong Industriyal ay pagsilang


ng 2 uri ng tao sa lipunan: a. kapitalista b. manggagawa
 Maging ang makabagong uri ng mga sasakyan ay nagbigay daan sa paglalakbay ng
mga tao sa ibat-ibang panig ng mundo. Ito ay makabagong uri ng pakikipagtalastasan
ang nagdala sa mga mamamayan ng mga bansa upang maging malapit sa isa’t-isa.

6
 Sa kabila ng pagkakaroon ng makabagong pamumuhay sumilang ang mga suliraning
kaugnay ng manggagawa’t kapitalista.
a. Malayang kaisipan – nagpahayag ng pagsang-ayon sa pilosopiyang “Laissez-faire”
b. Mga Sosyolista – nararapat na ang pamahalaan ang siyang mag-ari at mamahala sa
produksyon para sa kabutihan ng lahat.
c. Kaugnay nito lumabas ang “Communist Manifesto” ni Karl Marx – marahas na
pamamaraan.
 Simbahang Katoliko
1. Nagtaguyod ng paggalang sa sarili
2. Mahihirap ay bigyan ng konsiderasyon lagi na kung mayroong nagaganap na
pagtatalo at pagsasagutan sa karapatan ng tao.
 Pag-unlad ng Agham
Sa panahong ito labis ang pagkabighani ng tao sa agham.
1. Radyum – natuklasan ni Madame Curie.
2. Louis Pasteur – natuklasan ang mga mikrobyong sanhi ng mga sakit.
3. Robert Koch – natuklasan ang mikrobyong nagdadala ng sakit na “Anthrax”.
4. Dr. Crawford Long – natuklasan ang anestisya noong 1842
5. Dr. William morton – gumamit ng anestisya noong 1846

Ang Pilipinas sa ika-19 na Siglo

a. Medyebal at Peudal na lipunan ang umiiral sa Pilipinas sapagkat:a. Labis na pang-aapi


ang ipinadama sa mga katutubo
b. Pagtatangi-tangi sa kulay (racial discrimination).
c. Kawalan ng malasakit ng pamahalaan sa panganagilangan ng mga katutubo.

Ang Lipunang Pilipino ay nahahati sa 3 Antas

a. Peninsulares o mga Purong kastila – nabibilang sa pinakamataas na antas ng lipunan.


b. Creoles at Mestizo – mga nasa gitnang uri. Sila ay binubuo ng mga nakapag-aral
(ilustrado) at nag-aari ng malalaking lupain.
c. – turing ng mga kastila sa mga katutubo. Pinakamababang antas ng lipunan.

Amo – Alipin – uganayang umiiral sa mga lupang Kastila at nananakahang Indio. Ipinapataw
sa kanila ang lahat ng uri ng buwis at sila rin ang ginagamit sa lahat ng uri ng manwal na
gawain.

Sistema ng Edukasyong umiiral (hindi kasiya-siya)

- Walang maayos na pamamaraan ng pagsubaybay sa mga paaralan ang pamahalaan.


- Ang pinagtutuunan ng pansin sa pagtuturo ay ang relihiyon.

Turing ng mga kastila sa mga Katutubo - Imperior ang kaalaman at nararapat lamang sa
mga gawaing manwal.

Dekretong Pang-edukasyon 1863 - Na ang wikang kastila ang gagamitin bilang medyum ng
pagtuturo. Hindi ipinatupad ng mga prayle na matutong ng wikang kastila sapagkat sa sandaling
matuto ng kastila ang mga Pilipino, matutuklasan nila ang katotohanan at maaari silang
paghangad ng pagbabago.

7
Ang pagkamulat ng mga Pilipino

Unti-unting napukaw ang kanilang sunud-sunurang diwa at naghangad sila ng pagbabago. Ang
pagkagising na ito ay sanhi ng mga sumusunod:

1. Pagbubukas ng Pilipinas sa kalakalang Pandaigdig- ang kalakalang ito ay pinahinto ng


Hari ng Espanya noong 1815. Nang dahil sa pagsigla ng liberalism sa maraming panig ng
Europa, napilitan na buksan ang Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan noong 1834.

2. Pagsilang ng Gitnang Uri- Sa pag-unlad ng kabuhayan, nagawa nila ang pagpaaral sa


kanilang mga anak. Natutunan nila ang kanilang karapatan at sila ay unti-unting naghimagsik sa
mga kastila at sila ang nagkaroon ng lakas ng loob na humingi ng pagbabago.Dahil ditto, ang
mga mangangalakal ng Cadiz at Sevilla ay nainggit sa kaunlaran ng Maynila at sila ay gumawa
ng ibat-ibang paraan upang mapilit ang pamahalaan ng Espanya na higpitan ang kalakalan ng
Mehiko at Maynila. Si Ventura Delos Reyes, isang kinatawan sa Cortes ng Espanya ay
nagsikap noong 1811 na putulin ang kalakalan ng galleon sa maynila dahil sa kasamaang
naidudulot nito sa Bayan.

3. Pagpasok ng Malayang Kalakalan- Ang paglawak ng kalakalan at komersyo at ang higit na


mabilis na paglalakbay mula sa Pilipinas patungong Europa sanhi ng pagbubukas ng Suez
Canal noong 1869 ay nagbigay daan sa pagpasok ng malayang kaisipan sa Pilipinas. Nagtatag
ng bangko at mga bahay kalakal ng mga dayuhan sa Maynila. At ang pagbubukas ng Suez
Canal na pinamahalaan ni Ferdinand de Lessep noong Nobyembre 17, 1869 ay isang bagay na
nakatulong upang makapasok sa Pilipinas ang mga bagay at diwang dayuhan.

4. Kontrobersyang kaugnay ng Sekularisasyon- Isa sa nagbigay daan sa pagkamulat ng


mga Pilipino.

a. Paring Sekular- walang kinaaanibang ordeng panrelihiyon at sila ang namamahala sa mga
parokya sa Pilipinas.

b. Paring Regular- mga paring kabilang sa mga ordeng panrelihiyon na pinagbabawalang


tumanggap ng mga tungkulin bilang mga kura paroko nang walang pahintulot ng Obispo na
siyang sumasakop sa mga Parokya.

c. Sapagkat hindi sapat ang bilang ng mga paring sekular upang manungkulan sa dumaraming
parokya ay kumuha ng pahintulot kay Papa Pio V na makapagtalaga ng mga paring regular sa
mga bagong bukas na parokya. Ang kapahintulutang ito ay tinatawag na “Exponi Nobis” ay
naipagkaloob. Naniniwala ang Obispo na ang mga Paring Regular na nakatalaga sa parokya ay
dapat na sumailalim sa kanyang pamamahala. Subalit matibay ang paniniwala ng mga paring
regular na hindi sila dapat sakupin ng Obispo kung kaya’t hindi pumayag ang mga ito sa
bisitasyon. Hindi maipilit ng Obispo ang kanyang kapangyarihan sa pangambang magsialisan
ang mga paring regular at mawalan ng namamahala sa mga parokya. Nasangkot naman ang
mga Pilipino ng igiit ni Arsobispo Basilio De Santa Justa ang isyu ukol sa bisitasyon. Dagliang
nagbitiw ang mga paring regular sanhi ng pagtutol sa bisitasyon kaya’t sila ay pinalitan ng mga
paring sekular.

Sa patuloy na kontrobersya ng panibagong mga kautusan. Ang kautusang ipinalabas noong


Disyembre 17, 1176 ay napapaloob ng ganito:

1. Nagsasauli sa mga parokya sa mga paring regular.

8
2. Pagsasagawa ng bisitasyon.
3. Pagsasanay ng lalong mahuhusay na pari upang matugunan ang pangangailangan
sanhi ng dumaraming parokya.

Sa pagdami ng bilang ng mga sinasanay na mga paring Pilipino at hindi rin lubusang
naipatupad ang Sekularisasyon. Ang pagbabalik ng mga paring Heswita ang lalo pang
nagpalala sa suliranin ng Sekularisasyon.

Nagpalabas ng isang Kautusan Blg. 1861 na nagsasaad na sa mga Heswita ipagkaloob ang
mga parokya ng Maynila na ang karamihan ay nasa kamay ng mga Pilipino. Dahil ditto,
nawalan ng parokya nag mga Pilipino sa Maynila.

Bungan g pagpapatupad ng Kautusan 1861, dalawang pangyayari ang labis na naka-apekto sa


mga paring Pilipino na naging daan ng kanilang pagkagalit.

1. Pagkawala sa kanila ng parokya ng Antipolo Rizal.


2. Pagkawala sa kanila ng parokya ng San Rafael Bulacan.

Sapagkat matindi ang layuning makatulong sa mga Pilipino, ipinarating ni Padre Pedro Pelaez
sa Reyna ng Espanya ang kaniyang pagtutol sa kawalan ng katarungan ng Kautusang 1861.
Ang pagtutol ay ipinahayag niya sa pahayagang El Catolico na siya ang patnugot. Ganundin sa
pahayagang La Generacion na inilathala sa Espanya. Labis din ang pagmamalasakit ni
Arsobispo Gregorio Martinez sa kapakanan ng mga paring Pilipino, kung kaya’t nagpadala siya
ng liham sa hari ng Espanya at iminungkahi niya na pawalang bisa ang Kutusang 1861.
Iminungkahi niya na ibigay sa mga Heswita ang parokya ng Maynila na nararapat na ibigay na
lamang sa mga Recoleto ang mga parokya sa Jaro at Cebu. Ang pagtatangi-tangi o
diskriminasyon ay nakabigat sa suliranin ng sekularisasyon sa ika-19 na siglo. Sanhi nito ang
pagkamuhi ng mga Pilipino sa mga kastila ay tumindi ng tumindi.

5. Si Dela Torre at ang Kanyang Kaisipang Liberal- nabuhay ang diwa ng nasyonalimo sa
mga Pilipino ng maging Gobernador-Heneral ng Pilipinas si Carlos Maria Dela Torre.Siya ay
nagtataglay ng magandang kalooban at makatarungan kaya’t siya ay napamahal sa mga
Pilipino. Sa sobrang tiwala na ipinagkaloob niya sa mga Pilipino sa panahon ng kaniyang
panunungkulan na naging sanhi naman upang mamuhi sa kaniya ang kaniyang mga
kababayang Kastila. Binigyang daan niya ang kalayaang mangusap ang mga katutubo at alisin
niya ang sensura sa panulat na labis ang naging pagtutol ng kaniyang mga kababayan.
Pasyang isinagawa ni Gobernador-Heneral Carlos Maria Dela Torre ay ang pagpapalabas ng
kautusang Moret. Ipinailalim ang mga paaralan sa pamamahala ng gobyreno kaya natatag ang
Philippine Institute. Ang patnugot ng Institute ay hinihirang ng pamahalaan at ang mga guro ay
pinipili matapos bigyan ng pagsusulit.

Nang palitan si Dela Torre ni Rafael Izquierdo ay labis ang pagkalungkot ng mga Pilipino.
Malupit at hindi mabuti ang pagtingin ni Izquierdo sa mga Pilipino, kamay na bakal ang
kaniyang ginamit para sa taong bayan. Ibinalik niya ang sensura ng panulat at tumutol sa
pagtatatag ng paaralan ng sining at pangangalakal. Pinaghihinalaan niya ang lahat ng kilos ng
mga Pilipino.

6. Ang Pag-aalsa sa Cavite- Ang kalupitan ni Izquierdo ay hindi lamang para sa taong-bayan.
Ang mga manggagawa sa Cavite ay dumanas ng higpit ng pamamahala. Tinanggal niya ang
pribilehiyong tinatamasa ng mga Pilipino sa loob ng matagal na panahon tulad ng hindi
pagbabayad ng buwis at sapilitang pagtatrabaho “ Polo y Servicio”. Sa sukdulang pagkamuhi ng
mga manggagawa sa panggigipit ni Izquierdo, sila ay nag-alsa noong Enero 20, 1872. Hindi

9
ganap na nagtagumpay ang pag-aalsa sapagkat madali itong nasugpo ng lakas ng mga kastila.
Ang pag-aalsang ito ang naging daan upang magkaroon ng dahilan ang tatlong Paring Pilipino
na aktibo sa sekularisasyon. Ibinintang sa tatlong pari Padre Jose Burgos, Padre Mariano
Gomes at Jacinto Zamora ang pag-aalsa sa Cavite.

Isinailalim ang tatlong pari sa isang paglilitis na puno ng pagkukunwari at ang naging hatol sa
kanila ay Kamatayan. Noong ika-17 ng Pebrero 1872 sila ay ginarote sa Bagumbayan,
sapagkat naniniwala sa kawalang-sala ng tatlong pari tumanggi si Arsobispo Gregorio Martinez
na hubaran ng abito ang tatlong Paring Martir sa kabila ng matinding utos ng mga opisyal.
Matinding pagkamuhi ang naiwan sa mga Pilipino sanhi ng ginawang pagbitay sa tatlong pari.
Ang poot ay kanilang kinimkim sa kanilang mga damdamin at ang pagkamatay ng tatlong pari
ay nagbigay tatag sa kanila at nagmulat sa kanila na sila ay hindi dapat mag-isip bilang mga
Ilokano, Bisaya, Tagalog, Bicolano o Kapampangan kundi bilang mga Pilipino na may iisang
lahi.

Week 3 at 4: Gawaing Pangklase 1

Panuto:Talakayan, Mga Katanungan at Pagsasanay (Discussion, Question and Exercises)

1. Bagamat labis-labis na pang-aapi ang dinadanas ng mga katutubo sa kamay ng mga kastila,
alin ang nakapagpatindi o nakapaghasik ng galit sa panig ng mga katutubo?

2. Ano ang nasasaad sa Kautusang Blg. 1863 na ipinalabas ng hari ng Espansya?

3. Anong hakbang ang isinagawa ni Padre Pedro Pelaez bilang pagtutol sa Kautusang Blg.
1861?

4. Bakit ang tatlong Paring Martir ay hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng garote?

5. Ano ang pagkakaiba ng panunungkulan nina Gobernador-Heneral Carlos Maria Dela Torre at
Gobernador-Heneral Rafael Izquierdo?

6. Kailan at bakit muling binuksan ang kalakalang pandaigdig?

7. Ihanay at ipaliwanag kung paanong ang lipunang Pilipino ay nahahati sa tatlong antas.

8. Ano ang ugnayang namamagitan sa mga mayayamang Kastila at mga nananakahang Indio?
Ano ang naging epekto nito sa mga katutubo?

9.Ano ang Communist Manifesto at bakit ito itinaguyod ni Karl Marx?

10. Sa pagpasok ng malayang kaisipan sanhi ng pagbubukas ng Suez Canal, ano ang nabatid
ng mga Pilipino?

WEEK 3 at 4: Pagtatasa (Assessment)

Panuto: Bumuo ng mga pangalan batay sa mga pinagsama-samang titik. Isulat sa guhit ang
tamang sagot
I I
L
I A P E L
C O R
P L N P E
A
I S F
10
L T
E
Z I R B O R
D O R
A R E
P

U F N

L O I R H A M A R

S E A L I A O

Takdang Aralin

Magsaliksik sa Google

1. Sinu-sino ang nagpasyang pumili kay Rizal bilang Pambansang Bayani?


2. Anu-ano ang naging pamantayan ng lupon sa pagpili ng pambansang bayani?
3. Sinu-sino ang pinagpilian na maging Pambansang Bayani?
4. Paano napatunayan ang kadakilaan ni Rizal?
5. Sino ang unang kumilala sa kadakilaan ni Rizal?

Week 5 Talakayan, Mga Katanungan at Pagsasanay

Sa linggong ito, tatalakayin natin ang mga Sa pagtatapos ng sesyon/talakayan ay


sumusunod: inaasahan na:

1. Ang Pagkapili sa Bayani ng Lahi 1. Mabatid ang mga dahilan kung bakit
2. Mga nagpasayang pumili sa magiging napiling Pambansang bayani si Rizal
Pambansang Bayani ng Pilipinas 2. Makilala ang mga taong pumili sa magiging
3. Mga pangalang pinagpilian upang maging Pambansang Bayani ng Pilipinas
Pambansang Bayani ng Pilipinas 3. Makilala ang mga taong pinagpilian na
4. Nanguna sa ipinatapong Pilipino sa magiging Pambansang Huwaran ng mga
Hongkong Pilipino
4. Malaman ang ginawang pamumuno sa
luksang-parangal sa araw ng kamatayan ni
Rizal.

11
Week 5: Ang Pagkapili sa Bayani ng Lahi

Ang tao ay namamatay, ngunit kung ang kanyang mga katangian, pangarap at mga nagawa ay
makikipagtagalan sa panahon, ang kanyang buhay ay magiging huwaran ng kanyang mga
kababayan at magsisilbing tanglaw ng susunod na salinlahi. Ang taong iyan ay karapat-dapat
na pag-ukulan ng matayog na pagkilala.

Matagal pang panahon bago barilin si Jose Rizal sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1896, ay
marami na sa kanyang mga kaibigan at kasamahan ang humanga at nagpatibay sa kanyang
katalinuhan, matayog na hangarin at pagmamahal sa bayan. Ito’y pinatutunayan ng
kanyangmga sinulat, ng mga taong kanyang nakasalamuha, at nang pangingilag at pagkatakot
ng Kastila sa kanya.

Ang pagsugo ni Bonifacio kina Valenzuela at Emilio Jacinto upang akitin si Rizal na mamuno ng
Katipunan ay nagpapatunay ng paghanga at pagkilala sa kanyang katalinuhan at
pagkamakabayan. Si Emilio Aguinaldo ay nangulo sa mga ipinatapong Pilipino sa Hongkong sa
isang luksang-parangal sa araw ng kamatayan ni Jose Rizal.Ito ay ginanap sa Hongkong noong
Disyembre 29, 1897. Ang “La Independencia” na pinamatnugutan ni Antonio Luna at ang “El
Heraldo de la Revolucion”, ang pahayagan ng Pamahalaan ng Himagsikan ay naglabas ng
dagdag na sipi bilang pag-alaala sa kamatayan ng bayani.

Ang lahat ng ito ay nagpapatunay na hindi pa man napagpapasiyahan kung sino ang nararapat
na maging Pambansang Bayani ng Pilipinas, ay kinilala na ng mga lider ng Pilipino ang mga
nangingibabaw na katangian ni Dr. Jose Rizal, na naging lamang niya sa iba pang bayaning
Pilipino.

Si Komisyoner Taft kasama nina W. Morgan Shuster, Bernard Moses, Dean Warcester, Henry
Clay Ide at ang mga Pilipinong sina Trinidad Pardo de Tavera, Gregorio Araneta, Cayetano
Arellano at Jose Luzuriaga ay nagpasiyang pumili ng isang bayaning magiging pambansang
huwaran ng mga mamamayang Pilipino.

Dahil sa matayog na pagtingin ng mga Pilipino at ng mga taga ibang bansa kay Dr. Jose Rizal
ay pinagpasiyahan ng Unang Komisyon ng Estados Unidos na pinangunguluhan ni Willian
Howard Taft, na si Dr. Jose P. Rizal ang nararapat na maging Pambansang Bayani ng Pilipinas.

Ayon kay Dr. H. Otley Beyer, Dalubhasa sa Antropolohiya at katulong sa tekniko ng komisyon,
napagkasunduan ng lupon na ang maging pamantayan sa pagpili ay ang mga sumusunod: (1)
isang Pilipino (2) yumao na (3) may matayog na pagmamahal sa bayan (4) at may mahinahong
damdamin.

May limang pangalang pinagpilian at ito ay sina: Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez-Jaena,
Jos Rizal, Heneral Antonio Luna at Emilio Jacinto.

Ayon kay Dr. H. Otley Beyer, nang bilangin ang boto ng mga bumubuo ng Lupon, nakararami
ang pumili kay Marcelo ah. Del Pilar. Ngunit ang kanilang kapasiyahan ay binago nila sapagkat
ang buhay at kamatayan ni M.H del Pilar ay hindi madula. Samantalang sang naging buhay at
lalung-lalo na ang kamatayan ni Jose Rizal ay madula.

Ang kanyang pagiging martir sa Bagumbayan ay bagay na makaaakit at makagigising ng


damdamin. Kaya’t ang pagiging martir sa Bagumbayanang naging pangunahing pamantayan
upang lubusang hiranging pambansang bayani si Jose Rizal.

12
May tatlong sahilan kung bakit piniling pambansang bayani si Jose Rizal. Una, siya ang kauna-
unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa ay magkaisa-isang maghimagsik sa mga
Kastila. Bago nabasa ng mga Pilipino ang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ay
nagsipaghimagsik na ang mga Pilipino ngunit ang paghihimagsik na ito ay pulu-pulo lamang at
hindi buong bansa. Sina Francisco Dagohoy ng Bohol, Juan de la Cruz Palaris ng Pangasinan,
Diego Silang ng Ilokos ay nagsipaghimagsik dahil sa kalupitan ng mga constable; dahil sa
tabako; dahil sa alak; o dahil sa kalupitan ng mga pari. Ngunit noong ipinatapon si Rizal sa
Dapitan ay nabuo ang Katipunan ng mga Anak ng Bayan na itinatag ni Andres Bonifacio,
(Emilio Jacinto, Restituto Javier at Guillermo Masangkay) at ang paghihimagsik na ito ay unang
kumalat saw along lalawigan ng Bulakan, Morong, Kabite, Batangas, Nueva Ecija, Bataan,
Laguna at Tarlak.

“Ang layunin ni Rizal ay magtamo ng reporma … Hindi niya nilayon ang rebolusyon subalit
siya’y matapat sa katotohanan at katotohanan ang naghatid doon. Inudyakan niya ang bayang
maghimagsik”.

Ikalawa: Si Jose Rizal ay huwaran ng kapayapaan. Karaniwang pinipiling maging bayani ng


isang bansa ay isang kawal o mandirigma tulad nina George Washington at Joan of Arc. Tayo
ay may mahuhusay at matatapang ding kawal tulad nina Heneral Emilio Aguinaldo na namuno
ng kauna-unahang matagumpay na himagsikan sa Asya na nakipaglaban sa dalawang
malalakas at malalaking bansa, ang Espanya at Amerika. Si Heneral Antonio Luna, isang dakila
at matapang na kawal ay may katangian din upang maging bayani. Ngunit hindi pinili ang isang
kawal sapagkat ang mga Pilipino ay likas na tahimik at ayaw ng taong mapusok.

Ikatlo: Ang mga Pilipino ay sentimental o maramdamin. Kung nanonood ng dula ang mga
Pilipino nais na ang pangunahing tauhan ay api, lumuluha, naduduhagi at ang mga nanonood
ay kasama ng pangunahing tauhang nagdadalamhati. Kaya’t ang pagiging api ni Jose Rizal sa
kamay ng mga Kastila simula sa Hukumang military, tungo sa Bagumbayan hanggang sa
paglilibing sa kanya sa sementaryo ng Paco ay akmang-akma sa pagiging maramdamin ng
mga Pilipino.

Week 5: Pagtatasa (Assessment)

Panuto: Basahin ang mga sumusunod at isulat ang nararapat na kasagutan sa mga
puwang.

1 Dalubhasa sa Antropolohiya
Sagot
2 Saan naganap sa luksang-parangal sa Hongkong

Sagot
3 Humikayat kay Rizal na mamuno ng Katipunan

Sagot
4 Isang pahayagan napinamatnugutan ni Antonio Luna

Sagot
5 Kalian naganap ang luksang-parangal sa Hongkong

13
Sagot
6 Katulong na tekniko ng Komisyon

Sagot
7 Nagtatag ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan

Sagot
8 Namuno sa kauna-unahang himagsikan sa Asya

Sagot
9 Isang dakila at matapang na kawal

Sagot
10 Taong karapat-dapat na pag-ukulan ng matayog na pagkilala

Sagot

Week 5: Takdang Aralin

Panuto: Magsaliksik tungkol sa buhay ni Rizal bilang isang indibidwal sa lipunan

Ang mga sumusunod ay balangkas ng talambuhay ni Dr. Jose Rizal, punan ng wastong tala
ang mga sumusunod na patlang.

Mga Pansariling Tala

Buong pangalan _________________________________________________________

Kapanganakan: Petsa _______________________

Pook _______________________

Pangalan ng Magulang

_________________________________________

_________________________________________

Pangalan ng Kapatid

_________________________________________

_________________________________________

_________________________________________

_________________________________________

_________________________________________

Mga Pag-aaral

14
Mga Unang Guro

_____________________________________________________

_____________________________________________________

_____________________________________________________

Mga Paaralang Pinasukan

_____________________________________________________

_____________________________________________________

_____________________________________________________

Mga Karangalang Nakamit

_____________________________________________________

_____________________________________________________

_____________________________________________________

_____________________________________________________

_____________________________________________________

Buhay ni Rizal, Pamilya, Kabataan at Panimulang Edukasyon

Week 6: Ang Talambuhay ni Rizal

Sa linggong ito, tatalakayin natin ang mga Sa pagtatapos ng sesyon/talakayan ay


sumusunod: inaasahan na:

1. Ang Pamilya ng Bayani 1. Makilala ang pinagmulang lahi ni Rizal at


2. Ang Batang si Rizal at ang kanyang malaman ang kapaligirang nilakhan n gating
Edukasyon Pambansang Bayani.
3. Unang Pangingibang Bayan 2. Mamulat ang kaisipan sa mga
4. Ang Paris sa Paningin ni Rizal pinagdaanang pagsubok at hirap ni Rizal
5. Ang Alemanya at si Rizal noong siya ay nag-aaral pa.
3. Malaman ang mga karanasan ni Rizal sa
kanyang unang paglalakbay at ang mga
nagawa niya sa ibang bansa.
4. Matukoy ang mga hangarin ni Rizal sa
pagbisita sa Paris at ang kanyang mga
karanasan sa bansang ito.
5. Malaman ang dahilan kung bakit napamahal
kay Rizal ang bansang Alemanya

15
ANG PAMILYA NG BAYANI

Hunyo 19, 1861, Calamba, Laguna. Isang bata ang isinilang ng mag-asawang Don Francisco
Mercado at Doña Teodora Alonzo. Ang bagong silang na sanggol ay bininyagan sa pangalang
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Pampito sa labing-isang magkakapatid na
binubuo ng siyam na babae at dalawang lalaki, ang batang isinilang kaakibat ng mga alamat ay
makatakdang maging dakila.

Si Dr. Jose Rizal ay isinilang sa isang pamilyang tunay na kadluan ng paghubog sa isang
magiting na pagkatao. Tulad ng iba pang maraming Pilipino, si Rizal ay nagmula sa isang
pamilyang haluan ang lahi. Sa panig ng kanyang ama, ang kanilang ninuno, si Domingo Lam-co
at isang intsik na nagmula sa Fukien, Lungsod ng Changchow noong 1690. Ang apelyidong
Lam-co ay ginamit ni Domingo noong 1731 subalit noong 1849 bilang pagsunod sa kautusang
ipinalabas ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria na gawing kastila ang lahat ng apelyido ng
mga Pilipino. Wala sa ipinadalang listahan ang Rizal subalit ito ang ginamit ni Don franciso
sapagkat ito ay nagmula sa salitang kastilang “ricial” na nangangahulugang “luntiang bukid”.
Nakapangasawa ni Domingo si Ines Dela Rosa na isang mistisong Pilipinong Intsik. Si Domingo
Lam-co ang Nunong Itsik ni Rizal sa panig ng ama.

Ang ama ni Rizal, si Don Francisco ay isinilang noong Mayo 11, 1818. Isang mamamayan sa
bayan ng Biñan na nagtungo sa Calamba ng mamatay ang kanyang ina. Sanhi ng kanyang
kasipagan, siya ay naging matagumpay at naging kilala at pinagpitaganang mamamayan ng
Calamba. Malayang nakakasalamuha ni Don Francisco ang mga matataas na pinunong Kastila
at mga prayle sapagkat mataas ang respetong ibinibigay sa kanya ng mga ito sanhi ng ang
kanyang nuno at ama ay naging kapitan ng bayan ng Biñan.

May mainam na edukasyon si Don Francisco, nag-aral siya sa isang paaralan ng Latin sa Biñan
at nagpatuloy sa kolehiyo ng San Jose sa Maynila. Namatay siya sa edad na 80 noong Enero 5,
1898. Para kay Rizal, si Don Francisco ay huwaran ng mga ama.

Si Donya Teodora ang ina ng bayani, na isinilang noong Nobyembre 8, 1826 ay nagmula sa
kilalang pamilya sa Biñan. Ang kanyang ama ay kapitan ng bayan. Sinasabing si Donya
Teodora ay nagmula sa lahi nina Lakandula. Ang ninuno ni Rizal sa panig ng kanyang ina-
Eugenio Ursua, may dugong Hapones. Ang ama ni Donya Teodora ay isang inhenyerong
nagngangalang Lorenzo Alberto Alonzo. Ang tatlong kapatid na lalaki ni Donya Teodora sina
Gregorio, Manuel at Jose. Ang magkakapatid na Alonzo ay pinili ang apelyidong Realonda
noong 1849 bilang pagsunod sa kautusan ni Gobernador-Heneral Narciso Claveria. Si Donya
Teodora ay may mabuting edukasyon, siya ay nag-aral sa Kolehiyo ng Sta. Rosa. Mahusay
siyang magsalita ng wikang kastila at ang talentong ito ay binigyang-pansin ni Rizal. Nagsisilbi
rin siyang guro ng kanyang mga anak. “Alagaan mong mabuti ang batang ito balang-araw siya
ay magiging dakila”. Sapagkat isang inang naniniwalang lahat ng anak ay nararapat na bigyan
ng pantay na pagtingin at pagmamahal, hindi pinag-ukulan ng pansin ni Donya Teodora ang
sinabi ng pari. Si rizal ay lumaking hindi espesyal na bata na binubuo ng labing-isang
magkakapatid. Ang mga kapatid ni Rizal ay ang mga sumusunod:

1. S – aturnina 7. J – ose
2. P – aciano 8. C – oncepcion
3. N – arcisa 9. J – osefa
4. O – lympia 10. T – rinidad
5. L – ucia 11. S – oledad
6. M – aria

16
ANG BATANG SI RIZAL AT ANG KANYANG EDUKASYON

Bagama’t payat at masakitin si Rizal, siya ay nagpakita sa murang gulang pa lamang ng


kakaibang hilig sa pagsulat at pagbasa. Sa gulang ng 2, alam na niya ang alpabeto. Nang siya’y
apat na taon, siya ay nakasusulat na sa Tagalog at sa Kastila. Siya ay binigyan ng pormal na
edukasyon sa wikang Latin at aritmetika sa pamamagitan ng isang pribadong guro - Leon
Monroy. Nang siya ay pitong taong gulang na pinagpasiyahan na pag-aralin siya sa kabayanan
ng Calamba. Subalit hindi siya nawili sa kaniyang pag-aaral sa ilalim ng kaniyang guro kaya
nagsabi siya sa kaniyang mga magulang na alam na niya lahat ang itinuturo ng kanyang guro
kaya nais niyang sa bahay na lamang mag-aral. Nang si Rizal ay siyam na taong gulang ay
ipinadala siya sa Biñan upang doon mag-aral, tulad ng nangyari sa Calamba, hindi rin siya
nagtagal sa pag–aaral doon sapagkat ang kaniyang guro, si Justiniano Cruz ay mahigpit at
kulang sa maimahinasyong paraan ng pagtuturo. Sinabi ng Maestro Cruz sa kanyang mga
magulang na natutunan na rin ni Rizal ang lahat ng dapat na ituro sa kaniya at pinayuhan ang
mga ito na sa Maynila na pag-aralin. Bago ipinadala si Rizal sa Maynila, siya ay pinag-aral ng
kaniyang ama sa Paaralang bayan ng Calamba sa ilalim ni Lucas Padera bilang paghahanda
sa kukuning pagsusulit sa Maynila.

Bagama’t si Rizal ay isang matalinong bata ay hindi naiiba sa pangkaraniwang bata. Malikot
siya at pilyo.Dahil dito, malimit siyang nakukurot at napapagalitan ng kaniyang ina. Sa patuloy
na kanyang pag-aaral, pinagwawagian niya ang mga paligsahan sa loob ng paaralan at walang
sino mang nakatatalo sa kanya. Pambihira ang araw na hindi siya napapadapa sa bangkito at
napapalo ng mga lima hanggang anim na ulit. Naniniwala si Rizal na ang mga palong kanyang
natatanggap sa Biñan habang nag-aaral ay hindi dahil sa kawalan nya ng talino kundi dahil sa
kaniyang kapilyuhan.

Noong Enero 20, 1872, labing-isang taon, siya ay ipinasok sa Ateneo Municipal de Manila
(Heswita). Siya ay nakapasa sa pagsusulit kaya lang muntik na siyang hindi matanggap dahil
huli na para siya ay magpatala at nag-aalinlangan ang namamahala ng paaralan dahil sa
kanyang kalusugan. Sa kagustuhan ng kanyang mga magulang na makapasok sa Ateneo, sila
ay kumuha ng padreno, nagkataon ang nilapitan nila ay pamangkin ng isa sa kapuspalad na
tatlong Martir. Tumulong sa kanila si Manuel Xeres Burgos. Sa Ateneo ay nagsimulang
ipamalas ni Rizal ang kaniyang angking katalinuhan sa ilalim ng pamamatnubay ng mga
heswita. Naging seryoso sa kaniyang pag-aaral at ang mga kapilyuhang dati niyang ginagawa
ay kaniyang kinalimutan at sinikap niyang manguna sa kaniyang klase. Namumukod tangi siya
hindi lamang sa mga gawaing pang-akademiko ganundin sa pagsusulat ng tula, pagpipinta at
paglililok. Nagkaroon siya ng tiwala sa sarili at natutunan niya ang pamumuno. Nahasa siya sa
wikang Kastila sa tulong ng kaniyang gurong si Padre Francisco de Paula Sanchez. Humikayat
sa kanya na magsulat sa wikang Kastila. Sinabi ni Rizal na ang marangal na edukasyon ang
magbibigay sa kabataan ng mga dakilang hangarin at dalisay na budhi. Ayon sa kanya, ang
kaalaman ay magpapaningas ng katotohanan at ang disiplina ay magbibigay ng katahimikan at
luwalhati sa bayan. Sa gulang na walong taon ay naisulat ni Rizal ang tulang “Sa Aking mga
kababata” isang tulang itinataas ang wikang Tagalog bilang kapantay ng wikang Kastila. Sinulat
din ni Rizal ang tulang “Felicitacion” bilang tugon ng kaniyang kapatid na si Narcisa bilang
pagbati sa asawa nitong si Antonio Lopez. Sa gulang na labinlimang taon, natapos ni Rizal ang
kaniyang pag-aaral sa Ateneo taglay ang napakaraming medalya ng karangalan. Noong
ikalabing-apat ng Marso 1877, tinanggap niya ang katibayang “Bachiller of En Artes” na may
notang “Sobre Saliente”. Nagbalik si Rizal sa Calamba pagkatapos ng kanyang graduwasyon
sa Ateneo at ditto niya natukalasan ang kaniyang ina ay nabubulag sanhi ng katarata. Dahil
ditto, nagpasiya siyang sundin ang nais ng kaniyang ama na siya ay mag-aral ng medisina sa
UST (Dominiko). Ang pagpapatuloy ng pag-aaral ni Rizal ay labag sa kagustuhan ng kaniyang

17
ina sapagkat nangangamba si Donya Teodora na ang labis na karunungan ang magiging
dahilan ng kaniyang kapahamakan tulad ng ibang Pilipinong nakapag-aral. Nagpatala si Rizal
sa UST noong 1877 sa kursong medisina kasabay din ang pag-aaral ng Filosofiya y Letras.
Nagpatala din siya sa Ateneo at nag-aral ng agham ng pagsasaka. Hindi naging maligaya ang
pag-aaral ni Rizal sa UST. Labis ang pag-iral ng pagtatangi sa kulay na labi na ikinalulungkot si
Rizal. Mataas nag kaniyang mga naging marka sa UST. Sa panahon ng pag-aaral sa USTay
natapos din ni Rizal sa Ateneo ang kursong Bokasyunal na nagbigay sa kanya ng titulong
“Perito Agramansor”. Kumuha siya ng iksamin sa kursong pagsasarbey at naipasa ito sa gulang
na 17.

Sa tulang A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino) ay nagwagi ng unang gantimpala si


Rizal. Sa tulang ito ay nananawagan siya sa mga kabataang Pilipino na tinawag niyang “Pag-
asa ng Bayan”. Sa tulang ito ay nadarama ni Rizal ang kalungkutan sa pagsasawalang-kibo ng
mga mag-aaral na Pilipino sa pagmamalabis ng mga gurong Kastila. Ang tulang ito ni Rizal ang
kauna-unahang gawang pampanitikan na nagbigay ng kaisapang Ang Pilipinas ang Inang
Bayan ng mga Pilipino.

Week 6: Pagtatasa (Assessment)

Panuto:Itala o isulat ng maayos at sagutan ng ayon sa pagkakasunod-sunod. Ilagay ang


kasagutan sa gawing itaas ng guhit.

___________________________________

Buong Pangalan ni Rizal

___________________________________

Saan isinilang

________________________ _________________________

Kailan isinilang Kailan namatay

________________________

Taglay na gulang ng mamatay

________________________ _________________________

Ama ni Rizal Ina ni Rizal

___________________________________________

Saan at Kailan ikinasal

_______________________ ________________________

Ninong ni Rizal Nagbinyag kay Rizal

18
UNANG PANGINGIBANG BAYAN (Talakayan, Mga Katanungan at Pagsasanay)

Hindi naging kasiya-siya para kay Rizal ang panahon ng kaniyang pag-aaral sa Unibersidad ng
Sto. Tomas at sanhi na rin ang kaniyang hangarin na tumuklas ng higit pang karunungan at
maisakatuparan ang pangarap na pagbabago para sa kaniyang bayan. Tumulak patungong
Europa sa tulong ni Paciano at umalis noong 1882. Lingid sa kaalaman ng kaniyang mga
magulang ang kaniyang paglisan, tanging si Paciano ang kaniyang tiyong si Antonio Rivera ang
nakabatid ng kaniyang paglisan. Php700 ang ipinabaon sa kanya ni Paciano, isang singsing na
diyamante naman ang ipinagkaloob ni Saturnina. Naglakbay siya sa pangalang Jose Mercado.
Buhat sa Barcelona ay lumipat siya sa Madris kung saan higit na mura ang pagaaran ng
medisina. Nagpatala siya sa Sentral Unibesidad de Madrisd sakursong medisina at
ipinagpatuloy din niya ang pag aaral ng Filosofiya y Letras. Kumuha ng leksyon sa pagpipinta at
pag-ukit sa akademya ng San Fernando. Kumuha din diya ng karagdagang leksyon sa wikang
Pranses, Ingles at Aleman. Nag-aral rin siya ng Wikang Italyano. Hunyo 21, 1884 ay nakumpeto
ni Rizal ang kaniyang Licentiate sa medisina. Sa kasamaang palad ay hindi niya naisumite ang
kaniyang tisis kung kaya hindi naigawad sa kanya ang titulong doctor ng medisina. Pinagkaloob
sa kanyan ang titulong ito noon lamh 1961 ng gunitain ang ika-100 taon ng kaniyang pagsilang.
Natapos ni Rizal ang pag-aaral ng Filosofiya y Letras noong 1885. At pagkatapos nagpasiya si
Rizal na magtungo sa Paris upang magpakadalumbhasa sa optalmolohiya. Naging katulong
siya ng manggagamot sa klinika ni Dr. Louis De Wecker, isang kilalang manggagamot na
Pranses. Pagkaraan ng ilang buwan ay nagtungo naman siya sa Alemanya at nagsanay sa
isang pagamutan sa Heidelberg na pinamamahalaan ni Dr. Otto Becker, isang kilalang
manggagamot na Aleman. Sa pagtatapos ng 1884 ay pinasimulan ni Rizal na sulatin ang
kaniyang unang nobela ang “Noli Me Tangere”.

ANG PARIS SA PANINGIN NI RIZAL

Inilarawan ni Rizal na isang lungsod intelektwal “par excellence”. Ang kanyang pagkamahiligin
sa sining at kasiyahan sa pagkakaroon ng isang malayang kapaligiran ay natugunan ng lungsod
na ito kung kaya parang may magnetong humihila sa kanya upang paulit-ulit siyang magbalik sa
Paris.

Ang hangaring mapag-aralan ang lungsod ng Paris pati na ang wikang Pranses ay dalawa sa
mga dahilan kung bakit hinangad ni Rizal na magpabalik-balik sa Paris. Bukod dito, natuklasan
ni Rizal na higit na magagaling ang mga kagamitan sa panggagamot sa maliliit na pagamutan
ng Paris kaysa sa mga pagamutan sa Madrid. Labis din ang pagkagiliw ni Rizal sa pagbisita sa
mga museo, hardin at makasaysayang gusali sa Paris.

Noong 1885, matapos mang kanyang pag-aaral ng medisina, muling nagbalik si Rizal sa Paris.
Hangad niya na madagdagan ang kanyang kaalaman sa lanrangan ng optalmolohiya kaya
tumagal siya rito ng may limang buwan. Sa panahong ito aynagsanay siya sa klinika ni Dr.
Louis de Wecker, kung saan siya ay naging katulong na manggagamot. Ang klinikang ito ni Dr.
Wecker ay nasa 55 Rue de Cherche-Midi. Maraming mga manggagamot mula sa iba’t ibang
panig ng mundo ang nagtutungo sa klinikang ito para magsanay. Marami sa mga manggagamot
na nagsanay ditto ang nagiging tanyag na manggagamot sa kanilang bansa. Sa klinikang ito
nagtutungo upang magpagamot ang mga dugong bughaw mula sa iba’t ibang panig ng Europa.

Naging napakalaki ng paghanga ni Rizal sa knyang propesor na si Dr. Wecker. Humanga siya
rito bilang isang manggagamot at isang taong napakayaman at kulturado. Ang paghangang ito
ay naging kapansin-pansin sa ilang liham niya kay Bluementritt kung saan ay iginuhit niya ang
mukha ni Dr. Wecker.

19
Humanga rin si Rizal sa mga tao at magandang kapaligiran ng Paris.Bawat piraso ng lupa ay
natataniman. Ang mga bahay ay napakagaganda at may hardin.Ayon kay Rizal, ang mga
hardinero at tagapag-alaga ng jmga hayop ay mga dalubhasa. Sinabi niya na labis siyang
pinahanga ng hardinerong nakausap niya na pinag-uri-uri ang mga halaman para sa kanya.

Ag mga museo ang paboritong bisitahin ni Rizal at halos hiindi siya nagpapahinga sa pagbisita
sa mga ito. Ang “Museo de Louvre” kung saan naroroon ang mga eksibit ng Ehipto, Assyria,
Grecia, Roma, Asya Minor at mga bagay tungkol sa Kristiyanismo ay binibisita niya ng walang
tigil sa loob ng tatlong araw.

Sa palasyo ng Luxembourg, nakit ni Rizal ang mga likhang sining ng mga noon ay nabubuhay
pang mga manlilikha (artists). Nakita niya ang mga pasong nahukay sa Pompeii at iba pang
lugar ng paghuhukay.

Dalawang ulit pang nagbalik si Rizal sa Paris. Noong 1889 ay nagtungo siya rito upang
magsaliksik at ipalimbag ang kanyang anotasyon sa Sucesos de las Islas Filipinas, ang aklat na
sinulat ni Antonio de Morga noong 1609. Sampung buwan siyang nanatili ditto at sa panahong
ito ay itinatag din niya ang Kidlat Club at Indios Bravos. Iminungkahi din niya ang pagtatatag ng
“International Association of Filipinologists,” sumulat ng ilang lathalain at nagmungkahi ng
pagtatayo ng isang paaralan ng mga Pilipino sa Hongkong. Dito rin nakadahupang-palad ni
Rizal ang magkapatid na Boustead. Ang huling pagbisita ni Rizal sa Paris ay noong 1891 nang
siya ay tuluyan ng mamaalam sa Europa upang magbalik sa Pilipinas.

SA ALEMANYA (BERLIN)

Walang kapagalan ang isip ni Rizal sa paghahanap ng karunungan at ng kalutasan para sa


kalagayan ng kanyang mahal na bayan. Ito ang nagdala sa kanya sa iba’t ibang Lungsod sa
Europa. Bukod sa Paris, ang isang lugar na napamahal kay Rizal at napalapit sa kanyang puso
ay ang bansang Alemanya. Sa Alemanya, lubos siyang nabighani sa Lungsod ng Berlin.

Marami siyang nakilalang mga siyentipikong kinilala rin naman ang kanyang talino. Minsan ay
nahirang siyang tagapanayam sa isang unibersidad. Inilahad niya ang “Tatlong Metrical Art” na
humanga ang lahat. Ang sipi nito ay nailathala at umani ng maraming papuri.

Ang mga katangian ng mga kababaihan ay isa sa mga hinangaan ni Rizal sa bayang ito. Sa
isang sulat niya kay Trinidad, pinuri niya ang pagiging seryoso, mapagpalakaibigan, edukada, at
intelehente ng mga ito. Inihambing niya ang mga kababaihang Kastila na ayon sa kanya ay mga
tsismosa, malayaw, at palaaway. Nagpahayag din siya ng kalungkutan sa kawalan ng interes
ng mga Pilipino sa kahalagahan ng edukasyon.

Maraming kaugaliang Aleman ang pinuri ni Rizal. Ang pagdiriwang ng mga ito kapag araw ng
Pasko tulad ng paghahanda ng kawangis n gating “Christmas Tree” ngunit yari sa karayom na
may sabit na parol, ilaw-ilawan, manika, candy at iba pang laruang pambata. Ito ay inihanda
lingid sa kaalaman ng mga bata, at inilalabas lamang sa araw ng kapaskuhan. Pinuri din niya
ang kaugalian ng mga ito kapag dumalo sa isang kasayahan. Ang isang bisita ay inaasahang
siyang magpapakilala ng sarili sa mga hindi pa niya kakilala at hindi na dapat pang maghintay
na siya ay ipakilala.

Nagtungo si Rizal sa Paris at Germany upang magpakadalubhasa sa panggagamot ng mga


mata. Pinili niya ito upang mapagaling ang nanlalabong mata ng kanyang ina. Pumasok siyang
katulong sa kilalang manggagamot noon.

20
Sa oras ng kanyang pamamahinga at dumadalaw pa rin siya sa mga kaibigan. Patuloy pa rin
siya sa pagguhit at pagsulat. Ang pagtugtog ng pluta at paglikha ng awit ay kanya ring
natutuhan. Nahikayat siya dahil sa namalas na galling ng kanyang kaibigan na kasama sa
bayang iyon.

Nagtrabaho din si Rizal sa isang ospital sa Heidelberg sa pamamahala ni Dr. Otto Becker.
Dumalo din siya sa panayam ni Propesor Wilhelm Kuehne sa Unibersidad ng Heildelberg.

Sa pamamasyal sa bayang iyon, nasaksihan niya ang magandang pagsasasmahan ng mga


taong may magkakaibang relihiyon. Hinangaan niya ang ginagawa ng mga ito na kalahati ng
simbahan ay ginagamit ng mga Katoliko at ang kalati ay ginagamit ng mga Protestante.

Ang pagsusulat ng talambuhay ni Rizal ay hindi magiging ganap kung hindi mababanggit ang
panahong siya ay nanirahan sa Wilhelmsfeld, isang maliit na nayon na nasa isang burol sa
kagubatan ng Odenwald, Kanlurang Alemanya. Nagtungo si Rizal sa lugar na ito noon ding
taong 1886 kung saan siya ay nanirahan sa pamilya ni Karl Ullmer, isang pastor na Protestante.
Si Rizal at ang pamilya Ullmer ay nagkatagpo sa isang pamamasyal ng bayani sa kagubatan.
Iyon ay panahon ng tag-init. Madaling nagkahulihan ng loob ang Pilipino at ang pamilyang
Aleman at inanyayahan si Rizal sa tahanan ng mga Ullmer sila ay malimit na magpalitan ng
kaalaman hinggil sa pilosopiya at relihiyon. Nagkagiliwan di ni Rizal ang dalawang anak ng
pastor na sina Etta at Friedrich.

Sa tahanan din ng mga Ullmers sinulat ni Rizal ang mga huling bahagi ng kanyang nobelang
Noli Me Tangere. Sa pook na ito ay lubos na nakatagpo ng katahimikan si Rizal sa piling ng
mga taong umunawa at nakibahagi sa kanyang mga pangarap, suliran at kabiguan. Hindi nga
nakalimutan ni Rizal ang alaala ng mga nilalang na iyon na kumupkop sa kanya sa kabila ng
pagkakaiba nila ng lahi, kulay, wika at bansa.

Sa Alemanya ay naging napakalawak ng kaalaman ni Rizal sa mga kaugalian at pamumuhay


ng mga Aleman. Nanatili din si Rizal sa Erfurt, Leipzig at Berlin. Namalagi siya sa Berlin ng may
anim na buwan kung saan ay naging kasapi siya sa tatlong samahang siyentipiko:
“Anthropological Society”, “Ethnological Society”’ at “Geographical Society”.

Sa Berlin ay tinapos ni Rizal noong Pebrero 2,1887 ang huling bahagi ng Noli Me Tangere. Ang
manuskrito ng nobela ay dinala niya noong Pebrero 21, 1887 sa palimbagan ng Buchdruckerie,
Aktien-Gesselschaft. Noong Mayo 11, 1887 ay nilisan ni rizal ang Berlin at nagtungo sa
Czechosclovakia.

SA ESPANYA

Hindi lamang lungkot ang naranasan ni Rizal sa mga unang buwan ng aknyang pagkawalay sa
sariling bayan. Ang mga balitang tulad ng pagkamatay ng marami dahil sa cholera na hindi
nagawang pigilin ng pamahalaan at ang kalungkutan at pamamayat ni Leonor Rivera ay
nakadagdag pa sa paghihirap ng kanyang kalooban.

Sinikap niya na masulit ang kanyang pamamalagi sa Madrid. Tinipid niya ang sarili sa paggasta
at itinuon ang panahon sa pag-aaral. Ang salaping matitipid ay ibinibili pa rin niya ng iba pang
mga aklat.

Sapagkat isang dayuhan sa malayong bayan at nalulungkot sa nababalitaang kalagayan ng


sariling bayan, naging kaibigan nni Rizal ang ilang Akstilang mason na humikayat sa kanya na
maging kasapi ng kanilang samahan. Humanga siya sa kakayhaan ng mga ito na tuligsain ang
pamahalaan at ang pamamalakad nito. Sumapi si Rizal sa Mason sa dalawang dahilan. Una, ay

21
dahil sa kawalan ng pag-asang mapagbago pa ang pagmamalabis ng mga paring Kastila sa
Pilipinas. Ikalawa, ay kailangan niya ang tulong ng mga ito sa pagtuligsa sa mga masasamang
prayle sa Pilipinas. Binalak ni Rizal na gamiting sandata at lalansag ang mason sa pakikibaka
sa mga prayleng ang pinagkakaabalahan ay ang pagpapayaman sa sarili.

Sa pagkawala ni Rizal, patuloy ang pagsama ng kalagayan ng kanyang bayan. Kakaunti ang
ani dahil sa patuloy na tagtuyot at pananalasa ng mga insekto at tumaas nang husto ang upa sa
lupang sinasaka ng kanyang pamilya. Nagalit ang tagapamahala ng paring Dominiko nang hindi
ito nabigyan ng kanyang ama ng pabo. Nagkataon naman na ang natitira na lamang ay ang
palahian at hindi na maaaring bawasan. Bilang ganti ay pinataasan nito ang upa sa lupang
kanyang sinasaka.

Ang paghihirap ng pamilya ay naramdaman din ni Rizal. Hindi na nakakapagpadala ng salapi


ang kapatid na si Paciano. Nararanasan niya ang magutom dahil sa kawalan ng pera.

Isang pangyayari sa Madrid ang totoong hindi malilimutan ni Rizal. Dalawang Pilipino, sina Luna
at Hidalgo ang nagwagi ng gantimpala sa pagguhit at siya ay naanyayahang magbigay-pugay
sa kanila. Sa pagdiriwang na iyon, bagamat masakit ang tiyan dahil sa di pagkain nang
nakaraang gabi ay hinangaan siya ng lahat sa napakagandang pagpupugay na inilahad niya sa
dalawa.

Tulad din ng karaniwang pag-aaral ay minsan din siyang napasama sa isang malaking
demonstrasyon ng mga mag-aaral. Pumanig ang mga mag-aaral kay Dr. Miguel Morayta na
tinanggal ng unibersidad dahil sa pagtataglay nito ng liberal na isipan. Itinuring siyang
masamang impluwensiya na nagtuturo ng makarebeldeng isipan sa mga mag-aaral. Nagalit ang
mga mag-aaral at sama-sama silang lumabas ng kalsada habnag sumisigaw ng “Mabuhay si
Morayta at ibagsak ang mga pari!” Tinangka ng mga pulis na pigilan ang demonstrasyong ito
ngunit nauwi lamang sa madugong labanan. Maraming mag-aaral at gurong sumusuporta sa
demonstrasyong ito ang hinuli ng pulis. Ang pangyayaring ito ay simula lamang ng marami pang
mas malalaking demonstrasyong isinagawa ng mga mag-aaral.

Noong Hunyo 21, 1884, nagtapos ng kursong Medisina si Rizal sa Unibersidad Central de
Madrid. Ngunit sa hindi niya pagsusumite ng kanyang thesis at dahil sa di pagbabayad ng
karampatang halaga para sa pagtatapos ay hindi siya nabigyan ng diploma sakursong tinapos.
Nang sumunod na mga taon ay natapos din niya ang kurso sa Pilosopiya sa paaralang ding
iyon noong 1885.

Week 6: Gawain (Activity)

Panuto: Gumawa ng isang matapat na paghahambing ng iyong sarili kay Rizal bilang isang
mag-aaral. Suriin kung saang aspeto kayo nagkakatulad o nagkakaiba. Pagkatapos ay gumawa
ng resolusyon tungo sa lalong pagpapabuti ng sarili. Sundin ang mungkahing pormat sa ibaba.

I. Mga pagbabagong nararapat kung simulan tungo sa lalong ikauunlad ng aking sarili

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

22
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Si Rizal Bilang Isang Mag-aaral Ako Bilang Isang mag-aaral

23
Unang Pangingibang Bayan Gawaing Pangklase 1

Panuto: basahin ang mga sumusunod at isulat ang nararapat na sagot sa gawing kaliwa

__________________1. Tumulong kay Rizal patungo sa Europa

__________________2. Saan nagpatala si Rizal sa kursong medisina

__________________3. Kailan nakumpleto ni Rizal ang kanyang licenciate sa medisina

__________________4. Bansang inilarawan ni Rizal na “War Excellence”

__________________5. Isang manggagamot na Pranses

__________________6. Taong napakayaman at kulturado

__________________7. May akda ng aklat na “succesos de las Islas Filipinas”

__________________8. Isang pastor na Protestante nakatagpo ni Rizal sa Alemanya

__________________9. Saan tinapos ni Rizal ang huling bahagi ng Noli Me Tangere

__________________10. Sino ang nakadaupang palad ni Rizal sa Hongkong

Gawain 2: Gawaing Pangklase

Panuto: Sagutin at isagawa ang mga sumusunod:

1. Bakit hinangad ni Rizal na magpabalik-balik sa Paris?

____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Mangyaring ilarawan ang naging buhay ni Rizal sa Alemanya lalo’t higit nang makatagpo siya
ng isang tao sa isang pamamasyal sa kagubatan

____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Kung ikaw ang tatayo sa kalagayan ni Rizal na lisanin ang iyong bayang sinilangan upang
tumuklas ng higit na karunungan gagawin mo din ba tulad ng ginawa ni Rizal. Pangatuwiranan

____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Week 7 Talakayan, Mga Katanungan at Pagsasanay

SA HAPON

Ang pamamalagi sa bansang Hapon ang isa sa pinakamasayng bahagi ng kanyang


pangingibang-bansa. Masaya at kapuri-puri ang mga kaugaliang Hapones jna malaki ang
pagkakahawig sa kaugaliang Pilipino. Ang mga alaala ng bansang ito ay lalong hindi niya
malilimutan dahil sa dalagang si Osei-san.

24
Natuklasan ni Rizal na siya ay pinagmamatyagan ng pamahalaang Kastila habang siya ay nasa
bansang Hapon. Ang sugo na si Juan Perez Caballero ay naghatid ng paanyaya ng
pamahalaan na siya ay doon manirahan sa Lehisyon ng mga Kastila. Tinanggap ni Rizal ang sa
dalawang dahilan: Una, makatitipid siya; ikalawa, wala siyang dapat itago sa kaninuman.

Minsan sa kanyang pamamasyal ay humanga siya sa husay ng bandang tumutugtog sa aprke.


Malaking kasiyahan ang kanyang nadama nang matuklasan na mga Pilipino pala ang bandang
iyon. Napatunayan niya na hindi totoong ang mga Pilipino ay nabibilang sa mababang uri, na
saan mang larangan ay maaari itong pumantay sa anumang lahi sa daigdig.

SA AMERIKA

Nakakalungkot ang unang karansan ni Rizal sa bansang ito. Taliwas sa kanyang inaasahan ang
nasaksihang pang-aapi ng mga puting Amerikano sa mga Intsik at Negro. Nakita rin niya ang
katiwalian sa pamamalakad ng isang sangay ng pamahalaan.

Ang kanyang sinasakyang barko ay hindi pinayagang dumaong sa California dahil sa ayon sa
kanila ay nanggaling ito sa bansang may epidemya ng Kolera. Nagtaka si Rizal dahil alam
niyang hindi ito totoo. Natuklasan na lamang niya na ang totong dahilan ay may bahid ng
pulitika. Malapit na noon ang eleksyon at upang makuha ang simpatiya ng bayan ay ipinakita na
kunwari ay paghihigpit sa mga Intsik na inaangkat upang magtrabaho sa bansang iyon.
Tinutuligsa noon ang pag-aangkat na ito sapagkat naaagawan umano ng hanapbuhay ang mga
putting Amerikano. Usung-uso noon ang pag-aangkat ng mga trabahador na Intsik sapagkat
mura ang bayad sa kanila.

Napatunayan ni Rizal ang katiwaliang ito. Makaraan ang isang lingo ay pinadaong na ang lahat
ng mga pasaherong nasa primera klase, kasama si Rizal. Ngunit ang mga Intsik at Hapones na
nasa segunda at tercera kalse ay naiwan pa doon nang matagal.

Napansin din niya na ang isang barko na nagtataglay ng mga hinangong tela na galling sa
Tsina ay ni hindi man lamang pinigil upang isailalim sa pagbobomba ng gamut at kuwarantina.

Bagamat humanga si Rizal sa kanlarang nakita sa mga lungsod at maliliit na bayan, sa likas na
kagandahan ng paligid, sa mataas n auri ng pamumuhay at sa inihahain nitong magandang
buhay sa mga dayuhan ay hindi niya maiwasang malungkot. Sa mga nakita niyang mga
katiwalian at pang-aapi sa mga Asyanong dayuhan at maging sa mga kababayan nilang Itim ay
nadama ni Rizal na parang hindi rin siya nalayo sa sariling bayan.

SA LONDON

Pagkagaling sa Amerika ay pinili ni Rizal na tumungo sa London, dahilan: 1) upang mapahusay


ang kanyang pagsasalita ng Ingles, 2) upang pag-aralan ang mga aklat ni Morga Luna, ang
“Sucesos de las Islas Pilipinas,” 3) sa bansang ito ay sinikap niyang maisakatuparan ang
pagtuligsa sa mga Kastilang nasa kanyang bayan. Sumulat siya ng mga artikulo na pawing
tumutuligsa sa ,mga pang-aabuso at pagmamalabis ng mga pinuno at prayle sa Pilipinas. Ang
mga ito ay napalathala sa La Solidaridad.

Bagamat nasa London ay mabilis na nakarating sa kanya ang balitang galling sa sariling bayan.
Ikinabahala niya nang labis ang mga ito:

25
1. Ang pagkabilanggo ng 800 Pilipino na lumagda sa petisyong inilahad ni Doroteo Cortes at
sinulat ni M.H. del Pilar. Hinihingi ng petisyon na paalisin ang mga prayle sa Pilipinas dahil sa
labis nitong pagsasamantala at pagmamalabis sa tungkulin.

2. Pagpapakulong sa ilang taga-Kalamba, kasama ang ilang kaanak ni Rizal dahil sa petisyon
ng mga ito sa pamamalakad ng mga lupang pangsakahan.

3. Ang pagtuligsa sa kanya nina Senador Salamanca at Vida sa Hukuman at nina Wenceslao
Retana at Pablo Feced sa mga pahayagang Kastila.

4.Si Manuel T. Hidalgo, asawa ni Saturnina ay ipinatapon ni Gobernador-Heneral Weyler sa


Bohol.

5. Ang pagkakulong ng kaibigan ni Laureano Viado, isang kamag-aral sa Unibersidad ng Santo


Tomas dahil sa pagtatago nito ng sipi ng Noli Me Tangere sa kanyang tahanan.

Gayunpaman, nakapagdulot sa kanya ng malaking kasiyahan ang balitang ipinagtanggol ni


Padre Vicente Garcia ang kanyang Noli Me Tangere laban sa pagtuligsa ng mga prayleng
Kastila.

Naging kapaki-pakinabang ang pananatili ni Rizal sa London. Una, ay ang pag-aaral na


kanyang isinagawa sa aklat na “Sucesos de las Islas Filipinas” ni Morga. Hinangaan niya ang
kahusayan ng manunulat na ito. Ikalawa, ay ang pagkakahirang sa kanya bilang pangulo ng
samahang Asociation La Solidaridad, kasama ng iba pang Pilipino na sina Galiciano Apacible,
Graciano Lopez Jaena, Manuel Santa Maria, Mariano Ponce at Jose Ma. Panganiban. Ang
samahang ito ay naglalayong magkaisa upang pangunahan at magsagawa ng mga pagbabago
tungo sa pagpapalaya ng bansang Pilipinas.

Ang Solidaridad ay ang pahayagang inilunsad ni Graciano Lopez Jaena noong 1889. Ito ay
pahayagan sa samahang Asociation La Solidaridad na siyang naglalathala ng mga artikulong
sinulat ni Rizal. Solidaridad na siyang naglalathala ng mga artikulong sinulat ni Rizal. Layunin
ng pahayagang ito ang mga sumusunod:

1. Mapayapang pagpapaganap ng mga makapulitika at makalipunang pagbabago.

2. Maipakita ang kahambal-hambal na kalayaan ng Pilipinas upang mapilitan ang pamahalaang


lunasan ang mga problema nito.

3. Mapaunlad ang mga makabagong isipan at kaunlaran.

4. Makamit ng mga mamamayang Pilipino ang karapatang mabuhay nang malaya, tahimik, at
maligaya.

Lubhang naging abala si Rizal sa pagsusulat. Ang sinulat niyang “La Vision de Fray Rodriguez”
ay isang sagot sa pagbatikos sa kanyang Noli Me Tangere. Ang kathang ito ay isang
pagkutyang paglalarawan sa pag-uusap nina Padre Rodriguez at Santo Agustin sa kung saan
ay pinarangalan ni Santo Agustin ang prayle dahil sa mga katangahan at kamaliang

26
pinaggagawa nito sa daigdig. Sa kathang ito, ay nakita ang kahusayan ni Rizal sa larangan ng
relihiyon at panitikan.

SA “Los Agricultores Filipinas” (Ang mga Pilipinong Magsasaka)

Ay inilarawan niya ang kaawa-awang kalagayan ng mga magsasaka sa Pilipinas.

Sinulat din niya ang hinahangaang liham sa mga dalaga ng MAlolos noong Pebrero 22, 1889.

Bilang pagpapaunlad sa hiling ni Dr. Rost ng “Trovner’s Record” na nagsasagawa ng pag-aaral


sa Asya ay sinulat niya ang dalawang artikulo. Ang una ay tungkol sa mga katutubong
kasabihan ng bansa. Ang pangalawang artikulo ay nauukol naman sa mga katutubong
palaisipan.

SA BELGIUM

Lumipat ng Belgium si Rizal upang makatipid. Dito ay ibinuhos niya ang panahon sa
pagsusulat. Dito niya sinimulang sulatin ang El Filibusterismo na karugtong ng Noli Me Tangere.
Sumulat din siya ng mga artikulo na ipinalathala niya sa La Solidaridad. Ilan sa mga ito ang mga
sumusunod:

Llanto Y Risas. (Halakhak at Luha) Natutungkol sa pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino.
Binanggit niya ditto ang biglaang paghinto sa pagpalakpak ng mga Kastila nang ihayag ang
pagkapanalo niya sa isang timpalak pampanitikan. Ang tanging dahilan ay ang kulay ng
kanyang balat.

Ingratitudes. (Kawalang-utang na Loob) Sagot kay Gobernador Heneral VAleriano Weyler na


nagsabi sa mga magulang ng bayang Kalamba na huwag padadala sa hikayat ng kanilang mga
anak na walang utang na loob.

Likas kay Dr. Jose Rizal ang pagmamahal sa sariling wika. Patunay nito ang sinulat niyang tula
para sa kanyang mga kababata noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Sa kabila ng
kaniyang kaalaman sa lahat halos ng wika sa daigdig, patuloy pa rin ang kanyang pagsisikap
upang ito ay mapaunlad. Sa kanyang “Sobre La Nueva Ortograpiya de la Lengua Tagala” na
inilathala sa La Solidaridad, inilahad niya ang mga tuntunin ng makabagong Tagalog. Isang
halimbawa ay ang paggamit ng titik k at w sa halip na a o o. Ang salacot ay salakot at ang arao
ay araw.

Ang papuri sa akdang ito ay inihandog niya kay Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera na may akda
ng “El Sanskrito El Lengua Tagala”. Ang ginawang ito ni Dr. Jose Rizal ay isa pang patunay ng
kanyang magiging maginoo at mapagkumbaba.

Pinuna rin ni Rizal ang sumbong nina Juan Luna at Valentin Ventura na ang mga Pilipinong
nasa Madrid ay nahihilig sa pagsusugal. Sa isang sulat kay M.H. del Pilar noong Mayo 28,1890,
ipinaalala niya sa mga ito na ang dahilan ng kanilang pananatili sa bayang iyon ay magkaisa sa
paghahanap ng paraan upang mahango ang kanilang bayan sa pagkaapi at hindi upang ibulid
ang mga sarili sa bisyong pagsusugal.

27
Ang paghihirap dahil sa kakulangan sa salapi ay nadagdagan ng mga balitang natanggap ni
Rizal tungkol sa kanyang pamilya. Ang kanyang kapatid na si Paciano at mga bayaw na sina
Antonio Lopez (asawa ni Narscisa) at Silvestre Ubaldo (asawa ni Olimpia) ay ipinatapon sa
Mindoro. Si Manuel P. Hidalgo, na asawa ni Saturnina ay sa Bohol.

Sa kanyang liham kay Soledad noong Hunyo 1 1890, sinabi niya na nagdurusa ang kanyang
kalooban dahil sa sinapit ng kanyang pamilya. Ipinalagay niya na kaya ito nagaganap ay dahil
sa kanyang kagagawan. Gayunpaman, ipinagpapasalamat niya na sa mga pangyayaring ito,
wala siyang ginawa na sukat ikahiya kundi manapa’y maipagmamalaki niya ang sarili sa
harapan ng mga taong tumuturing na siya ay kaaway.

Hanggang sa pagtulog ay dala-dala ni Rizal ang mga alalahaning tungkol sa pamilya. Maging
ang kanyang mga panaginip ay lalo pang nagdudulot ng pangamba sa kanyang isipan at
kalooban.

Ang mga alalahaning ito ay humikayat kay Rizal upang maghandang umuwi sa Pilipinas. Nang
malaman niya ang plano ni Graciano Lopez JAena, na tumungo sa Cuba sa kabila ng kaalaman
niyang may kumakalat na epidemya ng sakit ay sumulat siya kay Ponce na bumabatikos sa
planong ito. Sinabi niya na mas mabuti pang sa Pilipinas na lamang ito umuwi at isakatuparan
ang pagtatanggol sa bayan. Kung mamatay man siya ay namatay siya sa iang marangal na
paniwala.

Ang sulat ni Paciano na nagsasaad na ang kanilang kaso sa lupa laban sa mga paring
Dominiko ay natalo sa hukuman. Ito ang dahilan kung kayat si Rizal ay nagpasyang bumalik ng
Pilipinas.

SA MADRID

Nagbalik si Rizal sa Madrid upang humingi ng katarungan para sa kanyang pamilya at mga
kababayan sa Kalamba na kasalukuyan noong pinalalayas na sa mga lupang sinasaka. Ngunit
hindi dinidinig ang kanyang mga pakiusap.

NAdagdagan pa ang kanyang pagdurusa. Nagpakasal si Leonor Rivera sa isang inhinyerong


Ingles. Ngunit sa ibabaw ng lahat ng mga kabiguang ito, nanatili pa ring buo ang pasya na
ipagpatuloy ang misyong makalaya ang kanyang naaaping kababayan sa Pilipinas.

Week 7 Pagtatasa (Assessment)

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Sa pamamalagi ni Rizal sa bansang Hapon ano ang kanyang natuklasan?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Mangyaring banggitin ang mga katiwalian at pang-aapi ng mga Amerikano sa mga Asyanong
dayuhan at maging sa mga kababayan niya.

28
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Sino ang matalik na kaibigan ni Rizal na ipinakulong ng mga Kastila at bakit?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Matapos lisanin ni Rizal ang Amerika bakit kinakailangan na magtungo siya sa London?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

5. Ganap ng nasa London si Rizal, Anu-ano ang mga balitang naka abot sakanya?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

6. Ipaliwanag ang La Solidaridad

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

7. Ipaliwanag ang mga Artikulong sinulat ni Rizal noong siya ay nasa Belgium:

1. Una Profanacion

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Ingratitude

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

8. Ano ang pangunahing dahilan at si Rizal ay nagbalik sa Madrid?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

29
Week 7 Gawain Pangklase 1

Panuto:Basahin ang mga sumusunod at isulat ang nararapat na kasagutan sa mga


puwang.

1. Saang Bansa humanga si Rizal sa kahusayan ng pag tug-tog?

Sagot

2. Uri ng sakit kung kaya’t hindi pinadaong ang barkong galling California

Sagot

3. Sino ang nagpatapon kay Manuel T. Hidalgo sa Bohol?

Sagot

4. Nagtanggol sa mga nobelang Noli Me Tangere dahil sa pagtuligsa ng mga prayle

Sagot

5. Sumulat ng aklat na Succesos de las Islas Filipinas

Sagot

6. Tawag sa samahang naglalayong magka-isa upang magsagawa ng pagbabago ng


bansang Pilipinas
Sagot

7. Saan nalathala ang mga artikulong sinulat ni Rizal

Sagot

8. Taglay na gulang ni Rizal nang sulatin ang tulang “Sa aking Kababata”
Sagot

Gawaing Pangklase 2

Panuto: Sabihin kong tama o mali, Isulat ang T kung tama at M kung mali

___1. Ang pamamalagi sa bansang Hapon ay isa sa pinakamasayang bahagi ng pangingibang


bansa ni Rizal

___2. Nasaksihan ni Rizal sa Amerika ang pang-aapi ng mga Amerikano sa mga Intsik at Negro

___3. Nagtungo si Rizal sa London upang mapaghusay ang kaniyang pagsasalita sa Ingles

___4. Ang pahayagang La Solidaridad ay isang pahayagang na inilunsad ni Graciano L. Jaena

30
___5. Si Rizal ay lumipat sa Belgium upang makatipid at dito ibinuhos niya ang panahon sa
pagsusulat

___6. Sa Madrid nagtungo si Rizal upang humingi ng katarungan para sa kanyang pamilya

___7. Nadagdagan ang pagdurusa ni Rizal ng magpakasal si Leonor Rivera kay Kipping

___8. Ang ala-ala ni Rizal sa bansang Hapon ay di niya malilimutan dahil kay Osei-san

___9. Natuklasan ni Rizal na siya ay pinamamatyagan ng pamahalaang Kastila habang siya ay


nasa bansang Hapon

___10. Ipinagtanggol ni Padre Vicente Garcia ang kanyang N.M. laban sa pagtuligsa (Prayle)

B. Anong pagpapahalaga o paniniwala ang masisinag sa mga sumusunod na pahayag

1. “Hindi tayo dapat mahiyang tawagin na Indio”

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2.”Ang pagdurusa dahil sa sinapit ng pamilya”

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Week 7 Takdang Aralin (Assignment)

1. Sinu-sino ang mga pinatapon sa Bohol at Mindanao?

___________________________________________
_

2. Sinu-sino ang mga Pilipino na kasapi sa samahang La Solidaridad?

___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
3. Mga Layunin ng pahayagang La Solidaridad
___________________________________________
___________________________________________
______
31
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
_____

Week 8 Talakayan, Mga katanungan at Pagsasanay

ANG PAGBABALIK NI RIZAL SA PILIPINAS

Pagkaraan ng limang taong pamamalagi sa ibang bansa, nagpasiya si Rizal na magbalik sa


Pilipinas. Noong Hulyo 3, 1887 ay pinasimulan niya ang kanyang paglalakbay pabalik sa
kanyang lupang sinilangan. Nagbalik si Rizal sanhi ng mga sumusunod na kadahilanan: 1)
upang bigyan lunas ang pagkabulag ng kanyang ina; 2) mabatid kung bakit hindi
nakikipagtalastasan sa kanya si Leonor Rivera, ang kanyang kasintahan; 3) matuklasan ang
naging bisa ng kanyang nobelang Noli Me Tangere sa kanyang mga kababayan; at 4)
mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan.

Dumating si Rizal sa Maynila noong Agosto 6, 1887. Pagkaraan ng dalawang araw sa Maynila,
nagtungo na siya sa Kalamba matapos na mabigo siyang makita si Leonor sapagkat anghuli ay
nakaalis na kasama ang kanyang mga magulang may ilang buwan na ang nakalilipas. Kaagad
siyang nagpatayo ng isang klinika at gymnasium sa kanyang bayan. Matagumpay niyang
naoperahan ang maraming pasyenteng biktima ng katarata. Napatanyag siya sa tawag na Dr.
Ulliman.

Bagama’t naging matagumpay siyang manggagamot sa kanyang bayan, patuloy namaan ag


pagmamanman sa kanya ng mga prayle. Para sa kanila, si Rizal ay isang filibuster, subersibo at
tagapangulo ng katahimikang pampubliko. Ang ganitong pagkilala kay Rizal ng mga prayle ay
dala ng kanyang sinabi sa kanyang talumpati noong magwagi sina Juan Luna at Resurrection
Hidalgo sa isang paligsahan sa pagpinta sa Madrid, at dahil sa kanyang aklat na Noli Me
Tangere.

Noong Setyembre 2, 1887, si Rizal ay ipinatawag sa Malacañang ni Gobernador-Heneral Emilio


Terrero. Ang pagpapatawag ay may kinalaman sa kanyang nobelang Noli Me Tangere na
ayaon sa mga prayle ay subersibo at heretiko. Himiling kay Gobernador-Heneral Terrero na
ipagbawal ang pagbasa ng nobela subali’t hindi ito kaagad na ipinag-utos ng Gobernador-
Heneral. Humingi siya ng isang kopya ng aklat at isinangguni sa Komisyon sa Pagsesensura.
Upang mabantayan ang mga kilos at gawain ni Rizal ay binigyan ito ng Gobernador-Heneral ng
isang bantay sa katauhan ni Jose Taviel de Andrade. Dahil ditto, naramdaman ni Rizal na
walang kabuluhan ang kanyang pamamalagi sa Pilipinas. Nagpasiya siya na muling magbalik
sa Europa at ito ay binaggit niya sa kanyang liham kay Ferdinand Bluementritt.

32
Dalawang bagay ang pumigil kay Rizal sa agarang pagbabalik sa Europa. Ito ay ang kamatayan
ng kanyang kapatid na si Olympia at ang kanyang matinding hangarin na makita si Leonor
Rivera. Subali’t noong mga huling araw ng Disyembre 1887 at mga araw ng Enero 1888
dalawang halos na magkasunod na pangyayari ang naging dahilan ng hindi na mapasubaling
paglisan ni Rizal sa Pilipinas upang matiyak ang kanyang kaligtasan.

Ang dalawang bagay na nabanggit ay may kinalaman sa Noli Me Tangere at sa korupsiyon na


kinasangkutan ng mga prayleng Dominiko sa lupain sa Kalmba na kinamkam ng mga nasabing
prayle. Ang nasabing lupain ay ang dating pag-aari ng mga Heswita subali’t napunta sa mga
Dominiko noong 1883 at simula noon ay nagpatuloy ang paglaki ng kanilang mga lupain.
Napakalaking halaga ang kanilang kinukuha sa mga nagsasaka ng lupain subali’t napakaliit na
buwis lamang ang kanialng ibinibigay sa pamahalaan. Dahil sa kontrobersiyang ito ay ipinag-
utos ni Gobernador-Heneral ang isang masusing imbestigasyon.

Nang panahong iyon ang mgfa magsasaka sa lupain ng mga Dominiko sa Kalamba ay
nakaharap sa isang napakahirap na kalagayang pangkabuhayan sanhi ng mababang presyo ng
asukal. Hiningi nila ang tulong ni Rizal sa bagay na ito at si Rizal ay nagbigay ng kanyang ulat
bilang kinatawan ng mga magsasaka sa isang pulong noong Enero 8, 1888. Ang pangyayaring
ito ay ikinagalit ng mga prayleng Dominiko at pinagbantaan ang mga magsasaka na palalayasin
sa kanilang mga lupang sinasaka at sisirain ang kanilang mga bahat at iba pang mga ari-arian.

Samantala, ang Komisyon ng Pagsesensura ay nagbigay naman ng ulat sa Gobernador-


Heneral kaugnay ng nobela ni Rizal. Ang ulat ay isinulat ng isang paring Agustino na si Padre
Salvador Font. Sa ulat na ito ay binatikos si Rizal na tinawag na ignoramus. Sinabi rin na ang
Noli Me Tangere ay labis na nakasisira kaya dapat ipagbawal. Sapagka’t waring ipinagwalang
bahala ng Malacañang ang ulat, ipinalimbag ni Padre Salvador Font ang ulat at ipinamudmod
upang mapilitan si Gobernador-Heneral Terrero na gumawa ng hakbang laban kay Rizal.

Muling ipinatawag ni Gobernador-Heneral Terrero si Rizal sa Malacañang at pinayuhan na


umalis na ng bansa sa lalong medaling panahon. Nagbalik si Rizal sa Calamba at sinabi kina
Paciano ang payo ng Gobernador-Heneral. Pinayuhan si Rizal nina Paciano at Narcisa na
umalis kaagad upang matiyak ang kanyang kaligtasan.

ANG MULING PANGINGIBANG BAYAN

Muli ay nilisan ni Rizal ang kanytang mahal na bayan. Sumakay siya sa isang bapor ng Intsik
patungong Hongkong noong Pebrero 8,1888 at tumigil ditto ng may dalawang lingo. Dito ay
nakatagpo niya ang isang grupo ng mga takas na Pilipinong ipinatapon sa Marianas na
kinabibilangan ni Jose Ma. Basa, isang manananggol na naging isang matagumpay na
negosyante. Kilala niya si Rizal at nagkakaisa sila ng damdamin para sa Pilipinas. Mula sa
Hongkong, si Rizal ay nagtungo sa Yokohama noong Pebrero 22, 1888. Humanga si Rizal sa
likas na kagandahan ng bansang Hapon, ang pagkamagalang at kasipagan ng mga Hapones at
ang payak na pananamit ng mga kababaihan. Napansin din niya na bihira lamang ang
masamang tao sa bansang ito. Ang bagay na hindi nagustuhan ni Rizal sa bansang HApon ay
ang paggamit ng rickshaw – isang uri ng sasakyan na hinihila ng tao.

33
Sa bansang ito ay sumilang ang isang pag-ibig kay Rizal para sa Haponesang si O-Sei-San.
Subali’t ng maramdaman niyang labis na siyang umiibig sa babae ay nagpasiya siyang lumisan.
Ang pasiyang ito ay sinasabi ni Rizal na ginawa niya upang hindi magkaroon ng sagabal para
sa kanyang misyon para sa kanyang bayan.

Mula sa bansang Hapon si Rizal ay nagtungo sa Amerika. Bagama’t humanga si Rizal sa


kalayaan sa Amerika ay sinabi naman niya na ang Amerika ay isang bansang tunay na Malaya
subali’t mabuti lamang para sa mga puti. Nasabi niya ito sapagkat nang dumaong sila sa
Amerika ay hindi sila agad pinayagan na makababa ng barko at kinailangan na sila ay
ikuwarentina ng walong araw sapagka’t tumanggi ang mga may kapangyarihan sa bansang ito
na paygang makababa ang may 800 Intsik na nakasakay sa barko. Nasaksihan ni Rizal ang
matinding diskriminasyon laban sa mga Negro at mga Intsik ng mga Amerikano.

Mula sa Amerika si Rizal ay nagtungo sa Liverpool, Inglatera. Dumating siya rito noong Mayo
24, 1888. Nagtungo siya sa London sa pamamagitan ng tren ng sumunod na araw upang
bisitahin ang Museo ng Britanya, na noong panahong iyon ay itinuturing na pinakamalaking
aklatan sa buong mundo. Hangad niya na magsaliksik para sa binabalak niyang aklat na
susulatin na may kinalaman sa Pilipinas noon ikalabing- anim na siglo kung saan nais niyang
ipakita nab ago pa man dumating ang ga Kastila sa kapuluan ng Pilipinas ay mayroon na itong
isang masiglang lipunan at maunlad na kultura at wika. Subali’t nagbago ng balakin ni Rizal
nangmabasa niya ang salin sa Ingles ng Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio Morgan na
nilimbag noong 1609. Sa halip ay nagpasiya si Rizal na gumawa na lamang ng isang anotsyon
ng aklat ni Morga sa tulong ng kanyang kaibigan na si Jose Ma. Regidor na nangakong
tutustusan ang gugugulin sa pagpapalimbag ng anotasyon.

Sa pagbabalik ni Rizal sa Europa, siya na ngayon ang kinilalang pinuno ng mga kabataang
Pilipinomng naroroon. Tinawag siya ni Antonio Luna na “tinig” ng mga Pilipino. Noong mga
unang bahagi ng1889 ay naging abala si Rizal sa paghahanda sa binabalak niyang pagtatatag
ng isang pandaigdig na samahan ng mga dalubhasa ukol sa Pilipinas. Balak niya na ang mga
ito ay magdaos ng isang pandaigdig na pulong bilang bahagi ng gawain sa gaganaping
Pandaigdig na Eksposisyon sa Paris. Ang kanyang kaabalahan sa binabalak na samahan at
ang anotasyon ng aklat ni Morga ay dalawang kadahilanan kung bakit tinanggihan ni Rizal ang
alok na maging patnugot ng La Solidaridad, ang pahayagang initatag na Kilusang Propaganda
sa Barcelona nong 1888. Ang samahang ito ay pinamunuan ni Marcelo H. del Pilar, isang
Bulakeñong mason na tumakas mula sa Pilipinas sanhi ng pag-uusig ng mga prayle. Si Rizal ay
ginawang pangulong pandangal ng Kilusang Propaganda.

Bagama’t hindi tinanggap ni Rizal ang pagiging patnugot ng La Solidaridad, siya naman ay
sumulat para sa pahyagan. Isa sa mga sinulat ni Rizal na nalathala sa pahayagan ay ang
Filipinas Dentro de Cien Años, isang akda na kung saan sinabi ni Rizal ang maaaring mangyari
sa Pilipinas sa loob ng isandaang taon. Ang sanaysay na ito ay lumabas sa La Solidaridad mula
Setyembre 1889 hanggang Pebrero 1890.

34
Noong Marso 1889, si Rizal ay umalis sa London at nagtungo sa Paris. Sa Paris, si Rizal ay
naging kasapi ng “Freemasonry”. Itinatag rin niya sa Paris ang Indios Bravos, isang samahan
ng mga Pilipino na may hangaring makalaya ang lahing Malayo, simula sa Pilipino, sa kamay
ng mga mananakop. Ang mga kasapi ng samahan ay malimit na nagpupulong sa istudyo ni
Juan Luna. Bukod sa pagpupulong ang mga kasapi ng samahan ay nagsasanay rin sa eskrima
(fencing). Dito ay malimit na nakakalaro ni Rizal si Nelly Bousted.

Ang anotsyon ni Rizal sa Sucesos de las Islas Filipinas ay pinagpasyahan niyang ilathala noong
Enero 1890. Bagama’t nangako si Regidor na siyang gugugol sa gastos sa pagpapalimbag,
nagpasiya si Rizal na huwag nang abalahin pa si Regidor ukol dito.

Muling nagbalik sa London si Rizal. Pagkaraan ng dalawang lingo siya ay nagtungo sa


Brussels. Dito ay muli niyang naisip ang pagbabalik sa PIlipinas sa kabila ng babala sa kanya
ng kanyang mga kaibigan at pamilya. Para sa kanya, nararapat lamang na umuwi sa Pilipinas
ang mga makabayang Pilipino upang mapaglingkuran ng lubos ang kanilang bayan kahit na ito
ay mangahulugan pa ng kanilang kapahamakan. Habang nasa Brussels tinapos ni Rizal ang
ilan pang mga pagtutugma sa kanyang pangalawang nobela, ang El Filibusterismo, na natapos
niyang sulatin nooong Agosto 1890.

MGA KAPIGHATIANG DUMATING KAY RIZAL

Nang bumalik si Pardo de Tavera sa Paris noong Mayo 1890, nalaman ni Rizal na napakahirap
ng buhay sa Pilipinas. Nabalitaan din niya ang napipintong pag-aalsa ng mga Pilipino. Ito ay
labis na ikinabahala ni Rizal. Muli ay tumindi ang kanyang hangarin na makabalik sa kanyang
bayan upang makapiling ng kanyang pamilya at mga kababayan.

Nagbalik si Rizal sa Madrid noong Agosto 1890. Pagkalipas ng ilang buwan nabatid niya na
ipinag-utos ni Gobernador-Heneral Valeriano Weyler, ang tinawag na “Mangangatay ng Kuba”,
na ipagiba at ipasunog ang mga tahanan ng may 300 pamilya sa Calamba. Nalaman niya na
ipinatapon ang kanyang kapatid na si Paciano at ang kanyang mga bayaw. Ang pamilya ni Rizal
ay nanirahan pansamantala sa tahanan ng kanyang kapatid na si Narcisa. Ang pangyayaring ito
ay naging isang malaking dagok kay Rizal.

Ang isa pang kapighatiang dumating kay Rizal sa panahong ito ay isang liham na mula kay
Leonor Rivera na nagsasaad na siya ay nakikipagkalas na kay Rizal upang magpakasal kay
Henry Kipping. Labis ang naging kalungkutan ni Rizal sapagka’t si Leonor Rivera ay tunay
niyang minamahal.

Ang isa pang nakapagpalumo sa damdamin ni Rizal ay ang kanyang mga kababayan sa
Europa na nagsibalik sa dating pag-uugali na walng pagmamalasakit sa kapakanan ng bayan.
Sila ay muling nagumon sa pagsusugal at mga bagay na walang kabuluhan.

Sanhi ng mga pangyayaring ito, si Rizal ay nagpasiya na tuluyang lisanin ang Europa. Umalis
siya sa Europa noong Oktubre 18, 1891 patungong Hongkong. Noong mga huling araw ng
Oktubre ay nagpadala siya ng isang liham sa isang kaibigan sa Barcelona na punung-puno ng
kawalang pag-asa. Isinasaad sa liham na ang mga Pilipino sa Pilipinas ay mali sa kanilang
paniniwala na ang kanialng mga kababayan na nasa Europa ay nakatutulong sa kanila. Sinabi

35
niya na marami sa mga Pilipinong nasa Europa ay mga takot at matatapang lamang sapagka’t
sila ay malayo sa panganib. “Nasa Pilipinas, wala sa ibang bansa ang labanan. Doon kayo
dapat naroroon, kung saan dapat kayong lumalaban, kung saan maaari kayong mabigo o
magtagumpay ng sama-sama”, patuloy ng liham ni Rizal. Idinagdag pa niya na ang gamut ay
dapat ilapit sa maysakit. Winakasan ni Rizal ang kanyang liham sa pagsasabing ang Inang
Bayan ay di dapat na umasa sa mga Pilipinong nasa ibang bansa bagkus ay dapat na umasa
lamang sila sa kanilang mga sarili. Ang liham ay nilagdaan niya ng usa sa kanyang mga
aliases, ang Laon-Laan. Ang liham na ito ni Rizal ay maliwanag na pagpapatunay na
kinalimutan na niya ang paghingi ng reporma. Sa panahong ito, si Rizal ay mayroon ng
mapaghimagsik na hangarin.

Mula sa Europa, sumakay si Rizal sa barko patungong Hongkong. Sa barko ay nakatagpo niya
si William Pryer, ang nagtatag ng unang pamayanan ng mga Ingles sa Sandakan, Hilagang
Borneo (Sabah). Sa kanilang pag-uusap ay sumilang sa isipan ni Rizal ang balakin na magtayo
ng isang pamayanan ng mga Pilipino sa Borneo bubuuin ng mga taga-Calambang inaagawan
ng lupain.

Dumating si Rizal sa Hongkong noong Nobyembre 19, 1891. Kaagad niyang pinasimulan ang
kanyang panggagamot. Naging labis na tanyag ang kagalingan ni Rizal sa panggagamot ng
karamdaman sa mata. Sa panahong ito ay dumating sa Hongkong ang ilang miyembro ng
kanyang pamilya na kinabibilangan ng kanyang ama, kapatid na si Paciano at bayaw na si
Silvestre Ubaldo. Nang buwan ng Disyembre ay nakasama rin ni Rizal sa Hongkong ang
kanyang ina at tatlong kapatid na babae, sina Lucia, Josefa, at Trinidad.

Sa Hongkong ay naging abala si Rizal hindi lamang sa panggagamot kundi ganoon din sa mga
proyektong paglalagay ng isang pamayanang Pilipino sa Borneo at pagtatatag ng isang
samahan, La Liga Filipina.

ANG PAGBABALIK NA MULI NI RIZAL SA PILIPINAS

Ang panganib na naghihintay sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay hindi inalintana ni Rizal.


Nais niyang mapaglingkuran ang kanyang mga kababayan. Lalo pang nagtumindi ang kanyang
hangaring ito ng tanggihan ni Gobernador-Heneral Eulogio Despujol ang balak na proyekto ni
Rizal sa Borneo. Umalis si Rizal sa Hongkong noong Hunyo 21, 1892 kasama ang kanyang
kapatid na si Lucia. Dumating siya sa Maynila noong Hunyo 26, 1892.

Bago lisanin ni Rizal ang Hongkong, nag-iwan siya ng isang liham sa kanyang mga kababayan
na naninirahan doon. Sa liham na ito na ginawa niya noong Hunyo 1892, sinabi ni Rizal na ang
pasyang kanyang nabuo ay isang mapanganib na hakbang na matagal niyang pinag-isipan at
batid niyang tinututulan ng lahat ng nagmamalasakit sa kanya.

Bagama’t binalaan si Rizal ni Regidor na huwag magtiwala kay Gobernador-Heneral Despujol,


nakipagkita si Rizal sa huli ng ilang ulit. Sa kanyang pakikipag-usap kay Despujol ay
ipinaliwanag niya rito ang tungkol sa kanyang proyekto sa Borneo, at ipinakiusap ang ligtas na
pagbabalik ng kaniyang pamilya sa Pilipinas mula sa Hongkong at pagpapatawad sa kanyang
mga bayaw na patuloy namumuhay na parang mga takas.

36
Sa panahong ito ay nilibot din ni Rizal ang ilang lalawigan sa Gitnang Luzon. Namangha siya ng
matuklasan na siya ay tunay na kilalang-kilala ng kanyang mga kababayan. Ang pagbisitang ito
ni Rizal sa mga lalawigan ng Gitnang Luzon ay isang hakbang upang hikayatin niya ang mga
mamamayan na sumapi sa kanyang itatatag na samahan, ang “La Liga Filipina”. Ang
samahang ito ay itinatag nga ni Rizal noong Hulyo 3, 1892. Subali’t noong Hulyo 6, 1892 ay
ipinag-utos ni Despujol ang pagdakip kay Rizal sapagka’t nakatagpo ng mga pamaskin laban sa
mga mayayamang paring Dominiko. Maliwanag na ang mga pamaskin ay inilagay doon sa mga
prayle upang mapilitan si Despujol na ipadakip si Rizal. Bagamat walang malay si Rizal sa
ibinibintang sa kanya, siya ay ipinabilanggo sa Fort Santiago. Ang mga pagkakasalang ipinataw
kay Rizal ay ang pagsusulat at pagdadala sa bansa ng mga pamaskin na tumutuya sa mga
prayle at nakasisirang puri sa Papa, pag-aalay ng kanyang El Filibusterismo kina Gomes,
Burgos, at Zamora na sa paningin ng mga Kastila ay napatunayang mga taksil sa bansa subali’t
itinuring ni Rizal na mga martir, at pagtataguyod ng paghihiwalay ng Pilipinas at Espanya bilang
tanging paraan ng kaligtasan.

Noong Hulyo 14 ay pinasabihan si Rizal na siya ay ipapatapon sa Dapitan, isang bayan sa


lalawigan ng Zamboanga sa Mindanao. Masasabing mapalad pa rin si Rizal sapagka’t
nagpasiya si Despujol, sa kabila ng panggigipit ng mga prayle, na siya ay ipatapon na lamang.
Marahil ito ay sanhi na rin ng pamamagitan ng kanyang kaibigang paring Heswita na si Padre
Pablo Pastells. Sapagka’t may panganib na maaaring dukutin ng mga prayle si Rizal at
ipapatay, naisip ni despujol na dalhin ng lihim si Rizal sa Dapitan. Umalis si Rizal ng palihim sa
Maynila noong hatinggabi sa Hulyo 14, 1892. Dumating si Rizal kinagabihan ng Hulyo 17 sa
Dapitan kung saan nanatili muna siyang isang panauhin sa tahanan ni Kapitan Ricardo
Carnicero, ang punong pulitiko-militar ng Dapitan. Di naglaon ay naging mabuti silang
magkaibigan ni Kapitan Carnicero.

Gawain 1 Talakayan, mga katanungan at Pagsasanay

Panuto: Sagutin at isagawa ang mga sumusunod

1. Anu-ano ang mga pangunahing dahilan at nagbalik si Rizal sa Pilipinas pagkaraan ng limang
taon?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano ang naging ugat o dahilan at si Rizal ay minamatyagan ng mga Prayle na naging sanhi
na siya ay itinuring na Filibustero at Supersibo, ipaliwanag.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Sa muling paglisan ni Rizal sa Pilipinas siya ay napadpad sa Hongkong, sino ang nakatagpo
niya dito at bakit sinasabing nagkakaisa ang damdamin nila para sa Pilipinas?

37
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Mangyaring ipaliwanag ang:

a. INDIOS BRAVOS

______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

b.PROPAGANDISTA

_____________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Gawain 2

1. Sa mga akda ni Rizal alin ang tinutukoy nanakapagpasigla ng malaki sa Kilusang


Propaganda at nagbigay daan sa himagsikan laban sa mga Espanyol

2. Ihanay ang mga pagbabagong hiniling ng mga propagandista

3. Sinu-sino ang pinakadakila sa lahat ng propagandista?

Week 8 Pagtatasa (Assessment)

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

38
1. Ipaliwanag ang tatlong dahilan ng pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Anu-ano ang daing ng mga magsasaka sa Calamba?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bakit sa pagbabalik ni Rizal siya ay bigo at upang malibang ang kanyang sarili anong
hakbang ang ginawa niya pag-uwi ng Calamba?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Banggitin ang dalawang pangyayari na lalo pang napabilis ang di mapasusubaliang paglisan
ni Rizal sa Pilipinas

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Sino ang babaeng Haponesa na nakilala ni Rizal at bakit nagpasiya ang binata na lisanin ang
nabanggit na bansa?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6. Bakit sinabi ni Rizal na ang bansang Amerika ay isang bansang tunay na Malaya subalit
mabuti lamang sa mga puti?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

39
B. Sagutin ang mga sumusunod.

Panuto: Salungguhitan ang wastong sagot

1.Dumating Rizal sa Maynila noong ( Agosto 1887, Agosto 1888, Agosto 1889, Agosto 1890)

2. Pinasabihan na si Rizal ay ipapatapon sa (Dapitan, Zamboanga, Luneta, Negros)

3. Taong nagbabala na si Rizal ay ipatatapon sa Dapitan (Regidor Carnicero, Andrade Pastells)

4. Bilang ng taong inilagi ni Rizal sa ibang bansa (Pitong taon, Anim na taon, Limang taon, Apat
na taon)

5. Nagpatawag kay Rizal sa Malacañang (Terrero, Despujol, Weyler, Regidor)

6. Bumatikos katy Rizal at sinabing Ignoramus (Font, Rodriguez, Barrantes, Sanchez)

7. Kanino ipinabatid ni Rizal na kailangang umalis o lisanin ang Pilipinas upang matiyak ang
kaligtasan (Paciano, Blumentritt, Olimpia, Narcisa)

8. Naging bantay kay Rizal upang iwasan ang masamang tangka ng mga prayle (Andrade,
Hizon, Despujol, Terrero)

9. Isang manananggol na naging isang matagumpay na negosyante (Basa, Morga, Despujol,


Andrade)

10. Tinawag na “tinig ng mga Pilipino” (Luna, M.H.Del Pilar, Jacinto, Bonifacio)

Week 8 Gawain (Activity)

A. Panuto: Pangkatang Talakayan

1. Ano ang nais ipabatid ni Rizal kung kaya’t hinangad niyang magsaliksik para sa binabalak na
aklat?

2. Tukuyin ang isang matinding kapighatian ni Rizal sa pananatili niya sa Madrid na labis ang
kjanyang kalungkutam

3. Bakit itinatawag ni Rizal ang Indios Bravos, makatuwiran ba ang kanyang ginawa?
Ipaliwanag.

40
4. Bakit sa kabila ng babala ni regidor na wag magtiwala kay Gobernador Heneral Despujol
bakit nakikipagkita parin siya?

5. Bakit si Rizal ay ipinadakip noong Hulyo 6, 1892? Bigyang linaw ang pangyayaring naganap?

Week 9 Talakayan, Mga katanungan at Pagsasanay

SI RIZAL SA DAPITAN

Sa Dapitan ay muling nakatagpo .ni Rizal ang kanyang dating guro sa Ateneo, si Padre
Francisco de Pula Sanchez. Si Padre Sanchez at Rizal ay halos araw-araw na nag-uusap
sapagka’t naatasan si Padre Sanchez na gumawa ng paraan upang mapabalik si Rizal sa
simbahang Katoliko. Habang nasa Dapitan ay nakikipagsulatan siya kay Padre Pastells kung
saan sila ay nagpapalitan ng kuru-kuro at pananaw ukol sa pananampalataya.

Tulad ng ibang Pilipino, si Rizal ay mahilig makipagsapalaran. Bumili siya ng tiket sa loterya na
pinaghatian nila ni Kapitan Carnicero at ng isa pang Kastila. Sa kabutihang-palad ang tiket ay
tumama at mula sa premyo ay nakabili si Rizal ng may lupain sa may dakong Talisay, mga
isang kilometro ang layo sa Dapitan. Sa lupang ito na may lawak na pitumpong ektarya, ay
nagtanim siya ng mais, niyog, tubo, cacao, kape, at iba-ibang bungang-kahoy. Nagtayo din siya
ng bahay, klinika at paaralan para sa mga hindi nag-aaral na kabataan sa Dapitan. Ang mga
batang ito ay may bilang na labing-anim at siyang naging katulong ni Rizal sa pagpapayaman
ng kanyang pataniman. Sa isang burol ay nagtayo siya ng isang kubo kung saan siya malayang
nakapagsusulat at nakapagbabasa ng walang anumang sagabal.

Sapagka’t isang taong may katutubong disiplina sa katawan, si Rizal ay namuhay na may
sinusunod na oras sa Dapitan. Maaga siyang gumigising, mga ala-singko ng umaga, bibisitahin
ang kanyang mga tanim, pakakainin ang kanyang mga alagang manok at pagkatapos ng
almusal, mga bandang ika-pito at kalahati ng umaga ay bibisitahin niya ang kanyang mga
pasyente. Pagkaraan nito ay tutungo siya sa bayan at bibisitahin naman ang mga pasyente
niyang naroroon. Sa kayang panggagamot, hindi sinisingil ni Rizal ang mahihirap niyang
pasyente. Binibigyan din niya ang mga ito ng libreng gamut na siya mismo ang may gawa mula
sa mga halaman. Ang mayayaman niyang pasyente na nagmumula pa sa iba’t-ibang lugar sa
Mindanao, Laguna, Cebu, Panay at Negros ay sinisingil niya ayon sa kanilang kakayahang
magbayad. Pagbabalik niya ay tuturuan naman niya sa loob ng dalawang oras ang kanyang
mga mag-aaral. Pagdating ng hapon hanggang sa lumubog ang araw siya ay nagsasaka. Sa
gabi siya ay nagbabasa at nag-aaral.

Sa panahon din ng kanyang pagkakatapon sa Dapitan dumating sa buhay ni Rizal ang kanyang
“dulce estranghera” sa katauhan ni Josephine Bracken na nagtungo doon upang samahan ang
kanyang ama-amahang si George Taufer upang magpagamot kay Rizal.

Sa Dapitan ay ipinagpatuloy din ni Rizal ang pag-aaral at pag-aanalisa ng wikang Tagalog


sapagka’t nais niyang makasulat ng isang sampling balarilang Tagalog na inaasahan niyang
magagamit ng kanyang mga kababayan bilang basehan ng isang pambansang wika.

41
Samantala, hindi nagtagal at napalitan si Kapitan Carnicero ng bagong pulitiko-militar na pinuno
sa katauhan ni Juan Sitges na hindi kasingbuti ni Carnicero. Sa Maynila ay napalitan din si
Despujol ng bagong Gobernador-Heneral, si Ramon Blanco. Sa panahon ding ito, mga buwan
ng Agosto 1893 ay nagtungo ang ina ni Rizal sa Dapitan kasama ang kanyang mga kapatid na
sina Narcisa at Trinidad.

Nobyembre 1893 ng manganib ang buhay ni Rizal. Tunay na walang katahimikan ang mga
prayle hangga’t nananatiling buhay si Rizal. Isang lalaki ang binayaran at inutusan ng mga
paring Agustino na magtungo sa Dapitan upang patayin si Rizal. Salamat at may matalas na
pakiramdam si Rizal at nalaman niya ang maitim na balaking ito sa kanya.

Bahagi ng mga gawain ni Rizal sa Dapitan ay ang pagbubukas ng isang paaralan para sa mga
batang hindi nag-aaral. Ang paaralang binuksan ni Rizal ay isang paaralan kung saan ay
ginamit ang mga makabagong paraan ng pagtuturo. Ang mga kabataang ito na may bilang na
labing-anim ay pinatira niya sa isang bahay na malapit sa kanyang tirahan. Binigyan niya ang
mga ito ng pagsasanay na bokasyonal at pang-akademiko upang matutunan nila ang
pagpapaunlad ng kanilang mga tahanan at pamayanan. Tinuruan niya silang matutunan ang
kahalagahan ng paggawa at paggamit ng kanilang kaalaman at kung papaanong kumita mula
sa kanilang pagsisikap. Hindi nagbabayad ng matrikula ang mga bata kay Rizal subali’t silay ay
tumutulong sa kanya sa kanyang sakahan at sa kanyang klinika. Bahagi ng kanilang
pagsasanay ang pagtulong kay Rizal na maisagawa ang kanyang mga proyektong pang-
kaunlaran sa Dapitan.

Ang pormal na klase ng kanyang mga mag-aaral ay isinasagawa ni Rizal mula ika-dalawa
hanggang ika-apat ng hapon. Tinuturuan niya ang mga bata ng pagbasa, pagsulat, aritmetika,
heyograpiya, kasaysayan, wikang Kastila at Ingles, heometrika, at mabuting ugali.
Nagsasagawa rin sila ng paglalakbay sa mga bundok, kuweba at mga baybay-dagat upang higit
na matutunan ng mga bata ang mga bagay na may kinalaman sa mga hayop at halaman na
sagana ang Zamboanga. Ang palakasan ay bahagi rin ng kurikulum ng paaralan ni Rizal
sapagka’t naniniwala siya na ang malakas na katawan ay siyang nagbibigay ng matalas na
isipan. Dahil ditto,tinuturuan din niya ang kanyang mga mag-aaral ng boksing, paglangoy,
wrestling at arnis.

Sa panahon din ng kanyang pagkkatapon sa Dapitan ay nilikha ni Rizal ang isang malaking
mapa ng Dapitan na inilagay niya sa may plaza ng bayan. Ito ay nagamit niya sa pagtuturo ng
heyograpiya sa kanyang mga mag-aaral. Sapagka’t mayroon siyang kaalaman sa agrimensor,
nagsagawa siya ng mga bagong plano ng daan at isinagawa iyon sa tulong ng mga
mamamayan. Nagtayo din siya ng isang “water system”, isang makinang gawa sa kahoy na
magagamit sa paggawa ng ladrilyo (bric) upang bumilia ang produksiyon nito, at makinang
magagamit sa pag-aani ng abaka upang mas higit na maraming maani ang mga magsasaka.
Tinuruan din niya ang mga mangingisda kung paanong gumawa at gumamit ng lambat
pangisda.

Si Rizal din ang masasabing unangnagtayo ng kooperatiba sa Pilipinas sa pamamagitan ng


pagtatayo ng isang kooperatiba para sa mga magsasaka.

42
Tunay na naging kapaki-pakinabang si Rizal para sa mga taga-Dapitan. Ang mga bagay na
ginawa niya para sa bayang ito ay patuloy na pinapahalagahan ng mga Dapiteño. Kung
magagawi ka sa Dapitan ngayon, kapansin-pansin na ito ay nananatili pa ring isang tahimik na
bayan tulad ng dumating doon si Rizal mahigit isandaang taon na ang nakakaraan. Kapansin-
pansin din na patuloy ang malaking pagpapahalaga ng mga mamamayan dito kay Rizal. Ang
mga kalsada sa bayang ito ay isinunod sa pangalan ng mga taong malapit kay Rizal.

ANG PAGDALAW NI DR. PIO VALENZUELA KAY RIZAL

Hunyo 21, 1896 ng dumating si Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan bilang sugo ni Andres Bonifacio.
Sakay ng bapor Venus, nakasabay niya sa paglalakbay sina Josephine Bracken, Narcisa Rizal
at Angelica Lopez. Kasama niya sa pagtungo sa Dapitan ang bulag na lalaking nagngangalang
Raymundo Mata at isang nagngangalang Rufino Magas, parehong taga-Binayakan, Kabite.
Ayon kay Valenzuela, (Memoirs of the Katipunan and the Philippine Revolution) ang pagtungo
niya sa Dapitan ay upang isangguni at kunin ang pahintulot ni Rizal sa napagkasunduan ng
mga Katipunero na pagsisimula ng pangingilak ng boluntaryong ambag para makabili ng mga
armas na gagamitin sa paghihimasik na isasagawa upang makuha ang kalayaan ng bansa
mula sa mga Kastila.

Ayon kay Valenzuela, ng malaman ng gobernador ng Dapitan na may mga panauhin si Rizal,
ang huli ay ipinatawag nito upang alamin ang pakay ng mga taong dumating. Nalaman niya kay
Dr. Rizal na nasiyahan ang gobernador ng malaman na ang mga dumating sa bahay ni Rizal ay
pasyenteng magpapagamot (si Valenzuela). Sa pagdalaw na it okay Rizal ay gumamit si
Valenzuela ng pangalang Procopio Bonifacio.

Nag-usap si Valenzuela at Rizal sa isang bangkito na nakalagay sa isang lugar na may


limampung metro ang layo mula sa bahay ni Rizal. Sa kanilang pag-uusap ay sinabi ni
Valenzuela kay Rizal na nagtatag sila ng isang samahan, ang Katipunan, matapos na maaresto
ni Rizal noong Hulyo 7, 1892, na ang hangarin ay makalaya ang Pilipinas sa Espanya sa
pamamagitan ng marahas na pamamaraan. Binanggit niya na napagkasunduan ng samahan
noong gabi ng Mayo 1, 1896, ang mga sumusunod: 1) Hikayatin na sumapi sa Katipunan ang
mga matatalino at mayayamang Pilipino; 2) Mangilak ng pondo para maibili ng mga armas at ng
iba pang kakailanganin ng rebolusyon; 3) Magpadala ng isang komisyon ng matatalinong
Pilipino sa bansang Hapon upang siyang mamahala sa pagbili ng armas at bala at humingi ng
tulong sa pamahalaang Hapones para sa kaligtasan ng mga rebolusyonaryo; 4) Kunin ang
kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya sa pamamagitan ng dahas, na siya lamang tanging
pamamaraan upang matamo ang kalayaan sa tulong ng bansang Hapon; 5) Iharap ang mga
resolusyon kay Dr. Rizal sa pamamagitan ni Dr. Valenzuela upang matamo ang kanyang
pagsang-ayon at malaman ang kanyang kasagutan; at 6) Kung hindi papaya na
makipagtulungan ang mayayamang Pilipino, bawa’t kasapi ng Katipunan ay magbibigay ng
ambag ayon sa kanyang kakayahan linggu-linggo.

Nang malaman ni Rizal ang pagkakatatag ng Katipunan ay nasabi niya ang ganito: “Ang binhi
pala ay tumubo.” Idinagdag pa niya na makatarungan, makabayan at napapanahon ang mga
resolusyong iniharap ng Katipunan sapagka’t sa panahong iyon ang Espanya ay mahina na

43
dala ng himagsikan sa Kuba. Ipinahyag niya nag kanyang pagsang-ayon sa ang mga isinasaad
ng resolusyon, sinasabi niya na nararapat maisagawa kaagad ang mga iyon.

Subali’t ng sabihin ni Valenzuela na naniniwala siyang magaganap ang rebolusyon ng wala sa


panahon, kahit wala pang naihahandang armas, si Dr. Rizal ay nagpahayag ng di pagsang-
ayon sapagka’t ayon sa kanya ang isang rebolusyong walang armas laban sa isang
nasasandatahang bansa ay di dapat na pasimulan sapagka’t ito ay mangangahulugan lamang
ng kapahamakan at kamatayan. Sa pagkakataong ito rin ay nabanggit ni Rizal ang pag-utang
niya ng halagang P 200,000.00 sa isang mayamang Pilipino upang gamitin sa pagbili ng armas
at bala subali’t ito ay hindi pinakinggan ng mayamang Pilipino sa Maynila. Sinabi rin ni Rizal na
itoa ng naging dahilan ng kanyang pasiyang bumalik sa bansa, ang hangaring mapag-isa ang
mga Pilipino ng sa ganoon ay maihanda nila ang lahat ng kakailanganin para sa isang
pakikipaglaban.

Nang malaman ni Rizal na hindi kasama sa Katipunan ang mayayamang Pilipino ay


pinagpayuhan niya na pilitin ng mga namamahala sa Katipunan na makuha ang pakikiisa ng
mga nabnggit. Sinabi niya na maaaring hingin ang tulong ni Antonio Luna na malayang
nakakapasok sa bahay ng mayayaman. Ipinayo rin niya na maaaring gawing lider military si
Luna ng samahan kung sakali at sumiklab ang himagsikan.

Sa pag-uusap ding ito ay sinabi ni Valenzuela kay Rizal ang balak na itakas ang huli at dalhin
sa bansang Hapon. Sinabi ni Rizal na kung maliit lamang ang bapor ay hindi ito makakarating
sa Hapon kaya mas mabuting sa Hongkong na lamang ito dumaong. Ayon kay Valenzuela,
niyaya siya ni Rizal sa may baybay dagat at itinuro sa kanya ang lugar kung saan maaaring
dumaong ang barkong magtatakas sa kanya. Nabanggit din ni Rizal sa pag-uusap na ito na
habang naghahanda para sa pakikidigma sa Espanya ay nais niyang maitayo ang isang
paaralan sa Hapon na handa niyang pamunuan. Sinagot ito ni Valenzuela na higit na mabuting
pamunuan ni Rizal ang rebolusyon kaysa pamunuan ang isang paaralan. Bilang tugon sinabi ni
Rizal na handa siyang gampanan ang dalawang bagay na iyon.

Ipinagbigay-alam din ni Valenzuela kay Rizal na sa sandaling magkaroon na sila ng sapat na


armas ay itatakas nila si Rizal mula sa Dapitan bago sumiklab ang himagsikan upang huwag
itong makuha at mapatay ng mga Kastila. Pinayuhan ni Rizal si Valenzuela na huwag siyang
alalahanin sa halip ay simulan kaagad ang pakikidigma sa Espanya sa sandaling may armas
na. Sinabi niyang batid niya kung paanong tatakas sa tulong ng mga Moro. Idinugtong pa ni
Rizal na sa hangaring pagliligtas sa bayan, ang kapanakan ng isang tao lamang ay di dapat
unahin. Nang sabihin ni Valenzuela na sa sandaling sumiklab ang himagsikan, tiyak na
papatayin ng mga Kastila si Rizal ay sumagot si Rizal na ang mamatay at makalupig ay
matamis subali’t ang mamatay at malupig ay masakit.

Ipinagbigay-alam din ni Rizal kay Valenzuela ang ginawa niyang pag-aalok ng serbisyo bilang
manggagamot sa Kuba kung saan may nagaganap na himagsikan. Ito ay tinutulan ni
Valenzuela at sinabi na maaari siyang ipapatay doon ni weyler, ang namamahala sa mga
sundalong Kastila sa Kuba sapagka’t ang huli ay kalaban ni Dr. Rizal dahilan sa kontrobersiya
ng mga lupain sa Kalamba. Ipinaliwanag ni Rizal ang pangangailangan na magtungo siya sa
Kuba upang mapag-aralan niya ang pamamaraan ng pakikidigmang ginagamit ng mga Kubano.

44
Ayon kay Valenzuela bago sila umalis sa DApitan hiniling ni Rizal na hanapan siya ng isang
rebolber na kakailanganin niya. Ibinigay ni Valenzuela kay Rizal ang kanyang sariling rebolber
na labis nitong ikinatuwa. Umalis sina Valenzuela sa Dapitan dakong tanghali ng Hunyo 22,
1896 at dumating sa Maynila ng hapon ng Hunyo 26,1896. Ibinalita niya ang napag-usapan nila
ni Rizal kina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto. Si Jacinto ang siyang naatasan ng Kataas-
taasang Konseho ng Katipunan na magsagawa ng payo ni Rizal.

PAGLISAN SA DAPITAN

Noong Hulyo 30, 1896, ang kahilingan ni Rizal na magtungo sa Kuba upang magsilbi bilang
manggagamot ay pinahintulutan ni Gobernador Ramon Blanco. Sakay ng bapor Espanya, siya
ay tumulak papuntang Maynila. Nang makarating siya ng Maynila ay nakaalis na ang bapor na
kanyang sasakyan papuntang Espanya kaya siya ay inilipat sa Castilla, isang Kastilang “cruiser”
kung saan may halos isang buwan siyang nanatili na walang ibang nakakausap maliban sa
kanyang pamilya. Sa panahong ito ay napag-alaman ang pagsiklab ng himagsikan.

Setyembre 3, 1896 nang si Rizal ay umalis patungong Barcelona sakay ng Isla de Panay.
Noong Setyembre 31, habang ang bapor ay papalapit sa Isla ng Malta ay pinagsabihan si Rizal
ng kapitan ng barko na siya ay arestado at hindi makakalabas ng kanyang kamarote. Nabatid ni
Rizal na ang utos sa kanyang pagkaaresto ay mula kay Gobernador-Heneral Blanco.
Namangha si Rizal sapagka’t bago siya umalis ng Pilipinas ay binigyan siya ng mga sulat ni
Blanco na nagpapakilala sa kanya sa mga Kastilang ministro ng digmaan at mga teritoryo sa
ibang lupain. Ang sulat na ito ay nagsasaad na wala siyang kinalaman sa himagsikan.
Ipinapalagay ni Rizal na ang pagka-aresto sa kanya ay dala ng kapangyarihan ng mga prayle.
Nang siya ay makarating sa Barcelona noong Oktubre 3, 1896, siya ay ipinailalim sa
pangangalaga ni Despujol kung saan siya ay pansamantalang ikinulong sa kutang tanggulan ng
Monjuich. Ibinalik siya sa Maynila at noong Nobyembre 3, 1896, ay ikinulong sa Fort Santiago.

Week 9 : Pagtatasa (Assessment)

Panuto: Lagyan ng wastong sagot ang bawat puwang

1. Si ______________________ ang dating guro sa Ateneo ay nakatagpo ni Rizal sa Dapitan.

2. Nagbigay pahintulot si ____________________ kay Rizal upang magsilbing manggamot sa


Cuba.

3. Nabatid ni Rizal na ang pagkaaresto sakanya ay mula kay _____________________.

4. Ayon kay _________________________ si Rizal ay humiling ng isang rebolber na


kakailanganin niya paglisan sa Dapitan.

5. Nakahati ni Rizal sa loterya si __________________ at ng isa pang Kastila.

6. Setyembre 3, 1896 umalis si Rizal patungong _____________________ sakay ng


______________________.

45
7. Nang makarating si Rizal sa Barcelona siya ay nasa pangangalaga ni
____________________.

8. Dumating si Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan na ang ginamit niyang pangalan ay


____________________.

9. Si _____________________ ay malayang nakakapasok sa bahay ng mayayaman.

10. Ang Dulce Estranghera sa buhay ni Rizal ay si ___________________________.

Gawaing Pangklase 1

Panuto: Sabihin o Kilalanin ang tungkol sa mga sumusunod.

1. Padre Francisco de Paula Sanchez

2. Gobernador Ramon Blanco

3. Ricardo Carnicero

4. Dr. Pio Valenzuela

5. Eulogio Despujol

Gawain 2

Panuto: Sagutin at isagawa ang mga sumusunod.

1. Ano ang napapaloob sa liham na ipinagkaloob no Gobernador Ramon Blanco kay Rizal?

____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano ang kaugnayan ng Nobyembre 1893 sa buhay ni Rizal?

____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bakit tinutulan ni Dr. Pio Valenzuela ang balak ni Rizal na libreng serbisyo bilang
manggagamot sa Cuba?

46
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Bakit ng ipahayag ni Dr. Pio Valenzuela na magaganap ang rebolusyon ng wala sa panahon,
bakit ito ay tinutulan ni Rizal?

____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Paano makatutulong sainyo bilang mag-aaral ang pagsasagawa ng disiplina?

____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Week 10 Talakayan, Mga Katanungan at Pagsasanay

PAGLILITIS KAY RIZAL

Bagama’t walang matibay na basihan upang isakdal si Rizal sa kasalanang kataksilan sa


Espanya at pakikipagsabwatan sa rebolusyon, ang panig na taga-usig ay gumamit ng mga
kasulatan at testimonya na hindi kapanipaniwala upang maisakdal si Rizal. Ipinaaresto rin ang
kapatid ni Rizal na si Paciano at ikinulong sa Fort Santiago kung saan siya ay isinailalim sa
lahat ng uri ng pagpapahirap upang pilitin siya na umamin na si Rizal ay may kaugnayan sa
Katipunan. Bagama’t labis ang pahirap na kanyang tinamo, tumanggi si Paciano na magsalita
ng kahit na ano. Samantala, simula ng Nobyembre 20, si Rizal ay isinailalim sa mga
pagtatanong ni Koronel Francisco Olive, ang pinunong nagsagawa ng operasyong military sa
Kalamba noong 1890. Isinumite niya ang kanyang natuklasan kay Blanco. Nagtalaga si Blanco
ng isang huwes upang mag-aral sa ulat ni Olive. Natapos na mabasa ang ulat, ito ay binalik ng
huwes kay Blanco na may kalatas na si Rizal ang pangunahing nagtatag at buhay na kauluwa
ng himagsikan. Napagpasyahan na si Rizal ay lilitisin sa pamamagitan ng “court marshall”.
Binigyan siya ng abogado sa katauhan ni Luis Taviel de Andrade, nakababatang kapatid ng
naging bantay ni Rizal sa Dapitan na si Jose Luis Taviel de Andrade. Bago magsimula ang
paglilitis kay Rizal, nagawa ng mga Dominiko na mapalitan si Balnco ni Camilo de Polavieja. Si
Polavieja ay dumating sa Maynila noong Disyembre 3, 1896 upang maging katulong ni Blanco.
Pinag-utos niya ang pagpapatuloy sa paglilitis kay Rizal. Noong Disyembre 26, naganap ang
paglilitis at ng hapon ding iyon ay lumabas ang hatol kay Rizal. Siya ay nagkasala at
hinahatulan ng kamatayan. Ang hatol na kamatayan ay nilagdaan ni Polavieja noong Disyembre
28. Ipinahayag niya ang pagbitay ay isasagawa sa Bagumbayan sa umaga ng Disyembre 30 sa
pamamagitan ng poselirya (musketry). Nang araw ding yaon, Disyembre 28, sinikap ng ina ni
Rizal na makipagkita kay Polavieja, subali’t hindi siya tinanggap sa Malacañang. Sa Cavite
naman, napag-alaman ni Paciano na binabalak nina Bonifacio na dukutin si Rizal. Pinayuhan
niya nag mga katipunero na huwag nang ituloy ang kanilang balak sapagka’t batid niyang hindi
ito papayagan ni Rizal.

Week 11 Gawain (Activity)

47
Panuto:Sagutin ang mga sumusunod.

1. Bakit ikinulong si Paciano sa Fort Santiago?

____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Marapat ba na si Rizal ay litisin sa pamamagitan ng Court Marshall?

____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bakit sinasabing ang paglilitis na isinagawa ay isang paglilitis na hindi makatarungan?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

4. Ano ang pamagat ng aklat na ipinagkaloob ni Rizal kay Josephine Bracken at ano ang
nakalagay na dedikasyon?

____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Bago maghiwalay sila Donya Teodora at Rizal ano ang tanging kahilingan ni Rizal sa kayang
ina?

____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Week 11 Takdang Aralin (Assignment)

A. Kung ilalagay mo ang iyong sarili kay Rizal, anu-ano ang iyong gagawin sa nalalabi mo pang
tatlong araw dito sa daigdig? Isulat ang mga ito at ipaliwanag bawat isa.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

B. Batay sa iyong nabuong pananaw, buhat sa buhay ni Dr. Rizal, paano mabubuhay ang mga
prinsipyo at paninindigang kanyang kinamatayan sa iyong mga pang araw-araw na gawain.

48
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Panuto: Gumawa ng masusing paghahambing sa uri ng paglilitis na isinagawa kay Rizal at sa


uri ng paglilitis na nagaganap sa ating lipunan sa ngayon.

Paglilitis Noon Paglilitis Ngayon

MGA HULING SANDALI NI RIZAL

Ang kamatayan ay isang bagay na napaghandaan ni Rizal. Ang maagang kamatayan ay alam
niyang darating sa kanyang buhay. Ang kaalamang ito ay naisulat niya sa kanyang talaarawan.
Nakita niya rin ang maagang kamatayan sa kanyang mga panaginip. Sa mga huling sandal ni
Rizal sa kanyang silid bilangguan ay larawan siya ng kapayapaan.

49
Nang umaga ng Disyembre 29, dinalaw si Rizal ng ilang paring Heswita. Nakipagkita sila kay
Rizal upang himukin ito na bawiin ang kanyang mga naging pagkakamali laban sa simbahan.
Sinasabi na nagtagumpay ang mga pari na mapahinuhod si Rizal na lumagda sa isang
retraksyon. Ito ay ayon kay Padre Vicente Balaguer. Subali’t ang bagay na ito magpahanggang
ngayon ay nanatiling isang malaking katanungan at pinaniniwalaan na walang katotohanan.

Batid ni Rizal na mayroon na lamang siyang dalawampu’t apat na oras para mabuhay.
Nagpadala siya ng kalatas sa kanyang pamilya na nagsasaad na nais niyang makita ang ilan sa
kanila bago siya mamatay sapagka’t mayroon siyang sasabihing mahalagang bagay. Gumawa
din siya ng liham para kay Bluementritt.

Ipinadala niya ang liham na ito kasama ang isang aklat. Nang araw ding iyon ginawa niya ang
isang liham para sa kanyang kapatid na si Paciano. Ang liham na ito ay walang petsa.

Nang dakong hapon ng Disyembre 29 ay dinalaw si Rizal ng kanyang namimighating ina, mga
kapatid na sina Maria,Trinidad at Narcisa, ganoon din ang kanyang mga pamangkin na sina
Angelica at ang munting si Mauricio na kanyang paborito. Kasama din nila si Josephine. Unang
pinapasok sa kanyang selda ang kanyang ina. Tigib ng luha na nagyakap ang mag-ina subali’t
sila ay pinaghiwalay ng guwardiya. Lumuhod si Rizal at humalik sa kamay ng kanyang ina.
Walang salitang lumabas sa kanilang mga labi. Ang kanilang mga luhaang mata ang
nagsasaad ng kanilang pagmamahal at pagkaunawa sa isa’t isa. Hiniling ni Rizal sa kanyang
ina na hilingin sa may kapangyarihan na payagan ang kanyang pamilya na siyang maglibing sa
kanyang bangkay. Pagkaraan ng ilang sandali, si Donya Teodora ay nagpaalam na. Ang iba
pang kamag-anak ni Rizal ay isa-isang nagsipasok. Bilang alaala ay binigyan niya si Angelica
ng isang panyolito, kay Narcisa ay ipinagkaloob niya ang kanyang silyang yantok, kay Mauricio,
isang sinturon at relo, kay Trinidad ay ibinigay niya ang ilawang alkohol. Ibinulong niya kay
Trinidad na mayroong laman ang alkohol. Wala siyang naibigay kay Maria.

Nang makaalis na ang lahat ng miyembro ng pamilya ni Rizal ay dumating si Jospehine.


Napakaiksi lamang ng kanilang pag-uusap.

Sinasabing nangumpisal si Rizal ng mga unang oras ng Disyembre 30. Ayon kay Padre
Balaguer, hiniling ni Rizal na magdaos ng misa at makapangumunyon.

Nang araw ding iyon, gumawa si Rizal ng huling liham at habilin para sa kanyang pamilya.

Ayon sat ala, nagbalik si Josephine sa bilangguan ng ika-lima ng umaga ng Disyembre 30 para
ganapin ang kanilang kasal ni Rizal. Pagkaraan ng seremonya, binigay ni Rizal kay Josephine
ang isang aklat na may titulong “Imitation of Christ”. Nilagyan niya ito ng dedikasyon: “Sa aking
mahal at kulangpalad na asawa.” Bago naghiwalay ay tinanong ni Rizal si Josephine kung ano
ang gagawin nito pagkamatay niya. Sapagka’t naririnig ng guwardiya, hindi nasabi ni Josephine
na siya ay sasama sa rebolusyon. Sinabi na lamang niya na siya ay magtuturo ng Ingles.

Week 11 Talakayan, Mga Katanungan at Pagsasanay

ANG PAGBITAY KAY RIZAL

50
Sinong nilalang ang hindi makakaramdam ng takot sa pagharap niya sa kamatayan? Gaano
man katapang ang isang nilalang, ang katiyakan ng pagdating ng kamatayan ay magbibigay pa
rin sa kanya ng takot at matinding kalungkutan. Subali’t tunay ngang naiiba si Rizal.

Matapos ang pagdalaw ni Josephine kung saan ang kanilang paghihiwalay ay natighaw ng
luha, at matapos na maisulat ang dalawang huling liham niya sa kanyang ama at ina, si Rizal ay
inilabas na ng kanyang bilangguan upang dalhin sa Bagumabayan. Nakadamit ng itim mula ulo
hanggang paa, lumabas si Rizal sa kanyang selda na nakagapos ng abot-siko. Kasama niya
ang kanyang abugadong si Taviel de Andrade, Padre Villaclara at Padre Estanislao March. Ang
martsa patungo sa kanyang bibitayan ay pinangungunahan ng isang trompetero at tagatugtog
ng tambol.

Sa salaysay na ibinigay sa mananalaysay na si Antonio K. Abad ni Blas Hizon, isang Pilipinong


naglilingkuran bilang guardia civil sa pamahalaan ng Kastila na siyang naatasang humihip ng
korneta bilang hudyat ng pagbaril kay Rizal.

Tunay na kalunos-lunos ang pagkamatay ng isang Pilipino na walang hinangad kundi ang
makitang ang kanyang mga kababayan ay makaalpas sa gapos ng pagkakaalipin; isang
Pilipinong nangarap na ang katarungan ay kakamtin ng kanyang mga mahal na kalahi; isang
Pilipinong ginugol ang buhay upang ang kanyang Perlas ng Silangan ay muling maging isang
Eden, hindi para sa mga dayuhan kundi para sa mga Pilipino.

ANG LABI NI RIZAL

Bago pa man bitayin si Rizal noong Disyembre 31, 1896, ang kanyang inang si Doña Teodora
ay nagtungo na sa kung sinu-sinong taong may kapangyarihan upang makahingi ng pahintulot
na ibigay sa kanila ang bangkay ni Rizal pakatapos na ito ay barilin. Sa buong hapon
magpahanggang gabi ng Disyebre 29,1896 ay nagsusumamo ang kaawa-awang ina para sa
pagkuha sa bangkay ng anak pagkamatay nito subali’t ang kanyang pakiusap ay hindi
pinakinggan.

Bakit kailangang ipagkait ang bangkay ni Rizal sa kanyang pamilya? Ano pa ba ang panganib
na maaaring idulot ng isang bangkay? Ang sanhi ng apg-ayaw ng mga may kapangyarihan na
ibigay ang bangkay ni Rizal sa kanyang pamilya ay dala ng kanilang pangamba nab aka
dumugin ng mga tao ang lugar na paglilibingan dito at magiging isang lugal pilgrimahe iyon na
tiyak na hahantong sa pagkilala kay Rizal bilang isang martir. Ito ay kinakatakutan ng mga
Espanyol kung kaya hinangad nilang lihim ang paglilibingan sa bangkay.

Subali’t hindi naman lahat ng Kastila ay may matigas na puso. Ang gobernador sibil ng Maynila
na si Manuel Luengo ay nahabag sa matandang ina ni Rizal at sumang-ayon sa pakiusap ng
matanda na makuha ang bangkay ng kanyang anak. Sa ganitong pagpayag, nagpahanda si
Narcisa ng kabaong ganoon din ng karo na kukuha sa bangkay ng kapatid.

Nang mabatid na tapos na ang pagbitay kay Rizal, ipinakuha ng pamilya ang bangkay subali’t
wala na ito sa pook na kinalugmukan. Ganoon na lamang ang pagdadalamhati ng pamilya.
Hinanap ni Narcisa ang bangkay ng kapatid kung saan-saang sementeryo subali’t hindi niya ito
matagpuan. Wala ng pag-asa si NArcisang makita ang pinaglibingan sa kapatid at pauwi na

51
siya nang mapansin niya na may mga guardia civil na nagbabantay sa may lumang sementeryo
ng Paco. Kinabahan siya sapagka’t hindi pangkaraniwan ang pangyayaring iyon. Nagpasiya
siyang pumasok sa sementeryo.

Sa paglalakad ni Narcisa sa loob ng libingan ay napansin niya ang isang hukay na kasinghaba
ng tao na katatabon pa lamang. Malakas ang naging kutob ni Narcisa na iyon ang libingan ni
Rizal.

Sapagka’t batid niya na maaaring maraming taon pa ang palilipasin bago mahukay ang
bangkay ng kapatid ay nagpagawa si Narcisa ng isang plakang may mga letrang R.P.J. at
niregaluhan ang tagabantay ng sementeryo upang pumayag ito na lagyan ng marka ang
puntod.

Naipahukay ang kinalilibingan ni Rizal sa panahon ng mga Amerikano. Taong 1898, buwan ng
Agosto ng makakuha ng pahintulot si Narcisa na maipahukay ang libing ng kanyang mahal na
kapatid. Sa pagkahukay sa bangkay ay nakita ang katotohanan na inilibing ito ng walang
kabaong. Ang sapatos na sinabi ni Rizal na kunin pagkamatay niya sapagka’t mayroon siyang
inilagay dito ay buo pa subali’t wala na ang sinasabing bagay na kanyang inilagay.

Taong 1911 ng ang bangkay ay mabigyan ng isang marangal na libing sa Monumentong Rizal
sa lugar na pinagbitayan sa bayani.

Week 11 Gawaing Pangklase

Panuto: Kilalanin ang tungkol sa mga sumusunod.

1. Tenyente Taviel de Andrade

2. Padre Istanislao March

3.Padre Villaclara

4. Eduardo Gutierrez Repide

5. Dr. Felipe Ruiz Castro

Gawain 2

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod:

52
1. Habang nilalandas na ni Rizal and pook na pagbabarilan sa kanya kaagapay ang isang pari
at sinabi niya “Anong ganda ng araw na ito padre” ano ang nais ipakaluhugan dito sa sinambit
ni Rizal? Ipaliwanag

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Sa kabila ng katatayuan ni Rizal na nakatali ang mga siko at tinalian sa likuran nagawa pa
niyang makipagkamay at magpaalam kani-kanino.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano ang tanging kahilingan ni Rizal sa kapitang Kastila bago siya barilin?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Week 11 Pagtatasa (Assessment)

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

1. Sinu-sino ang kaagapay ni Rizal ng ilabas sa bilangguan upang dalhin sa bagong bayan?

2. Sino si Blas Hizon, ilahad ang kanyang papel na ginampanan?

3. Anong hakbang ang ginawa ng Kapitan gayung si Rizal ay nakabulagta na bumagsak sa


kanan ang kanyang katawan?

4. Bakit ang taong humihip ng korneta ay hindi nakatulog at magdamag na balisa, anong
hakbang ang kanyang ginawa?

53
Week 12 Talakayan, Mga Katanungan at Pagsasanay

MGA PAG-IBIG SA BUHAY NI RIZAL

Sa tatlumpu’t limang taong inilagi ni Rizal sa daigdig ng mga mortal, sinasabing may mahigit na
isang dosenang babae ang nagkaroon ng kaugnayan sa kanyang buhay. Sinu-sino ang mga
babaing ito at gaano kalalim ang naging bahagi nila sa buhay n gating bayani? Anong uring
mangibig ba si Rizal? Sino sa mga babaing naging bahagi ng kanyang buhay ang tunay niyang
minahal?

1. Julia. Unang dumating ang pag-ibig kay Dr. Jose Rizal sa gulang na labing-anim na taon
noong siya ay nag-aaral sa Ateneo de Manila. Sinundan iyon ng marami pang iba na pawing
nag-iwan sa kanya ng magagandang alaala.

2. Segunda Katigbak. Ang dalaga ay kaibigan at kasama sa inuupahang bahay ng kanyang


kapatid na si Olimpia. Sinasabing pag-ibig sa unang pagkikita at ito rin ang kauna-unahan
niyang pagkabigo sapagkat ang dalaga ay nakatakda nang ikasal sa isang nagngangalang
Manuel Luz.

3. Miss L. Hindi nakilala ang dalagang ito na inilarawan ni Rizal na maputi at may mapang-akit
na mga mata.

4. Leonor Valenzuela. Siya ang mataas na dalagang taga-Pagsangjan, Laguna. Sinuyo siya ni
Rizal sa pamamagitan ng mga liham na isinulat sa inbisibol na tinta. Ang tintang ito ay ginawa
niya buhat sa pinaghalong asin at tubig. Mababasa lamang kung itatapat sa ilaw ng kandila o
lampara.

5. Leonor Rivera. Ayon sa maraming manunulat, siya ang itinuturing na tunay na pag-ibig ni
Rizal. Si Leonor ay anak ng kanyang tiyuhing si Antonio Rivera. Ang dalawa ay naging
magkasintahan at sa mga liham ay itinatago ng dalaga ang sarili sa pangalang “Taimis.”

6. Consuelo Ortega Y Rey. Dahil sa kalungkutan, si Rizal ay nahalina sa dalagang Espanyola.


Inalayan niya ito ng tula na may pamagat na “A La Señorita C.O.yR.” Ngunit hindi niya
hinayaang yumabong ang kanyang damdamin sa dalaga sa dalawang dahilan: Una, ayaw
niyang magtaksil kay Leonor Rivera, ikalawa, si Eduardo dem Lete na matalik niyang kaibigan
ay umiibig rin ng labis sa dalaga.

7. O-Sei-San. Ang tunay niyang pangalan ay “Seiko-Usui”. Naging maligaya ang paninirahan ni
Rizal sa bansang Hapon dahil sa dalaga. Natuklasan nila ang pagkakatulad ng kanilang mga
hilig at mga pangarap sa buhay. Hinangaan ni Rizal ang kagandahan at talino ng dalagang
Haponesa. Maraming naituro ito sa kanya kasama na ang pagsasalita ng wikang Niponggo.

8. Gertrude Beckett. Isang dalagang Ingles na may kulay lupang buhok, asul na mga mata at
mapupulang pisngi. Magiliw ang dalaga kay Rizal at ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi sa

54
pag-iibigan. Ang malambing nilang tawagan sa bawat isa ay “Gette” at “Pette.” Gayunpaman,
hindi nagkaroon ng katuparan ang matamis nilang pag-iibigan sapagkat higit na matimbang ang
pag-ibig ng binata sa kanyang inang bayan.

9. Susanne Jacoby. Siya ay isang dalagang taga-Belgium na umakit kay Rizal sa panahong
siya ay nangungulila kay Leonor Rivera.

10. Nellie Bousted. Nakilala ni Rizal ang dalaga nang siya ay manirahan sa Madrid. Nahumaling
ang binata sa dalaga dahil na rin sa pagkasiphayong idinulot ng pagpapakasal sa iba ng
kasintahang si Leonor Rivera. Gayunpaman, hindi natuloy ang binalak nilang pagpapakasal
dahil sa pagtanggi ng binatang tumiwalag sa pagiging katoliko upang maging isang Protestante
na siyang relihiyon ng dalaga.

11. Josephine Bracken. Dumating ang dalagang ito sa buhay ni Rizal noong panahong
ipinagdurusa ng binata ang pagkamatay ni Leonor Rivera. Ang dalaga ay kasama ng tiyuhin
nitong si G. George Taufer na sinadyang puntahan si Rizal sa Dapitan upang magpagamot ng
mata. Sumibol ang tunay na pag-ibig sa puso ng dalawa at walang nagawa ang pagtutol ni
G.Taufer upang sila ay paghiwalayin. Sa kabila ng pagtutol ng maraming tao ay naging matatag
ang pag-ibig ng dalawa. Pansamantalang tumira ang dalaga sa tahanan ng mga magulang ni
Rizal sapagkat walang paring magnais na sila ay ikasal. Nagpasya ang magkasintahan na
gawin ito nang nag-iisa. Magkahawak-kamay at sa harap ng Diyos ay isinagawa nila ang ritwal
ng pagkakasal at sila’y maligayang nagsama bilang mag-asawa.

Week 12 Gawain (Activity)

Panuto: Gumuhit ng isang simbolo na maaring maglarawan kay Rizal bilang isang mangingibig,
ipaliwanag ang simbolong ito

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Pagtapat-tapatin. Isulat lamang ang mga titik ng angkop na kasagutan

___1. Unang Pag-ibig ni Rizal a. Julia

55
___2. Pinakakilalang babaeng Haponesa b. Jose ma. Cecelio

___3. Pangalawang babae sa buhay ni Rizal k. Bb. L

___4. Palaisip at relihiyosa d. Josephine Bracken

___5. Nanghuli ng paru-paro e. Rizal

___6. Dulce Estranghera g. Sarah

___7. Kapatid ni Josephine Bracken h. Leonor Rivera

___8. Isang dalagang taga Pakil Laguna i. O sei-san

___9. Matalik na kaibigan ni Rizal j. Nelly

___10. Labing anim na taong gulang k. Segunda Katigbak

Gawain 3

1. Bakit nagtangkang magpakamatay si James Tauffer sa pamamagitan ng labaha?

2. Sa kabila ng matagal na unawaan nina Rizal at Getrude, bakit kailangan lumayo si Rizal
bago mabunyag ang kanilang unawaan?

3. Anu-ano ang mga bagay o simbolo na ginamit nina Rizal at Segunda bilang tanda ng
kanilang huling pagkikita, bakit?

56
4. Anu-ano ang tatlong kasunduan kung kaya’t pumayag si Leonor Rivera na magpakasal kay
Charles Henry Kipping?

5. Ipaliwanag ang taludturan ito “Unti-unti kong nilalagok ang matamis na lason ng pag-
ibig”

Week 13

ANG PAGKAKATATAG NG LA LIGA FILIPINA

Gabi ng ika-3 ng Hulyo, 1892, isang lingo na ang nakaraan mula nang sila ay dumating buhat
sa Hongkong, nang itatag ni Rizal ang “La Liga Filipina” sa tahanan ni Doroteo Ongjunco, sa
daang Ilaya sa Tondo, Maynila. Ang makasaysayang pagtitipong ito ay dinaluhan ng maraming
Pilipinong makabayan.

Lumisan si Rizal sa Europa noong 1891. Nagtungo siya sa Hongkong at nanirahan doon
hanggang Hunyo 21, 1892. Habang nasa Hongkong ay nag-isip siya ng sandatang higit na
makapangyarihan. Katulong si Jose Ma. Basa ay naisip niya ang magtatag ng isang samahan
at ito nga ay ang La Liga Filipina na may mga sumusunod na layunin:

1) pag-isahin ang buong kapuluan sa isang katawang buo, malakas at magkakauri;

2) magbigay ng tulong sa lahat sa oras ng kagipitan at pangangailangan;

3) ipagtanggol ang mga mamamayan sa lahat ng uri ng karahasan at kawalan ng katarungan;

4) paunlarin at palakasin ang edukasyon, agrikultura at pangangalakal; at

5) ipagpatuloy ang pag-aaral at pagpapatupad ng reporma.

Sa tulong ni Jose Maria Basa ay sinulat ni Rizal ang Saligang Batas ng La Liga Filipina.
Sinasabing ang Saligang Batas ng La Liga Filipina ang pinakamahalagang naisulat ni Rizal
habnag nasa Hongkong. Upang maipaalam sa kanyang mga kababayan ang kanyang mithiin
na magtatag ng isang samahan ay ipinadala niya sa kaibigang si Domingo Franco ang ilang sipi
ng Saligang Batas ng Liga.

57
Nang si Rizal ay magbalik sa bansa noong Hunyo 1892, ay itinatag niya ang samahan. Noong
gabi ng Hulyo 3, 1892 sa bahay ni Doroteo Ongjunco sa Ylaya, Tondo ay sumilang ang isang
samahan na may tatlumpong miyembro, ang isa dito ay si Andres Bonifacio. Sa pagkakatatag
ng samahang ito ay napagtagumpayan ni Rizal na mapagsama-sama ang mayayaman at
mahihirap, may mga pinag-aralan at mangmang.

Matapos maipaliwanag ni Rizal ang mga layunin ng La Liga Filipina ay lubusan ang naging
paghanga sa samhan ng mga nasa pulong. Nagdaos ng halalan at nahalal na mga pinuno ang
mga sumusunod: Ambrosio Salvador, pangulo; Deodato Arellano, kalihim; Bonifacio Arevalo,
inagt-yaman; at Agustin dela Rosa, piskal.

Sapagka’t pinaghihinalaang isang subersibong samahan, hinuli at ipinatapon ng mga


makapangyarihan si Rizal sa Dapitan sa utos ni Gobernador-Heneral Eulogio Despujol noong
Hulyo 7, 1892. Sa pagkakatapon kay Rizal, nanamlay ang Liga.

Bagama’t hindi nagtagal ang buhay ng Liga, masasabi namang ito ang nagbigay-daan sa
pagkakatatag ng Katipunan. Ang katotohanang ito ay masasalamin sa binitiwang pangungusap
ni Rizal kay Dr. Pio Valenzuela ng dalawin siya nito sa Dapitan at banggitin ang pagkakatatag
ng Katipunan. Ani ni Dr. Rizal, “ang butil pala ay nagbunga”.

Week 14 Pagtatasa (Assessment)

1. Kailan at Saan inilathala ni Rizal ang Saligang batas at alamin ang mga tuntunin ng La Liga
Filipina.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Bakit sinasabing ganap na napagtagumpayan ni Rizal ang pagkakatatag ng La Liga Filipina?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Bakit tinutulan ni Andres Bonifacio ang pagsuporta sa La Liga Filipina?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Ipaliwanag ang mga sumusunod:

a. Katipunan

58
b. Cuerpo de Compromisario

c. Unus instar omium

Gawain Pangklase 1

Panuto: Sabihin kung tama o mali. Isulat ang T kung tama at M kung mali.

___1. Hulyo 3, 1892 nang itatag ni Rizal ang La Liga Filipina

___2. Ang mga sipi ng Saligang Batas ang ipinadala ni Rizal kay Domingo Franco

___3. Ang mga tuntunin ng La Liga Filipina ay inilathala sa Hongkomg

___4. Ang pagtatayo ng samahang Filipino ay binalak ni Jose Maria Basa

___5. Ang Saligang Batas ay nalathala sa Kastila at Tagalog

___6. Sa tulong ni Jose Maria Basa ay sinulat ni Rizal ang saligang batas ng La Liga Filipina

___7. Si Pedro Serano Laktaw ay kilala sa tawag na “Panday Pira”

___8. Ang Motto ng La Liga Filipina ay “Unus instar omium”

___9. Ang La Liga ay isang lihim na samahang nakabase sa masa

___10. Ang mga kasapi ay nagtataglay ng sagisag na sila mismo ang pumili

Week 13 Takdang Aralin (Assignment)

1. Bakit kaya Noli Me Tangere ang napili ni Rizal na pamagat sa kanyang Nobela?

2. Bakit isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere? banggitin ang mga naging inspirasyon ni Rizal sa
pagsulat ng Noli Me Tangere.

3. Bakit ang nobela ay inihalintulad ni Rizal sa isang sakit na cancer?

4. Paano inaasahan ni Rizal na makakatulong ang Noli Me Tangere sa paglutas sa sakit na ito
ng bayan?

5. Saan Hinango ang pamagat na Noli Me Tangere?

Week 14 Talakayan, Mga Katanungan at Pagsasanay

MGA NOBELA NI RIZAL

Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ang kauna-unahang nobelang sinulat Ni Rizal. Bago natapos ang taong
1884, sinimulan niya itong sulatin sa Madrid at doo’y natapos ang kalahati ng nobela.
Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at natapos ang kalahati ng natitirang

59
kalahati. Sa wakas, natapos niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa
Alemanya noong Pebrero 21,1887. Nguni’t wala siyang sapat na halaga upang ito’y
maipalimbag. Mabuti na lamang at dumating si Dr. Maximo Viola, na nagpahiram sa kaniya ng
salapi, kaya noong MArso 29, 1887 ay naipalimbag ang unang 2,000 sipi ng nobela.

Ang pamagat na Noli Me Tangere, ay isang pariralang Latin na ang kahulugan ay “huwag mo
akong salingin.” Ayon sa kaniyang liham kay Felix Resurreccion Hidalgo, ang pariralang ito’y
kinuha niya sa Ebanghelyo ni San Lucas (ang dapat ay Ebanghelyo ni San Juan) 20: 13-17.

Ang nobela, ayon kay Rizal, ay tungkol sa mga bagay na hanggang sa kasalukuyan ay walang
sino mang makapangahas na bumanggit, walang makasalanang, sapagkat napakaselan.
“Pinangasahan kong gawin ang di mapahangasang gawin ng iba. Sinikap kong sagutin ang
mga paninirang sa loob ng mga dantaon ay iniukol sa amin at sa aming bayan; inilarawan ko
ang kalagayan ng lipunan, ang pamumuhay, an gaming mga paniniwala, mga pag-asa, mga
hangarin, mga karaingan, mga pagdadalamhati… ang mga bagay na aking isinalaysay ay
pawing katotohanan at tunay na nangyari; ang mga iyon ay maaari kong patunayan.”

Sa liham ni Rizal kay Bluementritt ay isinaad niya ang ganito tungkol sa kaniyang nobela: “Ito
ang unang aklat sa buhay ng mga Tagalog na walang kinikilingan at walang takot. Matatagpuan
ng mga Pilipino ang kanialng kasaysasayan sa lumipas na sampung taon… Dito’y sinagot ko
ang mga sinulat laban sa amin, ang mga paglibak sa aming lahi.”

Ang layunin ni Rizal sa pagsulat ng Nolo ay matatagpuan sa kaniyang paghahandog ng nobela


“Sa Aking Inang-Bayan”: “Sa pagnanais ko ng iyong kagalingan, na siya ring kagalingan
naming, at sa paghahanap ng lalong mabuting lunas ay gagawin ko sa iyo ang gaya rin ng
ginawa sa kaniyang mga maysakit ng mga taong noong unang panahon: itinatambad sila sa
mga baiting ng templo upang bawa’t taong paroon at manalangin sa Diyos ay makapaghatol ng
isang kagamutan.” Samakatuwid, sinulat ni Rizal ang “Noli” upang ihanap ang lunas ng
malubhang sakit ng lipunan sa kaniyang bayan noong panahong iyon.

Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang panlipunan, na nagpapakita ng mukha ng lipunang


nabubuhay na alipin, ang lahat ay nakagapos, iilan ang nakauunawa sa kahulugan ng kalayaan.

EL FILIBUSTERISMO

Ang ikalawang nobelang ito ni Rizal, ang El Filibusterismo, ay sinimulan niyang sulatin sa
Kalamba noong Oktubre, 1887, ipinagpatuloy sa Londres, Paris at Madrid, at natapos sa Biarritz
noong Marso 29, 1891. Ito’y naipalimbag niya noong Setyembre 18, 1891 sa tulong ng kaniyang
kaibigang si Valentin Ventura na nagpadala ng halagang kailangan pa upang matapos ang
pagpapalimbag.

Ayon kay Rizal, ang kahulugan ng salitang “filibustero” ay isang mapanganib na makabayang
malapit nang bitayin. Naiugnay niya ang kahulugang ito sa mga nagaganap noon, at sapagka’t
labispa niyang ipinagdaramdam ang kalunus-lunos napagpatay sa tatlong paring martir,
naipasiya niyang pamagatan ng El Filibusterismo ang kaniyang ikalawang nobela atihandog ito
sa kanila.

60
Nais ipahayag ni Rizal na ang buong Pilipinas, sa pagdakila sa alaala ng tatlong pating sina
Pari Burgos, Gomez at Zamora, at sa pagtawag sa kanilang martir, ay hindi naniniwalang sila’y
may kasalanan. Sa gayo’y ihahandog niya sa mga paring martir ang kaniyang mga pagsisikap
at kikilalaning sila’y biktima ng kasamaang kaniyang kakabakahin.

Ang El Filibusterismo ay isang nobelang pampulitika, na naglalarawan ng mga pangyayaring


nagmulat sa mga Pilipino upang maging kaaway ng pamahalaan at ng simbahan. Namayani
ang hinanakit, poot, at kapaitan sa mga tauhan ng nobela upang gisingin at paghimagsikin ang
bayan. Isinaad ni Blumentritt sa pahina ng pamagat na ang layunin ng isang filibustero ay
papaniwalain ang mga Pilipino na wala nang nalalabing dapat gawin para sa kaligtasan ng
Pilipinas kundi ang humiwalay sa inang-bayan.

Week 14 Pagtatasa (Assessment)

1. Ano ang layon ni Rizal sa pagsulat ng El Filibusterismo?

2. Ano ang kaibhan ng Noli Me Tangere sa El Fiibusterismo batay sa kaurian ng pagka nobela?

3. Kanino inihandog ni Rizal ang El Filibusterismo at bakit?

4. Paano binigyang kahulugan ni Rizal ang salitang Filibustero? kanino niya iniugnay?

61
Week 14 Takdang Aralin

Panuto: Basahin ang tula na may pamagat na “Ang Awit ni Maria Clara” at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

1. Tukuyin ang mga taludtod na nagpapahayag ng taimtim napagmamahal ni Rizal sa kanyang


bayan

2. Ihambing ang kataimtiman na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak

3. Anong larawan at damdamin ang binubuhay sa inyo ng tula, ipaliwanag

Week 15 Talakayan, Mga Katanungan at Pagsasanay

SA MGA KABABAYANG DALAGA NG MALOLOS

Ang liham na ito’y sinulat ni Rizal sa Tagalog noong siya’y nasa Londres,Pebrero 22, 1889, sa
kahilingan ni Marcelo H. Del Pilar upang papurihan ang mga dalagang taga- Malolos dahil sa
kanilang pagbubukas ng paaralang panggabi upang matutuhan ang wikang Kastila, bagaman
laban sa kalooban ng kura paroko. Sa kanilang liham ay binate ni Rizal ang mga dalagang-
Malolos dahil sa kanilang pambihirang lakas ng loob. Dito’y tinalakay rin niya ang kaniyang mga
kaisipan tungkol sa mga katangian, tungkulin, at pananagutan ng babaing Pilipina, lalung-lalo
na ng isang ina.

Noong Disyembre 12, 1888, dalawampung kababaihan ng Malolos ang humling kay gobernador
Heneral Weyler ng pahintulot na makapagbukas ng paaralang panggabi upang makapag-aral
ang mga ito ng Kastila sa ilalim ni Teodoro Sandiko. Dahil sa pagtutol ng kura-paroko na si
Padre Felipe Garcia, hindi dininig ang petisyon. Ngunit ipinakipaglaban ng mga kababaihan ang
kahilingan nila, isang bagay na noon lamang nangyari sa Pilipinas. Nagtagumpay naman sila
lamang ay sina Srta. Guadalupe Reyes ang kanilang magiging guro. Pagkarinig ni Del Pilar sa
pangyayaring ito siya na nasa Barcelona ay sumulat kay Rizal sa Londres noong Pebrero 17,
1889, tinanggap ni del Pilar ang sulat ni Rizal upang itong una ang magpadala sa Malolos.

Ang mga babaing Pilipino ay palasunurin sa asawa, bulag sa pananampalataya at walang


hangaring dumunong. Kahit pagmalabisan ng asawa, yuko ang ulo’t handangmagtiis, tulad ni
Sisa sa “Noli”. Palahalik sa kamay ng mga prayle at sinusunod ang bala nitong iutos, tulad ng
mga manang at dalagasa nobela ring iyan. Naniniwalang ang tungkulin nila’y magluwal ng

62
sanggol at manatili sa tahanan at walang hangad na paunlarin ang kaisipan at masining na
panlasa. Dahil sa mga ina na nag-aalaga at laging kapiling ng kanilang mga anak, ang huli’y
nahuhubog sa ugali’t kaisipan ng una. Ang mga anak na lalaki ay lumalaki na mahihina ang
loob, takot sa makapangyarihan kahit sila pinagmamalabisan nito, wala ring sikhay sa pag-abot
sa karunungan at walang ambisyong paunlarin ang sariling kabuhayan. Kung ganito ang uri ng
mga anak na na nagiging mamamayan sa kanilang pagdating sa edad, sila sa kabuuan ay
nagiging mahina, nagpapabaya sa pagsasamantala, nagpapaubaya sa awa ng Diyos at malayo
sa isip ang kumilos upang sa kataga ni Rizal ay “maging mamamayan ng isang bansa” at hindi
upang maging isang indibiduwal lamang.

Ang mga prayle. Ipinalagay nilang sila’y mga munting Diyos”, at hindi kinatawan nito lamang.
Ang bawat sabihin nila, kahit lisya sa katarungan at kabutihan ay bulag na ipinasusunod.
Kadalasan, ang pagpapasunod ay ginagamitan pa ng dahas. Binibigyan ng Diyos ang bawat
tao ng isip at kaloobang Malayang magagamit sa kabutihan. Samakatwid hangarin ng Diyos na
gamitin angpag-iisip at kaloobang ito sa paghanap ng liwanag at katurungan. Ang di paggamit
sa biyayang ito ng Diyos ay pagtaliwas sa kaniyang hangarin.

Pitong habilin ni Rizal sa mga kadalagahan ng Malolos:

Una, ang ipinagiging taksil ng ilan ay nasa karuwagan at pagkapabayaan ng iba; ikalawa, ang
pagkaalipusta ay bunga ng pagkaaba sa sarili at pagkatakot sa umaalipusta; ikatlo, ang
kamangmangan ay kaalipnan – ang taong walang sariling isip ay bulag at hayop
napinapasunod sa pamamagitan ng tali; ikaapat, ang lakas ay nasa pagkakaisa – ang
paghihiwalay ng isa ay magsasapanganib sa sarili niya, pagkat medaling baliin ang isang
tingting jaysa isang bigkis nito; ikalima, kung walang pagbabago ang isang babae, alisin ang
kapangyarihan niya sa bahay sapagkat ipagkakanulo niya ang asawa, anak, bayan at lahat;
ikaanim, pantay-pantay naisinilang ang tao, walang alipin at walang mang-aalipin, kaya’t
pangalagaan ng bawat isa ang katayuang ito; at ikapito, maging matalino sa pagsusuri sa
relihiyong itinuturo sa inyo, sapagkat may utos ng Diyos at may utos ng tao na hindi dapat
ipagkamali sa isa’t isa.

Week 15 Gawain Pangklase 1

1. Anu-anong kaugalian ng mga babae noong una ang hindi minabuti ni Rizal?

2. Anu-anong mga kaugalian ang dapat linangin sa pagpapalaki sa mga anak ayon kay Rizal?

63
3. Ano ang dapat gawin ng isang babae kung siya ay magiging isang asawa na?

4. Ano ang palagay ni Rizal sa mga babaeng Filipina bago maganap ang pangyayari sa
Malolos?

Gawain 2

1. Bakit sinulat ni Rizal ang liham na ito?

2. Ano raw ang tungkulin ng isang babae sa kanyang asawa at anak?

3.Ano raw ang tunay na kabanalan ayon kay Rizal?

4. Kanino humiling ang mga kadalagahan ng Malolos na magkaroon ng liksyon sa wikang


Kastila. Ipinagkaloob ba ang kanilang kahilingan ipaliwanag.

64
5. Anu-ano ang pitong habilin ni Rizal sa mga kadalagahan sa Malolos?

Week 16 and 17 Talakayan, Mga Katanungan at Pagsasanay

Dalawang Sanaysay ni Rizal

1. Ang Pilipinas saloob ng Sandaang Taon

Ito’y salin sa Tagalog ng “Filipinas dentro de Cien Años,” isang mahabang sanaysay
napangkasaysayan at pampulitika nabaha-bahaging inilathala sa La Solidaridad mula noong
Setyembre 30, 1889 hanggang Pebrero 1, 1890. Ito’y nagsasaad ng panghuhulang darating
ang araw na ang mga Pilipino’y maghihimagsik laban sa mga Kastila at magiging Malaya,
ngunit sa dakong huli’y masasakop naman ng Estados Unidos.

Sa sanaysay na ito ay nagigay si Rizal ng kanyang mga pananaw kung ano ang maaring
maganap sa Pilipinas sa loob ng sandaang taon at kanyang binigyang pansin ang nakalipas,
ang kasalukuyan at ang hinaharap. Sa pasimula ng kanyang sanaysay ay binanggit ni Rizal ang
pangangailangan sa pagbuklat ng aklat ng kahapon upang mabasa angkapalaran ng bayan. Sa
paglingon ni Rizal sa nakaraan ng mga katutubo at sinabi niya ang luwalhating tinatamasa ng
mga ito bago dumating ang mga mananakop na Kastila. Pagkatapos ng pagbabalik-alaala sa
kahapon ng bayan bago dumating ang mga Kastila, ay binigyan diin ni Rizal ang naging kaawa-
awang kalagayan ng mga mamamayan sa panahon ng mga mananakop.

Ang Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon. Ang sanaysay na ito ay binubuo ng apat na artikulo
sa La Solidaridad. Ang sanaysay na ito ay bunga ng kanyang pag-aaral sa mga pangyayari sa
kasaysayan ng bansa at pagsusuri sa kasalukuyang kalagayan. Sa Unang artikulo ay tinalakay
ni Rizal ang sanhi ng paghihirap ng bayan. Ang ikalawang artikulo ay tumatalakay sa
nagsisimulang paghahango sa kamangmangan. Unti-unti ay nagpatuloy ang pag-unlad ng
pambansang kamalayan. Sa ikatlong artikulo ay tinatalakay ni Rizal ang mga pagbabago at
mga reporma sa pulitika na kailangan para sa Pilipinas upang manatili sa ilalim ng Espanya.
Ayon sa kanya para mapayapa at makabuluhan ang mga pagbabago ay dapat magsimula sa
mga may kapangyarihan. Ang anumang pagbabago na magbubuhat sa ibaba, sa masa
ay ,magiging marahas at makamandag, Ang ikaapat na artikulo ay tumatalakay sa mga
hakbangin tungo sa pagkakamit ng kalayaan. Gayunpaman, batid niya na ang Pilipinas ay hindi

65
pa handa sa isang pakikipaglaban alang-alang sa kalayaan. Kaya’t sa kanyang pahayag ay
tinuran niya na iibigin pa niyang makita ang Pilipino na manatiling sakot sa bayan ng Espanya
kaysa makitang magdanak ang dugo sa paghihimagsik.

Ang layunin ni Rizal sa pagsulat ng sanaysay na ito ay humingi ng reporma sa Espanya,


Inilarawan niyang dahil sa pakikidigma ng mga Kastila, ang Pilipinas ay nabawasan ng
mamamayan, naghirap, nabansot… “walang tiwala sa kanilang lumipas, walang pananalig sa
kanilang kasalukuyan at walang masidhing pag-asa sahinaharap”. Sinabi pa niyang mga
Pilipino’y naging alipin – “ isang bruto, isang hayop na nakasingkaw”. Sinabi niyang kailanman,
hindi binigyan ng pagkakataon ng Espanya ang Pilipinas na magpaunlad ng kabuhayan, kultura
at lipunan nito. Ang mga reporma na hinihingi ni Rizal ay tulad ng Kalayaan sa pamamahayag
at Representasyon sa Cortez ng Espanya (Batasang bansa ng Espanya) at kung hindi ibibigay
ng Espanya ang hihinging reporma maaring mag aalsa ang mga Pilipino laban sa mga Kastila
at magtatayo ng sariling pamahalaang hiwalay sa Espanya. Kung hindi naman mag aalsa ang
mga Pilipino, ang Pilipinas dahil sa kahinaan at kasamaan nito ay mahuhulog sa kamay ng
ibang kolonyalismo.

Week16 and 17 Pangklaseng Gawain 1

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod

1. Ano kaya ang layon ni Rizal sa pagsulat ng sanaysay na ito?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Anu-ano ang reporma na hinihingi ni Rizal?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Katamaran ng mga Pilipino

Ito’y salin ng pinakamahabang sanaysay ni Rizal, ang “Sobre la Indolencia de los Filipinos,”
isang matalino’t makatwirang tugon upasala sa mga Pilipino na sila’y tamad. Ito’y baha-bahagi
ring nalathala sa la Solidaridad mula noong Hulyo 15 hangang Setyembre 15, 1890. Pinag
aralang mabuti ni Rizal ang kalagayang panlipunan at pampulitika ng Pilipinas upang
ipakilalang ang sinasabing “katamaran” ng mga Pilipino ay bunga,hindi sanhi, ng kaguluhan at
ng di pag-unlad ng bansa. Sa akdang ito, pinatunayan niya na ang sinasabing katamaran ay
hindi sanhi kundi bunga ng kaguluhang nangyayari at ang pinakahuli ng bansa.

a.) Ang hindi gaanong pagtatrabaho ng mga Pilipino ay dahil sa init ng klima. Una’y lubhang
nakapagpapawis at nakapangpahina ang init at madalas silang “sumilong sa lilim”. Ikalawa, ang
init ay hindi kailangang laging aalagaan.

66
b.) Hindi mana o likas sa mga Pilipino ang malaganap na katamaran noong panahon ng Kastila,
ang mga Pilipino’y may masiglang pakikipagkalakalan sa mga Intsik, Hapon, Arabe at Malay.

c.) Dahil sa masasamang palakad ng pamahalaan, tiwaling pagtuturo ng relihiyon at dahil sa


ugali na rin ng mga Kastila.

d.) Sinira ng mga Kastila ang kasipagan at pagkukusa ng mga Pilipino. Bago dumating angma
dayuhan, nakikipagkalakalan tayo sa ibang bansang Asyano at Gitnang Silangan. Subali’t ito’y
pinutol ng monopoly ng Galleon trade Sa Espanya lamang via Mehiko maaring makikipag
kalakalan ang mga Pilipino. Bunga nito, ang munting industriya at mga gawaing-kamay at
nangatigil.

e.) Kinitil din ng mga Kastila ang pagmamahal ng mga Pilipino sa paggawa dahil sa tinatawag
na “forced labor” Dahil sa pakikidigma ng Espanya laban sa ibang bansang Europeo at sa mga
Muslim sa Mindanao, ang mga Pilipino’y pinapagawang pilit sa pangyari sa barko, pagpuputol
ng mga kahoy at paggawa ngmga kuta.

f.) Hindi ipinagtanggol ng mga Kastila ang mamamayan laban sa mga nanalakay na dayuhan,
pirataat mangdarambong. Walang armas, ang Pilipino’y pinapatay, ang mga tahanan ay
sinusunog, ang mga taniman at pinipinsala at ang mga industriya ay winawasak. Bunga nito,
nagpalipat-lipat ng tirahan ang mga Pilipino o kung hindi man ay ayaw nang magtanim o itayong
muli ang nawasak na industriya at umasa na lamang sa habag ng Diyos.

g.) Tiwali ang sistema ng edukasyon, kung mayroon mang edukasyon. Ang tinuturo sa mga
paaralan ay dasal at iba pang karunungang hindi magagamit ng nagsisipag-aral. Maling
halimbawa ang ipinakikita ng mga namumunong Kastila. Ang mga opisyal ay tanghali na kung
pumasok sa opisina at maaga kung umalis, gayong wala namang nagagawa. Ang mga babae
ay sinusundan ng mga alila at pati ang pagbibihis at pagpapaypay ay ang mga ito pa ang
gumagawa.

h.) Pinahintulutang lumaganap ang sugal. Halos araw-araw ay may sabong at kung pista, ang
mga punong-bayan at mga prayle ang nagpapasimuno ng kung anu-anong sugal.

i.) Tiwali ang pagtuturo ng relihiyon. Itinuturo ng mga prayle sa mga mangmang na Pilipino na
“ang mga dukha ay makakarating sa langit” at ang mga mayaman ay matutungo sa impiyerno.

j.) Mataas ang buwis na ipinapataw sa mga Pilipino, kaya’t ang kalakhan ng bahagi ng kanilang
inaani ay sa pamahalaan o sa mga prayle napupunta.

Sa kalahatan ang mga Kastila ang may sala sa pagiging tamad ng mga Pilipino gusto ng mga
Pilipino mag-aral, walang paaralan. Gusto ng mga Pilipinong mag negosyo, walang puhunan at
walang proteksyon ng pamahalaan. Gusto ng mga Pilipino na mag bungkal ng lupa at magtayo
ng industiya, mataas naman ang buwis at nagsasamantala pa ang mga pinunong bayan. Sa
huli maaring magkaisa ang mga Pilipino nguit pinagkaisa na ito ng mga Kastila bilang isang
kolonya at bilang isang komunidad na kristiyano. Ang ibanguri ng pagkakaisa para sa kautihan
ng mga mamayanan, ay tiyak na hahaflangan ng mga Kastila.

67
Week 17 Talakayan (Discussion)

1.Bakit naging malaganap ang katamaran ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila?

2. Sa kalahatan sino ang may- sala sa pagiging tamad ng mga Pilipino?

3. Anu-anong sanhi ng katamaran ng mga Pilipino ang binanggit ni Rizal sa kanyang sanaysay?

4. Ipaliwanag ang puna ni Rizal sa sistema ng Edukasyon noong panahon ng mga Kastila?

Week 17 Gawain 1

Panuto: Ipaliwanag ang iyong reaksyon sa mga mensaheng binibigyang diin sa sumusunod na
sanaysay

1. Sa mga kababayan kong Dalaga sa Malolos

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Ang Katamaran ng mga Pilipino

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Gawain 2

Panuto:Basahin ang mga sumusunod isusulat angnararapat na kasagutan sag awing kaliwa

_____________1. Pamagat ng sanaysay na binubuo ng apat na artikulo sa La Solidaridad

_____________2. Dumaan sa isang kagipitan sa pananalapi

_____________3. Magmumula sa mamamayan at kikilalanin dahilan ay ang kaabaan nila


marahil sila ay nagtagumpay

_____________4. Hindi pa handa sa pakikipaglaban alang-alang sa kalayaan

_____________5. Nagpatuloy na sakop ng mga Kastila ang Pilipinas kung siya ay mapapasok
sa daan ng tama

_____________6. Ang nagbunyag ng suliranin ng mga paaralang bayan sa Pilipinas

_____________7. Ito ang pinakamahaba sa mga sanaysay ni Rizal na nalathala sa La


Solidaridad

_____________8. Ay hindi sanhi kundi bunga ng kaguluhang nangyayari

_____________9. Ay may masiglang pakikipagkalakalan sa mga Intsik,Hapon,Arabe at Malay

_____________10. Sumira sa mga kasipagan at pagkukusa ng mga Pilipino

68
Week 18 Faynal na Pagsusulit

Talasanggunian/Mga Talababa

Aguinaldo Milagros. Gabay sa Pag-aaral ng Buhay mga Ginawa Sinulat ni Dr. Jose Rizal.
Galaxic Printing Press.(1994)

Alejandro, Rufina at Medina, Buenaventura S. Jr. Diwa at Buhay ni Rizal. National Book Store
Inc. (1972)

69
Almario, Virgilio. Nobelista. Lungsod Queza UP Press (2008)

Cuasay, Pablo M. Labing Isang Pag-ibig ni Rizal. National Book Store Inc. (1994)

Dela Cruz, Virsley at Zulueta. Francisco M. Rizal Buhay at Kaisipan.National Book Store.
Navotas Metro Manila. (1995)

Gagelonia A. Pedro. Ang Buhay Gawa’t Sinulat ni Rizal. Navotas Press Metro Manila. (1978)

Gregorio F. Zaide. Jose Rizal Life, Works and Writings Centennial Edition. (1981)

Ongoco, Tomas C. Gabay sa Pag-aaral sa El Filibusterismo. Quezon City Manlapaz Publishing


Co. Inc. (1978)

Purino, Anacoreta P. ED.D. Rizal ang PInakadakilang Pilipino. Rey Book Store Printing
Company Inc. (2003)

Rosales, Amalia, Cullarin at Coloma. Corazon P. Rizal Walang Hanggang Landas. Mary Jo
Publishing House Inc. (1999)

Rizal, Jose. El Filibusterismo. Salin ni Virgilio S. Almario

Rivera, Crisanto C. Landicho, Domingo G. at Valenciano Domingo V. Rizal ang Bayani. M & L
Licurdine Enterprises (1975)

Salazar, Zeus A. Ang Bayani Bilang Sakrispisyo. Lungsod Queza Adhika ng Pilipino. (1996)

Gregorio F. Zaide, Sonia M. Jose Rizal Buhay mga GInawa at mga Sinulat ng Isang Henyo.
(1997)

Republic of the Philippines


POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES
College of Social Sciences and Development
Department of History
______________________________________________________________________

Course Title: Buhay at Mga Sinulat ni Rizal

70
Course Code: GEED 10013

Course Credit: Three (3) units

Deskripsyon ng Ang kursong ito ay magbibigay pokus upang mapahalagahan ang


Kurso: mga pananaw, paniniwal at pagpapahalagang napapaloob sa
naging buhay, mga ginawa at isinulat ng ating bayaning si Dr. Jose
P. Rizal. Ang unang bahagi ay tumatalakay sa mga mahahalagang
tala sa buhay ng bayani, kasama na rito ang kanyang pinagmulang
lahi, ang kanyang kabataan, mga pag-aaralan at paglalakbay ng
pag-ibig gayundin ang huling araw ng paglilitis at pagkamatay sa
Bagumbayan na ngayon ay Luneta. Ang ikalawang bahagi ay
tumatalakay sa mga tula, sanaysay at iba pang akdang
kinapapalooban ng kanyang mga paniniwala, pananaw at
pagpapahalang luminang sa kamalayang Pilipino. Sang-ayon sa
ipinag-uutos ng Batas Republika 1425, sakop ng kursong ito ang
buhay at mga akda ng pambansang bayani na bansa, si Jose Rizal,
ilan sa mga paksang sakop ay ang talambuhay ni Rizal at kaniyang
mga sinulat, lalo na ang mga nobela niyang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo, ilang mga sanaysay at iba’t ibang liham.

Kinalabasan ng Kinalaman ng Programa Layunin ng Kurso


Pagkatuto

1. Malikhain at mapanuring Isakatuparan ang mga 1. Pagyamanin at matatak


pag-iisip pananaliksik sa mga isyu na ang tunay na
kay Rizal at mabuting kadakilaan ni Rizal ay
pakikitungo sa nasa kanyang mga
pambansang paglago at kaisipan at pilosopiya.
kaunlaran.

2. Mabisang Magpakita ng kasanayan sa 2. Maipaloob ang iba’t-


Komunikasyon komunikasyon sa pasalita ibang lathalain upang
kapag nakikipag-ugnayan maging lundayan ng
sa mga tao. mga idealismong
kailangan ng
kasalukuyang
henerasyon.
3. Malakas na orientasyon Linangin ang mga 3. Mapaglimi ang
ng serbisyo pagpapahalaga sa kultura kahalagahan ni Rizal ay
at kasanayan upang walang katapusan na
mapahusay ang kamalayan maging salamin ng mga
ng kultura. Kabataang Pilipino.

71
4. Pakikipag-ugnayan sa Gumamit ng mga kaugnay 4. Lubusang maunawaan
pamayanan na kasanayan sa ang pagpapahalaga sa
pagsasaliksik at edukasyon at
pagpaplano. pagmamahal sa bansa.
5. Simbuyo ng damdamin Paggamit ng impormasyon 5. Masuri ang iba’t ibang
sa mahabang pag-aaral sa pamamagitan ng akda ni Rizal lalong-lalo
sistema ng pagtatalaga. na ang mga nobelang
Nole Me Tangere at El
Filibusterismo.
6. Mataas na antas ng mga Makisali sa kakayahang 6. Kilalnin at suriin ang
kasanayan sa pagtatasa at mga aktibidad buhay ni Rizal sa
pamumuno at ng bilang produktibong konteksto ng Filipinas sa
organisasyon indibidwal. ika-19 ng dantaon.
7. Kahulugan ng mga Magpatupad ng proyekto at 7. Kilalanin at suriin ang
personal na etika sa mga gawain na may mga taong may
pang-akda kakayahan sa pag-unlad kinalaman sa
pagkakaroon ng Aeta
Republica 1425 (Batas
Rizal).
8. Kahulugan ng Ipakita ang personal at
Nasyonalislmo at propesyonal na etika na
pagdaigdigang pagtugon may responsibilidad sa
lipunan.

COURSE PLAN (Plano ng Kurso)

Week Paksa Resulta ng Pag- Metodolohiya Mga Pagtatas


aaral (Learning (Methodology Sanggunian a
)
Outcome) (Resources) (Assess
ment)
Week A- Introduksyon * Ipakita ang *Orientasyon * Course
1 sa nilalaman sigasig at * Pagsusuri Syllabus
ng kurso, pagpapahalaga ng * Paglalahad/ None
mga sa kurso syllabus, Modyul
patakaran at *Iparating ang gabay sa
mga gawain. mga inaasahan pag-aaral,
sa kurso mga
*Sumang-ayon aktibidad
sa mga sa
kinakailangan pagkatuto
sa kurso tulad at
ng itinakda ng pagtatasa
mga
tagapagturo
Week A-Kasaysayan * Maunawaan *Lektyur/ * Aguinaldo, *Pagmumu

72
2 ng Batas ang Batas Rizal virtual na Milagros ni- muni
Rizal at katangiaan pagtuturo Gabay sa Pag- sa mga
a. Probisyon ng ng mga / aaral ng aktibidad
Batas Rizal mambabatas malayang buhay, mga sa
pagtatasa
b. Mga na pag-aaral ginawa ni
sa sarili
Mambabatas nagpanukala *Pangkatang Rizal
c. Mga taong ng batas Talakayan * Teksto RA
kumilala sa * Maipaliwanag * Sesyon ng 1425
kadakilaan ni ang batas Rizal Pagsasa http://www/gov
Rizal at ang nay /.ph1956/06/12
d. Bagong mahalagang republicact-
bersyon ng probisyon nito 1425
orihinal na * Jose B. Laurel
panukalang Jr. “The Trials
batas of the Rizal Bill
Historical
Balletin Vol. 4
No. 2 (1960)
130-139
* Schumacher,
John “The
Rizal Bill of
1956” Horacio
de la Costa
and the
Bishops
“Philippine
Studies 59 No.
4 (2011) 529-
553)
Week A- Pilipinas sa * Mabatid na ang Lektyur: * Constancio, *Pagsasa
3-4 ika-19 na ika-19 na Ang ika- Renato “Our nay sa
Dantaon dantaon ay 19 na Task to Make pagsulat
a. Pagbubukas tunggalian ng dantaon Rizal obsclete Ipagham
ng Suez nakaraan at ng bilang nasa Manila bing ang
Canal kasalukuyan dantaon Chronicle pagkatul
b. Kontrobersy * Malaman na ng Hunyo 1979 ad at
ang dala ng ang Suez pagbaba * Rosales, pagkakai
sekularisasy Canal ay go Amalia ba ng
on ng mga pinamahalaan Lektyur: Callorin at mga
parokya ni Ferdinand de Saligang Coloma, panana
c. Kaisipang Legaspi pangkasa Corazon P. w na
liberal at ang * Mabatid ang ysayan Walang dala ng
kautusang pagkakaiba ng ng mga Hanggan ika-19
Moret mga paring paring Landas Mary na
sekular at Heswita Jo Publishing dantaon.

73
paring regular at mga House Inc.
* Mabatid na ang Paring 1999
kautusang Dominiko * Zaide Gregorio
moret ay (Sekulari F., Jose Rizal
ipinalabas ng sasyon) Life, Works
Gobernador and Writings
Heneral Centennial
Edition 1981
Week A- Bayani ng * Mabatid ang * Alejandro * Batay sa
5 Lahi pangunahing Rufino at iyong
a. Pagkapili sa dahilan kung Buenaventura pakikinig
Bayani ng bait si Rizal Medina S. Jr. , at
Lahi ang piniling Diwa at Buhay talakaya
b. Nagpasyan Pambansang ni Rizal, n ano
g pumili sa Bayani ng Lektyur National ang
Pambansan Pilipinas Bookstore masasa
g Bayani ng * Malaman na * Rivera, bi mo sa
Pilipinas ang madulang Crisanto C. pagkapili
c. Mga buhay at Landicho kay
Pamantaya kamatayan ang Domingo G. at Rizal
n sa pagpili katangiang Valenciano bilang
ng bayani hindi taglay ng Domingo, Pamban
d. Mga mga Rizal ang sang
pangalang kasamahan Bayani, M&L Bayani
iminungkahi niyang Licudine ng
sa Lupon pinagpilian at Enterprises Pilipinas
upang hinirang na 1975
pagpilian Pambansang * Rizal, Jose
Bayani ng “Memoirs of a
Pilipinas student in
Manila”
Seksiyong
Apendiks ng
Jose Rizal,
Life, Works,
and Writings ni
Gregorio Zaide
Week A- Pamilya ng * Maunawaan si Lektyur: * Coales, * Gagawa
6 Bayani Rizal sa Pamilya, Austin, Rizal ang mga
a. Ang Batang konteskto ng Kabataan Filipino mag-
si Rizal at kanyang at Nationalist aaral ng
ang panahon panimula Oxford kanilang
Edukasyon * Masuri ang ng University maikling
b. Unang pamilya, edukasyo Press Lungsod sanaysa
Pangingiban kabataan at n ni Rizal Quezon: y ng
g Bansa pamumuhay, Gawaing Mdaya Book talambu

74
c. Paris sa edukasyon ni Pangklas 1969 o Salin hay at
Paningin ni Rizal e: sa Filipino ni ihahamb
Rizal * Magkaroon ng Lumikha Nilo Ocampo, ing ito sa
d. Alemanya at ebalwasyon sa ng Rizal pinagda
si Rizal mga tao at timeline makabayan at aanan ni
pangyayaring ng yugto Martir, Rizal sa
naging ng Lungsod kanyang
impluwensiya kabataan Quezon kabataa
sa buhay ni at University of n
Rizal noong panimula the Philippines
siya’y bata pa. ng Press 2007
edukasyo * Salazar, Zeus
n ni Rizal A., Ang Bayani
Lektyur: bilang
Edukasyo Sakripisyo
n ni Rizal Lunsod
sa Quezon
Ateneo, Adhika ng
Municipal Pilipinas 1996
de Manila
at sa
Unibersid
ad ng
Sto.
Tomas
Week A- Buhay ni * Magkaroon ng * Purino, * Maikling
7 Rizal sa ebawasyon sa Anacorita P. pagsusul
Mataas na buhay ni Rizal Lektyur ED. D., Rizal it gabay
Edukasyon sa ibang bansa ang na
at Buhay sa * Mauri ang pag- Pinakadakilan katanun
ibang bansa unlad ni Rizal g Pilipino, Rex gan
1. Hapon bilang isang Book Store, *
2. Amerika dayuhan sa Printing Mailaha
3. London ibang bansa Company Inc. d ang
4. Belgium 2003 pang-
5. Madrid * Almario, aapi ng
Virgilio: mga
Nobelista, Amerika
Lungsod no sa
Quezon UP, mga
Press 2008 Intsik at
Negro at
ang
katiwalia
n sa
pamama

75
lakad ng
pamahal
aan na
may
bahid
pulitikal
Wekk Pagbabalik ni
* Mabatid ang Lektyur: Sa * Nelson, Gloria *
8 Rizal sa mga dahilan ng pananaw Luz, “Pananaw Pangkat
Pilipinas pagbabalik sa ni Rizal Hinggil sa ang
Ang Muling Pilipinas sa ugnayan ng Talakay
Pangingibang* Masuri ang kasaysay Talambuhay at an at
Bayan mga ideya ni an ng Lipunan nina presenta
Kilusang Rizal sa Pilipinas Diestro D. et a. syong
Propaganda pagulat na may Pananaw Si Heneral pasalita
Kapighatiang kinalaman sa sa Paciano Rizal hinggil
dumating kay Pilipinas simulain sa sa
Rizal * Maipaliwanag ng Kasaysayang kasaysa
ang simulain na Kiluasang Pilipino Los yan ng
initaguyod ng Propagan Baños UP LB Pilipinas
Kilusang da Sentro ng
Propaganda Wikang
Filipino 2006
Week UNANG LAGUMANG MAHABANG PAGSUSULIT
9
Week Si Rizal sa * Mabatid ang * Almancio, *
10 Dapitan naging buhay Lektyur Virgilio, 2008, Pagsasa
ni Rizal sa Si Rizal gawa ng
Dapitan Nobelista mungka
* Rosales, hing
Amalia C., gawain
Rizal Walang
Hanggan
Landas
Week Paglilitis kay * Masuri ang Lektyur: * Rizal, Jose, *
11 Rizal mga dahilan ng Mga Historical Panahu
paglilitis kay huling events of the nang
Rizal taon ni Philippine Pagsusu
Rizal Islands by Dr. lit
kasama Antonio de (Recitati
ang Morga 1962 on)
paglilitis
at
pagkamat
ay
Week Pagbitay kay * Masuri ang * Petisyon ni *
12 Rizal mga epekto ng Teodora Pangkat

76
pagkakabitay Lektyur Alonzo kay ang
kay Rizal sa Camilo Talakay
pamahalaan ng Pelavieja, an
Espanyol at ng Manila,
Rebolusyong Disyembre 28,
Filipino 1896
Week Mga Pag-ibig ni * Mabatid kung * Cuasay, Pablo * Gumuhit
13 Rizal anong uring M., Labing- ng isang
Unang Pag-ibig mangingibig si Isang Pag-ibig simbolo
ni Rizal Rizal Lektyur ni Rizal, na
* Maunawaan National maaarin
kung gaano Bookstore Inc., g
kalalim ang 1994 maglara
naging bahagi wan
ng mga babae bilang
sa buhay ni isang
Rizal manging
ibig.
*
Ipaliwan
ag ang
simbolo
ng ito.
Week Si Rizal at ang * Maipaliwanag Gawaing * Ileto, *
14 La Liga Filipina ang La Liga Pangklas Reynaldo, Ipahaya
Filipina at ang e: “Rizal and the g ang
pagkakatatag Basahin Underside of sariling
nito ang the Philippin opinyon
* Maipaliwanag konstitus History, sa
ang “unus yon na La Filipinos and pahayag
instar omnium” Liga their na: Si
motto ng La Filipina at Revolution Rizal ay
Liga Filipina sagutan Event, bunga
ang Discourse and ng
talahanay Histography, panahon
an na Lungsod
naglalam Quezon,
an ng Ateneo de
layunin Manila,
ng La Universidad
Liga Press 1998 pp
Filipina 29-75
Week Dalawang * Mabatid ang Gawaing * Gageloria A. *
15 Nobela ni Rizal mahahalagang Pangklas Pedro, Ang Pagham
a. Noli Me karakter sa e: buhay, gawad, bingin
Tangere mga nobela at Gumawa sinulat ni ang

77
b. El mga ng isang Rizal, Navotas pagkaka
Filibuste kinakatawan sanaysay Press, Metro tulad at
rismo nito na Manila, 1975 pagkaka
* Mabatid ang naglalayo * Rizal, Jose iba at
kaibahan ng ng The ipakita
NMT sa El Fili masagot Philippines a ang mga
batay sa ang century hence, pagbaba
kaurian ng sumusun mababasa sa go sa
pagkanobela. od na http://www.ach mga
* Masuri ang tanong: ieve.org/strea idea ni
kasalukuyang a. Ano m/Philippinesc Rizal na
kalagayan ng ang entury ipinahay
Pilipinas sa kalaya ag sa
pamamagitan an? Noli at
ng mga b. Paano El Fili
halimbawang ipinakit
nabanggit sa a sa
mga nobela. nobela
ng
kawala
n ng
kalaya
an?
Gawaing
Pangklase:
Itala ang
sinasabing
sanhi ng
kanser ng
lipunan.
Hugutin ito
buhat sa
inilarawan
ng mga
kilos,
pampulitika,
at
panlipunang
inilahad sa
nobela.
Iugnay sa
mga
nangyayari
ng ayon sa
ating bayan.
Panahon

78
ni Rizal
Week A. Ang Pilipinas * Mabatid ang Gawaing * Guerrero, * Pagsulat
16-17 sa loob ng mga akda ni Pangklas Leon, Ma., ng
Sangdaang Rizal e: The First sanaysa
Taon * Matatak o Pangkata Filipino: A y:
B. Ang liham ni mataya ang ng Biography of Sumulat
Rizal sa mga halaga ng pag- Talakaya Rizal, Manila, ng tugon
Dalagang unawa sa n hinggil National kay
Taga nakaraan sa Heroes Jose
Malolos * Makabuo ng sanaysay Commission Rizal
C. Ang mga argumento at mga 1963 bilang
Katamaran batay sa mga argument * Joaquin Nick mga
ng mga patunay ong A, Question of mag-
Pilipino * Makapagbigay kanyang Heroes, aaral na
ng inilahad Lungsod nabuhay
interpretasyon Pangkatang Pasig: Anvil makaraa
sa pananaw at Gawain: Publishing n ang
opinyon tungkol a. Gawin 2005 isang
sa bayani at g * Guillermo, dantaon
kababayan ng gabay Ramon G. “Si ng
lipunang ang Rizal at ang panahon
Pilipino tulang kanyang ni Rizal
“Huling konsepto ng Alternatib
Paala kabayanihan o:
m” ni sa kanyang Magbiga
Rizal. Liham sa mga y ng
Piliin at kababaihan ng talumpat
itala o Malolos” i na
ilista Diliman magsisil
ang Review, Tema bing
bahagi 45 Blg. 2- tugon
ng tula 3,1997 pp. 26- kay
ng 29 Rizal
nagpa
pahaya
g ng
matindi
ng
damda
min.
b. Anu-
anong
pagba
bago
ang
iyong

79
panan
aw ang
nailaha
d ng
mga
damda
ming
ito?
Week
18 FAYNAL NA PAGSUSULIT

COURSE GRADING SYSTEM

Pagsuma sa Marka
Quizzes (Mga Pagsusulit) …………………………………… 20%
Attendance (Mga Pagdalo/Pagpasok)……………………… 10%
Recitation (Pagsagot sa Klase) …………………………….. 15%
Panahunang Pagsusulit (Mid-Term/Faynal) ………………. 30%
Proyekto/Gawaing Bahay atbp. ……………………………… 10%
Pag-uulat (Report) …………………………………………….. 15%
Kabuuan ……… 100%

Unang Panahunang Pagsusulit + Final na Pagsusulit = Faynal Grade

Ipinasa/Inihanda ni: Binigyan pansin:

LILIAN A. RAÑESES DR. RUFO N. BUEZA


Head, Academic Program

Pinagtibay ni:

DR. RUFO N. BUEZA


Branch Director

80

You might also like