Unibersidad ng Leipzig- dumalo siya ng panayam tungkol sa kasaysayan at sikolohiya Propesor Friedrich Ratzel bantog na mananalaysay na Aleman Dr. Hans Meyer- Alemang antropolohista
Sa Leipzig... William Tell ni Schiller- Mula Aleman isinalin sa tagalog. Para malaman ng mga Pilipino ang kwento tungkol sa kampeon ng kasarinlan ng mga swisa.
Fairy tales ni Hans Christian Andersen. Para sa kanyang pamangkin. Sa Leipzig... Mababa ang antas ng pamumuhay Nanirahan ng dalawat kalahating buwan Nagwasto ng ilang kabanata ng kanyang pangalawang nobela Nag-eehersisyo sa gymnasium ng lungsod Nagtrabaho bilang proofreader sa isang limbagan Dresden Oktubre 29- umalis ng Leipzig papuntang Dresden Dr. Adolf B. Meyer- Direktor ng Museo Antropolohikal at Etnolohikal
Ngayon lamang sa tanang buhay ko akoy nakinig ng misa kung saan ang musikay napakaganda
Nobyembre 1- nilisan ang Dresden at narating ang Berlin Tinanggap si Rizal ng Sirkulo Siyentipiko ng Berlin Nahalina si Rizal sa Berlin dahil ditoy maunlad ang larangan ng siyensiya at walang panlalait sa lahi. Dr. Feodor Jagor- bantog na manlalakbay at siyentipikong Aleman at awtor ng Travels in the Philippines Sa kanyang aklat, inihula ni Jagor ang pagbagsak ng kolonyalismong espanyol sa Pilipinas at pagdating ng mga Amerikano sa baybaying Pilipinas. Dala ni Rizal ang isang liham na pagpapakilala na ginawa ni Blumentritt Dr. Rudolf Virchow- bantog na Alemang antropolohista Dr. Hans Virchow- propesor ng Panlarawang Anatomiya. Dr. W. Joest- kilalang Alemang heograpo Dr. Karl Ernest Schweigger- bantog na Alemang optalmolohista
Naging miyembro si Rizal ng Samahang Antropolohikal at Samahang Heograpikal, sa tulong ng rekomendasyon nina Dr. Jagor at Dr. Meyer. Pinatunayan dito na ang kaalaman ni Rizal sa agham ay kinikilala ng mga siyentipikong Europeo. Siya ang unang Asyano na nabigyan ng ganitong karangalan.
Inanyayahan naman ni Dr. Virchow si Rizal na magbigay ngpanayam sa Samahang Etnograpiko ng Berlin. Tagalische Verkunst (Sining Metrikal ng Tagalog)
Buhay ni Rizal sa Berlin 1. Mapalawak ang kanyang kaalaman sa optalmolohiya 2. Mapaunlad ang kanyang pag-aaral sa mga agham at wika 3. Obsrbahan ang kalagayang politikal at ekonomiko ng bansang Alemanya 4. Makipagkilala sa mga bantog na Alemang siyentipiko at iskolar 5. Mailathala ang kanyang nobela, Noli Me Tangere Buhay ni Rizal sa Berlin Naging matipid at masinop Dr. Schweigger eminenteng Alemang optalmolohista Sa gabi, dumadalo sa mga panayam sa Unibersidad ng Berlin Araw-araw na ehersisyo Nagsanay sa pagsasalita sa wikang Aleman, Pranses, at Italyano
Gusto niyang magpakadalubhasa sa wikang Pranses nang sa gayoy magamit niya ang wikang ito sa pagsusulat, gaya ng alam niyang gawin sa Espanyol. Kumuha siya ng pribadong pagtuturo sa ilalim ng pamamahala ni Madame Lucie Cerdole. Binibisita niya ang kanayunan sa paligid ng berlin. Inoobserbahan nang mabuti ang kaugalian, pananamit, tahanan at gawain ng mga magbubukid. Iginuhit niya ang lahat ng nakikita niya.
Unter den Linden- madalas na puntahan ng kabataan sa Berlin , para makapag-inuman ng beer at makipagkuwentuhan at makipagkaibihgan sa mga taga-Berlin
Pananaw ni Rizal sa Kababaihang Aleman Isa sa pinakamahalagang liham ni Rizal nang siya ay nasa Alemanya ay para sa kanyang kapatid na si Trinidad. Sa kanyang sulat noong Marso 11, 1886, ipinahayag ni Rizal ang mataas na pagpapahalaga at paghanga niya sa kababaihang Aleman Ang babaeng Aleman, sabi ni Rizal sa kanyang kapatid na babae, ay seryoso, masipag, edukado, at palakaibigan. Hindi siya tsismosa, magarbo, at palaaway, gaya ng mg babaing espanyol. Hindi siya partikular sa magagandang damit at mamahaling alahas, bagaman nakapagdadamit din siya nang maayos gaya ng ibang babae sa buong mundo. Ipinanghihinayangan ni Rizal na sa Pilipinas , ang kababaihan ay mas binigyan ng kabuluhan ang kanilang pananamit kaysa sa kanilang nalalaman. Gayunman pinuri niya ang sensitibong pandama, mabining pagkilos, debosyon, at hospitalidad ng kababaihang Pilipino, lalo na yaong mga nasa lalawigan na di pa gaanong sopistikado. Kung mapapanday nila ang kanilang talino sa pamamagitan ng edukasyon at pagkakaroon ng interes sa mga kalakarang pandaidig , puna ni Rizal, makukuha nila ang respeto ng kalalakihan. Habang ngayong bata ka pa, magsikap kang matutong magbasa, at matuto. Hindi mo dapat hayaan ang sarili na malupig ng katamaran dahil pagbabayaran mo ito nang malaki Mga Kaugalian ng mga Aleman Kaugalian ng mga Aleman tuwing pasko. Tuwing Bisperas ng Pasko, pumuputol ng puno ng pino ang mga Aleman, pinipili nila di lamang ang pinakamatuwid, kundi pati yaong may dahong di agad nalalagas; Ibig kong sabihin, ang mga tuyong dahon ay hindi dahon sa kasong ito, itoy tila maliliit na karayom. Pinalamutian ito ng parol, papel, ilaw, manyika, kendi, prutas, atbp.; At ipinakikita ito sa mga bata (na di nakita ang pagpapalamuti sa puno) pagsapit ng gabi. Sa paligid ng punong ito ipinagdiriwang ng pamilya ang okasyon. Pagpapakilala sa sarili sa mga estranghero sa isang pagtitipon. Ayon sa etiketa ng mga Aleman, hindi mabuting asal para sa bisita na maging mapag-isa at hintayin pa ang maybahay para ipakilala siya sa ibang panauhin. Pinakamalungkot na Taglamig ni Rizal Ang taglamig ng 1886 sa Berlin ay kaniyang pinakamalungkot na taglamig. Naghihirap siya dahil walang natatanggap na pera mula sa Calamba. Isinanla niya ang sising na dyamante na binigay ng kapatid niyang si Saturnina Isang beses sa isang araw na lamang siya kumakain Siya na mismo ang naglalaba ng kanyang damit dahil wala siyang pambayad sa labandera. Samantala, sa Calambay nagsisikap si Paciano na makaipon ng perang ipadadala sa kapatid. Alam niyang ang nakababatang kapatid ay naghihikahos sa Berlin.
Si Rizal naman ay naghihikahos sa Berlin at nanginginig sa tindi ng taglamig. Nanghihina na ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng maayos na nutrisyon, Inuubo na siya, at natatakot siyang baka dinapuan na siya ng tuberkulosis. Noon lamang siya nakadama ng ganoong paghihirap. END! THANK YOU!!!