You are on page 1of 3

KATUTUBONG KAALAMAN

Ito ang lokal na kaalaman na natatangi sa isang kultura o lipunan. Ang ibang katawagan dito ay folk knowledge,
people’s knowledge o traditional science. Ang kaalamang ito ay ipinapasa mula sa naunang henerasyon hanggang sa
kasalukuyang henerasyon sa pamamagitan ng paglipat dila at mga ritwal na kultural na nagiging batayan para sa mga
gawain sa pagsasaka, pangingisda, edukasyon, pangkalusugan , pangangalaga ng kalikasan at ibang gawain na
sumusustina sa lipunan na ginaga-lawan. Ang mga katutubong tao sa isang komuni-dad ay may malawak na kaalaman
kung paano sila namumuhay. Ngunit ang mga pormal na edukasyon ang nakaistorbo sa praktikal na buhay ng mga tao at
napalitan ang katutubong kaalaman at paraan ng pagkatuto ng mga abstraktong kaa-laman at akademikong pamumuhay.
Sa kasalukuyan, nanganganib na mawala ang mga katutubong kaalaman kasama ang mga kaalamang nauukol sa
pagpapanatili ng kultura o kalinangan ng komunidad.

Mga Katangian ng Katutubo o Lokal na Kaalaman

 Ito ay nakukuha o nagmumula sa komunidad.


 Ito ay may sadyang lokasyon at tiyak na kultura.
 Ito ang batayan ng pagdedesisyon at pagpapanatili ng istratehiya.
 Ito ay hindi sistematikong nadokumento.
 Ito ay oral/ pasalita at rural ang katangian, hindi sopistikado

Mga Mahahalagang Aspeto o Bahagi ng Katutubong Kaalaman

Mahalagang maisama sa kurikulum ng mga paaralan ang katutubo o lokal na kaalaman na kung saan ito ay naaangkop
sa kultura at layunin ng edukasyon.
• Pagkakaiba ng Atityud at Pagpapahalaga Ang mga katutubong kaalaman ay tumutulong sa mga tao na magkaroon ng
sensitibo at mapagkalingang pagpapahalaga at atityud na tutulong sa pagpapanatili ng kanilang pamumuhay
• Pagpapahalaga sa kultura Kaugnay ng kultura ang katutubong kaalaman sa iba’t ibang porma tulad ng tradisyon,
gawi,drama, alamat, salawikain, bugtong at iba pa. Ang paggamit ng mga ito bilang kagamitan sa paaralan ay mabisa sa
pagdadala ng kaalamang ito sa mga mag-aaral. Matututo silang pag- aralan pa ang mga ito sa iba’t ibang porma at
manaliksik ng mga katutubong kuwento, awit, drama, atbp ng kanilang lugar
• Pag-uugnayan at Pagbibigay ng Kaalaman
Sa paglalagay ng mga katutubong kaalaman sa kurikulum, natututo ang mga mag-aaral na gawing resorses ang mga
matatanda sa komunidad para sa mga kaalamang ito. Nagkakaroon sila ng respeto sa mga kaalaman ng mga lolo at lola
nila at nakatutulong pa sila sa pagpapayaman ng kurikulum.
• Pagpapahalaga sa Kaalaman at Karanasan
Matututo ang mga mag-aaral na magkaroon ng kaalaman sa lugar nila na pamilyar sila tungo sa pagkakaroon ng
kaalaman sa rehiyunal, pambansa at global na kapaligiran. Sa mga komunidad, ang mga lokal na tao ay nakatipon na ng
bolyum na kaalaman sa pagdaan ng taon na pakikipag-ugnayan nila sa kapaligiran. Halimbawa: mga kaalaman tungkol
sa pagtatanim, klima, tubig, paghahayupan, atbp. Ang mga kaalamang ito ay magagamit sa paaralan kung makukuha
lamang sa memorya o isipan ng mga matatanda sa komunidad.
• Pagkatuto sa Labas ng Silid-Aralan
Ang mga mag-aaral ay matututo sa mga pamamasyal o field-work sa kanilang lugar. Ang mga lokal na tao sa komunidad
ay handang tumulong sa mga mag-aaral upang malaman ang mga pananim at uri ng lupa sa lugar nila at ang mga
proseso ng pagtatanim.

Katangian ng isang Etnograpikong Pananaliksik

Ito ay pag-aaral ng sosyo-kultural na konteksto, proseso at kahulugan sa loob ng isang sistemang kultural.
• Ito ay proseso ng pagtuklas, paghinuha at pagtatanong para matamo ang balidad o katotohanan ng datos.
• Bukas ang isipan sa proseso ng pagsasagawa at hindi kontrolado ng mananaliksik na tulad ng isang eksperimento.
• Maluwag at malikhain ang proseso at ayon sa pananaw ng konstruktibismo.
• Nangangailangan ng araw-araw o patuloy na pagtatala ng datos.
• Tinatawag din ang pananaliksik na ito na pakapa-kapa o patanong-tanong dahil walang pangunang kaalaman ang
mananaliksik sa mga datos na makukuha sa mga tao sa komunidad.

Metodo ng Etnograpikong Pananaliksik

1. Analisis ng mga Sekondaryong Datos o Dokumento Ito ang unang ginagawa ng mga mananaliksik. Magsasaliksik
ng mga dokumento na makikita sa aklatan, munisipyo, archives, sensus o museo tungkol sa lugar na nais
bisitahin. Maaari ring makita ang mga rekord o datos na kinalap ng mga ahensya ng gobyerno tulad ng NCCA,
Pambansang Museo, Pambansang Aklatan, simbahan, mga aklat na kakikitaan ng kasaysayan ng lugar.
2. Pagpunta sa Lugar (Fieldwork) Ito ang pangangalap ng mga primaryong datos (Walcott,1995). Isang paraan ng
pagtatanong na nangangailangan na ang mananaliksik ay kasali o nakalubog sa mga gawain ng mga tao sa
lugar. Dito inaalam din ang katotohanan ng mga nakalap na datos mula sa sekondaryong mga pinagkunan. Maari
itong gawin nang naglalakad sa lugar o nakasakay kung malayo ang mga bibisitahing lugar.
3. Ginagawa ito pagpunta sa lugar. Maaring may dalang video ang nagmamasid habang inilalarawan ang lugar at
ginagawa ng mga tao. May dalawang paraan ng pagmamasid o obserbasyon:
• Una, hindi sumasali ang nagmamasid sa gawain ng mga tao sa lugar na inoobserbahan.
• Ikalawa, kasama ang nagmamasid ng mga tao sa kanilang ginagawa (participant observer
4. Ang huling hakbang na isinasagawa ng mananaliksik ay likumin ang lahat ng impormasyon at isulat sa isang
deskriptibo o palarawang paraan. Tandaan na isama sa gagawing ulat ang mga tao at lugar na ginamit sa
pananaliksik. Ipakita rin ang larawan ng mga tao o lugar o kaya ay irekord sa video ang ginawang pagmamasid.
BAHAGI NG PANANALIKSIK

KABANATA 1 ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO


 Rasyonale
 Paglalahad ng Suliranin
 Layunin ng Pag-aaral
 Kahalagahan ng Pag-aaral
 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
 Kahulugan ng mga Katawagan

KABANATA 2 REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


 Mga Kaugnay na Literatura
 Mga Kaugnay na Pag-aaral
 Mga Legal na Batayan

KABANATA 3 PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


 Paraan ng Pananaliksik
 Mga Respondente
 Instrumento sa Pagkalap ng mga Datos
 Hakbang sa Paglikom ng mga Datos
 Paglalapat Estatistika

KABANATA 4 PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS


KABANATA 5 LAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
TALASANGGUNIAN
MGA APENDIKS

RASYONALE
Tinatalakay sa bahaging ito ang penomenang bumabalot sa paksa ng pananaliksik na naging dahilan kung bakit ito
isinagawa. Bahagi rin nito ang pagtalakay sa magiging kabuluhan ng pagsasagawa nito.
MGA DAPAT TANDAAN:

 tiyak na paksa
 Mga kadahilanan sa pagpili ng paksa
 Ang kahalagahan ng pag-aaral sa kasalukuyang panahon
 Itala ang mga impormasyong makatutulong sa inyong isasagawang pag-aaral

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Dito inilalahad ang panlahat na pagpapahayag ng suliranin kasunod ang mga tiyak na tanong o problemang naghahati sa
panlahat na suliranin at maaaring masukat ang mga kasagutan. Ang malawak at masaklaw na suliranin ay dapat na hati-
hatiin sa mga payak at tiyak na tanong.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang bahaging ito ng unang kabanata ay tumatalakay kung sino ang makikinabang sa magiging resulta ng pag-aaral at
kung papaano sila makikinabang.
-Isulat ang pangkalahatang kahalagahan ng pag-aaral at ang mga makikinabang sa pag-aaral

SAKLAW AT LIMITASYON
Tinatalakay sa bahaging ito ang mga sumusunod:
 ang problema ng pananaliksik
 instrumentong ginamit sa pananaliksik
 ang panahon na itatagal ng pag-aaral
 sino at bilang ng mga respondente
 saan gagawin ang pag-aaral

PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA


May dalawang paraan sa pagbibigay kahulugan sa mga mahahalagang salita kaugnay ng pananaliksik:

1. konseptuwal na kahulugan- tumutukoy sa kahulugang makikita sa mga diksyunaryo o ang istandard na depinisyon.
2. operasyonal na kahulugan- tumutukoy sa kahulugan ng salita ayon sa pagkakagamit sa pag-aaral.

REBYU NG PAG-AARAL AT LITERATURA

1. Mga Kaugnay na Literatura sa Loob at Labas ng Bansa


 Tumutukoy ito sa mga impormasyong magagamit kaugnay ng pag-aaral na mababasa sa mga aklat, lathalain,
dyornal at iba pang sanggunian buhat sa loob at labas ng bansa.
 Sumulat ng pagpapaliwanag kung papaano ginamit ang mga kaugnay na literatura sa pag-aaral
2. Mga Kaugnay na Pag-aaral sa Loob at Labas ng Bansa
 Tumutukoy naman ito sa mga nagawang pananaliksik o pag-aaral sa loob at labas ng bansa na may kaugnayan
sa isinasagawa o gagawing pag-aaral.
Sumulat ng pagpapaliwanag kung ano ang naging kaugnayan ng mga kaugnay na pag-aaral sa isinagawang pag-aaral.

You might also like