You are on page 1of 10

IMPLASYON

Modyul 4
IMPLASYON AT DEPLASYON
• Implasyon – ang patuloy na pangkalahatang
pagtaas ng mga presyo ng bilihin sa lahat o halos
lahat ng pamilihan sa buong bansa.
• Hyperinflation – kung sobra ang pagtaas ng mga
presyo
• Deplasyon – patuloy na pangkalahatang pagbaba
ng mga presyo ng mga bilihin sa lahat o halos
lahat ng pamilihan sa buong bansa.
MGA DAHILAN NG IMPLASYON
• 1. Kapag tumaas ang suplay ng salapi
• 2. Ang pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
• 3. Ang pagtaas sa gastos sa produksyon
• 4. Paggastos ng pamahalaan nang labis sa kanyang
kinikita.
• 5. Dahil sa pakikipagkalakalan ng mga bansa sa
isa’t isa
MGA URI NG IMPLASYON
• 1. Demand-pull inflation – pagtaas ng kabuuang demand sa
ekonomiya na hindi nasasabayan ng produksiyon o suplay
• 2. Cost-push inflation – pagtaas ng gastos sa produksiyon na
nagpapataas ng presyo ng mga nabuong produkto o serbisyo
sa pamilihan
• 3. Structural inflation – dulot ng kahinaan ng mga institusyon
at sektor ng isang ekonomiya na makasabay sa mga
pagbabago ng lipunan at ekonomiya na maaaring magdulot ng
pagtaas ng presyo sa pamilihan
PAGTUTUOS NG IMPLASYON AT ANG
EPEKTO NITO SA HALAGA NG SALAPI
• CPI o Consumer Price index – basehan ng inflation
rate
• Implicit price index deflator - ginagamit ng
pamahalaan bilang GNP deflator sa pagkuha ng real
GNP
• NSO o National Statistics Office – ahensiya ng
pamahalaan na naatasang tumingin sa mga pagbabago
ng presyo ng bilihin ng ating bansa
•ANTAS NG IMPLASYON o
INFLATION RATE – porsiyento ng
pagbabago sa CPI ng kasalukuyang
taon kumpara sa CPI ng nakaraang
taon
EPEKTO NG IMPLASYON
• Pagbaba ng kakayahan ng salaping makabili ng mgga produkto at
serbisyo
• Pagkawala ng gana ng mga taong mag-impok sa bangko dahil sa
mabilis na pagbaba ng halaga ng salapi na maaaring magdulot ng
pagbawas ng salaping inilaan sa pamumuhunan
• Pagkalugi ng mga manggagawang may tiyak na kita kasama narin
ang mga pensionado
• Pagkalugi ng mga nagpapautang dahil mababa na ang halaga ng
salaping kanilang ipinautang sa panahong binayaran o ibinalik ito sa
kanila
• Pamimili ng mga speculator o mga taong namimili
ng mga produktong napakabilis tumaas ang presyo
• Pagsasabay ng mga negosyante sa pagtataas ng
presyo ng mga bilihin
• Pagdami ng mga taong namumuhunan sa lupa o
real property, o iba pang pag-aari na tumataas ang
presyo paglipas ng panahon
• Pagdami ng mga nangungutang
PAGLUTAS NG IMPLASYON
•DEMAND-PULL – ang pagtaas ng kabuuang
demand sa ekonomiya
Maayos na pamamahala sa paggasta at pagbubuwis
•COST-PUSH – mahirap makontrol sapagkat ang
maaaring sanhi nito ay mula sa labas ng bansa
Mapatataas ang mga antas ng produksyon upang
maging dependent ang ekonomiya sa pag-aangkat
SEATWORK

SAGUTAN ANG
KAALAMAN A, B, & C.

Pahina 240-241

You might also like