0% found this document useful (0 votes)
1K views35 pages

IMPLASYON

Uploaded by

mollioncristina0
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
1K views35 pages

IMPLASYON

Uploaded by

mollioncristina0
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PPTX, PDF, TXT or read online on Scribd

N

KONSEPTO NG IMPLASYON
Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng bilihin sa pamilihan.
Isang economic indicator na sumusukat sa
kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa ang
implasyon.
KONSEPTO NG IMPLASYON
Ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang panahon ay
pangkaraniwang nagaganap. Subalit, kung ang pagbabago ay dulot ng
pangkalahatang pagtaas ng presyo, pagbaba sa halaga ng salapi at may
negatibong epekto sa tao, ang kalagayang ito ay bunga ng implasyon. Dahil dito,
bumababa naman ang purchasing power ng salapi dahil mas kakaunti ang kaya
nitong bilhin.

Halimbawa, noon, kung mayroon kang limang piso (₱5), makabibili ka ng limang
pirasong kendi. Dahil sa implasyon, ang bawat pirasong kendi ay ibinebenta na sa
halagang ₱1.50 kaya naman, kung limang piso pa rin ang iyong dalang salapi,
tatlong pirasong kendi na lamang ang kaya mong bilhin.
KONSEPTO NG IMPLASYON
Ang mabilis na pagtaas ng implasyon ay hindi mabuti
sa ekonomiya dahil dito ay nagiging dahilan upang
bumaba ang kakayahang makabili ang mga
mamimili. Nagsisilbi rin itong palatandaan ng mga
tao na may problemang kinakaharap ang ekonomiya
ng bansa.
DEPLASYON
Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagbaba ng
pangkalahatang presyo ng bilihin sa pamilihan. Kapag ang
presyo ng bilihin ay bumababa, ang antas ng implasyon ay
nagiging negatibo. Ang deplasyon ay nangyayari kung ang
supply ng pera sa sirkulasyon at pangungutang sa bansa
ay bumaba ngunit walang nagaganap na pagbawas sa
produksiyon ng mga kalakal at paglilingkod.
DEPLASYON
Magkakaroon ng surplus o kalabisan na
magiging dahilan ng pagbagsak ng presyo ng
kalakal at paglilingkod. Mas malubha ang epekto
ng deplasyon sa ekonomiya dahil sa pagbaba ng
presyo at pagbagsak ng ekonomiya.
DAHILAN NG
IMPLASYON
1. Cost-push Inflation – nangyayari ito kapag itinutulak
pataas ng mga gastusin sa salik ng produksiyon ang
presyo ng produkto at serbisyo. (nagmamahal ang gastusin sa
produksiyon)

HALIMBAWA:
• Pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan – magiging
sanhi ito ng pagtaas ng mga gastusin sa mga salik ng produksiyon at
makalilikha ng mababang supply. Upang makasabay ang mga
kompanya sa mga gastusin, itataas nito ang presyo ng produkto.
• Pagdaragdag ng buwis – Ang pagtaas ng buwis ay magdudulot din ng
pagtaas ng presyo sapagkat sa mga produkto at serbisyo ipinapataw
ang dagdag na buwis.

• Pagnanais ng mataas na tubo ng prodyuser – Tataasan ng prodyuser


ang presyo ng mga produkto at serbisyo na kanyang ipinagbibili sa
pagnanais niyang magkaroon ng malaking tubo.

• Paghingi ng dagdag sahod ng mga manggagawa – Ito ay babawiin sa


pamamagitan ng pagdaragdag ng presyo sa mga bilihin upang
makabawi sa dagdag gastos ng mga prodyuser.
• Pagkakaroon ng middlemen – Mula sa pagawaan, ito ay
daraan sa middlemen bago sa mga konsyumer, dahilan
upang maragdagan ang gastos at babawiin sa dagdag
presyo ng bilihin.

• Dayuhang pangungutang – maaaring ipasa sa mga


konsyumer ang pagbabayad ng utang sa dayuhang
bansa sa pamamagitan ng pagpapataw ng mataas na
buwis.
2. Demand-pull Inflation – Nangyayari ito kung ang presyo
ay hinihila pataas dahil sa sobrang demand.

HALIMBAWA:
Kapag masigla ang ekonomiya ng isang bansa, kasabay
ang mataas na supply ng salapi sa pamilihan na
magbibigay ng mataas na kita sa sambahayan. Ang labis
na salapi ang nagpapataas ng sobrang demand na hindi
matumbasan ng supply.
3. Inflation Import – Nakapagpapataas ng gastusin sa
pag-aangkat ang mahinang palitan ng piso kontra
dolyar at ang mataas ng taripa sa kalakalan. Ang
mataas na halaga ng inaangkat na produkto tulad ng
kagamitan at makinarya ay makapagtataas sa
gastusin sa produksiyon. Upang makabawi sa
malaking gastos at magkaroon ng malaking tubo,
itataas ng prodyuser ang presyo ng mga produkto.
Ang pagiging import dependent at export oriented ng bansa
ay nagdudulot din ng implasyon.

• Import dependence – mas umaasa ang bansa sa mga


produktong mula sa ibang bansa. Ang pagpasok ng mga
imported product na mas mura ang presyo kaysa local
na produkto ang nagiging dahilan upang ito ay hindi
mapansin ng pamilihan. Dahil dito mas tataas ang
presyo ng lokal na produkto sa pamilihan.
• Export Orientation – ang magagandang produkto
ay dinadala sa ibang bansa, dahilan upang
magkaroon ng kakulangan ng supply sa loob ng
bansa kung kaya tumataas ang presyo nito sa
pamilihan.
4. Structural Inflation– Ito ay nagaganap kapag ang sektor
ng ekonomiya ay nagkakaroon ng pagtutunggalian. Ang
hindi pagkakasundo ng dalawang panig ay maaaring
maging dahilan ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

HALIMBAWA:
Ang mga manggagawa ay humihingi ng dagdag na sahod
upang matustusan ang Pangangailangan ng kanilang
pamilya. Kapag ito ay ibinigay ng kompanya, magdudulot
ito ng pagbaba ng kanilang tubo. Dahil dito, ang tunggalian
Sa interes ng dalawang panig ay maaaring magdulot ng
pagtaas ng presyo dahil walang ibang maaaring sumalo ng
dagdag presyo sa mga produkto at serbisyo maliban sa
konsyumer.

Maaari din na magprotesta ang mga manggagawa kapag


hindi tinugunan ang kanilang hinihinging dagdag na sahod.
Magdudulot ito ng pagkaantala sa paggawa at magreresulta
ng kaunting supply at dahilan ng pagtaas ng presyo.
EPEKTO NG
IMPLASYON
POSITIBO:
1. Prodyuser – lumalaki ang kita ng mga prodyuser
at mahihikayat pa silang dagdagan ang
produksiyon.
2. Mga Nanghihiram (Borrowers) – kapag may
implasyon, ang mga nanghihiram ay nagbabayad
ng halaga kung saan ang kakayahan sa pagbili
(purchasing power) ng salapi ay mababa na.
Halimbawa:

Si Maria ay nanghiram kay Anna ng Php 100,000.


Pagkalipas ng isang taon, ito ay binayaran ni Maria.
Nagkaroon na 15% na implasyon sa loob ng isang
taon. Magkano na lamang ang halaga ng ibabayad ni
Maria kay Anna?
Kompyutin ito sa paraang:

P100,000 x .15 = P15,000


P100,000 – P15,000 = P85,000

Nagbayad si Maria ng P100,000 kay Anna.


Gayunpaman, kahit buo niya itong binayaran,
nakinabang pa rin siya sa P15,000 dahil sa 15% na
implasyon.
NEGATIBO:
1. Konsyumer – Kapag tumaas ang presyo,
nababawasan ang kakayahang makabili o
purchasing power ng maraming produkto o
serbisyo.
2. Mga Tagapahiram – kapag may implasyon, ang
taong nagpapahiram ng pera ay lubhang
naaapektuhan. Malulugi sila dahil pinababa ng
implasyon ang kakayahan ng piso.
3. Mga Nag-iimpok – kapag may implasyon, nababawasan
ang kakayahan ng mga nag-iimpok na bumili ng
permanenting halaga katulad ng deposito sa bangko.

HALIMBAWA:
Si Juan ay nagdeposito sa bangko ng halagang
P50,000. Ito ay nagkaroon ng 10% interes ngunit
nagkaroon din ng 15% implasyon.
Magkano na lamang ang magiging halaga ng pera ni Juan
sa bangko?

P50,000 x .10 = P5,000 ang magiging interes ng pera ni Juan sa


bangko
P50,000 + P5,000 = P55,000 ang kabuuang pera ni Juan sa
bangko
P50,000 X .15 = P7,500 ang halaga ng implasyon
P55,000 – P7,500 = P47,500 ang magiging halaga ng pera ni
Juan sa bangko dahil sa 15% na implasyon
P50,000 – P47,500 = P2,500

Bagama’t nagkaroon ng interes ang idinepositong


halaga ni Juan, lumalabas na lugi pa rin siya ng
P2,500 mula sa kaniyang ginawang pag-iimpok dahil
mas mataas pa rin ang naganap na implasyon.
PAGSUKAT SA
PAGBABAGO NG
PRESYO
FORMULA
WEIGHTED PRICE

Quantity x Price = weighted price


TOTAL WEIGHTED PRICE (TWP)

Add all the weighted price


CONSUMER PRICE INDEX

CPI = TWP (kasalikuyang taon) x 100


TWP (basehang taon)
FORMULA

INFLATION RATE (IR)


CPI = CPI (kasalukuyang taon) - CPI (nakaraang taon)
x 100
CPI (nakaraang taon)
FORMULA

PURCHASING POWER OF PESO


(PPP)
PPP = 100
CPI
PAGLUTAS SA
IMPLASYON
Mahalaga ang gampanin ng pamahalaan sa paglutas ng
mga suliraning dulot ng implasyon.

1. Sa COST-PUSH INFLATION, nagkakaroon ng implasyon


dahil sa mataas ang ginagastos sa pagbuo ng mga
produkto. Dahil dito, ang pamahalaan ay magbabawas ng
buwis upang matulungan ang mga kompanya na mapataas
ang kanilang produksiyon kahit hindi sila magtaas ng
presyo.
• Maglaan ng malaking badyet ang pamahalaan sa
pagawa ng imprastraktura, transportasyon, at
komunikasyon upang mapabilis ang produksiyon.

2. Ang MIDDLEMEN na dahilan ng pagtaas ng presyo ay


malalaban sa pamamagitan ng pagkontrol sa presyo ng
mga bilihin ng pamahalaan.
3. Para sa DEMAND-PULL INFLATION upang
mahadlangan ang pagdami ng supply ng salapi ay
magbabawas ang Bangko Sentral ng Pilipinas.

4. Sa INFLATION IMPORT, mahalagang pagtuunan ng


pansin ng pamahalaan ang mga local na pamilihan at
linangin ang sariling mga produkto upang hindi umaasa sa
produkto ng ibang bansa.
5. Sa STRUCTURAL INFLATION mahalagang magkasundo
sa pagitan ng iba’t ibang sector upang makamit ang
ekwilibriyum.

You might also like