You are on page 1of 13

DAHILAN AT

BUNGA NG
z

IMPLASYON
DAHILAN NG BUNGA NG
IMPLASYON IMPLASYON

PAGTAAS NG SUPLAY Tataas ang demand o paggasta kaya


NG SALAPI mahahatak ang presyo paitaas.

Kapag tumaas ang palitan ng piso sa


dolyar, o kaya tumaas ang presyo ng
PAGDEPENDE SA
materyales na inaangkat, ang mga
IMPORTASYON PARA SA
produktong umaasa sa importasyon para sa
HILAW NA SANGKAP
mga hilaw na sangkap ay nagiging sanhi
rin ng pagtaas ng presyo.
DAHILAN NG BUNGA NG
IMPLASYON IMPLASYON

Dahil sa kakulangan ng pumapasok na


PAGTAAS NG PALITAN dolyar, bumababa ang halaga ng piso.
NG PISO SA DOLYAR Nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng
mga produkto.
z

Kapag kulang ang supply sa local na


pamilihan dahil ang produkto ay
iniluluwas, magiging dahilan ito upang
KALAGAYAN NG
tumaas ang presyo ng produkto. Kapag
PAGLULUWAS (EXPORT)
mas mataas ang demand kaysa sa
produkto, ito ay magdudulot ng pagtaas sa
presyo.
DAHILAN NG BUNGA NG
IMPLASYON IMPLASYON

Nakapagkokontrol ng presyo ang


MONOPOLYO O sistemang ito. Kapag nakontrol ang presyo
KARTEL at dami ng produkto, malaki ang
posibilidad na maging mataas ang presyo.
z

Sa halip na magamit sa produksiyon ang


bahagi na pambansang badyet, ito ay
PAMBAYAD-UTANG
napupunta lamang sa pagbabayad ng
utang.
EPEKTO NG
IMPLASYON SA
MGA MAMAMAYAN
MGA NAKIKINABANG SA HALIMBAWA
IMPLASYON

Ang mga umutang ay may 10% interes sa kanilang


hiram na pera. Ang ibinabayad ng nangutang
kasama ang interes ay Php 1,000. Ngunit dahil sa
MGA UMUUTANG 15% ng implasyon, ang halaga ng buong binabayad
ay Php 935 lamang kaya siya ay nakinabang.

Retailer ng gasoline ang isang tao at marami siyang


MGA NEGOSYANTE/MAY- imbak nito. Kapag tumaas ang presyo ng gasoline,
ARI NG KOMPANYA tataas ang kaniyang kita nang hindi inaasahan.

MGA SPECULATOR AT Real estate broker, nagtitinda ng mga alahas at iba


MGA NEGOSYANTENG pa na nag-speculate na tataas ang presyo sa
MAY MALAKAS ANG LOOB hinaharap.
NA MAMUHUNAN.
MGA TAONG HALIMBAWA
NALULUGI
Ang mga empleyado tulad ng guro, pulis, klerk,
nars, at iba pang tumatanggap ng tiyak na kita
bawat buwan ay matinding naaapektuhan sa
pagtataas ng presyo. Ang dating dami ng
MGA TAONG MAY kanilang nabibili ay nababawasan dahil
TIYAK NA KITA bumababa ang tunay na halaga ng salapi.

Ang taong nagpapautang ay umaasa na kikita ng


10% interes sa kaniyang pinahiram na pera. Ang
ibinayad na utang kasama ang interes ay 1,000.
ANG MGA TAONG ngunit dahil sa 15% ng implasyon, ang halaga ng
NAGPAPAUTANG kaniyang tinanggap ay Php 935 lamang kaya siya
ay nalugi.
MGA TAONG HALIMBAWA
NALULUGI
Ang real value o tunay na halaga ng salaping
nasa bangko ay bumababa bunsod ng mas
mababang kinikita nito mula sa interes. Kung
may Php 10,000 na nakadeposito ang isang tao at
may 15% interest sa loob ng isang taon, ang
MGA TAONG NAG- kaniyang pera ay magiging Php 15,000 Ngunit
IIMPOK kapag may 20% ang antas ng implasyon ang
tunay na halaga na lamang ng kaniyang pera ay
Php 9,500.
PARAAN NG PAGLUTAS SA IMPLASYON

“Sa bawat problema ay may solusyon”. Ito ang madalas na pahayag sa tuwing
tayo ay nahaharap sa mga suliranin. Kaugnay sa suliranin ang implasyon, ang
pamahalaan ay nagpapatupad ng mga patakaran at polisisya upang masiguro na
mapangasiwaan ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin. Ito ay paraan din
upang hindi ganap na maapektuhan ang iba’t ibang sector ng ekonomiya at
maging ang bawat mamamayan. Ang mga patakarang pananalapi at piskal ang
mga instrumenting ginagamit ng pamahalaan upang matiyak ang katatagang
pang-ekonomiya ng bansa.
GAWAIN 1.

Panuto: Gumawa ng sariling paraan sa paglutas ng


implasyon sa pamamagitan ng tula. Isulat ito sa isang
sangkapat na papel.
PAGTATAYA

1. Ang mga sumusunod ang tuwirang nakikinabang sa implasyon


maliban sa;
a. Mga mangungutang
b. Mga may tiyak na kita
c. Mga may di tiyak na kita
d. Mga speculator

2. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa dahilan ng implasyon?


a. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
b. Monopolyo o kartel
c. Pambayad utang
d. Pagtaas ng demand at paggasta
PAGTATAYA

3. Ang mga sumusunod ang di tuwirang nakikinabang sa implasyon


maliban sa;
a. Mga may tiyak na kita
b. Mga nagpapautang
c. Mga nag-iimpok
d. Mga nangungutang

4. Ito ay isang sistema na kung saan kinokontrol nito ang pera at dami
ng produkto.
a. Monopolyo
b. Kartel
c. Real estate broker
d. Negosyante
PAGTATAYA

5. Ito ay isang instrumentong ginagamit ng pamahalaan


upang matiyak ang katatagang pang-ekonomiya ng bansa.

a. Patakarang pamimisikal at pananalapi


b. Patakarang pamimisikal at panalapi
c. Patakarang piskal at pananalapi
d. Patakarang pisikal at pananalapi

You might also like