You are on page 1of 5

Implasyon

Alam mo ba na ang pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo sa iba’t ibang panahon ay
karaniwang nagaganap? Subalit, kung ang pagbabago ay dulot ng pangkalahatang pagtaas ng presyo,
pagbaba sa halaga ng salapi at may negatibong epekto sa tao, ang kalagayang ito ay bunga ng
imimplasyon.

A. Economics Glossary

Ayon sa The Economics Glossary, ang implasyon ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng
piling produkto na nakapaloob sa basket of goods.

B. "Economics" aklat nina Parkin at Bade (2010)

Ayon naman sa aklat na Economics nina Parkin at Bade (2010), ang implasyon ay ang pataas na paggalaw
ng presyo at ang deplasyon ay ang pagbaba sa halaga ng presyo. Dahil dito, naaapektuhan ang dami ng
produkto na maaaring mabili ng mamimili.

Uri ng pagbabago sa presyo

1. Inflation
2. Deflation
3. Hyperinflation

HYPERINFLATION

- Maliban sa  implasyon,  mayroon  ding  tinatawag  na  hyperinflation  kung  saan ang  presyo 
ay  patuloy  na  tumataas  bawat  oras,  araw  at  linggo   
- naganap  sa  ilang mga   bansa   tulad   ng   Germany   noong   dekada   1920,   Hungary  
noong   1946   at Zimbabwe noong 2007 hanggang 2009 (Fernando, 2020).

—-----------

Pagsukat  sa  Pagtaas ng  Presyo

Karaniwang  ginagamit  sa  pagsukat  ng  implasyon  ang  Consumer  Price  Index (CPI)   upang  
mapag-aralan   ang   pagbabago   sa   presyo   ng   mga   produkto.   Ang pamahalaan   ay
nagtatalaga   ng   mga   piling  produktong   nakapaloob   sa   basket  of goods na kumakatawan sa 
mga pangunahing pangangailangan  at  pinagkakagastusan  ng  mamamayan. 
Mula  sa  market  basket, ang  price  index  ay  nabubuo  na  siyang  kumakatawan  sa  kabuuan 
at  average  na pagbabago  ng  mga  presyo  sa  lahat  ng  bilihin. 
Iba’t  ibang  Uri  ng  Price  Index
1.  Consumer Price  Index  (CPI)
- Ang CPI ay tanda ng pagbabago ng kabuuang presyo ng isang basket ng mga produkto  at 
serbisyo  na  karaniwang  binibili  ng  isang  sambahayan  (household)  sa isang  taon 
kumpara  sa  presyo  nito  sa  itinakdang  taon  (base  year). 
- Batayan  sa pagkompyut ng CPI ang presyo at dami ng produktong kadalasang kinokonsumo
ng bawat  pamilya  na  nasa  loob  ng  tinatawag  na  market  basket. 
- Ang  market  basket  ay ginagamit din upang masukat ang antas ng pamumuhay ng mga
konsyumer.

Ang    Phillippine    Statistics    Authority    (PSA)    ang    pangunahing    ahensya    ng


pamhalaan   na   nangongolekta   ng   datos   at   nagtutuos   ng   CPI.   Ginagamit   ang
sumusunod na formula upang matuos ang CPI.

CPI = Total Weighted Price ng Kasalukuyang Taon × 100


Total Weighted Price ng Basehang Taon

2.  Wholesale  Price  Index  (WPI)


Ito  ay  index  ng  mga  presyong  binabayaran  ng  mga  tindahang  nagtitingi  para sa mga
produktong muli nilang ibebenta sa mga mamimili.

3. GNP  Deflator
- Ito ang average price index na ginagamit upang mapababa ang halaga ng kasalukuyang
GNP (current GNP) at masukat ang totoong GNP (real GNP)
- Ito ang sumusukat sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga produkto at serbisyong
nagawa ng eknomiya sa loob ng isang taon.

Total weighted Price graph (asa Canva docs ung graph)

Inflation  Rate / Antas ng Implasyon


Ang inflation rate at tumutukoy sa antas ng pagbabago sa presyo ng mga bilihin. Ito ay
nako-compyut gamit ang sumusunod na formula:

Antas ng Implasyon= CPI ng base year - CPI ng current year ×100


CPI ng base year

Halimbawa:

Ang facemask na dati ay nabibili lamang ni Aling Rosa na P90 pesos bawat kahon bago 
nagkaroon  ng  pandemya  ay  biglang  tumaas  ang  presyo  nito  sa  P150  bawat kahon nuong
nakaraang taon  ng itinalaga ng pamahalaan ang paggamit nito bilang bahagi ng proteksyon sa
sarili laban sa COVID 19. Gamit ang formula, ang inflation rate ng facemask ay 66.66%.
Antas ng Implasyon= CPI ng base year - CPI ng current year ×100

CPI ng base year

= 150-90 x100
90
=    60 x 100
90
= 0.66666 x 100
= 66.66%

Purchasing Power
Tumutukoy sa kakayahan ng Piso bilang gamit sa pagbili
Lumiliit ang halaga ng piso sa habang tumataas ng CPI

Purchasing Power= CPI base year ×100


CPI current year

—---------

Dahilan  ng  Implasyon

1. Demand-pull
- Nagaganap   ang   demand-pull   inflation   kapag   nagkaroon   ng   paglaki   sa paggasta  ng 
sambahayan,  bahay-kalakal,  pamahalaan  at  panlabas  na  sektor ngunit  ang  pagtaas  ng 
aggregate  demand   ay  hindi  katumbas  ng  paglaki  ng kabuuang produksiyon. Dahil dito,
nagkakaroon ng shortage sa pamilihan kaya ang presyo ng bilihin ay tumataas.
- Ayon kay Milton Friedman, "ang pagkakaroon ng labis na dami ng salapi sa sirkulasyon"
ang isang dahilan kung bakit tumataas ang demand.

2. Cost-push

Ang pagtaas ng mga gastusing pangproduksiyon ang siyang sanhi sa pagtaas sa  presyo 
ng  mga  bilihin.  Kung  ang  isang  salik  sa  produksiyon,  halimbawa  ay lakas-paggawa, ay
magkakaroon ng pagtaas sa sahod, maaari itong makaapekto sa kabuuang presyo ng mga
produktong ginagawa.
Dahilan ng Implasyon

1. PAGTAAS NG SUPPLY NG SALAPI


Tataas ang demand/paggasta kaya mahahatak ang presto pataas (demand-pull).
2. PAGDEPENDE SA IMPORTASYON PARA SA HILAW NA SANGKAP
Sa pagtaas ng palitan ng Piso at dolyar/ sa pagtaas ng presyo ng inaangkat na materyales,
nagiging sanhi rin ito ng pagtaas ng presyo ng mga produktong umaasa sa importasyon.
3. PAGTAAS NG PALITAN NG PISO SA DOLYAR
Bumababa ang halaga ng Piso bunga ng kakulangan ng mga dolyar na pumapasok kaya’t
nagdudulot ng pagtaas ng presyo.
4. KALAGAYAN NG PAGLULUWAS/EXPORT
Kung sa pagluluwas inilalaan ang mga supply ng mga produkto, magdudulot ito ng kakulangan sa
supply sa ating lokal na pamilihan na magpapataas ng presyo ng mga produkto dulot ng mataas
na demand mula dito.
5. MONOPOLYO/KARTEL
Sa pagkontrol sa presyo at sa dami ng mga produkto ay malaki ang posibilidad ng pagakkaroon
ng pagtaas ng presyo.
6. PAMBAYAD-UTANG
Sa halip na magamit sa produksyon ang bahagi ng pambansang budget, ito’y napupunta lamang
sa pagbabayad ng utang.

EPEKTO NG IMPLASYON SA MGA MAMAMAYAN


NAKIKINABANG
1. Mga umuutang
Dahil sa implasyon, nababawasan
ang halaga ng ibinabayad ng mga
umuutang. Halimbawa, kung ang
umuutang ay nagbayad ng Php1,000
sa kanyang hiniram na pera na may
10% na interes subalit ang implasyon
ay 15%, ang ibinayad ay mayroong
Php935 na halaga lamang.
2. Mga negosyante/may-ari ng kompanya
Ang isang tao ay retailer ng Gasolina at marami syang imbak nito, sa pagtaas ng presyo ay
tataaas din ang kanyang kita.
3. Mga speculator/negosyanteng malakas ang loob mamuhunan
Real estate broker, pawnshop owner atbp. ay nag-iispeculate sa pagtaas ng presyo sa
hinaharap.

NALULUGI

1. Mga taong may tiyak na kita


Guro, pulis, Klerk, nars atbp.
2. Mga taong nagpapautang
Ang  taong  nagpautang  ay  umaasa  na kikita   ng   10%   interes   sa   kaniyang pinahiram 
na  pera.  Ang  ibinayad  ng nangutang   kasama   ang   interes   ay Php1,000.   Ngunit   dahil  
sa   15%   ng implasyon,   ang   halaga   ng   kaniyang tinanggap   ay   Php935   lamang   kaya
siya ay nalugi.

3. Mga taong nag-iimpok


Sila ay malulugi kapag ang interes ng kanilang  inimpok  sa  bangko  ay  mas maliit      
kompara       sa       antas       ng implasyon.  Ang  real value  o  tunay  na halaga   ng  
salaping   nasa   bangko   ay bumababa bunsod ng mas mababang kinikita nito mula sa
interes.

You might also like