You are on page 1of 27

Aralin 13

Ugnayan ng Pamilihan at
Pamahalaan
Balik-aral:
• Ang pamilihan nagsasaayos ng nagtutunggaliang
interes ng mamimili at bahay – kalakal.
• Ang mamimili ay bumibili nang marami sa
mababang presyo samantalang marami namang
ipinagbibili ang bahay-kalakal sa mataas na presyo.
• Ang napagkasundunang presyo ng mamimili at
bahay-kalakal ay tinatawag na presyong ekwilibriyo.
ONCE UPON A TIME!
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at bumuo ng
maaaring kahinatnan nito batay sa iyong sariling
pagkaunawa. Isulat ang iyong kasagutan sa notebook.
•Matagal nang magsasaka si Mang Francisco. Isang araw
ay nabalitaan niyang ang presyo ng kaniyang produktong
palay ay binibili lamang sa murang halaga. Ang presyo ay
hindi kayang mabawi kahit puhunan niya sa binhi at
fertilizer. Ano kaya ang maaaring mangyari kay Mang
Francisco?
ONCE UPON A TIME!
• Ang Gitnang Luzon ay sinalanta ng bagyo. Maraming
palayan ang nasira. Ano kaya ang maaaring ibunga nito?
• Dahil sa katatapos pa lamang na bagyo nabalitaan ng
pamahalaan na maraming mga negosyante ang
nanamantala sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo.
Ano kaya ang maaaring gawin ng pamahalaan?
Pamprosesong Tanong:
1.Paano ka nakabuo ng maaaring kahinatnan ng
pangyayari?
2.Alin sa mga sitwasyon ang nahirapan kang bumuo ng
maaaring kahinatnan? Bakit?
Nicholas Gregory Mankiw
Government can sometimes
improve market outcomes.
Principles of Economics
Bagama’t ang pamilihan ay isang
organisadong sistemang pang-
ekonomiya, may mga
pagkakataong nahaharap ito sa
pagkabigo o market failure. Sa
ganitong pagkakataon,
kinakailangan ang pakikialam ng
pamahalaan sa takbo ng
pamilihan.
Ugnayan ng Kurba ng Suplay at Demand
Bagong Presyong Ekwilibriyo
P
• Tuwing S
nagkakaroon ng
paglipat sa 950
kurba ng suplay
o demand, 800
nagkakaroon
din ng
pagbabago sa
presyong D2
ekwilibriyo. D1
Q
300
Bagong Presyong Ekwilibriyo
P
• Ano ang presyong S
ekwilibriyo para
sa D1? 950
• Ano ang presyong
ekwilibriyo para 800
sa D2?
• Anong uri ng
pagbabago ang
naganap sa D1
demand curve? D2
Q
300
Pagtatakda ng Batas sa Presyo ng
Kalakal
(Price Control)
• Kung minsan, itinatakda ng pamahalaan ang presyo ng
kalakal upang maiwasan ang pang-aabuso sa panig ng
nagtitinda o ng mamimili.
• Price Ceiling – ang pinakamataas na presyo na
maaring ibenta ang produkto.
• Price Floor – ang pinamababang presyo na
maaring ibenta ang produkto.
Upa ng apartment kung walang price control
Upa ng P S
apartment

800

D
Q
300

Dami ng
Nagpapaupa
Price Ceiling
P S
• Ang price ceiling na Price
mas mataas sa 1000
Ceiling
presyong ekwilibriyo
ay walang epekto sa
pamilihan. Hindi 800
malulugi ang mga
nagtitinda.

D
Q
300
Price Ceiling
• Ang pagtatakda ng P S
price ceiling na mas
mababa sa
presyong ekwilibriyo
ang makakaiwas sa 800
pagkalugi ng mga
negosyante. Price
500
Ceiling
Shortage
D
Q
250 400
Halimbawa 2: Pasahod sa mga Manggagawa
D S
Sahod ng mga
mangagawa
Equilibrium Price
400

D
Q
500
Price Floor
• Ang pagtatakda ng Price P S
Floor na mas mababa sa
presyong ekwilibriyo ay
walang epekto sa presyo 400
ng mga kalakal.
Price
300
floor

D
Q
500
Price Floor
Labor
• Ang pagtatakda ng Price P Surplus
S
Floor na mas mataas sa 500 Price
Floor
presyong ekwilibriyo ay
magdudulot ng mataas 400
na presyo ng mga
kalakal.

D
D
400 550
Buod
P
S

500 Price
Floor

400

300 Price
Ceiling

D
Q
400 550
Epekto ng pagkakaroon ng Price Ceiling
• Mabuti:
• Mababang presyo ng mga bilihin.
• Kasiguruhan sa mga mamimili.
• Di-mabuti:
• Pagbaba ng Supply
• Nagiging dahilan ng Kakulangan
• Nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mga ilegal na
pamilihan (black market)
Epekto ng pagkakaroon ng Price Floor
• Mabuti:
• Mas mataas na sahod sa mga manggagawa
• Mas malaking tubo sa mga nagtitinda
• Di-mabuti:
• Mas mataas na presyo ng bilihin
• Maaring maging dahilan ng kalabisan ng kalakal.
• Mas mababang demand ng mga bilihin
Suggested Retail Price
(SRP)
• Presyong itinakda ng pamahalaan para sa isang kalakal.
• Mahigpit na binabantayan ang mga produkto nakabilang
sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng bigas,
asukal, kape, harina, tinapay, itlog, at instant noodles
• Ang patakarang ito ay isang pamamaraan upang
mapanatiling abot-kaya para sa mga mamamayan ang
presyo ng nasabing produkto.
Price Freeze
• Pagbabawal sa pagtataas ng presyo sa pamilihan.
• Ipinatutupad ito ng pamahalaan upang mapigilan ang
pananamantala ng mga negosyante sa labis na
pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga
produkto.
• Labag sa Anti- Profiteering Law ang labis na pagpapataw
ng mataas na presyo.
Price support
• Ito ay paraan ng pamahalaan na bigyan ng tulong ang
mga negosyante upang maiwasan ang pagkalugi o
mabawasan ang kita.
• Kabilang dito ang mga subsidy, tax exemption o tax
deduction, discount at bonus.
• Layunin nito na mapanatili ang mababang halaga ng
produksyon upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng
bilihin.
PAGPAPAHALAGA

• Sa iyong palagay, ano ang mas madalas


na mangyari sa mga kalakal sa Pilipinas.
Nakakatulong ba ito sa ekonomiya ng
bansa?
References:
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI
Seatwork:
Anong presyo ang
napagkasunduan
ng suplayer at
konsyumer sa mga
sumusunod:
•Unang kurba ng
supply
•Ikalawang kurba ng
supply
Seatwork:
Sa anong presyo maaring
ipataw ang sumusunod:
•Price ceiling sa unang
kurba ng supply
•Price floor sa unang kurba
ng supply
•Price ceiling sa ikalawang
kurba ng supply
•Price floor sa ikalawang
kurba ng supply
Copy and Answer.
• Ano ang pagkakaiba ng Ganap na
Kompetisyon at Di-ganap na Kompetisyon sa
istruktura ng pamilihan.
• Ipaliwanag ang apat na kondisyon ng Di-
ganap na Kompetisyon. Ibigay ang katangian
ng bawat kondisyon.
• Ano ang ibig sabihin ng market failure. Kailan
ito nagaganap at magbigay ng mga
halimbawa nito.

You might also like