You are on page 1of 20

Aralin 8

Ang Demand at ang Mamimili


Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Panimula:

 Ang pagsusuri sa ekonomiks ay


nagsisimula sa pag-aaral ng pag-uugali ng
tao sa loob ng pamilihan; ang mamimili at
ang nagtitinda. Ang mamimili ay bumubuo
at nagsasagawa ng mga desisyon
patungkol sa pagbili at pagkonsumo ng
mga produkto. Ito ang bumubuo sa
economic cycle.
Economic Cycle
Production
paglikha ng kalakal

Distribution
Consumption pagbebenta o
Paggamit ng kalakal pamamahagi ng
kalakal
BREAK MUNA
Alin sa mga sumusunod ang pipiliin mo?

Kalakal BRAND Bakit?


Sabon Safeguard o
Green Cross
Toothpaste Colgate o
Hapee
Kape Nescafe o
Great Taste
Suka Silver Swan o
Datu Puti
Demand
 Ang kagustuhan ng
mga mamimili na
bumili ng isang
kalakal o
paglilingkod.
 Dami ng produkto na
nais bilhin ng mga
konsyumer sa isang
takdang presyo.
Salik na nagpapabago sa Demand
 Presyo
 Di-Presyong Salik
 Kita ng Mamimili
 Populasyon
 Presyo ng mga
Kaugnay o Kapalit
na Produkto
 Panlasa
 Inaasahan ng mga
Mamimili
BATAS NG DEMAND
 Mataas ang demand ng isang kalakal
kung mababa ang presyo nito.
 Bumababa ang demand ng kalakal kung
tumataas ang presyo. Ceteris Paribus
Ano ang Ceteris Paribus?
 Nangangahulugan na
lahat ng ibang salik
ay hindi nagbago.
 May mga kalakal na
kahit mataas ang
presyo ay hindi pa rin
nagbabago ang
demand nito.
Ano ang market demand?
 Ito ang pinagsama-samang dami ng
demand sa isang produkto.
Demand Schedule
 Ang demand schedule ay isang talaan na
nagpapakita ng dami na kaya at gustong
bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang
presyo.
Demand Schedule ng
Kendi
Price (P) Demand Quantity (Q)

5 10
4 20
3 30
2 40
1 50
0 60
 Ang schedule na makikita sa talahanayan
ay tumutukoy sa quantity demanded para
sa kendi sa iba’t ibang presyo. Malinaw na
ipinapakita ang magkasalungat na
ugnayan ng presyo at quantity demanded
ng kendi para sa mamimili.
Demand Curve
 Ang graph na batay sa demand schedule na
nasa talahanayan. Kung ilalapat sa graph ang
iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at
quantity demanded ay mabubuo ang demand
curve para kendi. Kung tutuntunin ang mga
puntong ito ay makabubuo ng isang kurbang
pababa o downward sloping curve. Ang kurbang
ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa
pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang
bilhin ng mamimili.
Demand Curve
Paglipat ng Demand Curve
 Nagkakaroon ng paglipat ng demand curve
kung nagkakaroon ng pagbabago sa
demand ng isang kalakal.
 Lumilipat ang demand curve pakaliwa kung
bumababa ang demand ng kalakal.
Lumilipat naman ang demand curve
pakanan kung tumataas ang demand ng
kalakal.

Matalinong Pagpapasya, pagtugon
sa pabago-bagong demand.
 Mas makabubuti kung hindi agad susunod
sa uso upang hindi agad magkaroon ng
malaking pagbabago sa demand.
 Matutung tipirin ang kita. Ang labis na
paggastos ay hindi mainam.
 Bago bumili ng kalakal, humanap at tignan
ang presyo ng kahalili at kaugnay na
kalakal.
TANDAAN!
 Ang tamang paggasta
at pagkonsumo ay
nakakatulong upang
maging matatag ang
presyo ng kalakal sa
pamilihan.
PAGPAPAHALAGA

• Sa anong mga paraan mo ipinapakita ang iyong


pagiging matalinong mamimili?
References:

 Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan


(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing
House
 De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
 Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
 Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like