Professional Documents
Culture Documents
AT PRODUKTO
{ANNA MARIE ABERIA- TEACHER}
ARALIN1: EKILIBRIYO SA PAMILIHAN
TEMA MAHALAGANG PAGUNAWA
PANAHON, PAGPAPATULOY AT Ang ekilibriyo ay ang pagtukoy ng
PAGBABAGO katatagan ng presyo o akmang presyo
ng mga produkto sa pamilihan
katumbas ng dami ng produktong
naibenta o nabili.
KAPANGYARIHAN, AWTORIDAD, Ang presyo ng bawat produkto ay
AT PAMAMAHALA naitatakda ng invisible hand ng
demand o ng suplay at hindi
naapektuhan o nakokontrol ng
pamahalaan.
PRODUKSYON, DISTRIBUSYON, AT Mahalagang matukoy ang ekilibiryo
PAGKONSUMO ng presyo at ang dami ng mga
produkto upang masigurado na hindi
nagkakaroon ng kakulangan at
kalabisan sa produksyon ng mga
produkto
ALAMIN ANG MISYON:
UNAWAIN ANG KONDISYON:
Sa iyong palagay, ano ang mangyayari kung
pinagsama ang kagustuhan ng mga mamimili at
kagustuahn ng mga prodsuyer? Kung ang mamimili
ang masusunod, mas gugustuhin naman ng mga
prodsuyer na mayroong mababang presyo ang mga
produkto. Samakatuwid magkaiba ang kagustuhan
ng mga mamimili at ng produsyer at ang
pagkakaibang ito ay nakakaapekto sa presyo ng
isang produkto
KONSEPTO NG EKILIBRIYO:
Sa pamilihan, mahalagang maitakda ang presyo ng mga produkto
sa halagang katanggap-tanggap sa parehong mamimili at
prodyuser.
Dahil sa pagiging epotetiko ng konsepto ng demand at supply,
maaring matukoy ang presyo ng isang produkto sa pamamagitan ng
paglalagay sa dami ng produkto na maaring maibenta o mabili sa
pamilihan.
Ang pagtatakda ng presyo ng isang produkto ay nakabatay sa
interaksiyon ng demand at suplay. Ngunit dahil maaring magbago
kaagad ang mga salik ng demand at suplay, maari ding magbago
ang presyo ng mga produkto sa isang iglap.
Ginagamit ng mga ekonomista ang salitang ekilibriyo sa pagtukoy
ng katatagan ng presyo ng mga produkto sa pamilihan. Kapag ang
pamilihan ay nasa ekilibriyo , nangangahulugan ito na mayroong
katatagan ng presyo ng mga produkto at ang dami ng produktong
naibenta o nabili.
Naipapaliwanag din ng ekilibriyo ng konsepto ng inivisble hand ni
Smith. Ang presyon ng bawat produkto ay naiimpluwensyahan ng
invisible hand ng demand o ng suplay.
KLARO:
Ang ekilibriyo ay ang sitwasyon kung saan
hindi nagbabago ang antas ng presyo, hangga’t
hindi nagbabago ang mga salik ng demand o
suplay. Sa punto ng ekilibriyo, nagkakasundo
ng mamimili at prodsuyer sa naitakdang presyo
ng prodiktong sa isang pamilihan
PAGTUTUOS NG EKILIBRIYO:
Matuos ang ekilibriyo ng mga presyo gamit ang sumusunod na pormula
QD = Q S
kung saan :
(DEMAND) QD = x-Yp
(SUPLAY) QS = -x+yP
Kung kaya, ang pormula ay masasbi na rin na
X-yP = -x+yP
Kung saan :