You are on page 1of 4

Division of City School

4th District, Quezon City, Metro Manila


Malakas St., Pinyahan, Quezon City
Mastery Test
Araling Panlipunan Ekonomiks
S.Y.2018-2019
Panuto : Basahin at unawain ang mga pangungusap .Piliin ang titik ng pinakatamang sagot at isulat sa sagutan
papel.

1. Sa panahong ng tag-ulan kung saan nagkakaroon ng malawakang pagbaha sa maraming lugar na mababa
ang naaapektuhan nito. Isa ang pamilya ni Niña sa nakararanas ng ganitong suliranin. Madalas ay kinukulang
sila ng pagkain dahil sa walang mabili kapag baha na. Kung ikaw si Niña ano ang dapat mong gawin?
Humingi ng tulong sa barangay na sumasakop sa kanila
Manghiram muna ng sasainging bigas sa kanilang kapit-bahay
Tumawag sa kamag-anak at magpasaklolo
Maging handa at mag-imbak na ng mahahalagang pangangailangan bago dumating ang panhon ng tag-
ulan

2. Malaking suliranin ng bansang Pilipinas ang labis na suplay ng manggagawa samantalang ang demand para
dito ay maliit lamang. Si Elyka ay isa sa mga bagong gradweyt na nakararanas ng hirap sa pag-aaply. Ano ang
maimumungkahi mo sa kanya sa ganitong sitwasyon?
Magpahinga muna sa bahay sapagkat siya ay bagong gradweyt
Umuwi muna sa probinsya at magmuni-muni
Gamitin ang tulong ng internet o website sa paghahanap ng trabaho upang makatipid sa oras at gastos
Mag-aral muli upang madagdagan ang kaalaman
3. Maraming mga bagong gradweyt sa pagkapulis, silang lahat ay nagnanais na manilbihan sa pamahalaan.
Anong uwi ng di-ganap na kompetisyon ang inilalarawan nito?
Oligopolyo C. Monopsonyi
Monopolyo D. Monopolistiko ng kompetisyon

4. Ang estruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan
ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser. Umiiral ang di-ganap o di-perpektong kompetisyon sa
mga industriya kapag:
Walang prodyuser na nakaaapekto sa presyo
Walang pakialam ang mga mamimili kung kaninong produkto ang bibilhin nila
Maraming maliliit na kompanya ang nagbibili ng parehong produkto
Nakokontrol ng isa o iilang nagtitinda ang presyo ng mga produkto

5. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa
sumusunod ang nagpapaliwanag nito?
Panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid
Pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin
Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer
Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyantena palawakin pa ang negosyo

6. Ang presyong mababa sa ekwilibriyo ay ipinatupad ng pamahalaan upang mabigyang-proteksiyon ang mga
mamimili. Ano ang magiging epekto sa pamilihan kung ang pamahalaan ay magpapatupad ng price ceiling
na Php 1? Gamitin ang graph upang masagutan ang katanungan.
Sa pagpapatupad ng price ceiling, ang pamilihan ay makararanas ng ekwilibriyo
Ang pagpapatupad ng price ceiling ay makapagdudulot ng disekwilibriyo sa pamilihan. Ito ay likha ng
shortage na 12 yunit ng produkto
Ang pagpapatupad ng price ceiling ay makapagdudulot ng disekwilibriyo sa pamilihan. Ito ay lilikha ng
surplus na 6 na yunit ng produkto
Walang mangyayaring shortage at surplus sa pamilihan sapagkat mabisa ang polisiya ng pamahalaan

7. Si Juanito ay nakagawian ng bumili ng bananacue tuwing recess. Nang minsang tumaas ng tatlong piso ang
paborito niyang bananacue, hindi na muna siya bumili at sa halip ay naghanap na lamang ng ibang mabibili
sa canteen. Ano ang ipinahihiwatig ng demand ni Juanito para sa bananacue?
Ang demand na bananacue ay hindi-elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng malaki sa
pamamagitan ng pagbabawas ng demand para sa bananacue
Ang demand para sa bananacue ay elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng malaki sa pamamagitan
ng pagbabawas ng demand para sa bananacue
Ang demand sa bananacue ay unitary sapagkat ang dami ng ibabawas na demand sa bananacue ay
kasing dami ng demand sa pamalit na bananacue ni Juanito
8. Ang demand sa bananacue ay ganap na hindi-elastiko dahil hindi makakatagal si Juanito na hindi kumain ng
bananacue sa loob ng isang linggo
Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw na magpapaliwanag ng graph tungkol
sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer?
Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo
Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo
Habang tumataas ang presyo, bumababa ang demand ng mga konsyumer
Habang tumataas ang presyo tumataas ang demand ng mga konsyumer

9. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa, at pakanan o downward sloping, ano ang
ipinahihiwatig nito?
Walang kaugnayanang demand sa presyo
Hindi ng babago ang presyo ayon sa demand
Negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand
Positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand

10. Ang Pepsi at Coca Cola ay matagal ng magkaribal na kompanya. Ano ang uri ng pamilihan ang naglalarawan
ng kompetisyon ng dalawang kompanya?
Monopolyo B. Kartel C. Duopolyo D. Monopolistikong Kompetisyon

11. Ang ceteris paribus assumption ay ginagamit upang ipagpalagay na presyo lamang ng produkto ang
makaaapektosa demand o suplay man. Sa pagtaas ng presyo, alin sa mga sumusunod ang magiging epekto
sa konsyumer at prodyuser?
Tataas and demand, bababa ang suplay
Tataas ang suplay, bababa ang demand
Bababa ang demand, tataas ang suplay
Tataas ang supla, tataas ang demand

12. Sa konsepto ng elastisidad, anong pahayag ang may katotohanan?


Elastik ang demand kapag sa pagbaba ng presyo ng 1%, tataas ang demand ng <1%
Di-elastik ang demand kapag sa pagbaba ng 1% bg presyo, bababa din ang demand ng 1%
Unitaryo ang suplay kapag sa pagtaas ng presyo, bababa naman ng <1% ang suplay
Elastik ang suplay kapag sa pagtaas ng 1% ng presyo, ang suplay ay tataas din ng >1%

13. Sa isang pamilihan, may pagkakataon na nagkakaroon ng dis-ekwilibriyu kung saan hindi pantay ang dami
nang gustong isuplay o itustos ng prodyuser sa nais bilhin ng konsyumer. Sa ganitong kalagayan, ano ang
hindi posibleng maganap?
Magkakasundo sa presyo ang konsyumer at prodyuser kaya magkakaroon ng bilihan
Magiging mas mataas ang demand kaysa sa suplay na magdudulot ng kakulangan
Nais magsuplay ng prodyuserng marami samantalang ang mga mamimili ay ayaw naman bumili o
magdadagdag ng bibilhin kaya nagkakaroon ng labis na suplay
Manghihimasok ang pamahalaan upang magpatupad ng ceiling o floor price

14. Ang kurba ng demand ay isang grapikong representasyon ng presyo (P) at dami ng demand (QD). May
pagkakataon na ang kurbang demand ay lumilipat sa kanan o kaliwa mula sa orihinal na kuba nito. Kung ang
kurba ng demand ay lumipat sa kanan, maaaring nagana pang mga sumusunod maliban sa:
A . Tumaas ang demand sa karneng baboy dahil sa balitang birds flu sa karneng manok
Inaasahan na marami pa ring senior high school ang mag-aaralsa pribadong paaralan kahit kahit wala ng
voucher
Pagdagsa ng tao sa SM department store dahil sa 70% of
Naging mabili ang gamut na paracetamol sa Generic Pharmacy kaysa sa Biogesic na tinitinda sa Mercury
Drug

15. Naisabatas ang dagdag na buwis sa sigarilyo at alak na tinatawag na Sin tax. Alin sa mga pagpipilian sa ibaba
ang pinaka-negatibong epekto sa industriya ng Fortune Tobacco at San Miguel Brewery?
Pagbabawas o pagtatanggal ng mga manggagawa dahil sa pagtaas ng gastos sa produksyon
Pagbibigay ng pamahalaan ng mga insentibo sa mga kumpanyang ito para hindi malugi
Pagtaas ng presyo ng Marlboro at Ginebra San Miguel kaya bababa ang demand para ditto
Pagkalugi ng mga kumpanyang ito na hahantong sa pagsasara ng kanilang mga pabrika

16. Ang mga prodyuser tulad ng mga magsasakang si Mang Fermin any nangangailangan ng proteksyon upang
hindi bumagsak nang husto ang presyo ng kanilang inaning palay. Sa pagkakataong ang mga magsasaka ay
malulugi sa umiiral na presyo ng bentahan sa pamiliha, ano ang pinakamabuting hakbang ng pamahalaan
para tulungan sila?
Magpapatupad ng ordinansa na kailangang suportahan ng mga mamimili ng palay ang tamang presyo
na sapat para makabawi ang mga magsasaka
17. Ang NFA na mismo ang bibili ng mga labis na suplay ng palay sa mataas na halaga upang matulungan ang
mga magsasaka
Papayuhan ang mga magsasakana huwag munang ibenta ang mga palay hanggat hindi pa tumataas
ang presyo nito
Magbibigay ng kautusan na ibahin na lang nila ang produktong itatanim para maiwasan ang ganitong
klase ng problema

18. Kung ang halimbawa ng price control ay minimum wage ng mga manggagawang walang trabaho. Saang
bahagi ng kurba ito matatagpuan?
Ito ay nasa ibaba ng ekwilibriyong presyo at dami
Ito ay nasa ekwilibriyong presyo at dami
Ito ay wala sa anumang ekwilibriyo
Ito ay nasa itaas ng ekwilibriyong presyo at dami

19. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo ay pantay ang dami ng quantity demanded
sa quantity supplied. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?
Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat sa dami ng nais
bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser
Sa presyong ito, may labis na quantity supplied sapagkat maaaring magtaas ng presyo ang mga
prodyuser upang tumaas ang kita
Sa presyong ito, parehong masa yang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo,
kaunti na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer
Sa presyong ito, hindi masaya ang konsyumer dahil ang labis na quantity demanded ay hindi
napupunan ng labis na quantity supplied
20. Alin sa mga sumusunod ang higit na nagpapaliwanag ng konsepto ng supply?
Tumaas ang demand sa saging na saba dahil ito ay natuklasan na anti-cancer kasabay ng pagtaas ng
presyo nito kung kaya’t lumipat sa pagtatanim ng saba si Alex
Nagtayo ng Computer Shop si Nena malapit sa paaralan
Upang dumami ang costumer ni Anna gumamit siya ng Social Media
Dahil sa darating na kapaskuha, kumuha ng pwesto sa Commonwealth Market

21. Kapag napapanahon ang pag-aani ng mangga, nagkakaroon ng labis na suplay nito. Ano ang mabuting
epekto nito para sa konsyumer?
Makapagbebenta ng mas marami ang mga nagtitinda
Kikita ang pamahalaan dahil sa buwis mula sa nagtitinda ng mangga
Makabibili ang mamimili ng mangga sa mas murang presyo
Kikita ng husto ang mga prodyuser ng mangga

22. Binibigyang proteksyon ng pamahalaan ang kapakanan ng mga konsyumer sa pamilihan upang maiwasan
ang pang aabuso ng mga prodyuser. Maisasakatuparan ito sa pmamagitan ng:
A. Price control B. Price ceiling C. Subsidy D. Price freeze

23. Ang mag asawang Jay at Jenny ay bumili ng kanilang paninda sa Divisoria. Upang kumita ng malaki sila ay
humahanap ng mga produktong may pinakamababang presyo na pareho ring kalidad. Ang pagtitinda ng
kalakal sa mga ganitong pamilihan ay may ganap na kompetisyon dahil sa :
Marami ang nagtitinda at bumibili ng mga paninda o produkto
Kontrolado ng mga namamakyaw ng produkto ang presyo sa palengke
Nakabili ng murang paninda kapag mahusay tumawad ang bumibili
Bentahe ang kasanayan at karanasan sa pagnenegosyo

24. Nagkaroon ng matinding pananalasa ng bagyo sa Gitnang Luzon na nakapagdulot ng pagkasira ng mga
palayan. Ang kurba ng demand sa palay ay :
Bababa B. Tataas C. Mananatili D. Walang mangyayari

25. Ang perfectly inelastic demand ay mayroong coefficient na zero, ibig sabihin walang nagaganap na
pagtugon sa quantity demanded kahit pa tumaas ang presyo, ano ang ipinapahiwatig nito?
May mga produkto tayong madaling hanapan ng pamalit kahit tumaas ang presyo nito makabibili pa
rin tayo ng alternatibo para dito
Kapag ang produkto ay labis na tumaas ang presyo at hindi naman masyadong kailangan maari ng
ipagpaliban muna ang pagbili nito
May mga produkto na kahit mataas ang presyo ay kailangan mong bilhin sapagkat wala itong
pamalit.
May mga produktong walang epekto satin kahit hindi natin ito bilhin

26. Ayon sa Forbes Magazine, Si Senador Manny Pacquiao ay napabilang sa 100 mga atletang may
pinakamataas ang bayad sa buong mundo . Higit na malaki ang kinikita nang tulad niyang boksingero kung
ikukumpara sa iba pang mga propesyon o hanapbuhay. Alin sa mga sumusunod sa mga pahayag sa itaas?
27.Mataas ang demand sa katulad niyang atleta na nagpagmalas ng kakaibang galing sa larangan ng boksing
Bihira ang nagtataglay ng galing katulad ng napatunayan na niya sa pagiging boksingero
Mababa ang suplay ng magagaling na atleta sapagkat iilan lamang ang nabiyayaan ng ganitong
talento
Naging politiko muna siya bago naging boksingero kaya nakilala siya sa larangan ng sports.

28. Makakatulong nang malaki sa isang negosyanteng katulad ni Felix Pangan ang kaalaman sa konsepto ng
elastisidad sapagkat:
Sa pagtaas ng presyo ng kanyang produkto sa pamilihan, alam niya na kailangan niyang magtayo ng
maraming outlet
Sa pagbaba ng umiiral na presyo ng kanyang produkto, kailangan niyang doblehin ang kanyang
isusuplay dahil mas magiging mabili ito
Magnadang batayan ito para sa kanya dahil higit na mas tiyak ang pagtataya sa magiging epekto sa
konsyumer ng pagtaas ng presyo ng kanyang produkto
Pabor sa isang negosyante ang mas mataas na pinag-aralan o tapos sa pag-aaral

29. Nais ng mga operator ng dyip na itaas sa P9 ang minimum fare kumpara sa umiiral ngayong P8 na
pamasahe. Kung ito ay maapruban, ano ang pinakamabuting gawin ng gurong si Bb. Padilla kung siya ay
sumasakay araw-araw sa pagpasok sa paaralan?
Maglakad na lamang upang makatipid
Mag-abang na lang siya ng kakilala at makiusap na sasabay na lamang
Bumili na lamang siya ng sariling sasakyan upang hindi na mamasahe
Sumakay pa rin at huwag ng pansininang pagtaas ng pamasahe

30. Ang pagpapairal ng senior hayskul sa ating bansa ay higit na kapaki-pakinabang sa larangan ng negosyong
may kaugnayan sa konstruksyon sapagkat:
Tumaas ang demand sa mga kagamitang pang-konstruksyon dahil sa pagtatayo ng mga karagdagang
silid-aralan
Hindi sila pinatawan ng buwis sa pagtatayo ng mga paaralan
Nagbigay ng voucher ang pamahalaan sa mga mag-aaral na papasok sa senior hayskul
Mas malaki ang kanilang kikitain kung paaralan ang itatayo kaysa sa mga condominium

Sa pagkakaroon ng bagong uniporme ng mga guro at iba pang kawani ng pampublikong paaralan, dumami
ang tanggap ng tahi ng nanay ni Janice. Ang sabay-sabay na pagpapatahi ng mga guro ay nagdulot ng pagtaas
ng singil ng mga patahian. Anong konsepto sa Ekonomiks ang higit na makapagpapaliwanag dito.
Batas ng Demand C. Batas ng Suplay
B. Elastisidad ng Demand D. Elastisidad ng Suplay

Ang pagkakaroon ng ekwilibriyu sa presyo at dami ng mga produktong itinitinda sa pamilihan ay higit na
kapaki-pakinabang sa mga:
Mamimili at nagtitinda C. Pamahalaan at mamimili
Negosyante at gobyerno D. Konsyumer at publikong sector

You might also like