You are on page 1of 3

Demand at ang mga salik na

nakakaapekto sa Demand
Demand
 ang demand ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang mamimili na bilhin ang
isang partikular na produkto o serbisyo sa isang partikular na pagkakataon.

Qd o Quantity Demand
 ang dami na gustong bilhin ng isang mmimili.

Demand schedule
 ay tsart na nagpapakita ng pagbabago ng demand sa presyo ng isang produkto o bilihin.

Demand Function
 Ay pagpapahayag ng relasyon s pagitan ng presyo at demand sa pamamagitan ng isang
mathematical equation ng 2 variables.
 Qd=a-bp; a:bilang ng quantity demanded kapag ang presyo ay zero, b: slope, p: price, at
ang Qd: Quantity Demand
 halimbawa:(Qd=8-0.02P)Ano ang Qd ng tinapay kung ang presyo ay Php.5.00?
 Qd=8-0.02P
=8-0.02(5)
=8-0.1
=7.9
Batas ng Demand
PD / PD
 pag mababa ang presyo,mataas ang demand
 pag mataas ang presyo, mababa ang demand

SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DEMAND


 kita ng mamimili
 panlasa o antas ng pagkagusto ng mamimili para sa produkto o serbisyo
 presyo ng mga kaugnay na produkto o serbisyo
 ekspektastsyon
 populasyon
 okasyon

KITA
 ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng ginagawang produkto o serbisyo.
 basehan ng pagtatanggap ng budget sa pamilya.
 pinagkakasya ang salapi sa mga bagay na kailangang matamo.

PANLASA
 ang pagkahilig ng mga pilipino sa mga imported na produkto na isa sa mga dahilan kung bakit
malaki ang demand sa mga ito.
 ang pagkasawa sa produkto ay dahilan din sa pagbabago sa demand ng konsyumer.

PRESYO
 ang pagtaas ng presyo ng produkto na dating ginagamit ay nagtutulak sa konsyumer na
humanap ng kapalit na produkto.
EKSPEKTASYON
 dahil sa mga kalamidad at mga kaguluhang maaring mangyari ang mga konsyumer ay nag-iisip
na maaring maapektuhan ang kabuhayan ng bansa. Dahil dito, ang mga konsyumer ay nagpapanic-
buying. Bunga ng ganitong reaksyon at ekspektasyon, ang demand sa mga produkto ay tataas, kaya't
ang presyo ay tataas din.

POPULASYON
 ito ay potential market ng isang bansa. Ang pagdami ng tao ay naglalarawan ng pagdami ng
konsyumer na syang nagtatakda ng demand. Kapag marami ang nagkokonsumo ng mga produkto ay
tumataas ang demand sa iba't-ibang produkto.

OKASYON
 Likas na sa ating mga pilipino ang ipinagdiriwang ang iba't-ibang okasyon na
dumarating. Kaya bawat selebrasyon ay tumataas ang demandsa mga produkto na
naayon sa okasyong ipinagdiriwang.

You might also like