You are on page 1of 2

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang Batas ng Suplay? Ipaliwanag.

Ito ay nagpapahiwatig ng positibong ugnayan sa pagitan ng presyo at dami ng suplay.Kapag tumataas


ang presyo, tumataas din ang dami ng suplay na maaaring ipagbili at gustong ipagbili ng
prodyuser.Kapag naman bumababa ang presyo,bumababa din ang dami ng suplay na maaring ipagbili at
gustong ipagbili ng prodyuser.

2. Ano ang batas ng Demand? Ipaliwanag.

Ito ang nagsasabi na ang pagtaas ng presyo ng produkto ay dahilan upang bumaba ang demand nito at
ang pagbaba ng presyo nito ay magdudulot sa pagtaas ng demand para sa produkto.Ito ay makikita sa
pamamagitan ng demand schedule ,dito makikita ang isang chart upang makita ang pagtaas o pagbaba
ng demand base sa pagbabago ng presyo at demand function,ito ay matematikong nagpapakita ng
ugnayan ng presyo at demand

3. Magbigay ng dalwang Salik na nakakaapekto sa Suplay ng isang produkto. Ipaliwanag.

1.PANAHON/KLIMA

Ang supply ng produkto ay naaayon sa kalagayan ng panahon sa isang lugar, lalo na sa mga produktong
agrikultural.

2.SUBSIDY

Ang subsidy ay tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa maliliit na negosyante at mga magsasaka


upang paramihin ang kanilang produksiyon at pataasin ang supply ng mga produkto.
4. Magbigay ng dalawang Salik na nakakaapekto sa Demand ng isang produkto. Ipaliwanag.

1.KITA

Ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng ginagawang produkto at serbisyo ay tinatawag na kita.Ito ang
basehan ng pagtatakda ng budget sa pamilya.pinagkakasya ang kinikitang salapi sa pagbibili ng mga
bagay na kailangan matamo.

2.OKASYON

Sa kultura ng ating bansa, likas sa ating mga pilipino ang ipagdiwang ang iba't-ibang okasyon na
dumadating. pinahahalagahan natin ang mga mahahalagang okasyon sa ating buhay,kaya bawat
selebrasyon,tumataas ang demand sa mga produkto na naayon sa okasyong ipinagdiriwang.

You might also like