You are on page 1of 4

MODYUL 4:

Salik na Nakakaaapekto sa
Suplay

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCY:

Bilang mag-aaral, ikaw ay Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto


sa suplay sa pang araw-araw na pamumuhay

LAYUNIN:
Bilang mag-aaral, ikaw ay:
a. naiintindihan ang sitwasyon at naibibigay ang opinyon; at
b. naipapaliwanag ang tanong

PANGUNAHING KONSEPTO: Salik na Nakakaaapekto sa Suplay

PAGGANYAK:

Isang panimula at masigasig na linggo, aking mahal na mag-aaral. Sa


hinaba -haba man ng pandemya at panibagong yugto ng ating buhay sa
edukasyon ikinagagalak kung batiin ka na “Congratulations” dahil
nagsisimula na ang IKALAWANG MARKAHAN. Kaya sabi ko nga noon pa
laban lang katipunera at katipunero!

Panuto: Tingnan ang larawan sa ibaba.


1. Bakit ito ay isa sa mga nakakaapeko sa suplay?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Ano ang mayroon sa larawan?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

TEKSTO/TALAKAYAN:

Gusto kitang batiin puno ng pagmamahal at kasiyahan sapagkat natapos


muna ang UNANG MARKAHAN sa gitna ng panibagong yugto sa estilo ng
edukasyon. Ngayon bagong kabanata na naman ang ating haharapin ang
Ikalawang Markahan. Sabi ko nga noon laban lang tayo ay KATIPUNERA
AT KATIPUNERO!

Mga Salik na Nakaaapekto sa Supply


Ang supply ay tuwirang naaapektuhan ng pagbabago sa presyo ng produkto at
serbisyo. Ngunit mayroong mga non-price determinants o mga salik na walang
kinalaman sa presyo ang maaaring makapagpabago nito.
Ating bigyang-pansin ang sumusunod na salik:

1. Pag-unlad ng teknolohiya
➢ Ito ay nakapagpapataas ng antas o dami ng produksyon dahil napapadali nito
ang paggawa ng produkto. Maaaring makapagpababa ito ng gastos ng
produksyon. Halimbawa nito ang pagkakagawa ng spinning jenny na naging
dahilan ng paglaganap ng industriyalisasyon.

2. Pagbabago sa inaasahang presyo o ekspektasyon ng mga negosyante


➢ Kapag ang ispekulasyon sa presyo ay pataas, magsasagawa ang mga
negosyante ng hoarding o pagtatago ng produkto. Kung pababa naman, sila ay
maglalabas ng stocks at pagbababa ng produksyon.

3. Buwis na itinakda ng pamahalaan


➢ Ang mataas na buwis ay nakapagpapababa ng dami ng produksyon dahil sa
pagtaas ng materyales.

4. Subsidy mula sa pamahalaan


➢ Ang subsidy ay ang pinasyal na tulong mula sa pamahalaan kung saan
napabababa nito ang gastos sa produksyon ng mga negosyante.
5. Pagbabago sa bilang o dami ng mga negosyante
➢ Ang pagdami ng bilang ng mga negosyante ay nagdudulot ng pagtaas ng supply.
Halimbawa, kapag mas maraming negosyante sa isang partikular na lugar,
maaaring tumaas ang bilang ng supply ng mga produkto.
6. Importasyon ng kalakal
➢ Ito ay karaniwang ginagawa sa panahon na may kakulangan sa lokal na
ekonomiya ng bansa. Tumataas ang supply sa ganitong galaw sa pamilihan. Sa
kasalukuyan, ang Pilipinas ay nag-iimport ng bigas mula sa Vietnam at Thailand.
7. Presyo ng materyales sa produksyon
➢ Ang mataas na gastusin sa produksyon ay nagpapababa sa dami ng supply
mula sa mga negosyante. Halimbawa na lamang, ang mga isdang mahirap
mahuli ay mapapansing may mas mahal na halaga sa pamilihan kung
ihahambing sa mga lamang-dagat na kadalasang nabibingwit.
8. Presyo ng ibang kalakal
➢ Nakaaapekto ang presyo ng ibang kalakal na maaaring ipamalit. Katulad na
lamang ng pagtaas ng supply ng mais at pagbaba ng supply ng palay.
9. Kalamidad
➢ Humihinto at bumababa ang produksyon kapag sobra ang pinsala ng mga
kalamidad. Kadalasang nararanasan ang kakulangan sa supply ng mga
commodity pagkatapos ng mga kalamidad.

Paglipat ng Kurba ng Supply


Ang paggalaw ng supply curve ay nangyayari kapag nagbabago ang presyo ng mga
produkto at ang iba pang salik ay nananatiling constant. Matatandaan na mayroong
directly proportional na relasyon ang presyo at supply kaya naman ang pagbabago ng
isang salik ay magdudulot ng pagbabago sa isa pa. Ang tawag sa kaganapang ito ay
movement along a supply curve. May dalawang uri ng paggalaw ng supply curve—ang
extension at contraction. Ang extension sa isang supply curve ay nangyayari kapag
may pagtaas sa presyo ng supply ng produkto. Samantala, contraction naman ang
nangyayari kapag nababawasan ang presyo o supply ng kalakal.
Mayroong ding dalawang uri ng shift sa supply curve—ang rightward at leftward
shift. Nangyayari ang rightward shift kapag ang dami ng supply ay lumalaki (ngunit ang
presyo ay hindi) bunga ng mga non-price na salik ng produksyon. Sa kabilang banda,
ang leftward shift ay nangyayari kapag ang supply ng produkto ay nababawasan ngunit
ang halaga nito ay nananatiling constant

Kumusta naman ang iyong pagbabasa? Alam kung minsan ay nalilito


ka sa paksa ngunit mas alam kung kaya mo lahat lampasan ang
balakid sa sariling pag-aaral sa loob ng tahanan. Kaya ngayon ihanda
ang sarili sa isang mapanuring pagsasanay sa araling tinalakay. Kaya
laban lang! Kaya natin ito!

You might also like