You are on page 1of 8

LEARNING ACTIVITY SHEET

QUARTER 3-WEEK 5

Pangalan: Baitang/Seksyon: __________ Iskor:______


Asignatura: ARALING PANLIPUNAN 9 Guro:_______________ Petsa: _________

I. Pamagat ng Gawain: Implasyon

II. Uri ng Gawain: Pagpapaunawa sa konsepto


Pangkalahatang Pagsusulit
( Gawaing Pasulat Gawaing Pagganap)
II. MELC: Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto, at pagtugon sa implasyon.

III. Layunin ng Pag-aaral:


1. Natutukoy ang mga dahilan ng pagkakaroon ng implasyon.
2. Naipaliliwanag ang mga epekto ng implasyon sa buhay ng isang mamamayan,
komunidad at lipunan.
3. Nakapagmumungkahi ng paraan kung paano matutugunan ang mga bunga ng
implasyon sa isang mamamayan, komunidad at lipunan.

V. Sanggunian:
Print Material/s:
• Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral, Bernard R. Balitao,et.al., pp.272-285
• Pana-Panahon, Worktext para sa Araling panlipunan, Consuelo M. Imperial,
et.al., pp.290-304

VI. Pagpapaunawa ng konsepto:

Pangunahing isyu sa lahat ng tao ang suliranin sa patuloy na pagtaas ng presyo


sa halos lahat ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan kaya’t ang tao ay
napipilitang humanap ng mas matatag na hanapbuhay upang matugunan ang
kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Kaugnay nito, kinakailangang maisaayos ng pamahalaan ang pangkalahatang


presyo sa ekonomiya. Ito ay bilang pagsisiguro na ang mamamayan ay
matutulungan na maitawid ang kanilang mga pangangailangan upang mabuhay

1
ng sapat. Sa ganitong aspekto pumapasok ang bahaging ginagampanan ng
pamahalaan.

Implasyon
❖ ito ay tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga
kalakal (goods) at mga serbisyo (services) sa isang lugar sa isang takdang
panahon.
Klasipikasyon ng Implasyon
❖ Demand Pull
- ito ay nagaganap kapag ang pagnanais ng mga sektor na makabili ng
produkto at serbisyo ay mas marami kaysa sa kanyang isuplay o iprodyus
ng pamilihan.

❖ Cost Push
- ito ay nagaganap kung may pagtaas ng mga gastusing pamproduksyon.

❖ Structural Inflation
- ito ay nagaganap dahil sa kawalan ng kakayahan ng ilang sektor na
maiayon ang anomang pagbabago sa lebel at dami ng kabuuang demand
ng ekonomiya. Ito ay pagtutunggalian ng mga pangkat sa lipunan upang
makakuha ng malaking bahagi sa kabuoang kita ng bansa at tunggalian ng
mga wage-earners at profit earners.
Mga dahilan ng Implasyon
❖ Pagtaas ng suplay ng salapi
❖ Pagdepende sa importasyon para sa hilaw na sangkap
❖ Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar
❖ Kalagayan ng pagluluwas (export)
❖ Monopolyo o kartel
Mga bunga ng Impasyon
❖ Tataas ang demand kaya mahahatak ang presyo paitaas
❖ Kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar, o kaya tumaas ang presyo ng
materyales na inaangkat, ang mga produktong umaasa sa importasyon para
sa mga hilaw na sangkap ay nagiging sanhi rin ng pagtaas ng presyo.
❖ Dahil sa kakulangan ng pumapasok na dolyar, bumababa ang halaga ng piso
na nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga produkto
❖ Kapag kulang ang suplay sa lokal na pamilihan dahil ang produkto ay
iniluluwas, magiging dahilan ito upang tumaas ang presyo ng produkto. Kapag
mas mataas ang demand kaysa sa produkto, ito ay nagdudulot ng pagtaas ng
presyo.
❖ Kapag nakontrol ang presyo at dami ng produkto, malaki ang posibilidad na
maging mataas ang presyo

2
KAYA MO ITO
Gawain 1
Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang salitang may kaugnayan sa
implasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. O-P-S-E-R-Y
2. P-L-A-U-Y-S
3. K-O-P-D-U-P-R-Y-T-O
4. S-H-A-O-D
5. S-B-E-I-R-Y-S-O

Gawain 2
Tukuyin kung ang sumusunod ay Produkto o Serbisyo. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. repolyo
2. pagpapa tutor sa anak
3. facemask
4. bayad sa paghingi ng advise ng abogado
5. maayos na pagsilbi ng flight attendant

Gawain 3
Suriin kung alin sa sumusunod na sitwasyon ang nakapipigil sa pagtaas ng presyo.
Isulat ang mga napiling kasagutan sa sagutang papel.
1. Madalas na pagpunta ng Pangulo sa ibang bansa.
2. Palagiang paghingi ng dagdag na sahod ng mga manggagawa.
3. Pagpapatupad ng deregulasyon ng langis.
4. Pagdaragdag ng suplay ng pangunahing produkto.
5. Pagpayag na pumasok ang mga produktong mas mura mula sa ibang bansa.
6. Pagparusa sa mga lumalabag sa price tag law.
7. Pagtatakda ng price ceiling.
8. Pagkontrol sa dami ng suplay na ilalabas sa pamilihan.
9. Pananalanta ng bagyo sa mga lalawigan.
10. Pagkakaroon ng monopolyo sa produkto.

3
MARAMI KA PANG MAGAGAWA

Gawain 4-5
Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay dahilan o bunga ng implasyon. Isulat sa
sagutang papel ang BI kung ito ay bunga at DI naman kung ito ay dahilan ng
implasyon.
1. Maraming produkto ang hindi na kayang bilhin ng mga mamamayan.
2. Malaking badyet ng bansa ang napupunta sa pambayad utang.
3. Pagbibigay ng napakalaking bonus sa mga manggagawa.
4. Ang talamak na corruption sa pamahalaan.
5. Pagtaas ng produksyon.
6. Mas malaki ang gastusin sa military kaysa sa agrikultura.
7. Nahihikayat ang maraming negosyante na magtayo ng negosyo.
8. Pagtatakda ng price control ng pamahalaan.
9. Mataas na halaga ng mga materyales ang kailangan sa produksyon.
10. Maraming pamilya ang kinakapos sa badyet.

Gawain 6
Kilalanin ang sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang papel kung ito ay Demand
Pull Inflation, Cost Push Inflation, o Structural Inflation.

1. Pagkakaroon ng mataas na kita o labis na salapi.


2. Pagkakaroon ng halos lahat ng mamamayan ng magandang trabaho.
3. Halos doble ang pagtaas ng presyo ng hilaw na materyales na ginagamit sa
produksyon.
4. Paghingi ng mga manggagawa ng karagdagang sahod.
5. Paglalaban- laban ng pribado at pampublikong sektor sa pagpapayaman.

SUBUKIN ANG IYONG SARILI


Gawain 7
Ibigay ang tatlong nawawalang dahilan ng implasyon upang mabuo ang diyagram.
Isulat ang kasagutan sa sagutang papel.

Implasyon

Mga gastos sa Import Export Monopolyo o Malaking


militar utang
1._________ 2.________ 3._______ panlabas

4
Gawain 8
Sa ibaba ay ang limang posibleng paraan upang makontrol ang pagtaas ng presyo ng
mga bilihin. Kung ikaw ang tatanungin, paano mo pagsunod-sunurin ang mga ito ayon
sa bigat. Isulat sa sagutang papel ang bilang 1-5.
______________ Pag – iimpok sa natirang baon.
______________ Pag – aayos ng lumang gamit upang mulit magamit.
______________ Pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan sa paaralan at bahay.
______________ Matutong magbadyet.
______________ Pagsasaayos ng prayoridad sa paggastos.

Gawain 9
Kopyahin ang puzzle sa sagutang papel at bilugan ang mga salitang nakapaloob dito
upang masagot ang tinutukoy ng pahayag sa ibaba.
Crossword Puzzle
A S D B K L O I U G H J K L M C A
C O S T P U S H I N F L A T I O N
S D S A S D F G M N I O P L J P A
W H H A G J K L P R O D U K T O G
I O N K O P V A L Q E E T A A F J
V R H Q V B I O A G F R Y R F K O
Q T N I A Q V N S S N Y I T J J R
A M O N O P O L Y O P T H E N S C
A B N O B Y I Q O H O I X L K R V
A J I L U T Y I N O V D F R Q W F
Pahalang:
1. Ang dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang pagtaas ng mga gastusin sa
produksyon.
3. Ang ibang tawag dito ay suplay.
4. Tawag sa pagkontrol ng isang negosyante sa produkto upang maitaas and
presyo nito.

Pababa:
2. Ang tawag sa pagtaas presyo ng halos lahat ng produkto at serbisyo sa
pamilihan.
5. Ang ibang tawag sa monopolyo.

5
DAGDAGAN MO PA
Gawain 10
Ipaliwanag sa sagutang papel ang kasabihang “Ang lahat ng problema ay may
solusyon”. Iugnay ito sa paksang implasyon o pagtaas ng presyo ng halos lahat ng
mga produkto at serbisyo sa pamilihan.

Gawain 11
Ibigay ang maaring solusyon sa sumusunod na bunga ng implasyon.
1. Pagtaas ng demand. ___________________________________________
2. Pagbaba ng suplay. ____________________________________________
3. Pagdagsa ng produktong dayuhan. _______________________________
4. Pagkontrol sa presyo. __________________________________________
5. Pagdagdag ng halaga ng produkto. ________________________________

Gawain 12
Bumuo ng isang islogan na binubuo ng walo (8) hanggang labintatlong (13) salita
tungkol sa implasyon.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________

6
LEARNING ACTIVITY SHEET
QUARTER 3-WEEK 5

Pangalan: Baitang/Seksyon: __________ Iskor:______


Asignatura: ARALING PANLIPUNAN 9 Guro:_______________ Petsa: _________

I. Pamagat ng Gawain: Implasyon


II. Uri ng Gawain: Pagpapaunawa sa konsepto
Pangkalahatang Pagsusulit
( Gawaing Pasulat Gawaing Pagganap)
III. MELC: Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto, at pagtugon sa implasyon.

IV. Layunin ng Pag-aaral:


1. Natataya ang natutuhan sa linggong ito.
2. Napahahalagahan at naisasabuhay ang mga konseptong natalakay.
3. Nakapagmumungkahi ng paraan kung paano matutugunan ang mga bunga ng
implasyon sa isang mamamayan, komunidad, at lipunan.

V. Sanggunian:
Print Material/s:
• Ekonomiks, Modyul para sa Mag-aaral, Bernard R. Balitao,et.al., pp.272-285
• Pana-Panahon, Worktext para sa Araling panlipunan, Consuelo M. Imperial,
et.al., pp.290-304

VI. Pangkalahatang Pagsusulit

A. MATCHING TYPE
Kopyahin ang talahanayan sa sagutang papel. Pagdugtungin ang DAHILAN
at BUNGA ng implasyon na makikita sa tsart sa ibaba.

DAHILAN BUNGA
1. Labis na salapi Kinokontrol ang presyo
2. Mataas na gastos sa produksyon Pagdagdag ng halaga ng produkto
3. Monopolyo/ kartel Pagdagsa ng produktong dayuhan
4. Import dependent Pagbaba ng suplay
5. Middlemen Pagtaas ng demand

7
B. ACRONYMS
Isulat sa sagutang papel ang kahulugan ng mga sumusunod:

1. ERB-
2. DTI-
3. CPI–
4. NFA-
5. NPCC-

C. TAMA O MALI
Isulat sa sagutang papel ang T kung ang pahayag ay nagsasaad ng
katotohanan at M naman kung ito ay walang katotohanan

1. Ang mga konsyumer ay kailangang marunong magtipid sa panahon ng


pandemya.
2. Malaki ang bahaging ginagampanan ng bawat konsyumer sa
pagpapanatili ng kaayusan sa presyo ng mga produkto sa pamilihan.
3. Ang dahilan ng implasyon ay ang kawalan ng sapat na pera ng mga tao.
4. Tungkulin ng Department of Education ang pagtatalaga ng Price Ceiling
sa mga pangunahing produkto sa pamilihan.
5. Kailangang magkaroon ng price ceiling lalo na sa panahon ng pandemya.

You might also like