You are on page 1of 13

DEPARTMENT OF EDUCATION

Region VII – Central Visayas


Schools Division of Mandaue City
Plaridel St., Mandaue City, Cebu

Konsepto, Dahilan, Epekto at


Pagtugon sa Implasyon
Araling Panlipunan 9
Ikatlong Markahan - Modyul 4

Self-Learning Module

2
PARA SA MGA MAG-AARAL

Ang Self-Learning Module (SLM) na ito ay idinisenyo


upang mabigyan ka ng kaalaman at aktwal na mga
karanasan sa pagkatuto. Nilalayon nito na subaybayan
ang iyong sariling pag-aaral sa iyong sariling iskedyul kung
saan maaari mong pag-aralan at mapagpasyahan ang
kahalagahan ng impormasyon na matatagpuan sa modyul
na ito. D. Mangyaring sundin nang mabuti ang mga
tagubilin. Huwag ka lang magmadali. Magsaya habang
sinasagot ang mga pagsasanay.

PARA SA MGA MAGULANG/GUMAGABAY


Mangyaring gumawa ng isang pag-follow up kung ang iyong
anak ay sumusunod sa mga tagubilin na nakasulat sa modyul na ito
at gabayan sila kung paano sasagutin ang mga pagsasanay na
ibinigay. Huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa akin kung
maayroon kang ilang mga katanungan tungkol sa SLM na ito.

2
Ang sumusunod ay mahalagang paalala sa paggamit ng SLM
na ito:
1.Gamitin ang SLM nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng SLK. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa


iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa


ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa SLK na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na


ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

4
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO AT CODE
Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon

Mga Layunin:

1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng implasyon.


2. Nasusuri ang konsepto ng implasyon
3. Natataya ang mga dahilan sa pagkakaroon ng implasyon
4 Nakikilahok nang aktibo sa paglutas ng mga suliranin kaugnay ng implasyon

I. ANO ANG NANGYARI?

Paunang Pagtataya
Basahin nang mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin at bilugan ang titik ng
iyong sagot.
1. Ito ay ang pangkalahatang pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
a. Implasyon b. Deplasyon c. Consumer Price Index d. Disimplasyon
2. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin sa pamilihan.
a. Implasyon b. Deplasyon c. Consumer Price Index d. Disimplasyon
3. Ang pagtaas ng presyo ng mga gastusing pamproduksiyon ang siyang naging sanhi ng
pagtaas ng presyo ng bilhin?
a. Cost push b. Demand Pull c. Structural inflation d.W>S N.
4. Sa paanong paraan malulutas ang demand pull inflation?
a. Pagbibigay pansin sa produktibidad sa pagggawa upang mapataas ang output ng
produksyon
b. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na ekonomiya
c. Pagpapautang na may mababang interes upang mahikayat ng paggasta
d. Pagkontrol ng supply ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa ekonomiya
5. Naging dahilan ng paghihirap ng mga bansa.
a. Implasyon b. Structural iinflation c. Demand pull d. Cost push
6. Ang mga ito ay paraan sa paglutas ng implasyon maliban sa:

5
a. Pagtaas ng produksyon c. Pagbili ng imported na produkto
b.Tight Money policy d. Pagbili ng lokal na produkto
7. Alin ang di naaapektuhan sa listahan ng implasyon?
a. Manggagawa b. Pulubi c. Nagpapautang d. Nagiimpok
8. Ito ay nagaganap kapag ang pagnanais ng bawat sektor ng ekonomiya, sambahayan,
kompanya, o pamahalaan na makabili ng produkto at serbisyo na mas marami sa isu-suplay o
Ipoprodyus o ng pamilihan
a. cost-push b. Demand –pull c. Structural inflation d. W.S. N.
9. Konsepto ng implasyon na kung saan ito ang pinakamataas na punto ng sikliko ng kalakalan
a. Boom b. Deplasyon c. Depression d. Slump
10. Ito ang pangkalahatang pagbaba ng ekonomiya sa loob ng mga ilang buwan
a. Recession b. Stagflation c. Reflation d. Slump
11.Ang batayan ng implasyon ay ang mga sumusunod maliban sa:
a. Ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming salapi para makabili lamang ng
iilang produkto
b. Ang halaga ng pamumuhay ay tumaas
c. Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi
d. Ang presyo ng bilihin ay bumababa.
12. Ang mga ito ay mga dahilan ng implasyon maliban sa:
a.Tataas ang demand o paggasta kaya mahatak ang presyo paitaas.
b. Monopolyo o kartel
c. Export
d.Lahat na nabanggit.
13. Ang mga ito ay mga bunga ng implasyon maliban sa:
a. Dahil sa kakulangan ng pumasok na dolyar bumaba ang halaga ng piso.
b. Kalagayan ng pagluluwas
c. Nakontrol ang presyo at dami ng produkto malaki ang posibilidad na mataas ang
presyo
d. Tataas ang demand o paggasta kaya mahatak ang presyo paitaas.
14. Ang tawag sa implasyon na patuloy na tumataas ng presyo bawat oras, araw, at linggo
a. Hyperinflation b. Boom c. Slump d. Desimplasyon
15. Ang mga pangunahing produkto na hindi nakaligtas sa pagtaas ng presyo maliban sa:
a. Bugas b. Asukal c. Karne d. Sapatos

6
ANO ANG DAPAT MALAMAN

Ang Implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo o halos


pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya. Sa pangkalahatan ang
implasyon
ay isang sitwasyon kung saan:
1. Ang mga tao ay gumamit ng mas maraming salapi para makabili lamang ng iilang
produkto
2. Ang halaga ng pamumuhay ay tumataas
3. Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi
4. Ang presyo ng bilihin ay tumataas.

MGA IBAT-IBANG KONSEPTO SA IMPLASYON

1. Deplasyon – ito ang kabaligtaran ng implasyon.


2. Boom – ito ang pinaka-mataas na punto ng sikliko ng kalakalan
Hal. May magandang takbo ng ekonomiya, may mababang antas ng kawalan ng
trabaho at kasaganahan.
3. Depression – ito ang kabaligtaran ng boom. Ang pinakamababang parting sikliko ng
produksiyon kung saan malaki ang antas ng kawalan ng trabaho sa loob ng higit
ng isang taon
4. Slump- ito ang kalagayan kung saan may pagbaba ng presyo ng mga bilihin kasabay
ng pagbagal ng pagtakbo ng ekonomiya
5. Recession- ito ang kalahatang pagbaba ng ekonomiya sa loob ng mga ilang buwan.
6. Stagflation-ekonomiya na may paghinto kasabay ng implasyon. Sa normal na
kalagayan kung saan mayroong pagtaas ng ekonomiya ito ay kadalasang may
kaakibat na implasyon, ngunit sa kaso ng stagflation may implasyon na walang
pagtaas ng ekonomiya.
7. Slumpflation-ito ay kaparehas ng stagflation kung saan mayroon mataas na antas ng
kawalan ng trabaho at pagtaas ng bilihin.

SIKLIKO NG KALAKALAN

BOOM

DEPRESSION

7
8. Reflation-sitwasyon na may bahagyang implasyon
Hal. Kontroladong implasyon
9. Disimplasyon-tumutukoy sa proseso ng pagpapababa ng presyo ng mga bilihin
10. Inflationary gap-kondisyon kung saan ang pangkalahatang demand ay mas malaki
kaysa pangkalahatang supply
11. Philip’s curve-Ayon kay A.W. Philips mayroong trade off sa pagitan ng kawalan ng
trabaho at implasyon.
Hal. Sa sitwasyong may mataas na implasyon may pagbaba naman ng antas ng
kawalan ng Trabaho at vice-versa

MGA DAHILAN NG IMPLASYON

1. Demand –pull inflation – ang tanging dahilan ng implasyon ay galing sa punto ng mga
mamimili. Mayroong patuloy at walang tigil na pagtaas ng demand. Kapag ang demand
ay tumataas at hindi ito matugunan ng supply. Ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin
ay tataas na siyang sanhi ng implasyon.
2. Cost-push inflation – Ang sanhi ay ang pagtaas ng gastusin sa produksiyon. Kapag ang
mga may-ari ng mga ibat-ibang industriya ay nahaharap sa mataas na gastusin sa
produksiyon, itataas nito ang presyo sa kanilang produkto.
3. Import-induced inflation o imported inflation- ang pag-angkat ng mga produkto at serbisyo
ay maaaring maging sanhi ng implasyon.
4. Profit-push inflation- sanhi ng mga gahaman na mga prodyuser na itinatago ang kanilang
mga produkto na siyang naging sanhi ng artipisyal na kakulangan. Ang mga gawaing
ito ay nagpapalobo ng mga bilihin na nagdudulot sa kanila ng matatas na kita.
5. Currency inflation- Ang teorya ng mga monetarist sa implasyong ito ay sanhi naman ng
masyadong malaki na supply ng pera sa sistema. Ang masyadong malaking supply ng pera
ay nagdudulot paggamit ng malaking halaga ng salapi upang makabili ng kakaunting
produkto.
6. Petrodollars inflation- ito ay nakakaapekto lalong lalo ng mga umaangkat ng mga
produktong Petrolyo. Ang labis na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo ay
naging sanhi sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng bilihin.

DAHILAN AT BUNGA NG IMPLASYON

DAHILAN NG IMPLASYON BUNGA NG IMPLASYON

PAGTAAS NG SUPLAY NG SALAPI Tataas ang demand o ang paggasta kaya


mahahatak ang presyo paitaas

8
Kapag tumaas ang palitan ng piso sa
PAGDEPENDE SA IMPORTASYON dolyar, o kaya tumaas ang presyo ng
PARA SA HILAW NG SANGKAP materyales na inaangkat, ang mga
produktong umaasa sa importasyon
para sa mga hilaw na sangkap ay
nagiging sanhi rin ng pagtaas ng
presyo.

Dahil sa kakulanganng pumapasok na


dolyar bumababa ang halaga ng piso.
PAGTAAS NG PALITANNG
Nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo
PISO SA DOLYAR
ng mga produkto.

Kapag kulang ang supply sa loka na


KALAGAYAN NG PAGLULUWAS pamilihan dahil ang produkto ay
(EXPORT) iniluluwas, maging dahilan ito upang
tumaas ang presyo ng produkto. Kapag
mas mataas ang demand kaysa sa
produkto, ito ay magdudulot ng pagtaas
ng presyo.

Nakapagkokontrol ng presyo ang


sistemang ito. Kapag nakontrol ang presyo
MONOPOLYO O KARTEL at dami ng produkto, malaki ang posibilidad
na maging mataas ng presyo.

Sa halip na magamit sa produksiyon


ang bahagi ng pambansang badyet,
PAMBAYAD- ito ay napupunta lamang sa
UTANG pagbabayad ng utang.

9
ANO ANG NATUTUNAN

Huling Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Ang mga ito ay solusyon ng implasyon
a.Pagpatupad ng tight money policy c. Pataasin ang produksiyon
b.Sugpuin at parusahan d. Lahat ng nabanggit
2. Ito ay mga bunga ng implasyon maliban sa:
a. Pagtaas ng demand c. Pagtaas ng supply
b. Kakulangan ng supply sa lokal na pamilihan d. Kinontra ang presyo
3. Alin ang hindi kabilang sa grupo?
a. Labis na salapi sa sirkulasyon c. Pagtaas ng demand
b. Export orientation d. Import dependent
4.Alin ang hindi dahilan ng implasyon?
a. Pagbaba ng supply c. Export orientation
b. Mataas na gastus sa produksyon d. Monopolyo
5. Patuloy na pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa lahat ng
pamilihan sa buong bansa
a. Hyperinflation c. Deplasyon
b. Implasyon d. Slump
6 Sobrang pagtaas ng presyo bawat araw, oras, buwan
a.Hyperinflation c. Deplasyon
b. Implasyon d. Slump
7. Halimbawa nito ay pagtaas ng sahod ng mga manggagawa o pagpataw ng
pamahalan ng bagong buwis
a. Demand pull inflation c. Slump
b. Cost push inflation d. Structural inflation
8. Pagtaas ng kabuuang demand sa ekonomiya na hindi nasabayan ng
produksiyon o supply
a. Slump c. Cost push inflation
b.Structural inflation d. Demand pull inflation
9. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat ng bilihin sa pamilihan
a. Implasyon c. Consumer price index
b. Deplasyon d. Disimplasyon
10. Ang hindi apektado sa implasyon
a. Manggagawa c. Nagpapautang
b. Pulubi d. Nag-iimpok
11. Ito ang dahilan sa pagpapahirap ng tao
a. Demand pull c. Cost push
b. Structural inflation d. Implasyon

10
12. Ito ay nangyayari dahil sa labis na pagsandal ng ekonomiya sa mga
dayuhang kapital at pamilihan
a. Demand pull c. Structural inflation
b. Cost Push d. Slump
13. Ang mga pangunahing pangangailangan ng tao ay apektado din sa i
mplasyon. Alin dito ang hindi kasama sa grupo?
a. Libro b. Bigas c. Karne d. Asukal
14. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ay TAMA?
a. Ang halaga ng piso ay bumababa kapag tumataas ang implasyon
b. Ang halaga ng piso ay tumataas kapag mataas ang implasyon
c. Ang halaga ng piso ay hindi naapektuhan sa implasyon
d. Ang halaga ng piso ay maaring tumaas o bumaba depende kung ang
implasyon ay demand pull o cost pull
15. Ito ang pangkalahatang pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan
a. Implasyon c. Consumer Price Index
b. Deplasyon d. Desimplasyon

Gawain 1: Dahilan o Bunga

Suriin ang mga umusunod na sitwasyon. Tukuyin kung alin sa mga ito ang dahilan ng
implasyon(DI) bunga ng implasyon (BI). Isulat sa patlang ang BI o DI.

________1. Malaking bahagi ng badyet ng bansa ang napupunta sa pam-bayad utang.


________2. Mas malaki ang gastusin sa military kaysa agrikultura.
________3. Maraming produkto ang hindi kayang bilhin ng mamamayan.
________4. Maraming mag-aaral ang hindi kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang.
________5. Paghingi ng karagdagang sahod sa mga manggagawa.
________6. Mataas na halaga ng mga materyales na kailangan ng produksiyon.
________7. Mataas na interes ang ipinapataw sa mga utang.
________8. Matataas ang presyo sa mga facemasks, alcohol at iba panggamit sa
pangkalusugan.
________9. Pag-angkat ng hilaw na materyales sa ibang bansa sa mataas na interes.
________10.Pagpataw ng malaking interes sa mga nangungutang.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Lagyan ng tsek (√) ang tapat ng dahilan ng implasyon kung ang pangyayaring nakalagay sa unang
kolum ay tumutukoy sa naturang sanhi ng implasyon
Produksyon Dahilan ng Implasyon
Demand Cost- Import- Profit- Currency Petrodollars
-pull push induced push
1. Pagtaas ng halaga
ng gasoline
2. Paghingi ng
umento sa sahod ng
mga manggagawa
3. Kapaskuhan

11
4. Kakulangan sa
suplay ng mga delata
5. Pagdagsa ng mga
remittances ng mga
kamag-anak mo sa
abroad

SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

VERONICA M. ENGLIS
Writer

AVE ROSARIO V. ARMECIN PhD


MARITERR P. JUMAO-AS
MENCY B. RABANES
ANCIE U. DOMPOR
EVELYN B. MAH
Editors

GIOVANNA P. RAFFIÑAN EdD


Education Program Supervisor in Araling Panlipunan

JAIME P. RUELA EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE EdD


Education Program Supervisor – (LRMDS)

ESTELA B. SUSVILLAf PhD, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

NIMFA D. BONGO EdD, CESO V


Schools Division Superintendent

12
SYNOPSIS
Ang implasyon ay suliraning pang-ekonomiya na patuloy na
nanaranasan ng bansa.Ang paglutas nito ay gampanin ng bawat isa sa atin, maging
ako,kayo,tayo mga mangagawa, negosyante, o mag-aaral. Ito ay bahagi ng buhay
ng tao sa araw-araw,at sinasabing ang implasyon ay tanda rin ng pag-unlad ng
ekonomiya, lalo na kung nabalanse nito ang ibang aspeto o salik ng pag-unlad ng
bansa. At bilang mag-aaral ng Ekonomiks ng bansang ito ay narapat na magkaroon
ng kaalaman upang makatulong sa pagkontrol sa lumalalang suliraning ito.

Curriculum and Learning Management Division (CLMD)


Learning Resources Management and Development Center (LRMDC)
Writer: VERONICA M. ENGLIS
Graduated at University of San Jose Recoletos with Bachelor of Secondary
Education major in History and Bachelor of Science in Commerce major in
management. Took Graduate School Studies with Masteral Units and
Completed Academic Requirement at Cebu Technological University, also a
current Araling Panlipunan Coordinator
of Mandaue City Comprehensive National High Scool. 2109- present.Department of
EducationZ
Reg

13
ion VII – Central Visaya
ANSWER KEY

UNANG PAGTATAYA HULING PAGTATAYA


1. __ 9. __ 1. D 9. A
2. A 10. A 2. __ 10. __
3. __ 11. __ 3. C 11. D
4. A 12. D 4. __ 12. __
5. __ 13. __ 5. B 13. B
6. A 14. A 6. __ 14. __
7. __ 15. __ 7. B 15. B
8. B 8. __

Gawain Bilang 1 Gawain Bilang 2


1. __ 2. DI
3. D1 4. __
1. _______
5. __ 6. DI 2. Cost Push
7. D1 8. __ 3. ________
9. __ 10. BI
4. Profit Push
5. ________

14

You might also like