You are on page 1of 2

JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT

Transforming Lives for God and Society

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Petsa: Nobyembre _____ , 2018


Markahan: Ikatlong Markahan
Antas/ Lebel: 9

Nilalaman: Pag-unawa sa Implasyon


I. LAYUNIN

Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 nasusuri ang konsepto ng implasyon
 napahahalagahan ang mga paraan sa paglutas ng implasyon
 natutukoy ang sanhi,bunga at solusyon sa implasyon sa pamamagitan ng pagsagot sa
isang gawain

II. PAKSA
A. Mga Paksa:
 Pag -unawa sa Implasyon
o Implasyon
o Mga Uri ng Implasyon
o Mga Dahilan ng Implasyon
o Bunga ng Implasyon
o Mga Taong Nakikinabang Kapag may Implasyon
o Mga Tao Apektado ng Implasyon

B. Mga Kagamitan: Kompyuter


o Slide presentation
o Paper money

C. Values Integration:
 Pakikiisa sa aktibidad

III. PAMARAAN
A. PANGUNAHING GAWAIN
A. Pagdarasal
B. Pamamahala sa Silid-aralan
C. Pagtatala ng Lumiban sa Klase at Pumasok sa Klase
D. Pagbabalik-aral

B. PAGGANYAK
Auction: Ang guro ay magbibigay ng play money sa mga mag aaral upang ito ay kanilang
magamit sa larong auction. May mga inihandang tatlong klaseng (3) aytem ang guro para
sa bidding (candy, tinapay, +2 points sa quiz).

C. PAKITANG- TURO
o Pag -unawa sa Implasyon
o Implasyon
o Mga Uri ng Implasyon
o Mga Dahilan ng Implasyon
o Bunga ng Implasyon
o Mga Taong Nakikinabang Kapag may Implasyon
o Mga Tao Apektado ng Implasyon

D. PAGLALAPAT
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod.
1. Isang uri ng implasyon kapag mas mataas ang demand kaysa supply.
2. Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin
3. Ekonomista na nagsabi na ang labis na money supply ay dahilan ng pagtaas ng
demand ng bawat sector.
4. Ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin.
5. Isang uri ng implasyon kung saan mataas ang gastusin sa produksiyon.

Answer key:

1. Demand pull
2. Middle man
3. Friedman
4. Implasyon
5. Cost push

E. PAGLALAHAT
 Ano ang implasyon?
 Ano ang demand pull?
 Ano ang cost push?
 Ano ang structural inflation?
 Magbigay ng dahilan ng implasyon.
 Magbigay ng solusyon sa implasyon.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon at isulat ang DI kung dahilan ng implasyon, BI kung bunga
ng implasyon, at SI kung solusyon sa implasyon.

______1. Nagpetisyon ang operators at tsuper ng mga pampasaherong sasakyan upang itaas
ang pamasahe.
______2. Masyadong nakatuon ang mga negosyante sa pagluluwas ng mga produkto.
______3. Nangako ang mga prodyuser na patataasin ang produksiyon.
______4. Mahigpit na ipinatutupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang tight money policy.
______5. Dumagsa ang imported products sa ating pamilihan.
______6. Ipinagkaloob sa mga manggagawa ang dagdag na sahod at ibang benepisyo.
______7. Maraming middleman sa bilihan ng mga produkto sa pamilihan.
______8. Pinawalang bias ang pagpapatupad ng oil deregularization law.
______9. Dumarami ang miyembro ng kartel.
______10. Nagkukulang ang supply ng mga produkto dahil itinatago ito.

V. TAKDANG-ARALIN

Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan ka makakatulong na malutas ang


suliranin sa implasyon ng iyong bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot sa isang papel ng
hindi hihigit sa limang (5) talata.

Inihanda ni: Sinuri ni:

Bb. Jean Heaven V. Nagaño Bb. Lorraine N. Francisco


Practice Teacher Guro sa Araling Panlipunan

You might also like