You are on page 1of 3

I.

Layunin
 Natutukoy ang iba’t-ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa
pambansang kaunlaran
II. Nilalaman
a. Paksa:

b. Kagamitan:
Batayang Aklat, laptop at projector
III. Pamamaraan

a. Panimulang Gawain

 Pagganyak
“Trivia Game”
Pagkabisa ng Panatang Makabayan
 Itanong
 Batay sa inyong mga nahulaan, ano ang gustong ipahayag nito?
 Sa mga larawang ito, ano ang ipinapakita nito?
 Mga gabay na katanungan
 Bilang isang mag-anak, paano kayo nagsasama –sama para sa kaunlaran ng ating
bansa?
 Paano mo maihahanda ang iyong sarili para maging isang mapanagutan,
maabilidad, makabansa at maalam na mamamayan ng Pilipinas sa hinaharap.

b. Paglinang ng aralin

 Talakayan
 Pagtalakay sa teksto mula pahina 353-355
c. Pangwakas na Gawain
Paglalahat
 Ilahad sa klase ang iyong sarili bilang mapanagutan, maabilidad, makabansa at
maalam na mag-aaral at bilang miyembro ng bansang Pilipinas.
Paglalapat
 Anu-ano ang handa mong gawin para sa ikauunlad ng bayan?
Pagpapahalaga
Pagkamakabayan
IV. Pagtataya
 Bumuo ng apat na pangkat.
 Unang pangkat-mapanagutan ( Role Playing)
 Ikalawang pangkat – maabilidad (Jingle)
 Ikatlong pangkat-makabansa (Interpretative Dance)
 Ikaapat na pangkat-maalam (Pantomine)

V. Takdang aralin

Basahin ang editorial sa pahina 357-358 at sagutan ang mga tanong sa ibaba.
I. Layunin
 Natutukoy ang kahulugan at gamit ng Human Development Index
 Natutukoy ang iba’t-ibang gampanin ng mamamayang Pilipino para sa pambansang
kaunlaran
II. Nilalaman
a. Paksa:

Human Development Index

b. Kagamitan:
Batayang Aklat, laptop , projector at tsart
III. Pamamaraan

a. Panimulang Gawain

 Pagganyak
Pagpapasagot ng mga jumbled letters

 Mga gabay na katanungan


 Ano ang HDI?
 Ano ang tatlong aspektong sinusukat ng Human Development Index?
 Bakit mahalagang mapagtuunan ng pansin ng mga pamahalaan ng iba’t-ibang bansa
ang mga aspekto at indicators ginagamit ang HDI?
 Anu-ano ang inyong magagawa para kaunlaran ng ekonomiya ng Pilipinas?

b. Paglinang ng aralin

 Talakayan
 Ipabasa ang teksto
 Pakikipagtalakayan sa mga bata hinggil sa aralin
c. Pangwakas na Gawain
Paglalahat
 Bilang isang Pilipino , ano ang maaaring gawin ng bawat mamamayan upang
matamo ang pambansang kaunlaran.
 Ano ang dapat na taglayin ng isang Pilipino upang matamo ang pambansang
kaunlaran?
Paglalapat
 Sapat na kaya ang mga aspekto at pananda ng HDI upang ganap na masukat ang
antas ng pag-unlad ng isang bansa.Patunayan.
Pagpapahalaga
Pagkamakabayan
IV. Pagtataya

Sagutan:

1. Sangay ng United Nations na naglalabas ng ulat ukol sa estado ng human development sa mga
kasaping bansa nito.
2. Ang nagpasimula ng Human Development Report
3. Ang itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa
4. Nilikha upang bigyan diin ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na
pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa.
5. Palatandaang ginagamit upang masukat ang kahirapan sa mga bansang kasapi ng UN.

Magbigay ng limang gampanin bilang isang Pilipino tungo sa kaunlaran ng ating ekonomiya

V. Takdang aralin
Surrin ang “Gawain 12” at sagutan ang mga kasunod na tanong.

You might also like