You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

(Ekonomiks)
Setyembre 6,
2021
I. Layunin

Pagkatapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahang:


a. Natutukoy ang pagkakaiba ng pag-iimpok at pamumuhunan
b. Napapahalagahan ang tamang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang
salik ng ekonomiya
c. Nakabubuo ng isang tula, awit at islogan tungkol sa kahalagahan ng pag-
iimpok at pamumuhunan
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Pag-iimpok at Pamumuhunan
b. Sanggunian: Ekonomiks 9 Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2018 DepEd
c. Kagamitan: Mga larawan, videoclip, tarpapel, kartolina, at pentel pen
III. Pamamaraan

Gawaing Pangguro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

Magandang umaga mga klas! Magandang umaga po Bb. Maricris

Kumusta ang araw niyo? Sino ba sainyo ang


nakararanas ng ubo at sipon? Wala po.
Magaling kung ganun. Naghugas o naglagay
ba kayo ng alcohol bago kayo pumasok ng
silid-aralan? Opo ma’am

Ugaliing klas na dumistansya muna sa mga


katabi niyo at panatilihing isuot ang inyong
face mask para makaiwas sa pandemyang
ating nararanasan sa mga panahon na ito.
Naiintindihan po ba? Opo ma’am

Bago natin umpisahan ang ating aralin,


maaaring tumayo ang lahat at simulan ang
ating araw sa isang panalangin, Queenie
maaari mo bang pangunahan ang panalangin? Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo
Amen….

Lahat ba ay pumasok sa ating klase? Maaari


nyo bang sabihin ang apelyido ng mga
lumiban? Wala po ma’am lahat po ay nariyan
Mabuti naman at walang lumiban.

May ibinigay ba ko sainyong takdang-aralin? Wala po ma’am.

Sa puntong ito, tayo ay mag babalik-aral. Sino


ang nakakaalala sa ating nakaraang aralin.

Claire? Kahapon, tinalakay natin ang tungkol sa


patakarang pananalapi.

Magaling! Ano ang kahulugan ng patakarang


pananalapi? Ito po ay tumutukoy sa mga patakarang na may
Abby? layunin mapatatag ang ekonomiya sa pamamagitan
ng pagmamanipula ng suplay ng salapi sa
ekonomiya.

Mahusay! Nangangahulugan lamang na


nakikinig kayo sa ating aralin kahapon.

Bago natin pormal na simulan ang ating aralin


ay magkakaroon muna tayo ng gawain. Ang
pamagat ng gawain natin ay 4 pics with 1
thing.na kung saan tutukuyin niyo ang apat na
larawan at 1 bagay. Tingnan at suriin niyong
mabuti ang mga nasa larawan dahil ito ay may Opo ma’am
koneksiyon sa ating tatalakayin sa araw na ito.
Handa na ba kayo?

Ito po ay mga halimbawa ng iba’t-ibang bangko.


Ano-ano ang mga ipinakita sa larawan?

Magaling! Ano naman ang tawag sa bagay na


hawak ko? Ito po ay isang alkansya

Tama! Base sa mga larawan at bagay na


ipinakita q sainyo, ano ang una niyong naiisip
o sinisimbolo ng mga larawan at bagay na ito?
Sa aking palagay ito po ay tumutukoy sa pag-
Lie Ann?
iimpok ng pera.
Magaling!
B. Pagsusuri
Base sainyong mga ideyang nabuo, ano
sainyong palagay ang paksang aralin natin
ngayon sa araw na ito? Sa aking palagay ang paksang tatalakayin po natin
ngayon ay tungkol sa Pag-iimpok at
Pamumuhunan
Magaling! Sa araw na ito ay tatalakayin natin
ang tungkol sa Pag-iimpok at Pamumuhunan.
Upang tayo ay may mga gabay sa ating
talakayan, ilalahad ko muna ang ating mga
layunin.
Pagkatapos ng aralin ang mga mag aaral ay
inaasahang:
a. Natutukoy ang pagkakaiba ng pag-iimpok at
pamumuhunan
b. Napapahalagahan ang tamang pag-iimpok at
pamumuhunan bilang isang salik ng ekomomiya
c. Nakabubuo ng isang tula, awit at islogan
tungkol sa kahalagahan ng pag-iimpok at
pamumuhunan
Ngayon, dumako na tayo sa ating paksang
aralin at tuklasin ang inyong kaalaman tungkol
sa Pag-iimpok at Pamumuhunan. Hahatiin ko
ang klase sa tatlong grupo. Pumili ng isang
miyembro upang magtalakay sa unaan kung
ano nga ba ang katanungan naitalaga sa bawat
pangkat. Mayroon akong ipapanuod sainyo na
video clip. Sasagutan niyo ang mga
katanungan na aking ibibigay pagkatapos ng
inyong napanuod.

Naiintindihan po ba?

Bumilang ng 1 hanggang 3 pakaliwa Opo.


papuntang kanan. 1..2…3…1…2...3….1….2….3………
Maari na kayong pumunta sainyong mga
kagrupo. Bibigyan ko lamang kayo ng 3
minuto sa pagsagot pagkatapos ng video clip
na inyong napanuod.

Naiintindihan po ba? Simulan na natin

Opo.

Ang Kwento ni Mila


https://www.youtube.co
m/watch?
v=Xn7w2UOhq90

Tapos na ang inyong 3 minuto. Ngayon pumili


ng isang kasapi upang ipahayag ang inyong Unang Pangkat
sagot sa katanungang itinalaga.
Ano ang mahalagang ipinakitang konsepto sa
kwento ni Mila?
-Ito po ay tungkol sa kahalagahan ng Pag-iimpok
at Pamumuhunan. Ito rin ay nagpapakita ng
tamang pagdedesisyon sa paggamit ng pera.
Pangalawang Pangkat
1. Ano ang ginawa ng mag-asawa patungkol sa
usaping paggamit ng kanilang pera o kita?
- Pinagplanuhan ng maigi o ng mabuti ng mag-
asawa ang kanilang pera o sahod kung saan nila ito
dapat gastusin o ilaan.
2. Ilang porsyento ba ng kanilang kita ang
kailangang nilang itabi para sa kanilang pag-
iimpok?
- ito po ay 30% ng kanilang sahod
Ikatlong Pangkat
Paano ipinakita ang kahalagahan ng tamang
paggamit ng pera o salapi?
-Pinagplanuhan ng mabuti ng mag-asawa kung ano
lamang ang kanilang kailangang bilhin at mayroon
silang pagbabadyet sa kanilang mga gastusin at
maliban po doon ay nag-iimpok sila upang
magkaroon ng savings sa bangko para sa
Napakuhasay! Talaga namang pinamangha kinabukasan ng kanyang anak.
Ninyo ako sainyong mga kasagutan.

Ngayon naman, sainyong palagay ano ang ibig


sabihin ng pag-iimpok?
Ito ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos o pag-
iipon ng pera na kung saan ito ay magagamit sa
Bakit mahalaga ang pag-iimpok? takdang panahon.
Upang pagdating ng panahon na may mga
kalamidad, krisis o problema sa pamilya na
mangyari ay mayroon tayong magagamit na
perang panggastos.
Mahusay!

Alam niyo ba na mayroon tayong 2 kaisipan


ng pag-iimpok.

Pakibasa
2 Kaisipan sa Pag-iimpok
1. Tradisyunal na kaisipan ng Pag-iimpok
Kita-Gastos=Ipon
2. Makabagong kaisipan ng Pag-iimpok
Kita-Ipon=Gastos
Ano naman kaya ang pamumuhunan?
Ang pamumuhunan ay tumutukoy sa paghiram ng
salapi sa bangko upang mapalago o magamit sa
pagtatayo ng negosyo.
Magaling!

Bakit mahalaga ang pamumuhunan?


Mahalaga ang pamumuhunan sapagkat kapag
marami ang savings o pera ng bangko ay
maraming salapi ang magagamit ng mga
mangangalakal sa pamumuhunan at bukod doon
Mahusay! magiging matatag ang o magiging masigla ang
ating ekonomiya.
Sainyong palagay, saan mas magiging maayos
ang perang inyong iipunin alkansya, ilalim ng
kama, sa isang baol o sa bangko? Bakit?
Magaling! Sa bangko po, sapagkat mas magkakaroon ito ng
interes o mas dadami pa po ang perang aking
Narito ang mga kailangang isaalang-alang ng naipon.
mga mag-iimpok sa bangko.

Pakibasa.

1.Kilalanin ang inyong bangko.


2.Alamin ang produkto ng inyong bangko.
3.Alamin ang serbisyo at bayarin.
4.Ingatan ang inyong bank records at siguruhing
up-to-date.
5.Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng banko
at sa awtorisadong tauhan.
Naiintindihan na po ba ang tungkol sa Pag-
iimpok at Pamumuhunan? 6.Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance
7.Maging maingat
C. Paglalahat

Ngayon naman, magkakaroon ulit tayo ng


isang pangkatang gawain. Gamit ang mga
lobong aking ibibigay sa kada pangkat.
Sagutin ang katanungang, Bakit mahalaga ang
tamang pag-iimpok at pamumuhunan bilang
isang salik ng ekomomiya? Bibigyan ko
lamang kayo ng 5 minuto sa pagsagot

Naiintindihan po ba?

Opo

Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
Pangalawang Pangkat
Ikatlong Pangkat
“Bakit mahalaga ang tamang pag-iimpok at
pamumuhunan bilang isanag salik ng ekonomiya?

Isa sa pinaka mahalagang
gawin natin sa ating pagtanda
ay ang magipon. Sa
pamamagitan ng pag-iipon ay
nagkakaroon tayo ng
seguridad sa ating hinaharap.
Ang ating naipong salapi ay
Mahusay ang bawat pangkat. Masaya ako at maari din nating magamit bilang kapital sa
may natutunan kayo sa araw na ito. negosyong ating nais gawin. Sa ganitong paraan
makatutulong tayo sa pag-angat ng ekonomiya ng
D. Paglalapat ating bansa.
Para sainyong huling pangkatang gawain,
bilang isang salik ng ekonomiya ang pag-
iimpok at pamumuhunan, bigyan niyo ng
pagpapahalaga ang pag-iimpok at
pamumuhunan sa pamamagitan ng pagggawa
ng tula, paggawa ng awit, paggawa ng islogan.
Ang unang pangkat ay lilikha ng awit ang
pangalawang pangkat ay lilikha ng tula at ang
ikatlong pangkat naman ay gagawa ng islogan.
Bibigyan ko lamang kayo ng 7 minuto sa
inyong pangkatang gawain.

Narito ang pamantayan sa pagmamarka


10 7 4 1

Nilalaman Ang mensahe ay di-gaanong Medyo magulo Walang


mabisang naipakita ang ang mensahe mensaheng
naipakita mensahe naipakita

Pagkamalikhai Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit Di maganda at


n napakalinaw ng malinaw ang di-gaanong di malinaw ang
pagkasulat ng pagkakasulat ng malinaw ang pagkakasulat ng
mga titik mga titik pagkakasulat ng mga titik
mga titik

Kaugnayan May malaking Di gaanong may Kaunti lang ang Walang


kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa paksa paksa paksa

Kooperasyon Lahat ng Di Kakaunti Isa lamang ang


miyembro ay nakipagtulungan lamang ang gumawa ng
nakipagtulungan ang iba sa nakipagtulungan gawain
sa gawain gawain sa gawain

Simulan na ang inyong pangkatang gawain.

Presentasyon ng pangkatang gawain


Unang pangkat- Paggawa ng tula
Pangalawang pangkat- Paggawa ng awit
Napakagaling! Bigyan natin ang bawat
pangkat ng Okay Clap. Pangatlong pangkat – Paggawa ng islogan

123…123…123… Okay Okay


Mahusay ang ipinakita ng bawat pangkat.

Wala na bang katanungan?

Wala na po.
Ako’y nagagalak at natuto kayo sa araw na ito.

IV. Pagtataya
Panuto: Kumuha ng ½ papel at sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Tukuyin kung ang
pahayag ay TAMA o MALI. Isulat sa patlang ang sagot bago ang numero.

_______1. Kailangang maglaan ng 20% sa kanilang sahod ang bawat pamilya.

_______2. Ang pag-iimpok ay pag-iipon ng salapi upang pambili ng pangangailangan sa


panahon ng krisis.

_______3. Mahalaga ang pag-iimpok sapagkat ito’y nakakatulong upang maging maunlad ang
ekonomiya ng bansa.

_______4. Ang pamumuhunan ay isang pamamaraan upang makapagsimula ng negosyo.

_______5. Hindi kinakailangang magbadyet ng pera kapag mayroong impok na salapi.

V. Takdang-Aralin
1. Gamit ang bond paper, sumulat ng maikling talata tungkol sa kahalagahan ng tamang pag-iimpok
at pamumuhunan.

Inihanda ni:

MARICRIS P. BOSLON
Teacher 1 Applicant

You might also like