You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Nobyembre 19, 2019

Pamantayan sa Pagkatuto : Nasusuri ang pambansang produkto (Gross National Product – Gross Domestic
Product) bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya.
Code : AP9MAK-IIIb-4

I.LAYUNIN:
Sa katapusan ng araling ito 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang makapagtatamo ng 80% na pagkatuto sa
mga sumusunod:
a. Matukoy ang mahalagang ideya o konsepto tungkol sa pambansang kita.
b. Mabibgyang halaga ang mga mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa pambansang kita.
c. Masusuri ang pambansang produkto bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya.

II. NILALAMAN:
A. PAKSA : PAMBANSANG KITA
B. SANGGUNIAN : EKONOMIKS (Araling Panlipunan - Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon
2015), pahina 243-246
C. AWTOR : BERNARD R. BALITAO, ET. AL.
D. KAGAMITAN : LAPTOP, Powerpoint Presentation, Overhead Projector

III. MGA PAMAMARAAN:


A. Panimula
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagpuna sa kaayusang ng klasrum
4. Pagtatala ng liban
5. Pagbabalik-aral
B. Pagganyak
Pagsusri sa larawan tungkol sa ekonomoiya ng bansa.

Pamprosesong tanong:
1. Ano kaya ang ipinahiwatig nga larawan?
2. Ano ang nagging batayan mo sa pagkompleto ng pangungusap?
3. Sa iyong palagay, ano ang mga ginamit na panukat upang matukoy ang kalagayan ng ekonomiya?
C. Talakayan

a. Gawain (Activity)
Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong grupo. Bawat pangkat ang magsasagawa ng
Brainstorming upang malaman ang kung aling pahayag sa ibaba ang may katotohanan at
walang katotohanan. Ang bawat membro ay magbibigay ng kaniyang nalalaman upang
makabuo ng kolektibong pangsang-ayon ang pangkat. Iulat sa harap ng klase ang nabuong
kasagutan.

1. Ginamit ang Gross National Income at Gross Domestic Product upang masukat ang
economic performance ng isang ekonomiya.
2. Tanging halaga ng mga tapos na produkto lamang ang isasama sa pangkwenta ng Gross
National Income.
3. Ang halaga ng mga nabuong produkto nga mga dayuhang nagtatrabaho sa loob ng
Pilipinas ay hindi ibinibilang sa pangkwenta ng Gross National Income ng bansang kanilang
pinanggalingan.

b. Pagnilayin (Analysis)
1. Ayon kay Campbell R. McConnell at Stanley Brue, anu-ano ang kahalagahan ng pagsukat
ng pambansang kita?
2. Ano ang Gross National Income (GNI)? Bakit ito ay mahalaga?
3. Ano ang pagkakaiba ng Gross National Income (GNI) sa Gross Domestic Product (GDP)?
4. Bakit kailangan sukatin ang economic performance ng isang bansa?

c. Pagbubuod (Abstraction)
1. Ibigay ang kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita.
2. Bakit mahalaga ang Gross National Income (GNI)?
3. Paano mo malalaman ang pagkakaiba ng Gross National Income (GNI) sa Gross Domestic
Product (GDP)?
4. Kailangan bang sukatin ang economic performance ng bansa? Ipaliwanag.

d. Paglalapat (Application)
Gumawa ng isang Venn Diagram at itala ang pagkakaiba ng GNI at GDP. Pagkatapos ay isulat
sa gitnang bahagi ang pagkakahalintulad ng dalawa.

Pamgprosesong tanong:
1. Batay sa nabuong Venn diagram, papaano naiba ang Gross National Income sa Gross
Domestic Product?
2. Bakit kailangang sukatin ang economic performance nga isang bansa?
3. Bakit may mga gawaing hindi kabilang sa pagsukat ng GNI at GDP?

e. Pagtataya (Evaluation)
kalahating papel (1/2 sheet Cross wise)

Sagutin ang mga sumusunod:


1-5 – Ibigay ang kahalagan ng pagsukat sa pambansang kita.
6-9 – Ano ang GNI, at ano ang kahalagan nito?
9-15 – Anu-ano ang pagkakaiba ng GNI at GDP?

IV. TAKDANG ARALIN

Inihanda ni:

FLOREYFE C. CURAYAG
Teacher 1

Iniwasto at Inobserbahan ni:

NIEVES T. URQUIA
Punongguro 1

You might also like