You are on page 1of 10

DAILY LESSON PLAN

CAROLINA NATIONAL GRADE


SCHOOL
HIGH SCHOOL LEVEL 9
Araling
LEARNIN
TEACHER MIA JANE V. AGUILAR Panlipuna
G AREA
n
TEACHING DATES AND TIME March 4, 2021 QUARTER 3

Markahan Ikatlong Markahan


Paksa Pambansang Kita
Pamantayang Pangnilalaman Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga pangunah
kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapab
ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paano
ang pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya
nakapagpapabuti sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo
pambansang kaunlaran.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kit
(Most Essential Learning Competencies)
I. Mga Layunin:

1. Natutukoy ang pagkakaiba ng Gross National Income at Gross Domestic Product.


2. Nauunawaan ang pamamaraan ng pasukat ng GNI at GDP; at
3. Naiisa-isa ang mga produkto o serbisyo na hindi kabilang sa pagsukat sa GNI at GDP.
II. Mga Kagamitang
Panturo
A. Mga Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng Guro) IV. 2012 pp.85
guro
2. Mga pahina sa Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa mga Mag-aaral 2017 pp. 270-274
kagamitang pangmag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa mga Mag-aaral 2017. Pp.270-274
4. Karagdagang kagamitan Mga Larawan
mula sa portal ng https://www.youtube.com/watch?v=Gz7lDJtuxO8
Learning Resource https://www.youtube.com/watch?v=DWOwIrsCNjk
B. Iba pang kagamitang Activity Paper
panturo
III. PAMAMARAAN: GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL:

Panimulang Gawain:
Magandang Araw! Sama-sama tayong
lumayag sa dagat ng kaalaman dito
lamang sa Radyo-Aralan sa Naga!
Halina’t makinig, umunawa at matuto sa
Ekonomiks! Ako si Mia Jane Aguilar, ang
inyong guro sa radyo.

Paglalahad ng Layunin:

1. Natutukoy ang pagkakaiba ng


Gross National Income at Gross
Domestic Product.
2. Nauunawaan ang pamamaraan
ng pasukat ng GNI at GDP; at
3. Naiisa-isa ang mga produkto o
serbisyo na hindi kabilang sa
pagsukat sa GNI at GDP.
Pagbibigay ng Mahahalagang
Katanungan:

1. Ano ang Gross National Income


at Domestic Product?
2. Ano ang pagkakaiba ng GNI at
GDP?
3. Paano sinusukat ang GNI at
GDP?

A. Pagganyak:
Pagsusuri ng Larawan:

Larawan #1:
-nagpapakita ng tila abalang lungsod na
kung saan maraming tao ang papunta
sa kani-kanilang mga papasukan. Ang
Larawan ay kuha sa bansang Japan.

Larawan #2:
-nagpapakita ng nagtataasan mga
gusali na nagiging araw-araw na
tanawin ng mga taon. Ito naman ay
kuha mula sa USA.

Larawan #3:
-Ang larawang ito ay isa sa pinakakilala
sa buong mundo dahil sa katangi-tangi
nitong estruktura. Ito ay ang Sydney
Opera House sa Australia.

1. Ano ang napapansin ninyo sa


mga larawan?
1. Ang mga larawan ng tatlo
bansa ay pare-pareho
Mahusay! nagpapakita ng kaunlaran.

2. Paano ba nagiging maunlad ang


isang bansa?
2. Bukod sa Likas na yaman,
yamang pisikal, ang Pambansa
Kita ang isa sa nagiging batay
upang masabing mayam
angisang bansa.

B. Paglalahad ng Paksa:
Ano ang Pambansang Kita?  tumutukoy sa kabuuang kitang
pinansyal ng lahat ng sector na
nasasakupan ng isang bansa o
estado.
 Ang pagsukat sa pambansang
kita ay nakapagbibigay ng idey
tungkol sa antas ng produksyo
ng ekonomiya sa isang particu
na taon dito maipapaliwanag
kung bakit ganito kataas o
kababa ang produksyon ng isa
bansa kung ito ay maihahambi
sa mga nagdaang taon.
 Sa paghahambing ng
pambansang kita sa loob ng ila
taon, masusubaybayan natin a
direksyon na tinatahak ng atin
ekonomiya. Malalaman nating
kung may pag-unlad o pagbab
sa produksyon ng bansa.
 Ang nakalap na impormasyon
mula sa pambansang kita ang
magiging batayan ng
pamahalaan upang mapataas
ang ating economic
performance.

C. Pag-uugnay ng mga Kung sa asignatura ng MAPEH…


Halimbawa sa mga Bagong mayroon tinatawag na BMI o
Aralin: Body Mass Index
-panukat kung tama ang taas at
timbang ng isang tao ayon sa edad,

sa ekonomiks …
mayroong Economic Indicators na
nakatutulong upang masukat ang
Pambansang Kita ng isang bansa.

D. Pagtalakay ng Bagong Ang unang Economic Indicator ay ang


Konsepto at Paglalahad ng Gross National Income.
Bagong Kasanayan Ano ang Gross National Income? Gross National Income ay dati
tinatawag na Gross National Product
GNP.
 Ito ay tumutukoy sa kabuua
pampamilihang halaga ng m
produkto at serbisyo na naga
ng mga mamamayan ng isa
bansa sa loob ng isang takda
panahon.

Ano-ano ang isinasama sa pagkwenta


nito? Ang halaga ng mga tapos o nabuo
produkto at serbisyo lamang a
isinasama sa pagkwenta ng GNI.

Ang pangalawang Economic Indicator ay


ang GROSS DOMESTIC PRODUCT.
Ano ang Gross Domestic Product?
Ito ay ang kabuuang pampamiliha
halaga ng lahat ng tapos na produkto
serbisyo na ginagawa sa loob ng isa
takdang panahon sa loob ng isang ban
Ibig sabihin, sa pagsukat ng GDP ng isang
bansa ang halaga ng lahat ng produkto o
serbisyo na nagawa sa loob nito ay kasali
kahit ito ay pagmamay-ari ng mga
dayuhan.
Upang lalo nating maunawaan ang
pagkakaiba ng Gross National Income at
Gross Domestic Product, magbigay tayo
ng halimbawa!

Si Jane ay isang Pilipinong


negosyante South Korea, kapag sinukat
ang GNI ng Pilipinas ay kasama ang kita
ni Jane sapagkat sya ay mamamayan ng
Pilipinas kahit sya ay hindi naninirahan
dito. Ngunit kapag sinukat naman ang
GNI ng South Korea ang kita ni Jane ay
hindi kabilang sapagkat sya ay hindi
mamamayan dito kahit na dito nakabase
ang kanyang negosyo.

Kapag naman sinukat ang GDP ng


Pilipinas, ay hindi kasama ang kita ng
negosyo ni Jane sapagkat ito ay nasa
labas ng teritoryo ng Pilipinas. At kapag
sinukat naman ang GDP ng South Korea
ay kasama ang kita ng negosyo ni Jane
kahit na sya ay Pilipino dahil nasa loob
ng kanilang teritoryo nakabase ang
negosyo nito.

E. Pagtalakay ng Bagong Ano-ano ang mga hindi kasama sa


Konsepto at Paglalahad ng pagbilang ng GNI at GDP?
Bagong Kasanayan Hindi isinasama sa GNI at GDP ang m
halaga ng hilaw na sangkap sa prose
ng produksyon upang maiwasan a
duplikasyon sa pagbibilang.

Hindi rin isinasama sa pagkwenta ng G


ang hindi pampamilihang gawain, ku
wala namang kinikitang salapi a
nagsasagawa nito. Halimbawa
pagtatanim ng gulay sa bakuran
ginagamit sa pagkunsumo ng pamilya.

Ang mga produktong nabuo o serbis


mula sa impormal na sector
underground economy kagaya
paglalako ng paninda sa kalsada
pagbibenta ng kakanin sa bangketa
hindi rin ibinibilang sa pagkwenta
GNI. Ito ay dahil walang dokumento
mapagkukunan ng datos ng kanila
Gawain.

Ang mga segunda-manong produkto


hindi rin kabilang sa pagkwenta da
isinama na ang halaga nito noong ito
bagong gawa pa lamang.

F. Paglinang sa Kabihasaan Sapat na kaya ang inyong natutunan?


tungo sa Formative Subukan natin ang inyong kaalaman!
Assessment:
Tukuyin kung ang sitwasyon ay
isinasama sa pagkwenta ng GNI o GDP
ng ATING BANSA.

1. Si Maria ay isang nurse sa Canada.


GNI!
Ang tamang sagot, GNI magaling!

2. Korean Restaurant sa Naga.


GDP!
Ang sagot, GDP mahusay!

3. Si Mang Jose ay Bicolanong may


pagawaan ng sapatos sa Makati. GNI!

Ang sagot, GNI mahusay!

4. Pilipinong guro sa Japan.


GNI!
Ang sagot, GNI tama!

5. Grocery Store ng isang Chinese sa


Cavite. GDP!

Ang tamang sagot, GDP!

Mahusay! Napagtagumpayan ninyo ang


pagsubok!

G. Paglalahat ng Aralin:
Ngayon naman, balikan at sagutin na
natin ang mahahalagang katanungan!

1. Ano ang GNI at GDP?


1. Ang GNI at GDP ay pareho
Economic Indicator
nakatutulong upang masu
ang Pambansang Kita.

2. Ano ang Pagkakaiba ng GNI at GDP?


2. Ang GNI ay produksyon ng lah
ng mamamayan ng isang ban
sa isang taon. Gawa ito ng m
mamamayan ng isang bansa
loob o labas ng kanila
teritoryo.
Sumasagot ito sa katanungan n
“sino ang gumawa?”

Ang GDP ay produksyon ng mg


mamamayan at dayuhan sa loo
ng isang bansa sa isang taon.
Sumasagot ito sa katanungan n
“saan ginawa?”

3. Paano sinusukat ang GNI at GDP?


3. Sinusukat ito sa pamamagitan
pagkwenta ng kabuuang hala
ng produksyon sa pamilihan
isang taon.
H. Pagtataya: I. Matapos makinig/manood ng
pagtalakay sa Aralin, punan ng tamang
datos ang Venn Diagram na nasa ibaba.
Itala ang pagkakaiba ng GNI at GDP.
Pagkatapos ay isulat sa gitnang bahagi
ang pagkakahalintulad ng dalawa.

II. Tukuyin kung ang sitwasyon ay


isinasama sa pagkwenta ng GNI o GDP
ng ATING BANSA. Lagyan ng tsek (/) ang
inyong sagot.

SITWASYON
1. Si Mang Juan ay isang Ilocanong
nagtatrabaho bilang isang chef sa
Malaysia.
2. Ang anak ni Aling Sarah ay isang
engineer sa Maynila.
3. Si James ay isang Italyanong may ari
ng Hotel sa Cavite.
4. Isang European Restaurant sa
Batangas.
5. Pilipinong domestic helper sa Qatar.
6. Paggawaan ng bag sa Davao na
pagmamay-ari ng isang Chinese.
7. Tindahan ng Korean cosmetic
products sa Tondo na pagmamay-ari ng
isang Koreano.
8. Pilipinong guro sa Taiwan.
9. Si Ryan Bang ay isang Koreanong
aktor at komedyante sa Pilipinas.
10. American School sa Bulacan.

III. Magbigay ng mga produkto o


serbisyong HINDI kabilang sa pagsukat
ng Gross National Income at Gross
Domestic Product at ang dahilan kung
bakit hindi ito kabilang.
I. Pagninilay:
A. Bilang ng mga mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiya sa
pagtuturo ang nakatulong nang
lubos?Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nabigyan ng
solusyon sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nabuo na nais kong ibahagi
sa mga kapuwa ko guro?

Prepared by:

MIA JANE V. AGUILAR


Grade 9 AP Teacher

Corroborated by:

JELYZER CARMELA N. ARIOLA ELISA L. PADO


Grade 9 Filipino Teacher Grade 9 Science Teacher

NORMAN C. LINGAHAN JOAN I. REDOTA


SHS Teacher, CNHS RBI Coordinator Grade 9 MAPEH Teacher

JOANNA JIREH P. PALERO


Grade 9 English Teacher

Noted by:

NIDA L. EBORA
School Principal

JARME D. TAUMATORGO, PhD


EPS – Araling Panlipunan

Recommending Approval:

MARIA SHIELA V. LAGODA, EdD, CESE


Officer-In-Charge, Curriculum Implementation Division (CID)

Approved by:

MARIANO B. DE GUZMAN, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent
Officer-In-Charge
Office of the Schools Division Superintendent
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
Division of City Schools

CAROLINA NATIONAL HIGH SCHOOL


City of Naga

ARALING PANLIPUNAN. 9 - EKONOMIKS


WORKSHEET

PANGALAN:_________________________________SEKSYON:_______ISKOR:___

Ang worksheet na ito ay isang supplementary activity para sa radio lesson ngayong week 8 (February 25-
March 2, 2021)

Panuto: Makinig sa 105.5 Bicol Idol FM Naga o manood via live streaming sa official
facebook page ng 105.5 Bicol Idol FM sa March 1, 2021 (Lunes) sa oras na 3:00-4:00pm at
sagutin/gawin ang mga sumusunod:

I. Matapos makinig/manood ng pagtalakay sa Aralin, punan ng tamang datos ang


Venn Diagram na nasa ibaba. Itala ang pagkakaiba ng GNI at GDP. Pagkatapos ay
isulat sa gitnang bahagi ang pagkakahalintulad ng dalawa.

GNI GDP

II. Tukuyin kung ang sitwasyon ay isinasama sa pagkwenta ng GNI o GDP ng ATING
BANSA. Lagyan ng tsek (/) ang inyong sagot.
SITWASYON GNI GDP
1. Si Mang Juan ay isang Ilocanong nagtatrabaho
bilang isang chef sa Malaysia.
2. Ang anak ni Aling Sarah ay isang engineer sa
Maynila.
3. Si James ay isang Italyanong may ari ng Hotel sa
Cavite.
4. Isang European Restaurant sa Batangas.
5. Pilipinong domestic helper sa Qatar.
6. Paggawaan ng bag sa Davao na pagmamay-ari ng
isang Chinese.
7. Tindahan ng Korean cosmetic products sa Tondo na
pagmamay-ari ng isang Koreano.
8. Pilipinong guro sa Taiwan.
9. Si Ryan Bang ay isang Koreanong aktor at
komedyante sa Pilipinas.
10. American School sa Bulacan.

III. Magbigay ng mga produkto o serbisyong HINDI kabilang sa pagsukat ng Gross


National Income at Gross Domestic Product at ang dahilan kung bakit hindi ito
kabilang.

Produkto o Serbisyo Bakit hindi kabilang sa pagkwenta ng


GNI/GDP?

You might also like