You are on page 1of 10

Masusing Banghay – Aralin sa Araling Panlipunan 9

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag - aaral ay may pag – unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga
patakarang pang - ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag - aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at
pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pangekonomiya nito tungo
sa pambansang pagsulong at pag-unlad

C. Kasanayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng impormal na sektor
AP9MSPIVg-15

D. Mga Tiyak na Layunin


a. Natutukoy ang kahulugan at nakapagbibigay ng mga halimbawa ng impormal na
sektor
b. Naiisa – isa ang mga dahilan ng pagkakaroon ng impormal na sektor.
c. Nakalilikha ng mga mungkahing programa para sa mga mamamayan na kabilang sa
impormal na sektor ng ekonomiya
d. Napapahalagahan ang mga programa ng pamahalaan na kabilang sa impormal na
sektor.

II. NILALAMAN
Aralin/ Paksa: Impormal na Sektor/
Mga Dahilan ng Impormal na Sektor
Mga Programa ng Pamahalaan para sa Impormal na Sektor

A. Sanggunian
Mga pahina sa gabay ng guro
Mga pahina sa Kagamitang pang mag – aaral: pahina 430 - 445
Mga Pahina sa Teksbuk: pahina 430 - 445
B. Iba pang Kagamitang Panturo: kagamitang biswal, activity cards, Powerpoint
presentation, laptop

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag – aaral

A. Paghahanda
1. Panimula
a. Pagbati
b. Panalangin
c. Pagtsek ng atendans
d. Pagbabalik – aral
Maaari mo bang ilahad ang ating nakaraang
tinalakay?
“Ang atin pong nakaraang
aralin ay ang Sektor ng
Paglilingkod.”
Ano ang kahalagahan ng Sektor na ito ng
ekonomiya?
“Mahalaga po ang Sektor ng
Paglilingkod para sa mga
mamamayan sa usaping
trabaho at serbisyo na ating
natatanggap.”

Mahusay! Tunay ngang mahalaga ito para sa atin.


Maraming salamat sa inyong mga kasagutan.

A. Paghahabi sa mga layunin


Ilalahad sa mga mag – aaral ang mga layunin ng aralin

B. Pag – uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Hulaan Mo Trabaho Ko!
Note: [Sa pamamagitan ng paggamit ng OER]
Ngayon naman ay bibigyan ko kayo ng isang gawain
( Crossword Puzzle )
Panuto/ Direksyon: Mula sa mga kahon, ibigay ang sagot
sa mga tanong sa ibaba. Ang sagot ay makukuha sa
anumang direksyon. Maaaring sa pamamagitan ng
pahalang o pababa ang mga titik na maipapakita ang mga
sagot. Bigyan lamang ng tatlong minuto ang mga bata sa
pagsagot o paggawa ng aktibiti. (Paggawa ng aktibiti ng
bawat pangkat sa loob
lamang ng tatlong minute)

(Matapos ang Gawain)


Bigyan ng sampung palakpak ang inyong
mga sarili sa inyong mahusay na pagsagot sa puzzle.

Pamprosesong Tanong:
1. Anong mga trabaho ang nabanggit?
Ang mga trabaho pong
nabanggit at labandera,
sidewalk vendor, taho vendor
at pedicab driver."
2. Saang sektor ng ekonomiya nabibilang ang mga ito?

"Ang mga trabaho pong


nabanggit ay pumapaloob sa
Impormal na Sektor ng
Ekonomiya."
Mahusay!
Ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol sa Impormal na Sektor
ng Ekonomiya.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan #1

Mula sa mga naunang halimbawa, ano ang ibig sabihin ng "Mula sa mga nabanggit ng
impormal na sektor? halimbawa, maaaring
tumukoy ang Impormal na
sektor sa mga hanapbuhay na
hindi rehistrado sa
pamahalaan."

Ang impormal na sektor ng ekonomiya ay mga hanapbuhay ng


mga mamamayan na hindi nangangailangan ng mataas na sweldo
at karaniwan sa mga bansang papaunlad katulad ng Pilipinas.

Bakit mahalaga ang impormal na sektor? "Lubhang mahalaga ang


impormal na sektor lalo na sa
ating mga mamamayan na
walang sapat na kakayahan
na magkaroon ng regular na
trabaho. Ang mga hindi
nakatapos ng pag-aaral na
nais paring kumita para sa
pamilya."

Tama!

Tinatawag din na underground economy o hidden economy ang


impormal na sektor.

"Mga nagtitinda sa kalsada"


Maaari ba kayong magbigay ng mga hanapbuhay na kabilang sa "Maaari din pong mga
impormal na sektor? naggagalang manggagawa ng
sapatos at iba pa."

Magaling!
Katulad ng mga nasa larawan. Ang mga trabahong ito na kabilang
sa Impormal na sektor ay mararangal.
Paano naman ang mga larawan na ito?

Ipinapakita po ng mga
larawang ito ang tungkol sa
Droga at human trafficking."
Ano ang ipinapakita ng dalawang larawan?
"Ayon po sa depinisyon ng
impormal na sektor, maaaring
ang mga larawang ito ay
pumapaloob pa din sa
Ano kaya ang kinalaman ng mga ito sa impormal na sektor? impormal na sektor ng
ekonomiya."

"Ilan sa mga halimbawa ng


mga taong kabilang sa sektor
na ito ay ang mga nagtitinda
sa kalsada (sidewalk vendor),
Upang lubos na maunawaan pedicab driver, karpintero, at
Sabay sabay na basahin. mga hindi rehistradong
operasyon ng mga
pampublikong sasakyan
(colorum). Kabilang din sa
sektor na ito ang mga
gawaing ipinagbabawal ng
batas tulad ng prostitusyon,
ilegal na pasugalan,
pamimirata (piracy) ng mga
optical media gaya ng
compact disc (CD) at digital
video disc (DVD)."
Mapapansin natin na kabilang sa mga halimbawa ng impormal na
sektor ang mga gawaing ilegal. "Karaniwang Katangian ng
impormal na sektor:
• Hindi nakarehistro sa
Maaari mo bang basahin ang mga katangian ng impormal na pamahalaan.
sektor, • Hindi nagbabayad ng
buwis mula sa kinikita.
• Hindi nakapaloob sa
legal at pormal na balangkas
na inilatag ng pamahalaan
para sa pagnenegosyo."

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad


ng bagong kasanayan #2

Gawain: You are Lucky!


Ngayon naman ay mayroon akong ipamimigay na papel,
kailangan na tignan ng mga mag-aaral ang loob nito. Kung sino
man ang makatanggap ng mga papel na may nakasulat na "You
are Lucky!" ang sasagot na katanungan.

Ano ang mga dahilan kung bakit napipilitan ang iba na


mapabilang sa Impormal na sektor at gawin ang mga bagay
na ilegal?

(Matapos ang gawain) "Ang mga sumusunod ay ilan


Mahusay ang inyong ginawa. Bigyan ng sampung palakpak ang sa mga kadahilanan kung
inyong mga kaklase. bakit pumapasok ang mga
mamamayan sa impormal na
Bakit nga ba pumapasok ang mga mamamayan sa impormal na sektor:
sektor. Narito ang mga dahilan. Maaari mo bang basahin, •Makaligtas sa pagbabayad
ng buwis sa pamahalaan.
•Makaiwas sa masyadong
mahaba at
masalimuot na proseso ng
pakikipagtransaksiyon sa
pamahalaan o ang tinatawag
na bureaucratic red tape.
•Kawalan ng regulasyon mula
sa pamahalaan na kung saan
ang mga batas at programa ay
hindi naipapatupad ng
maayos.
•Makapaghanapbuhay nang
hindi nangangailangan ng
malaking kapital o puhunan.
•Mapangibabawan ang
matinding kahirapan

"Kung mapapansin po natin, isa sa pangunahing dahilan ng


pagkakaroon ng impormal na sektor ang matinding kahirapan."

Ngayon na nalaman na natin ang mga dahilan ng pagkakaroon ng


impormal na sektor, may mga programa ang ating pamahalaan
para matulungan ang mga mamamayan na nabibilang dito.

Pangkat 1: REPUBLIC ACT


Gawain 2: Pick- a – word 8425
Panuto: Bawat representative ng pangkat ay bubunot ng flash card Pangkat 2 :REPUBLIC ACT
na ibibigay ng guro at isa- isa nilang ipaliliwanag ang kahulugan 9710
o konsepto nito sa harap ng klase sa loob lamang ng tatlong Pangkat 3 :PRESIDENTIAL
minuto. DECREE 442
Pangkat 4 :REPUBLIC ACT
7796
Pangkat 5: REPUBLIC ACT
8282

Kabilang din ditto REPUBLIC ACT 7875 o mas kilala bilang


National Health Insurance Act of 1995.

Integrasyon sa ibang Asignatura (Mathematics /


MAPEH)
Pagkompyut:
Base sa 2008 Informal Sector Survey ng NSO, nasa 10. 5
milyon ang informal sector workers,. Two thirds ng
sektor ay lalake. Ilan naman ang bahagdan ng informal
sector para sa kababaihan?
F. Paglalapat ng aralin sa pang – araw – araw na buhay

Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat at ang Pangkat 1:


bawat pangkat ay may itinakdang Gawain Lumikha ng isang maikling
dula na nagpapakita ng mga
Rubric para sa Pangkatang Gawain pangunahing dahilan ng
Impormal na Sektor.
Pamantayan Indikador Puntos Natamong
Puntos Pangkat 2:
 Naipakita at Lumikha ng Poster na
naipaliwana nagpapakita ng kampanya ng
g nang 16 – pamahalaan upang mapuksa
Nilalaman maayos ang 20 ang mga ilegal na gawain na
ugnayan ng nabibilang sa Underground
lahat ng Economy.
konsept sa
paggawa ng Pangkat 3:
poster Gumawa ng Slogan na
 Maliwanag magpapakita ng kahalagahan
at angkop ng mga proyekto at batas ng
Kaangkupan ng ang mensahe 11 – pamahalaan para sa impormal
Konsepto sa 15 na sektor ng ekonomiya
paglalarawa
n ng
konsepto
 Orihinal ang
Pagkamapanlikh ideya sa 6 – 10
a (Originality) paggawa ng
poster
 Malinis at
Kabuuang maayos ang 1-5
Presentasyon kabuuang
presentasyon
Kabuuan 20

"Ang impormal na sektor ay


mga uri ng hanapbuhay na
kabilang sa mga bansang
papaunlad pa lamang o
G. Paglalahat ng Aralin developing countries. Ilan sa
Ngayon naman ay may hinanda akong mga mga halimbawa nito ang mga
katanungan upang matiyak ang inyong pagkatuto. sidewalk vendors at pedicab
Maaari mo bang ilahad ang ibig sabihin ng impormal drivers."
na sektor at magbigay ng mga halimbawa.

"Isa sa pangunahing dahilan


nito ang labis na kahirapan.
Upang matugunan ang pang-
araw-araw na
pangangailangan ng kanilang
Bakit mahalaga ang mga hanapbuhay na ito sa mga simpleng pamilya."
mamamayan? Ibigay ang ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon
nito.

“Isinasaad po nito na bilang


mga mamamayan at bilang
H. Pagpapahalaga tao, nararapat lamang na
tayo’y magtrabaho ng
“ Masarap tamasahin ang tagumpay kung ito ay nakamit sa marangal kahit na mababa
pamamagitan ng marangal na gawain” ang kita kaysa sa mga gawain
na ilegal na katumbas ng
Ano ang inyong pagpapakahulugan sa pangungusap na ito? malaking halaga. At sa huli
ay mas mararamdaman natin
ang tagumpay.”

Mahusay!
Nararapat din na sa inyong mga sarili ito magmula.

G. Pagtataya ng Aralin Sagot:


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag at 1. A
piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang kasagutan 2. D
sa patlang bago ang bawat bilang. 3. C
4. B
_____ 1. Ito ay uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga 5. D
bansang papaunlad pa lamang o developing countries ayon kay
W. Arthur Lewis.
a. Impormal na Sektor c. Sektor ng Industriya
b. Sektor ng Agrikultura d. Sektor ng Paglilingkod

_____ 2. Ang impormal na sektor ay tumutukoy sa


mga negosyo na sariling pinatatakbo at mga negosyo ng
mga impormal na employer. Alin sa mga sumusunod ang
hindi katangian nito?
a. Hindi nagbabayad ng buwis
b. Hindi nakapaloob sa pormal na proseso ng pagnenegosyo
c. Maaaring ilegal na pinatatakbo
d. Nakarehistro sa pamahalaan

_____ 3. Mula sa mga sumusunod na pahayag, pumili


ng dalawang pinakapangunahing dahilan na nagtutulak sa
tao na pumasok sa impormal na sektor.

I. Kawalan ng hanapbuhay
II. Hindi makapagbayad ng buwis
III. Kahirapan
IV. Makaligtas sa mga batas na may kaugnayan
sa pagnenegosyo
a. I at II c. II at III
b. I at III. d. III at IV

_____ 4. Lubhang mahalaga ang papel ng pamahalaan


para sa impormal na sektor. Alin sa mga ahensiya
ng pamahalaan ang lubhang sumasaklaw dito?
a. DepEd (Department of Education)
b. DOLE (Department of Labor and Employment)
c. DSWD (Department of Social Welfare
and Development)
d. DOE (Department of Energy)

_____ 5. Bakit mahalaga ang mga batas at programa


ng pamahalaan para sa mga mamamayan na kabilang
sa impormal na sektor?
a. Upang mas dumami ang bilang nito.
b. Para mas tumaas ang ekonomiya ng bansa.
c. Upang mawala ang impormal na sektor.
d. Para matulungan ang mga mamamayan na kabilang
sa impormal na sektor.

IV. Takdang – Aralin


Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan at isulat ang inyong mga sagot
sa kuwaderno.

1. Ano anong mga gawain na kabilang sa impormal na sektor ang lubhang nakababahala sa
kasalukuyan dahil sa masamang epekto nito?
2. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng pamahalaan upang malutas ang mga
problemang ito? Magbigay ng mga halimbawa.
3. Paano makatutulong at makasasama ang Impormal na Sektor ng Ekonomiya sa ating
bansa?
Binigyang – Pansin ni:

REX K. IGNACIO
Punong Guro

Inihanda ni:

Gerlie B. Ledesma
Guro sa Araling Panlipunan 9

You might also like