You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
CABOTONAN HIGH SCHOOL
Omalo, Lagonoy, Camarines Sur
S/Y 2020-2021

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan


Ikasiyam na Baitang
I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga sector ng ekonomiya at mga patakarang
A. Pamantayang ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at puwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-
Pangnilalaman unlad.

Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti ng


B. Pamantayan sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong
Pagganap at pag-unlad.

C. Mga Kasanayan sa Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda at paggugubat sa


Pagkatuto ekonomiya.
1. Natatalakay ang Sektor ng Agrikultura.
D. Tiyak na Layunin 2. Naipapaliwanag ang bahaging ginagampanan ng Sektor ng Agrikultura sa ekonomiya at
sa bansa.
3. Naipapahayag ang saloobin tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng bawat bahagi ng
Sektor ng Agrikultura sa bansa at epekto nito.

II. NILALAMAN

Sektor ng Agrikultura

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian 1. Ekonomiks, Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Yunit IV Aralin 2 pahina
403-425.
2. Gawaing pagkatuto sa Araling Panlipunan 9 Q4-Lesson 3

B. Kagamitan  Laptop, projector, cartolina, manila paper, marker

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral/ Paunang Gawain:
Panimulang  Panalangin
Gawain  Pagtala ng liban sa klase
 Balik-aral

Pagganyak:
Kantang Bayan (5 minuto)

(May ipapakitang video ng kantang “Magtanim ay ‘Di Biro” at sabay-sabay itong kakantahin at
tatawag ng mag-aaral upang sagutin ang Pamproseong Tanong)

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pumapasok sa isip mo habang kinakanta ang awiting “Magtanim ay ‘Di Biro”?
2. Bakit ito ang iyong naisip habang inaawit ito?
3. Sa iyong palagay, anong sector ng ekonomiya nabibilang ang tema ng awitin?
Ipaliwanag.
B. Paghahabi ng Ang mga layunin ng aralin natin ngayong araw ay ang mga sumusunod:
Layunin
(Ipapakita sa powerpoint presentation ang mga layunin at sabay-sabay itong ipapabasa sa
mga mag-aaral)

C. Pag-uugnay ng Simulasyon:
halimbawa
Ihalintulad ang sarili sa isang puno na nasa larawan. Sukatin natin ang iyong kaalaman tulad sa
lalim ng ugat ng puno. Kung gaano kalalim ang ugat ng isang puno, ganoon din kalalim ang
kaalaman mo sa sector ng agrikultura. Sagutin ang tanong sa ibaba.

D. Pagtalakay ng Ang Sektor ng Agrikultura ay nahahati sa apat. Base sa larawang ipapakita ko sainyo alamin
bagong konsepto kung anong Sektor ng Agrikultura ito sa pamamagitan ng pagbuo ng “jumbled letters”.
at bagong
kasanayan #1 1.

NAMALAHAHGAP

PAGHAHALAMAN

2.
NAPUYAHAHGAP

PAGHAHAYUPAN

3.
ADSIGNIGNAP

PANGINGISDA

4.

TABUGUGGAP

PAGGUGUBAT

E. Pagtalakay ng Base sa larawan na inyong nakikita ano ang kahulugan ng bawat Sektor ng Agrikulturang ito?
bagong konsepto
at bagong 1.
PAGHAHALAMAN
kasanayan #2
 Ito ay ang mga pananim sa ating bansa tulad ng
palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, manga,
tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay
karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa.
2. PAGHAHAYUPAN

 ito ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka,


kambing, baboy, manok, pato at iba pang hayop.
Nakatutulong ito sa pag-supply na ating mga
pangangailangan sa karne at ito rin ay gawaing
pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga
tagapag-alaga ng hayop.

3.
PANGINGISDA

 Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga


pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo.
Ang pangingisda ay nauuri sa tatlo – komersiyal,
municipal at aquaculture.

4.
PAGGUGUBAT

 ito ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain


sa sektor ng agrikultura. Mahalaga itong
pinagkukunan ng plywood, table, torso, at veneer.

F. Paglinang sa Magkakaroon ng apat na pangkat. Bibigyang laya ang mag-aaral kung saang pangkat nila nais
kabihasaan mapabilang. (15 minuto para tapusin ang Gawain)

(Bago gawin ang Pangkatang Gawain, alamin kung lahat ng mag-aaral ay may kakayahang
gawin ito at alamin kung mayroong mag-aaral na may malubhang sakit. At kung may mag-aaral
na may malubhang sakit, bigyan na lamang siya ng ibang Gawain na hindi maapektuhan ang
kaniyang kalusugan.)

GROUP 1: PAGHAHALAMAN (SINGER)


 Pumili ng kanta at palitan ang lyrics nito ng tungkol sa kahalagahan ng
PAGHAHALAMAN. Maaari ring gumawa ng sariling kanta.

GROUP 2: PAGHAHAYUPAN (ACTOR/ACTRESS)


 Bumuo ng pagsasadula na nagpapakita ng kahalagahan ng PAGHAHAYUPAN.

GROUP 3: PANGINGISDA (POET)


 Gumawa ng tula na nagpapakita ng kahalagahan ng PANGINGISDA.

GROUP 4: PAGGUGUBAT (PAINTER)


 Gumuhit o mag-drawing na nagpapakita ng kahalagahan ng PAGGUGUBAT.

Rubriks sa Pagmamarka
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
1. Nilalaman Nailahad ang tamang ideya o
kaisipan ukol sa paksa 20
2. Organisasyon Angkop ang paglalahad ng ideya o
mensahe 15
3. Presentasyon Malinis at maayos ang paggawa
ng paglalahad. 15

Kabuuan 50

Kahalagahan ng Agrikultura:

1. Pangunahing pinagmumulan ng pagkain.


2. Pinagkukunan ng material para makabuo ng bagong produkto.
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas/dolyar.
4. Nagkakaloob ng hanap-buhay.

G. Paglalapat ng GROUP ACTIVITY 2:


Aralin
1. Sainyong palagay, anu ang kasalukuyang kalagayan ng bawat bahagi ng Sektor ng
Agrikultura?
GROUP1: Paghahalaman
GROUP2: Paghahayupan
GROUP3: Pangingisda
GROUP4: Paggugubat

2. Ano ang epekto nito sa bansa?

Gagawin ito ng bawat grupo. Gumawa ng talata at isulat sa manila paper. Pumili sa grupo ng
magpapaliwanag sa unahan. Gagawin ito sa loob ng limang minuto.

3. Pagtataya ng Pagtataya: CONCEPT DEFINITION MAP


Aralin Panuto: Kumuha ng isang buong papel at gawin ito.Mula sa mga impormasyon tungkol sa
sector ng agrikultura, bumuo ng Concept Definition Map gamit ang modelo sa ibaba at sagutan
ang Pamprosesong Tanong.

Pamprosesong Tanong:

1. Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya ang agrikultura?


2. Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang sektor ng
agrikultura? Ipaliwanag.

4. Paglalahat Ano ang natutunan ninyo sa paksang ating tinalakay?

(Sa pangkalahatan, ipinakikita nito na ang sektor ng agrikultura ay isang mahalagang


tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa. Katuwang ito ng pamahalaan sa pagpapalakas at
pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan mula sa mga pagkain
hanggang sa mga sangkap ng produksiyon.)

5. Karagdagan Takdang Aralin: Gumawa ng collage ng mga larawan na iyong kinunan sa inyong lugar na
g Gawain nagpapakita ng alin mang Sektor ng Agrikultura. (Paghahalaman, Paghahayupan, Pangingisda,
para sa Paggugubat)
Remediation

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-
aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mga mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong
ng aking punungguro
at superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nabuo na nais kong
ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared by:

SHANE B. BARRANDA
AP Teacher

Noted by:

GENEROSA N. MORENO
School Head

You might also like