You are on page 1of 6

Semi- Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan (Ekonomiks)

I: LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang
ekonomiya nito sa harap ng hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at pagpapabuti
ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito tungo sa
pamabansang pagsulong at pag-unlad.

C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
1. Natutukoy ang ibat-ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa
pambansang kaunlaran (AP9MSP-IVb3)
2. Napahahalagahan ang sama-samang pagkilos ng mamamayang Pilipino upang
makatulong sa pamabansang kaunlaran. (AP9MSP-IVb4)
3. Nakapagsasagawa ng isang pagplano kung paano makapag-ambag bilang mamamayan
sa pag-unlad ng bansa (AP9MSP-IVb5)

II: NILALAMAN
Paksa: Ibat ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa
pambansang kaunlaran
III: KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian: Ekonomiks ni Bernard R. Balitao, et. al
1. Learner’s Materials Pages: 353-356
2. Textbook Pages: 353-356
3. Materials: Laptop, Handouts, Projector, Power Point Presentation
B. Iba pang kagamitang Panturo
Kayamanan ( Ekonomiks ) ni Consuelo M. Imperial, et. Al

IV: PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati- Magandang umaga sa lahat!
2. Pagsasaayos ng Silid – Bago natin simulan ang klase pakiayos muna ng mga upuan.
3. Panalangin- Mas mainam na simulan natin ang klase ng isang panalangin
4. Pagtala sa lumiban- Sino ang lumiban sa klase ngayon?

BALIK-ARAL
Ano ang pag-unlad? Pagsulong?
Posible bang may pagsulong ngunit walang pag-unlad?

LUNSARAN
Gawain ( Video Analysis)
Magpapakita ng isang video.
1. Ano ang ipinahihiwatig/mensahe ng video?
2. Posible bang matatamo ang kaunlaran kung may pagtutulungan?
3. Bakit kaya kailangan ang pagkakaisa?
ANALYSIS
Bilang pasisimula, itanong ng guro ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano kayang konsepto ang pag-aralan natin ngayon?
2. Maaari kayang makapagbigay tayo ng kontribusyon sa pamamagitan ng sariling sikap?
3. Maaari din ba kayang makapagbigay ng kontribusyon sa pamamagitan ng sama-samang
pagtutulungan?

ABSTRACTION
1. Kailan natin masabi na may pambansang kaunlaran?
2. Ano-ano ang mga stratehiya na makatulong sa pag-unlad ng ating bansa?
3. Ilahad ang mga stratehiya na makatulong sa pag-unlad ng ating bansa.
MGA ESTRATEHIYA NA MAKATUTULONG SA PAG-UNLAD NG BANSA:
MAPANAGUTAN
1. Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng
buwis ay makatutulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang
magagamit sa mga serbisyong panlipunan.
2. Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban.
MAABILIDAD
1. Bumuo o sumali sa kooperatiba. Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan
upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman
ng bansa.
2. Pagnenegosyo. Hindi dapat manatiling mangagawa lamang ang Pilipino.dapat sikapin na
maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi
ng mga dayuhan
MAKABANSA
1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Aktibong pakikilahok sa pamahalaan.
2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Dapat tangkilikin ang mga produktong
Pilipino.
MAALAM
1. Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga
kandidato bago pumili ng iboboto.
2. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad. Ang
pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos.

APPLICATION
Gawain (KAPIT-BISIG!)
Pangkatang Gawain: Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat ayon sa kanilang interest.
Ilalahad ng guro ang rubric para sa gagawing aktibiti. Bibigyan lamang limang minuto para sa
paghahanda at limang minuto naman para sa gawing paglalahad.
Unang Pangkat: (MAPANAGUTAN) ROLE PLAYING.
Ikalawang Pangkat: (MAABILIDAD) JINGLE
Ikatlong Pangkat: (MAKABANSA) INTERPRETATIVE DANCE
Ikaapat na Pangkat: (MAALAM) PANTOMIME

RUBRIK PARA SA PAGLALAHAD


Pamantayan Deskripsyon Puntos
Naipakita sa pamamagitan ng ginawang pagtatanghal ang
Nilalaman pagsusulong sa sama-samang pagkilos para sa pamabansang 30
kaunlaran.
Ang mga konsepto at simbolismong ginamit ay naging
Pagkamalikhain makabuluhan upang lubos na maipakita ang sama-samang 20
pagkilos sa aktibong pakikisangkot tungo sa pambansang
kaunlaran
Ang mensahe ng ginawang pagtatanghal ay direktang
Mensahe nakatugon sa mga estratehiyang inilahad sa aralin. 20

Naipaloob nang wasto ang konsepto ng sama-samang


Pamagat pagkilos tungo sa pamabansang kaunlaran sa pamagat ng 15
ginawang pagtatanghal.
Ginawa ng bawat kasapi ng grupo ang mga iniatang na
Pakikisangkot Gawain para sa ikagaganda ng pagtatanghal 15
sa grupo

KABUUANG PUNTOS 100

Pagpapahalaga: ANG PANATA KO...


Sa mga gampaning inisa-isa ninyong binasa,pumili kayo ng isang gamapanin. Gumawa ka ng
isang panata at isulat mo ito sa loob ng status box.
Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mo napiling gawing panata ang nasabing gampanin?
2. Ano- ano ang hand among gawin para sa ikauunlad ng bansa? Pangatwiranan.

V. EBALWASYON
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inyong ¼ na sagutang papel.
1. Basahin ang sumusunod na mensahe: “Ask not what your country can do for you, ask
what you can do for your country.” Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong
John F.Kennedy?
A. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang karapatan at
tungkulin.
B. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga polisiya at proyekto ng
pamahalaan.
C. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay makatutulong sa pag-unlad ng
isang bansa.
D. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at pamantayan sa
pagkamamamayan

2. Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng pigura na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya ng


bansa, marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala rito. Isa sa mga dahilan ay ang patuloy
na korapsyon. Paano kumikilos ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyang
matuldukan ang napakatagal na problemang ito?
A. Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at ang hukuman ang
umuusig sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
B. Idinadaan na lamang nila sa samu’t saring protesta ang kanilang mga hinaing ukol sa
talamak na korapsyon sa pamahalaan.
C. Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsyon , maliit man o malaki, kaya’t
nakahanda silang ipaglaban kung ano ang tama at nararapat.
D. Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa
ating bansa.

3. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang
isang mamamayang Pilipino,may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa
pag-abot ng kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin
upang makatulong sa bansa?
A. Maging mulat sa mga anomalyang nangyari sa lipunan.
B. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pang-kaunlaran sa
paaralan at sa komunidad.
C. Tangkilikin ang produktong sariling atin.
D. Ipakulong lahat ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

4. Suriin ang bahagi ng awiting pinamagatang “Pananagutan”:

Walang sinuman ang nabubuhay


Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay
Para sa sarili lamang
Koro: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't-isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
na kapiling N'ya

Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin patungkol sa mga mamamayan ng isang
bansa?
A. Pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan anuman ang estado sa buhay.
B. Ang mga mamamayan ang siyang tagapagtanggol ng Saligang Batas ng bansa na
kaniyang kinabibilangan.
C. Makakamit ang kabutihang panlahat at maisusulong ang pambansang interes kung may
pagtutulungan
D. Nararapat na magtulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan upang makamit ng
bansa ang kaunlaran

5. Sino sa mga sumusunod ang HINDI maituturing na responsableng mamamayan.


A. Si Pablo na nagtapon ng basura sa ilog.
B. Si Lora na lumalahok ng kilos protesta laban sa katiwalian.
C. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong
bantayan ang kaban ng bayan.
D. Si Jay na sumusunod sa batas trapiko.

VI. TAKDANG ARALIN

Basahin at suriin ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa sa


pahina 365-368 ng batayang aklat.

VII. MGA TALA


Mayroon lamang tatlong tagpo ang klase ng Araling Panlipunan ( Ekonomiks) sa loob ng
isang linggo. Sa araw na ito mayroong integration ang klase ng Araling Panlipunan sa asignaturang
MAPEH upang mas maipakita ang mga gampanin ng isang mabuting Pilipino para sa kaunlaran
ng bansa.

VIII. PAGNINILAY
Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya _______.
Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain o nakakuha ng 80%
pababa. ______.

EDILIE F. TORTOGO MA. ELENA B. SURIGAO


Ratee / Teacher1 Rater/ School head

You might also like