You are on page 1of 5

Detalyadong Banghay Aralin sa Araling Panlipunan III

I. Layunin

Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pag-unlad.

2. Nasusuri at nabibigyang-diin ang mga palatandaan ng pag-unlad at kung papaano ito nagiging susi sa pag-unlad ng
bansa.

3. Napapahalagahan ang mga salik na nakakatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.

II. Nilalaman

Paksa: Mga Palatandaan ng Pag-unlad

Sangunian: Aklat sa Ekonomiks (Pahina 345-349)

Mga Kagamitang Panturo: Cartolina, Pentel Pen, Manila Paper, Chalk

III. Pamamaraan

a. Pangunahing Gawain
A1. Pagbati at Pagdarasal

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Magandang umaga sa inyong lahat.


Bago tayo magsimula ay nais ko na tumayo muna ang lahat
para sa ating panalangin. Maaari ba itong pangunahan ni…?
Lord maraming salamat po sa araw na ito at pinagtipun-
tipon ninyo po muli kaming lahat na ligtas. Lord gabayan
ninyo po ang bawat isa sa amin at bigyan ninyo po kami
ng sapat na katalinuhan upang maunawaan ang aming
aralin. Ilayo ninyo po ang bawat isa sa amin sa
kapahamakan, ito lamang po ang aming dalangin. Amen.

Bago kayo maupo, maaari ba na paki-ayos muna ang inyong


mga silya at pakipulot na rin ang mga kalat sa tapat ninyo. Opo ma’am.

Ngayon akin namang titingnan kung mayroong lumiban sa


ating klase ngayong araw.

A2. Balik Aral

Bago tayo dumako sa susunod na aralin ay magkakaroon


muna tayo ng kaunting balik-aral mula sa inyong naging
aralin. Ano ang pagakaiba ng terminong pag-unlad at - Ang pag-unlad po ay isang proseso na
pagsulong? nagsisimula sa mababa patungong mataas na
antas ng pamumuhay, samantalang ang pagsulong
naman po ay ang resulta ng proseso ng pag-unlad

Magaling! Maaari ba uli kayong magbigay ng halimbawa ng


pag-unlad?
- Halimbawa na lamang po nito ay ang mga
makabagong teknolohiya na ating ginagamit sa
kahit saang aspeto ng pamumuhay sa
kasalukuyan.

Mahusay! Ngayon ay ipasa na ninyo ang inyong takdang-


aralin - (Ibinibigay ng mga mag-aaral ang kanilang mga
takdang-aralin)

B. Pagganyak

Bago tayo pormal na magpatuloy ay mayroon akong


inihandang laro sa inyo? Alam ba ninyo ang larong charades?
- Opo Ma’am
Mainam! Iyon ay ating magiging panimulang Gawain para sa
araw na ito. Bumuo kayo ng dalawang grupo, at sa bawat
grupo, ay pumili kayo ng isang representatnte na siyang
gagawa ng pagkilos. Sa bawat salita ay bibigyan ko kayo ng
isang minute upang hulaan ang mga salita. Ang grupong
mananalo ay magkakaroon ng karagdaang puntos sa inyong
pagsusulit mamaya.
- Opo Ma’am!
Handa na ba kayo?
Mga Salitaan:
- Likas na Yaman
- Yamang-Tao
- Kapital (Makinarya)
- Teknolohiya

Mahusay! Maaaring pakibigay ang mga pangalan ng nanalo


upang magkaroon ng karagdagang puntos sa ating maikling
pagsusulit mamaya.
- Sige po Ma’am!
Base sa mga salita na inyong naibigay, ano sa tingin ninyo an
gating tatalakayin ngayong umaga - Ang mga salita pong mga ‘iyan ay may kinalaman
pa rin po sa pag-unlad. Ito ay maaaring

Magaling! Ang ating tatalakayin nga natin sa araw na ito ay


mayroong kinalaman sa terminolohiyang “palatandaan”

May ideya ba kayo kung anong ibig sabihin ng salitang


palatandaan? - Ang ibig sabihin po nito ay sinyales Ma’am

Magaling! Ang tatalakayin nga natin sa araw na ito ay ang


mga palatandaan ng pag-unlad

C. Paglalahad

Bago natin umpisahan ay magsisimula muna ako sa


katanungang,

“Magkakaroon ban g pagsulong kahit walang pag-unlad?”

Maaari mo bang ibigay ang iyong katuwiran, _________?


- Para sa akin po ay hindi dahil nga po sa
pagpapakahulugan, hindi ka magkakaroon ng
resulta kung di ka dadaan sa proseso, ganun din
po sa pagitan ng pag-unlad at pagsulong, kung
walang pag-unlad, wala pong magiging pagsulong

Mahusay! Maraming salamat sa iyong pagbabahagi ng iyong


opinyon.
- Ito po ay may kaugnayan o pagkakahawig sa
salitang pagkakaroon ng “pagbabago”
Marami ang bansa sa kasalukuyang panahon ang di
maitatangging, progresibo at maunlad , maraming modernong
gusali ang naitatayo at gayundin marami ang korporasyon na
malaki ang kinikita subalit ay pagmamay-ari ng mga
dayuhang namumuhunan.Maliban sa mga namumuhunan ay
malaki rin ang naitutulong ng mga likas na yaman sa
pagsulong ng ng ekonomiya ng bansa. - Ito po ay may pagkakahawig sa salitang pag-
angat.

May ideya k aba kung bakit ito nakakatulong, __________?

Mahusay, ngunit hindi kasiguraduhan ang mga likas na - Ang pag-unlad po ay tumutukoy sa proseso na
yaman dahil sa ibang mga bansa ay hindi nila ito mabisang kung saan ito ay nakikita o nasusukat, mula sa
napapakinabangan dahil sa kadahilanang: mababa patungong mataas na antas ng
1. Kasalatan sa kalinisan pamumuhay, samantalang ang pagsulong naman
2. Pagsira ng mga kabundukan po ay tumutukoy sa resulta ng pag-unlad.
3. Paggamit ng mga ipinagbabawal na kagamitan sa
pangingisda at iba pa.

Ilan lamang iyan sa mga dahilan kung bakit walang


kasiguraduhan ang likas na yaman. Bukod sa Likas na yaman,
Maaaring ibigay pa ninyo ang ilan pa sa mga salik na
makakatulong sa pag-sulong ng bansa.

Maaari mo bang ibigay ang isa, _____________?


- Yamang Tao po Ma’am!
Bakit kasama ang Yamang Tao? Maaari mo bang ibigay ang
iyong saloobin ____________________?
- Dahil ang susi po sap ag-unlad ay ang mga tao,
bagkus ang mamamayan po ang siyang makina
upang gumana ang buong lipunan. Kung wala
pong yamang tao, walang gagawa ng produkto at
serbisyo, wala rin pong pagkonsumo at lalo pong
walang pag-unlad sa lipunan.

Magaling! Tayo ‘yan, kung mag-aaral tayo nang maigi, sa


hinaharap ay makakamit natin ang ating mga pangarap, at
gayundin magkakaroon tayo ng desenteng trabaho at bukod
pa roon ay ang inaasam-asam nating kaunlaran ng ating bansa
ay matutupad.

Papaano naman ang kapital? May ideya ka ba _________?


- Ito po ay ang mga makinaryang ginagamit sa
paggawa ng produkto at serbisyo.
Magaling! Ano ang gagamitin natin kung wala tayong
makinarya sa paggawa ng mga produkto at serbisyong ating
ikukunsumo, malamang sa malamang ay hindi natin maaabot
ang pinakaaasam-asam nating kaunlaran, bagkus ay nasa
pamamaraan pa rin tayo na kung saan ay kulang sa
produktibidad ang mga tao.

Dumako naman tayo sa konsepto ng pag-unlad, sinasabi nga


na ang pagsulong ay parte lamang ng pag-unlad, dahil
sinusukat ang kabuuang GNP,GDP, GNP per capita at real
GNP. Sa makatuwid ay hindi sapat ang numero, makabagong
teknolohiya, at nagtataasang gusali na siyang basehan natin sa
pag-unlad.

Ayon kay Fajardo, ang pagsulong ng ekonomiya ay dulot ng


mga dayuhang namumuhunan ngunit ito rin ay walang bias
kung hindi rin nararamdaman ng mga pangkaraniwang tao.
Ano kaya ang nais iparating sa atin ni Fajardo rito? May
ideya ka ba _____________________? - Maaari po na marami ang namumuhunan dito sa
ating bansa at marami ang kumikita nang hindi
naman naaapektuhan ang mga ordinaryong tao,
Para sa akin po, ang kaniyang tinutumbok ay
hindi pa rin natin matatawag na maunlad ang ating
bansa kung magpahanggang ngayon ay marami pa
rin ang naghihirap na walang makain at marami
pa rin po ang mga kababayan nating walang
matinong trabaho.

Magaling! Tama ang iyong sinambit, Dagdag pa rito ay ayon


kay Todaro at Smith sa kanilang Economic Development,
ayon sa kanila, ang pag-unlad ay isang multidimensiyonal.
Ano kaya ang ipinahihiwatig nila rito, may ideya ka ba
__________________? - Ang tinutukoy po nilang multidimensiyonal rito
Ma’am ay tumutukoy po sa maraming aspeto, una
po ang pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi
ng tao, mga pambansang institusyon, pagbilis ng
pagsulong ng ekonomiya, pag-alis sa kahirapan at
di pagkapantay-pantay ng mga mamamayan.

Magaling! Tama ang iyong sinabi, makakamit natin ang pag-


unlad kung aalisin natin ang iba’t-ibang balakid na maaaring
makasagabal dito. Gaya nga ng sinabi ko kanina, hindi sapat
ang numero, mga sasakyan at nagtataasang gusali upang
masabi na ang bansa ay maunlad. Maliwanag ba?

D.Paglalapat
Pangkatang Gawain

Bumuo ng limang grupo mula sa klase. Ang bawat grupo ay


papamahagian ng tigi-isang manila paper. Sa manila paper,
itala ang mga salik na nakatutulong sa pagsulong ng
ekonomiya ng bansa gamit ang concept mapping chart.
Gamit ang mga salik na iyong naitala, ipaliwanag kung
papaano pa mapagbubuti ang Pilipinas ang pagsulong ng
ekonomiya nito. Ang Gawain ay tatagal lamang ng 5 minuto
para gawin.

E. Paglalahat
Bago tayo magtapos ay muli nating titingnan kung talaga
nga na may natutunan kayo.
Ano-ano ang mga salik sa pagsulong ng ating bansa? - Likas na Yaman
- Yamang-Tao
- Kapital
- Teknolohiya at Inobasyon

Mahusay! Papaano naman natin mapapangalagaan ang mga


salik na ito? - Sa pamamagitan po ng tamang paggamit at di
pag-abuso sa mga ito nang sa gayon ay magamit
natin ito nang maayos di lang sa kasalukuyan pati
na rin sa hinaharap at sa wakas ay makamit na
natin ang inaasam nating pag-unlad.

Magaling! Ngayon ay maglabas ng ¼ na papel at tayo ay


magkakaroon ng maikling pagsusulit

IV. Pagtataya
Pangkatang Gawain: Pagkakapareho at Pagkakaiba

Manatili sa inyong grupo, Ngayon ay papamahagian kayo ng


inyong guro ng manila paper na mayroong Venn Diagram.
Isulat sa dalawang bilog ang pagkakaiba at pagkakapareho
ng Pagsulong at Pag-unlad

V. Takdang-Aralin

Para sa inyong takdang aralin, ilabas ang inyong kwaderno.

Ano ang HDI o Human Development Index?

Ano ang Kahalagahan ng Human Development Index?

You might also like