You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University


San Marcelino, Zambales, Philippines
College of Teachers Education

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9


EKONOMIKS
LEARNING COMPETENCY:
“Natutukoy ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran.”(AP9MSP-IVa-2)

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. nabibigyang kahulugan ang konsepto ng pag unlad;
b. nakabubuo ng isang sanaysay na may kinalaman sa kaunlaran.
c. napapahalagahan ang paraan upang makamit ang pagunlad ng bansa.

II. NILALAMAN
a. Paksa: Konsepto ng Pag-unlad
b. Kagamitan: Slide presentation
c. Sanggunian: Balitao et.al.,(2017)Ekonomiks:Araling Panlipunan-Modyul Para sa
Mag-aaral. Pasig City. Kagawaran ng Edukasyon. Pp. 380-388

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
1. Pagbati
Magandang umaga klas!
Magandang umaga din po ma’am
2.Panalangin
(Mananalangin)
(Mananalangin)
3. Pagtsetsek ng kalinisan
Pulutin ang mga kalat sa sahig at pakiayos
ang inyong mga upuan. (ang mga mag-aaral ay sumunod sa
guro)

3. Pagtatala ng lumiban sa klase


Kalihim, maaari mo bang itala kung sino ang
lumiban ngayong araw.? Ma’am si Rence po!

4. Pagbabalik-aral

Ano na nga ba ulit ang pinag-aralan natin


noong nakaraan? Ma’am tungkol po sa pamumuhunan
at pag-iimpok

Tama! Ano ba ang pag-iimpok at


pamumuhunan? Pag-iimpok po ma’am ay ang
pagtatabi po ng pera samantalang
ang pamumuhunan po ay paglalagak
ng salapi para makabuo o
makapagpatayo po ng negosyo!
Tama, tunay nga na nakinig kayo sa ating
talakayan noong nakaraang araw.

5. Pagganyak

Ngayon ay may ipapakita akong larawan


sainyo.
Ano ang napansin niyo sa larawan?

Ma'am napansin ko pong may


pagbabago po sa mga ito

Ma'am gumanda at napaginhawa na


Tama ano pa?
po ang kanilang buhay

Sige ano pa? Ma'am habang tumatagal po ay


umuunlad at nag I improve ang buhay
Magaling! Base sa larawan na ito meron ba
kayong ideya kung ano ang tatalakayin
natin?

B. Paglinang ng Aralin
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Ma’am ang atin pong tatalakayin ay
tungkol sa pag-unlad!
Tama! At ang ating tatalakayin ay tungkol
sa Konsepto ng pag-unlad!

Para sa inyo, ano ba ang pag-unlad? -Ma’am ang pagunlad po ay nagpapakita


ng kasaganahan at kaginhawaan ng
buhay!
Mahusay! ano pa?
-Ma’am ito po ay isang proseso ng pag-
angat ng ekonomiya

-Ma’am ito po ay isang pagbabagong


nagdadala sa ating kasaganahan.

Tama! ang pag-unlad ay isang


progresibo at aktibong proseso ayon kay
Feliciano Fajardo.

Ayon naman kay Merriam Webster, ang


pag-unlad ay pagbabago mula sa
mababa tungo sa mataas na antas ng Ma’am halimbawa po, noon may maliit po
pamumuhay.
kaming tindahan, ngayon po ay isa na
itong grocery store!
Magbigay nga kayo ng sitwasyon na
nagpapakita ng kaunlaran. Ma’am pagkakaroon po ng maayos na
buhay

Sige ano pa?


Tama. ngayon naman ay dadako na tayo Tradisyunal na pananaw- binigyang diin
sa dalawang konsepto ng pag-unlad ang pagunlad bilang pagtatamo ng
ayon kina Michael Todara at Stephen C. patuloy na pagtaas ng antas ng income
Smith. Ang tradisyunal na pananaw at
per capita nang sa gayon ay mas mabilis
makabagong pananaw.
na maparami ng bansa ang kanyang
Pakibasa nga output kaysa sa bilis ng paglaki ng
populasyon nito.

Makabagong pananaw- ang pag-unlad ay


dapat kumakatawan sa malawakang
pagbabago sa buong sistemang
panlipunan. Dapat ituon ang pansin sa
iba’t-ibang hangarin ng mga tao at grupo
sa nasabing sistema upang masiguro ang
paglayo mula sa di-kaaya-ayang
kondisyon ng pamumuhay tungo sa
kondisyon na mas kasiya-siya.

ang tradisyunal na pananaw ay


nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng
pagunlad sa bawat kita ng indibidwal.
Salamat. Sino ang nais magpaliwanag Kumbaga tumataas at patuloy na
kung ano ang tradisyunal na pananaw? tumataas ang kanilang kita

makabagong pananaw ay nagpapahiwatig


ng pag unlad sa lahat ng sektor ng
lipunan kasama ang pagkakaroon ng
kaunlaran sa teknolohiya at pagkakaroon
ng masaganang inobasyon.
Tama. Ano naman ang makabagong
pananaw?

Mahusay
Ngayon naman ay magkakaroon kayo ng
gawain.

Pipili ang guro ng tatlong mag-aaral na


magbabasa ng kanilang sanaysay sa
harap.
Panuto: Bumuo ng isang sanaysay
patungkol sa pagkakaintindi niyo sa
nilalaman na akda ni Amartya Sen ang
Nalinawan naba kayo sa pinupunto ni “Development as Freedoom” na
Amartya Sen? nagpapahiwatig na ang kaunlaran ay
matatamo lamang kung mapauunlad ang
yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa
Mabuti naman kung ganun. Ngayon yaman ng ekonomiya nito.
naman ay magkakaroon uli kayo ng
pagsubok.
(Ang mga mag-aaral ay gumawa ng isang
sanaysay)

Sagot: Tama Opo ma'am


Tama
Mali
Mali
Tama Panuto: Kung ang katanungan ay
TAMA pumalakpak ng tatlong beses at
kung MALI naman ay iwawagayway
nyo ang inyong mga kamay

1. May pagunlad kung may mga


nagtataasang gusali at naglalakihang
kalsada.
2. May pag unlad kung may mga
makabagong teknolohiya at makinarya
Ngayon ay atin namang unawain at suriin 3. May pag unlad kung laganap parin ang
ang iba’t ibang palatandaan ng pag- kahirapan.
unlad. 4. May pag unlad kung mababa ang
sahod.
5. May pag unlad kung may trabaho ang
Pagsulong mga mamamayan.

Base sa larawang ito, Maaari niyo bang


sabihin kung ano ang pagsulong?

Tama. Ano pa?

Maari kayang magkaroon ng pagsulong Ma'am ang pagsulong po ay nasusukat!.


kahit wala pang pag-unlad?
Ma'am isa po itong proseso tungo sa pag-
unlad

Mahusay! gaya nalang dito sa atin, sa -Opo ma'am. Posible po dahil ito ay isang
palagay niyo ba maunlad na ang ating proseso tungo sa pagbabago at
bansa dahil marami tayong mga building kaunlaran. Minsan po may prosesong
o imprastraktura? nagagnap Pero yung bunga po ay hindi
natin masasabing maganda

Tama!
-Hindi po ma'am dahil hindi papo
Upang mapaunlad ang isang bansa, may yumayaman o tumataas ang kita ng bawat
iba pang mga salik na maaaring isa!
makatulong sa pagsulong ng ekonomiya.

Upang malaman kung ano ano ito,


kinakailangan nating sagutin ang
inihanda kong 4 Pics 1 Word
Para sa iyo ano ba ang likas na yaman?

Likas na
Yaman
Ma’am ito po yung mga natural na
kayamanan na ipinagkaloob po
satin halimbawa po nito ay mga
mineral, mga hayop, puno at
marami pang iba

Ano naman ang ideya nyo sa yamang


tao? yamang Tao

Ma’am ito po ang lakas-paggawa. Mas


maraming output ang nalilikha sa isang
bansa kung maalam at may kakayahan ng
mga manggagawa nito.
Ano ba ang Kapital?
3. Kapital. Ma’am sinasabing lubhang
mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng
ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong po
ng mga kapital tulad ng mga makina sa
mga pagawaan ay nakalilikha ng mas
maraming produkto at serbisyo.

Tama.Ano ba ang naitutulong nito sa


atin?
4. Teknolohiya at Inobasyon.

Ma’am sa pamamagitan po ng mga salik


na ito, nagagamit nang mas episyente
Magaling! ang iba pang pinagkukunang-yaman
Maliban dito, ginagamit rin ang Human upang mas maparami pa ang mga
Development Index bilang isa sa panukat
nalilikhang produkto at serbisyo
sa pag- unlad ng isang bansa.

Ano nga ba ang Human Development


Index (HDI)?

HDI- Ito po ay tumutukoy sa


Salamat. binibigyang diin nito na ang pangkalahatang sukat ng kakayahan ng
mga tao at ang kanilang kakayahan ang isang bansa na matugunan ang
dapat na pinakapangunahing mahahalagang aspekto ng kaunlarang
pamantayan sa pag sukat ng pag unlad pantao
ng isang bansa, hindi lang ang kalusugan, edukasyon at antas ng
pagsulong ng ekonomiya pamumuhay
sa mga larawang ito maari niyo bang
sabihin kung ano- ang tatlong aspektong
sinusukat ng HDI?

Ma’am ito po ay sektor ng edukasyon!

Mahalaga po ito para magkaroon ng


maraming oportunidad na makakatulong
Bakit ba mahalaga ang edukasyon? Ano
ba ang naitutulong nito sa ating bansa? sa aming pamilya gayun din sa ating
bansa

Tama!
Ano naman ang ipinapakita nito?

Ma’am ito po ay pumapatungkol sa ating


kalusugan

Ma’am maaari pong mapabagal ang pag-


unlad dahil maapektuhan po ang
kalusugan ng bawat isa na kinakailangan
upang maging produktibo sa paggawa at
Okay tama. paano kaya nakakaapekto
ang kalusugan ng bawat isa sa pag- pagtatrabaho.
unlad ng ating bansa?
Ma’am ipinapakita po nito ang antas ng
pamumuhay ng mga tao.

Ma’am dito po natin malalaman kung sino


yung kinakailangan pa ng suporta, at hindi
upang makamit ang pagkapantay -pantay
ng bawat mamamayan.
Tama.
Ano naman ang ipinapakita sa larawang
ito? Opo ma’am!
Ano ba ang epekto ng antas ng
pamumuhay ng tao sa ating pagunlad?

Mahusay naintindihan niyo ba ang ating


tinalakay?

C. Pagbubuod
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Sabihin nyo nga uli kung ano ang
pagsulong?
Ma'am ito po ay isang proseso tungo sa
pag-unlad
Tama at ano naman ang pag- unlad
Ma'am ang pagunlad pp ay isang
malaking pagbabago na nagaganap sa
bansa kung San mula sa mababang kita
ay nagtutuloy tuloy ng tumaas and kinikita
ng mga manggagawa.

Mahusay! Tunay nga na nakinig kayo sa


ating talakayan ngayong araw.

D. Pagpapahalaga
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Sa inyong palagay, bakit mahalagang
talakayin ang mga palataandaan at
dahilan ng pag-unlad? Ma'am para alam po natin ang ating mga
gagawin tungo sa kaunlaran ng ating
bayan o bansa

Tama. At bilang isang mag-aaral, ano sa


iyong palagay ang iyong maitutulong sa
pagunlad ng ating bansa?
Ma’am mag-aaral po ako ng Mabuti

Magaling. Ano pa?


Pagiging makabansa po kung saan
tatangkilikin ko ang mga produkto natin.
Mahusay!

IV. Pagtatasa
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Alin sa mga sumusunod ang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang
lakas-paggawa?
A. teknolohiya at inobasyon
B. likas na yaman
C. yamang-tao
D. kapital
C
2. Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit ng mas episyente ang iba pang
pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at
serbisyo.
A. Lakas paggawa
B. Teknolohiya at inobasyon
C. Kapital
D. Yamang Tao
B
3. Bilang isang mag-aaral, anong paraan ang maaari mong gawin upang makatulong sa
pagsulong ng kaunlaran ng ating bansa?
A. Tangkilikin ang mga produktong murang ipagbenta ng ibang bansa.
B. Ugaliing manuod ng mga balita tungkol sa pag – unlad ng ibang bansa.
C. Pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
D. Wastong pagbabayad ng buwis
C.
4. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng pag-unlad maliban sa.
A. Pagpasok ng mga dayuhang namumuhunan
B. Pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay ng tao
C. Pagbawas sa di-pagkapantay pantay
D. Kaayusang panlipunan
A.
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?
A. Hindi ganap na maipapakita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
B. Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa.
C. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan rin ng pagtaas ng
kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan
D. Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyunal na panukat gaya ng GDP
C

V. Takdang-Aralin
Panuto: Gumawa ng Isang ISLOGAN tungkol sa pambansang kaunlaran na binubuo ng
12-15 salita sa isang malinis na oslo paper.

Pamantayan 10 7 4 1

Nilalaman Ang mensahe ay Di gaanong naipakita ang Medyo magulo Walang mensaheng
mabisang naipapakita mensahe ang mensahe naipakita
Kaangkupan sa May malaking Ang mensahe ay di Kaunti lang ang Walang kaugnayan sa
Tema kaugnayan sa paksa gaanong may kaugnayan kaugnayan sa paksa ang nagawa
sa paksa paksa
Kawastuhan Malinis na malinis ang Malinis ang pagkabuo Di gaanong Marumi ang
pagkakabuo malinis ang pagkakabuo
pagkabuo
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at malinaw ang Maganda ngunit Di maganda at hindi
napakalinaw ng nagawa pagkakagawa hindi gaanong malinaw ang
malinaw ang pagkakagawa
pagkakagawa

Iwinasto ni: Inihanda ni:


Rebecca A. Ancho Dana May M. Herzano
Teacher IV AP Student

You might also like