You are on page 1of 22

MASUSING BANGHAY ARALIN sa Araling Panlipunan

Grade IX: EKONOMIKS


Tagapagturo: Syrene L. Paguia Baitang/Antas: Grade 9
GRADES Asignatura: EKONOMIKS
K1-12 Markahan: Ikatlong Markahan
I. LAYUNIN
A. Pamantayan Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman
g Nilalaman tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng
kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
B. cPamatayan Ang mga mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang
Pagganap pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
C. Pamantayan Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi
sa
Pagkatuto
D. Kasaysayan Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
sa
Pagkatuto/ a. Natutukoy ang mga bumubuo sa sektor ng pananalapi;
Mga tiyak
na layunin b. Nakagagawa ng iba’t-ibang malikhaing presentasyon patungkol sa mga bumubuo sa
sektor ng pananalapi; at

c. Naipahahayag ang kahalagahan na ginagampanan ng bawat sektor ng pananalapi sa


ekonomiya ng ating bansa

II. NILALAMAN A. Paksa: PATAKARANG PANANALAPI


: Mga bumubuo sa sektor ng pananalapi
B. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Projector, Laptop, Bond paper at iba pang visual
aids.
C. Sanggunian: 1. Araling Panlipunan (Most Essential Learning Competencies)
2.Araling Panlipunan 9: Ekonomiks(LM)
Kagamitang Panturo
A. Sangunian Araling Panlipunan 9: Ekonomiks
1. Mga pahina
sa gabay ng
guro
2. Mga pahina LM, 7-9
sa
kagamitang
pang mag-
aaral
3. Mga pahina Araling Panlipunan 9:: Ekonomiks, pahina 309-316
sa teksbuk
4. Karagdagan
g kagamitan
mula sa
portal
learning
resource
5. Integration Values, TLE, History, Political Science, Music

6. Teaching Constructivism, Multiple Intelligence


Approaches
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
III. PAMAMARAAN
Pang araw-araw na Panalangin
gawain Tumayo ang lahat para sa ating panalangin
na pangungunahan ni Herna.
(2 minutes) (Tatayo ang lahat at mananalangin na
pangungunahan ni Herna.)
Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat!
Magandang umaga din po Ma’am.
Ngayon ay nais ko na ngitian ninyo ang
inyong mga katabi at batiin ng magandang
umaga binibini para sa mga babae, at
magandang umaga ginoo naman para sa
mga lalaki.
(Susunod ang mga mag-aaral)
Kumusta kayong lahat?

Mabuti naman po Ma’am.


Mabuti naman kung ganun.

Pagpuna sa Paligid

Bago maupo ayusin muna ang


pagkakahanay ng inyong mga upuan,
pulutin ang mga kalat na inyong nakikita
sa ilalim ng inyong mga upuan at itapon ito
sa tamang basurahan.
(Susunod ang mga mag-aaral)

Maari na kayong maupo.


(Susunod ang mga mag-aaral)

Pagtala ng Liban
Mayroon bang liban sa klase ngayong
araw?
Wala po Ma’am.
Magaling klas! Ako’y natutuwa sapagkat
kayong lahat ay naririto ngayong umaga
upang matuto.

Pagkuha ng Takdang Aralin.


Mayroon ba akong ibinigay na takdang-
aralin sa inyo?
Wala po Ma’am.

Kung gayon, tayo ay magpapatuloy na sa


ating aralin ngayong araw ngunit bago ang
lahat nais ko lamang ipaalala sa inyo na
bawal gumamit ng selpon sa loob ng klase
maliban lamang kung ito ay aking
pahihintulotan. Naunawaan ba klas?
Opo Ma’am.
Kapag sinabi kong Grade 9 klas, ang
inyong itutugon lamang ay yes, yes,
ma’am awoo, awoo! Naunawaan ba?
Opo Ma’am

Kung gayon, maaari nang umupo ng


maayos at ihanda ang inyong mga sarili
para sa ating mga gawain ngayong araw.
(Susunod ang mga mag-aaral)

a. Balik- aral GAWAIN 1: BALIK-TANAW!


sa
nakaraang Bago tayo tumungo sa ating bagong
aralin paksang tatalakayin atin munang balikan
ang ating nakaraang aralin. Tingnan natin
(5 minutes) ko nga kung inyo pa itong naaalala.

Ano na nga ang paksang ating tinalakay


nakaraan?
(Tataas ng kamay si Risa)
Ma’am ito po ay patungkol sa expansionary
money policy at contractionary money
policy.

Kailan na nga nangyayari ang


expansionary money policy, Argie?
Ma’am ang expansionary money policy po
ay nangyayari kapag nais ng pamahalaan na
hikayatin ang mga negosyante na palaguin
ang kanilang negosyo kaya’t ibinababa nila
ang interes sa pagpapautang.
Magaling! Ano pa, Rolin?

Ma’am dahil po sa mababang interes


marami ang nabibigyan ng trabaho at tataas
ang demand dahil marami ang
magkakaroon ng kakayahan na bumili ng
produkto.
Tama klas! Kailan naman nangyayari ang
contractionary money policy, Cheren?
Ma’am kapag tumaas po ang demand tataas
din ang presyo at maaapektuhan ang presyo
ng mga salik ng produksiyon.

Ano naman ang ginagawa ng pamahalaan,


Angielyn?
Ma’am binabawasan po ng pamahalaan ang
puhunan at produksiyon gayundin
bumababa ang sahod ng mga manggagawa
dahil dito bumababa ang paggasta ngunit
bumabagal ang pag-unlad ng ekonomiya.

Magaling! Tumpak ang inyong mga


kasagutan. Ako’y nagagalak dahil naaalala
pa ninyo ang ating nakaraang tinalakay.
Bigyan ninyo ng barangay clap ang inyong
mga sarili.
(Papalakpak ang mga mag-aaral)
Naunawaan na ba ninyo ang ating
nakaraang tinalakay?
Opo Ma’am.
Mayroon pa ba kayong mga katanungan?
Wala na po.
Kung wala na atin nang simulan ang ating
talakayan.
B. Paghahabi sa GAWAIN 2: PASS THE COIN!
layunin Sa pagsisimula ng ating talakayan ay
mayroon akong gawain na inihanda at ito
(5 minutes) ay aking pinamagatang:

PASS THE COIN!

Basahin ang panuto, Realy

Naunawaan ba ang ating panuto klas?

Bago natin simulan ang ating gawain, nais Opo Ma’am.


ko munang itanong kung sino sa inyo ang
nakakaalam kung sino sa ating mga bayani
ang nakaukit ang larawan sa piso na barya?

(Tataas ng kamay si Alvin)


Sige nga Alvin.

Ma’am si Dr. Jose P. Rizal po.


Tama! Ang nasa larawan ay si Dr. Jose P.
Rizal, ang ating pambansang bayani.

Sa palagay ninyo bakit kaya larawan ng


ating mga bayani ang nakaprinta sa pera ng
ating bansa, Eden?
Ma’am, upang palagi po nating maalala ang
kanilang nagawa para sa ating bansa.
Magaling! At dahil nga ang pera ay ating
ginagamit araw-araw ang mga larawan dito
ay nagpapaalala ng kasayasayan ng ating
bansa at ang ating mga magigiting na
bayani.

Ngayon ay atin na ngang sisimulan ang


ating gawain. Kapag narinig ninyo ang
kanta, ito ay hudyat na magsisimula na ang
pagpasa ng barya.

(Magsisimula na ang mga mag-aaral sa


pagpasa ng barya)
Hiziel dahil ikaw ang may hawak ng barya,
pumunta ka sa harapan at itapat ang
akmang tagline para sa unang larawan.

(Susunod ang mga mag-aaral)


"MURA, MABILIS, WALANG
KUSKOS-BALUNGOS!”
Tama ba ang kasagutan ni Hiziel, klas?

Opo Ma’am.
Magaling! Ngayon ay ipasa na ninyong
muli ang barya.

(Susunod ang mga mag-aaral)


Ruwil, dahil ikaw ang may hawak ng barya
pumunta sa harapan at itapat ang akmang
tagline para sa ikalawang larawan.

“MAKE THE BEST HAPPEN”


Tama ba ang kasagutan ni Ruwil?

Opo Ma’am.
Mahusay Ruwil! Ngayon ay ipasa na ninyo
ulit ang barya.
(Susunod ang mga mag-aaral)

Angelo dahil ikaw ang may hawak ng


barya, pumunta ka sa harapan at itapat ang
tagline na akma sa ikatlong larawan.

“WE FIND WAYS”

(Susunod ang mga mag-aaral)

Tama ba ang kasagutan ni Angelo, Resty?


Opo Ma’am.
Magaling! Ipasa na ninyong muli ang
barya. (Susunod ang mga mag-aaral)

Jenny, dahil ikaw ang may hawak ng barya


pumunta ka sa harapan at itapat ang
akmang tagline para sa ikaapat na larawan.

“LIFE’S BRIGHTER UNDER THE


SUN”

Opo Ma’am.
Tama ba ang kasagutan ni Jenny, Salvie?

(Susunod ang mga mag-aaral)


Magaling! Ngayon ay ipasa na ninyong
muli ang barya.

Daryen dahil ikaw ang may hawak ng


barya, pumunta ka sa harapan at itapat ang
akmang tagline para sa ating huling
larawan.

“MAAASAHAN NG LINGKOD-
BAYAN’

Opo Ma’am.

Tama ba ang kasagutan ni Daryen, Ramil?

(Susunod ang mga mag-aaral)


Magaling klas! Bigyan ninyo ng
limang palakpak ang inyong mga
kamag-aral.

Ngayon, base sa ating natapos na Ma’am ang paksang ating tatalakayin


gawain ano kaya sa palagay ninyo ang ngayong araw ay patungkol po sa sektor ng
paksang ating tatalakayin ngayong pananalapi.
araw, Jason?

Tama! Ito ay patungkol sa mga Opo Ma’am.


bumubuo sa sektor ng pananalapi. May
alam ba kayo na sektor ng pananalapi
dito sa ating Munisipyo?
Ma’am ito ay ang Palawan Pawnshop,
Ano-ano ang mga sektor ng pananalapi Paleco,
na mayroon tayo, Neca?
at BDO.

Tama! Ibat-ibang sektor ng pananalapi


ang mayroon dito sa ating Munisipyo
na malaki ang naitutulong sa ating
araw-araw na pamumuhay.

Bago tayo magpatuloy narito muna ang (Babasahin ng mag-aaral)


mga layunin na dapat nating
maisakatuparan pagkatapos ng
talakayan. Basahin ninyo ito ng sabay-
sabay.

Opo Ma’am.

Naunawaan ba ang ating layunin, klas? Ma’am, ano-ano po ang mga bumubuo sa
sektor ng pananalapi?
Ngayon ay bibigyan ko kayo ng
pagkakataon na bumuo ng inyong mga Ma’am, paano po nakatutulong ang sektor
katanungan. Sige nga, Jessa ano ang iyong ng pananalapi sa pamumuhay ng mga tao?
katanungan?

Magandang katanungan, ano pa Judalyn?

Magaling! Ngayon, ako ay mayroon ding


inihandang katanungan para sa inyo. Kim,
basahin mo ng may wastong lakas ang
mahalagang katanungan.

Ang mga katanungan na inyong ibinahagi


at mahalagang katanungan ay ating
masasagot sa pagpapatuloy ng ating
talakayan.
C. Pag-uugnay ng Gawain 3: AMOS, MAPAMASYAR
mga halimbawa sa KITA!
bagong aralin.
Sa ating pagpapatuloy mayroon akong
(5 minutes) inihandang kanta at nais ko na itala ninyo
sa inyong mga kwaderno kung ano ang
mga sektor ng pananalapi na mababanggit
sa kanta. Naunawaan ba klas?
Opo Ma’am.
Ngayon ay narito ang kanta na aking
inihanda.

(Manunuod ang mga mag-aaral)


Base sa inyong napanuod, ano ang unang
institusyong nabanggit sa kanta, Jason?
Ma’am First Consolidated Bank at BDO
po.
Tama! Ngayon klas, sino dito sa inyo ang
sumasama sa magulang na pumunta sa
mga institusyong ito? (Tataas ng kamay ang mag-aaral)

Sige nga. Edell, ano naman ang


transaksiyon na ginagawa ng iyong
magulang dito?
Ma’am, dito po sila nag-iipon ng pera.
Maraming Salamat! Sino pa klas?
(Tataas ng kamay ang mag-aaral)

Jenny, ano naman ang transaksiyon na


ginagawa ng iyong magulang sa mga
institusyong ito?
Ma’am dito po kami nag-iipon ng pera at
dito rin nangungutang para sa negosyo po
namin.
Maraming Salamat! Ngayon klas, sino
naman dito sa inyo ang may mga tindahan?
(Tataas ng kamay ang mga mag-aaral)

Eden, ang puhunan ba ng inyong mga


magulang sa pagpapatayo ng inyong
tindahan ay sariling puhunan o sila ay
umutang din sa mga institusyong ito?

Ma’am, umutang po ang mga magulang ko


sa institusyong ito.
Ngayon klas, base sa kasagutan ng inyong
mga kamag-aral ano kaya ang unang
bumubuo sa sektor ng pananalapi?
Kimberly?
Ma’am mga bangko po.
Magaling! Ang unang bumubuo sa sektor
ng pananalapi ay mga institusyong bangko.

Ano naman ang ikalawang nabanggit na


mga institusyon sa ating kanta, Chares?
Ma’am mga kooperatiba po, gaya ng
Paleco.
Tama! Kayo ba klas ay isa rin sa
nakikinabang ng serbisyo ng Paleco?

Opo Ma’am.
Ano pa ang ibang nabanggit, Rolin?
Ma’am, Palawan pawnshop at cebuana po.
Klas, sino dito sa inyo na ang mga
magulang ay mahilig sa alahas?
(Tataas ng kamay si Risa)

Risa, ano ang ginagawa ng iyong


magulang sa kanyang mga alahas kapag
kailangan nila ng pera at walang ibang
mapagkukunan?
Ma’am isinasangla po sa pawnshop.
Sa tingin niyo klas maaari bang mag-
impok ng salapi dito sa pawnshop kagaya
sa mga bangko?
Ma’am hindi po.
Kung gayon, ano kaya ang ikalawang
bumubuo sa sektor ng pananalapi?
Ma’am, hindi bangko.

Magaling klas! Ang ikalawang bumubuo


sa sektor ng pananalapi ay mga
institusyong di-bangko.

Ano na nga ang una at ikalawang bumubuo


sa sektor ng pananalapi?
Mga institusyong bangko at mga
institusyong di-bangko.

Ngayon tayo ay dadako na sa ikatlo at


huling bumubuo sa sektor ng pananalapi.
Sa ating nakaraang aralin ay ating
tinalakay ang tungkulin ng Banko Sentral
ng Pilipinas, ano na nga ulit ito Alvin?
Ma’am, sila po ang nangangasiwa ng salapi
ng bansa at nagpiprinta ng pera ng bansa.

Tama! Ngayon naman klas base sa


tungkulin ng BSP ano kaya ang ikatlong
bumubuo sa sektor ng pananalapi?
Ma’am mga regulator po.

Magaling klas, ito ay ang mga regulator.


Ano na nga ang tatlong bumubuo sa sektor
ng pananalapi?
Mga institusyong bangko, di-bangko at mga
regulator.
Naunanawaan na ba ninyo ang mga
bumubuo sa sektor ng pananalapi?
Opo Ma’am.
May katanungan pa ba o nais linawin?
Wala na po.

Kung wala na tayo ay tutungo na sa ating


talakayan upang lubos ninyong
maunawaan ang ating paksa.
D. Pagtalakay ng Gawain 4: MAKINIG, MATUTO AT
bagong konsepto at MAKIBAHAGI!
paglalahad ng
bagong kasanayan Ngayon ay ating aalamin ano-ano nga ba
#1 talaga ang mga institusyong nakapaloob sa
institusyong bangko, institusyong di-
(6 minutes) bangko at mga regulator sa pamamagitan
ng isang bidyo. Nais ko na itala ninyo sa
inyong mga kwaderno ang mga
mahahalagang impormasyon dahil kung
sino man ang makakasagot ng tama sa
aking katanungan mamaya ay mayroong
matatanggap na gantimpala.

Ngunit bago ang lahat ano ang pumapasok


sa inyong isipan kapag naririnig ninyo ang
salitang bangko, Myrna?
Ma’am, kapag nais po nating mag-ipon ng
pera maaari po natin itong ipunin sa
bangko.
Tama! Ang bangko ay isa sa mga
institusyong mapagkakatiwalaan kung nais
nating makapag-ipon at tumutulong na
mapalago ang ating kabuhayan sa
pamamagitan ng pagpapautang ng
puhunan.

Ngayon ay narito ang bidyo na aking


inihanda. Makinig ng mabuti at itala ang
mahahalagang impormasyon.
Manunuod ang mga mag-aaral)

Base sa inyong napanuod na bidyo ano-ano


ang mga napapaloob sa institusyong
bangko? (Tataas ng kamay si Realyn)

Sige nga Realyn.


Ma’am ito po ay ang commercial banks,
thrift banks, rural banks at specialized
government banks.

Mahusay! Ngayon naman ano ang


tungkulin ng institusyong bangko?
(Tataas ng kamay si Edell)

Sige nga Edell.


Ma’am tungkulin po ng institusyong
bangko na magbigay tulong sa mga
nangangailangan sa pamamagitan ng
pagpapautang ng salapi sa mga tao.

Tama! Ano naman ang napapaloob sa


insitusyong di-bangko?
(Tataas ng kamay si Kimberly)

Sige nga Kimberly.


Ma’am ito po ay ang kooperatiba,
pawnshop, pension funds, registered
companies, pre-need, at insurance
companies.

Magaling! Ano na nga ang napapaloob sa


pension funds, Philip?
Ma’am, SSS, GSIS, at PagIBIG Funds po.

Ano naman ang tungkulin ng institusyong


di-bangko klas?
(Tataas ng kamay si Ruwil)

Sige nga Ruwil.


Ma’am tungkulin po ng institusyong di-
bnagko na magbigay ng tulong sa mga tao
lalo na sa mga kasapi nito sa pamamagitan
ng pagpapautang ng salapi at pagbibigay ng
seguro o life insurance.
Magaling! Ang institusyong di-bangko
kagaya ng pension funds ay nagbibigay ng
seguro sa mga tao na kanilang magagamit
sa oras ng pangangailangan.
Ano naman ang mga napapaloob sa
regulator?
(Tataas ng kamay si Marjorie)

Sige nga Marjorie.


Ma’am ang napapaloob po sa regulator ay
ang Bangko Sentral ng Pilipinas, PDIC,
Security and Exchange Commission at
Insurance Commission.

Ano naman ang tungkulin ng mga


regulator, Ramil? Ma’am tungkulin po ng mga regulator na
panatilihin ang katatagan ng presyo ng mga
bilihin sa bansa at nagbibigay proteksyon sa
mga tao upang mapanatili ang patuloy na
paglago ng ating ekonomiya.

Magaling klas! Ang mga regulators ay


katuwang ng pamahalaan upang
mapangalagaan ang pananalapi sa ating
bansa. Bakit kaya mahalaga ang papel na
ginagampanan ng mga institusyong ito?
(Tataas ng kamay si Christine)

Sige nga Christine.


Ma’am dahil sa mga institusyong ito
marami ang nabibigyan ng pagkakataon na
mapaunlad ang kanilang kabuhayan at
nakalilikha ito ng maraming trabaho.

Tama! Ang mga institusyong nabanggit ay


may iba’t-ibang papel na ginagampanan sa
paglago ng ekonomiya ng ating bansa.

Ngayon klas naunawaan na ba ninyo ang


mga bumubuo sa sektor ng pananalapi?
Opo Ma’am.

Kung gayon may inihanda akong cluster


map at nais ko isulat ninyo dito ang mga
napapabilang sa institusyong bangko, di-
bangko at mga regulator. Pipili lamang ako
ng tatlong sasagot, tingnan lamang kung
sino sa inyo ang mayroong hugis tala sa
inyong mga korona. Naunawaan ba klas?
Opo Ma’am.

Kung gayon ay pumunta na dito sa harapan


ang tatlong mag-aaral at punan ang ating
cluster map. (Susunod ang mga mag-aaral)
Tama ba ang kanilang isinulat sa cluster
map klas? Opo Ma’am

Magaling! Tunay nga na naunawaan ninyo


ang ating tinalakay.

May nais pa ba kayong linawin klas?


Wala na po Ma’am.

Kung wala tayo ay tutungo na sa ating


gawain.
E. Pagtalakay ng GAWAIN 5: NATUTUNAN MO, I-
bagong konsepto at SHOW MO!
paglalahad ng
bagong kasanayan Ngayon klas, magkakaroon tayo ng
#2 pangkatang gawain at ito ay aking
(15 minutes) pinamagatang:

Ngunit bago ang lahat, sino ang mga


bayaning ating makikita sa piso, limang
piso, at sampong piso na bago?

(Tataas ng kamay si Risa)


Sino-sino sila Risa?

Ma’am sa piso po ay si Dr. Jose P. Rizal, sa


limang piso po ay si Andres Bonifacio at sa
sampong piso po ay si Apolinario Mabini.
Magaling! Ngayon ay papangkatin ko ang
klase sa tatlong pangkat. Tingnan lamang
ang mga larawan na nakadikit sa inyong
mga korona. Ang unang pangkat ay ang
pangkat Rizal, ang ikalawang pangkat ay
ang pangkat Bonifacio at ang ikatlong
pangkat ay ang pangkat Mabini. Magsama
sama ang bawat pangkat.

(Susunod ang mga mag-aaral)

Ang lahat ba ay nasa kagrupo na nila? PANUTO: Magpakita ng isang


malikhaing presentasyon na nag
Opo Ma’am.
Basahin ng sabay-sabay ang panuto.
Naunawaan ba ang panuto, klas?

Opo Ma’am.
Upang mabigyan kayo ng tamang
pagpupuntos narito ang ating pamantayan
sa pangkatang gawain. Basahin mo nga
ang ito Annaliza.
(Binasa ng malakas ni Annaliza ang
pagmamarka)

PAMANTAYAN SA PANGKATANG
GAWAIN
Batayan Puntos
Kaugnayan sa 15
paksa
Presentasyon 15
Kooperasyon 10
Kabuuang puntos 40

Pumili ng representante at kunin dito sa


harapan ang gawain na nakaatang sa inyo.
(Kukunin ng representante ng pangkat
Rizal ang kanilang gawain)

Kukunin ng representante ng pangka


Bonifacio ang kanilang gawain)

(Kukunin ng representante ng pangkat


Mabini ang kanilang gawain)
(Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral at
naghanda sa presentasyon)

Bibigyan ko lamang kayo ng limang


minuto upang maghanda ng inyong
presentasyon. Maaari na kayong
magsimula.

(Isinagawa ang presentasyon)

Tapos na ang itinakdang oras, ang lahat ay (Susunod ang mga mag-aaral)
umupo at makinig sa presentasyon ng
bawat grupo. Ngayon ay tunghayan natin
ang presentasyon ng unang pangkat. (Isinagawa ang presentasyon)

Magaling! Bigyan ng Rizal clap ang unang


pangkat. (Susunod ang mga mag-aaral)

Ngayon naman ay masasaksihan natin ang


presentasyon ng ikalawang pangkat. (Isinagawa ang presentasyon)

Mahusay! Bigyan sila ng Bonifacio Clap.


(Susunod ang mga mag-aaral)

Tunghayan naman natin ang presentasyon


ng ikatlong pangkat.

Wow! Kahanga-hanga ang inyong (Susunod ang mga mag-aaral)


ipinakita. Dahil diyan, bigyan ninyo sila ng
Mabini Clap.

Ako’y natutuwa sapagkat ang lahat ay


aktibong nakilahok sa ating gawain. Dahil
diyan bigyan ninyo ng good job clap ang
inyong mga sarili.

Ngayon ay magbibigay ako ng nakuhang


puntos ng bawat pangkat.

Unang Pangkat – 39 Wala na po Ma’am.

Ikalawang Pangkat – 40

Ikatlong Pangkat- 39

Mayroon pa ba kayong nais linawin?


F. Paglinang sa Kung wala na dadako na tayo sa ating
kabihasaan (Tungo katanungan.
sa Formative
Assesment) Base sa mga presentasyon ng pangkat
Rizal, bakit mahalaga ang papel na
(8minutes) ginagampanan ng institusyong bangko sa
pamumuhay ng mga tao at sa ekonomiya
ng bansa? Ang sasagot ay magmumula sa
pangkat Mabini.
(Tataas ng kamay si Anne)

Sige nga Anne Loraine.

Ma’am dahil sila po ang nagbibigay ng


pagkakataon sa mga tao na paunlarin ang
kanilang kabuhayan na nakatutulong sa
paglago ng ekonomiya.
Tama! Ano pa, Jason?

Ma’am ang institusyong bangko ay


nakatutulong upang ang mga taong maliit
ang kinikita ay mapalago ang kanilang
kabuhayan.
Magaling! Base naman sa presentasyon ng
pangkat Bonifacio bakit mahalaga ang
papel na ginagampanan ng institusyong di-
bangko? Ang sasagot ay magmumula sa
pangkat Rizal at Mabini.

(Tataas ng kamay si Chares)


Sige nga Chares.

Ma’am mahalaga po ang papel na


ginagampanan ng institusyong di-bangko
sapagkat kagaya ng institusyong bangko
sila po ay nagpapautang din sa mga
nangangailangan at nagkakaloob ng life
insurance na magagamit sa oras ng
pangangailangan.
Tama! Paano naman ito nakatutulong sa
ekonomiya ng ating bansa?
Ma’am nakatutulong po ang institusyong
ito sa ekonomiya ng bansa dahil
nabibigyang ng trabaho ang mga tao.
Magaling! Base naman sa presentasyon ng
pangkat Mabini bakit mahalaga ang
tungkulin ng mga regulator sa pananalapi MILITARISMO
sa ating bansa? Upang mapangalagaa

(Tataas ng kamay si Jessa)


Sige nga Jessa.
Ma’am dahil sila po ang nagbibigay
proteksyon sa mga tao at sinisiguro na tama
ang presyo ng mga bilihin.
Sa palagay ninyo, bakit hindi maaaring
maglikha ng maraming pera ang Bangko
Sentral ng Pilipinas upang ipamigay sa
mga tao at masolusyunan ang kahirapan,
Von?
Ma’am dahil po tataas ang inflation rate at
mawawalan ng halaga ang pera ng ating
bansa.
Tama! Bukod pa dito, magkakaroon ng
shortage dahil lahat ay may kakayahan na
bumili ng produkto na nais nila kaya’t
hindi maaaring maglikha ng maraming
pera ang ating bansa. Naunawaan ba klas?
Opo Ma’am.
Ang damdaming nasyonalismo ay
Kung gayon tayo ay tutungo na sa ating nagbunsod ng pagnanasa ng mga
mahalagang katanungan. Basahin at taong maging isang malayang
sagutin mo nga Alvin ang ating bansa. Kung minsan ito ay nagiging
mahalagang katanungan.
(Susunod ang mag-aaral)

Ma’am dahil po ang sektor ng pananalapi


ay nakatutulong lalo na sa mga walang
kakayahan na mamuhunan at nabibigyan po
ng trabaho ang mga mamamayan na
nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya
ng ating bansa. Panatikon

Magaling! Mahalaga ang papel na


ginagampanan ng sektor ng pananalapi sa
ating ekonomiya sapagkat nakatutulong ito
na maibigay ang pangangailangan ng mga
tao at ng ating bansa. May katanungan pa
ba klas o nais linawin sa ating tinalakay? g pagmamahal ang
Wala na po Ma’am.kaya lumilikha ng gaa.

Kung wala na ay dadako na tayo sa ating


susunod na gawain.
G. Paglalapat ng Sino dito sa inyo ang nakakita o nakagamit
aralin sa pang- ng ATM Machine?
araw-araw na (Tataas ng kamay ang mga mag-aaral)
Gawain.
Saan naman ginagamit ang ATM Machine,
(5minutes) Sunshine?
Ma’am kapag nag wiwithdraw po ng pera.

Tama! Ngayon mayroon akong ATM


Machine dito. Ang gagawin niyo lamang
ay ilalagay ninyo dito ang papel na
naglalaman ng inyong mga kasagutan.
Naunawaan ba klas?
Opo Ma’am.

Ang tanong ay ano ang kahalagahan ng


gamapanin ng sektor ng pananalapi sa
ekonomiya ng ating bansa? Bibigyan ko
lamang kayo ng dalawang minuto at
pagkatapos ay pipili ako ng magbabahagi
ng kanyang kasagutan.
(Magsisimula na ang mga mag-aaral sa
pagsagot)
Tapos na itinakdang oras, ilagay na ninyo
sa ating ATM Machine ang inyong papel.
(Susunod ang mga mag-aaral)
Von at Mariel kayo ang aking napiling
magbahagi ng inyong kasagutan.
(Sasagot ang mga mag-aaral)

Bigyan ninyo ng barangay clap ang inyong


mga kamag-aral. (Papalakpak ang mga mag-aaral)

Tama ang inyong mga kasagutan! Lagi


nating tatandaan klas na mahalaga ang
papel na ginagampanan ng sektor ng
pananalapi sa ating ekonomiya sapagkat
sila rin ang nagpapanatili na maayos na
sirkulasyon ng pananalapi sa ating bansa.
Hinihikayat din nila na ang mga tao ay
mag-impok upang may magamit sa oras ng
pangangailangan. Kaya’t kung kayo ay
magtatrabaho balang-araw lumapit sa mga
bangko na mapagkakatiwalaan at mag-
impok ng salapi.

Mayroon pa ba kayong mga katanungan?


Wala na po Ma’am.
H. Paglalahat ng Ngayon ay aking aalamin ang inyong mga
aralin natutunan sa ating tinalakay.

(3 minutes) Ano-ano na nga ang tatlong institusyong


napapaloob sa sektor ng pananalapi, Jedia?
Ma’am ito ay ang institusyong bangko, di-
bangko at mga regulator.
Mahusay! Nakamit ba ang ating mga
layunin klas?
Opo Ma’am.
Nasagot ba ang inyong katanungan at ang
ating mahalagang katanungan?
Opo Ma’am.
Patungkol saan ang ating paksang
tinalakay ngayong araw, Romeo?
Ma’am patungkol po sa mga bumubuo sa
sektor ng pananalapi.
Tama! Nawa ang inyong mga natutunan ay
huwag ninyong kalilimutan at inyong
ibahagi sa iba. Nawa ay inyong gamitin sa
hinaharap ang inyong natutunan at maging
daan ito upang umunlad ang inyong buhay.
Bago tayo dumako sa ating embalwasyon,
mayroon pa ba kayong mga katanungan?
Wala na po Ma’am.
Kung wala na bibigyan ko na kayo ng
pagtataya na susukat sa inyong natutunan.
Itago ang inyong mga kwaderno at ballpen
lamaang ang ilagay sa ibabaw ng inyong
mga upuan sapagkat ditto kayo sasagot
papel na aking ibibigay.
(susunod ang mga mag-aaral)

Ang lahat ba ay mayroon ng mga hawak na


ballpen?
(lahat) Opo Ma’am.
I. Pagtataya ng Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at
aralin isulat ito sa patlang bago ang numero.

(4 minutes) _____1. Alin sa mga sumusunod na


sitwasyon ang nagpapakita ng tungkulin ng
Rural Banks?
I. Si Mang Basilyo ay isang magsasaka at
hindi sapat ang kinikita niya kaya’t siya ay
nangutang sa isang bangko na tumutulong
sa mga magsasakang kagaya niya
II. Si Ibarra ay nag-iimpok ng kanyang
salapi sa isang bangko upang may magamit
sa oras ng pangangailangan
III. Si Aling Sisa ay may maliit na sari-sari
store at nais niyang itong palaguin kung
kaya’t siya ay lumapit sa isang bangko
upang mangutang
IV. Si Mang Elias ay nangutang sa isang
bangko at siya ay nakabili ng traysikel na
kanyang ginagamit sa pagtitinda ng mga
kakanin at iba’t-ibang uri ng gulay.
A. I, II, III
B. I, III, IV
C. I, II, IV
D. II, III, IV

____2. Ang mga sumusunod na pahayag ay


tumutukoy sa tungkulin ng kooperatiba.
Alin ang HINDI kabilang dito?
A. Ang Palawan Electric Cooperative ay
tinitiyak na naibibigay ang maayos na
serbisyo at daloy ng kuryente sa mga kasapi
nito.
B. Ang Roxas Water District Cooperative
ay sinisikap na maibigay sa mga kasapi nito
ang maayos at malinis na daloy ng tubig.
C. Ang San Miguel Farmers and Fishers
Multi-Purpose Cooperative ay nagbibigay
ng tulong sa mga magsasaka at
mangingisda na kasapi nito upang
mapalago ang kanilang kabuhayan
D. Ang Transport Cooperative ay
naniningil ng sobra-sobra sa mga pasahero
kahit labag na ito sa polisiya na
napagkasunduan ng mga kasapi nito.
____3. Ang mga sumusunod na pahayag ay
nagpapakita ng mga bumubuo sa sektor ng
pananalapi, MALIBAN sa?
A. Si Mang Crisostomo ay isang traysikel
drayber at kasapi ng BAYKA-TODA,
sinisigurado niya na tama ang sinisingil na
pamasahe sa mga pasahero.
B. Si Titser Karla ay kasapi ng institusyong
di-bangko at dito siya naglalagak ng
kanyang ipon na inilalaan sa pagreretiro.
C. Si Rosa ay isang matipid at
madiskarteng mag-aaral kung kaya’t ang
sobra sa kanyang baon ay itinatabi niya at
iniimpok sa bangko.
D. Si Francis ay isang kawani ng gobyerno
at sa tuwing darating ang kanyang sahod ay
kinakaltas na agad dito ang kanyang life
insurance.

____4. Bakit mahalaga ang papel na


ginagampanan ng bawat sektor ng
pananalapi sa pag-unlad ng ekonomiya ng
ating bansa?
I. Ang sektor ng pananalapi ay nagbibigay
tulong sa mga tao upang mapaunlad ang
kanilang kabuhayan
II. Ang sektor ng pananalapi ang nagiging
dahilan kung bakit ang mga tao ay
natututong mangutang.
III. Ang sektor ng pananalapi ay
nakatutulong na maibigay ang
pangangailangan ng mga tao at ng bansa
IV. Ang sektor ng pananalapi ay mahalaga
sa kinabukasan ng tao na makatutulong sa
patuloy na pag-unlad ng ekonomiya.
A. I, II, III
B. I, II, IV
C. I, III, IV
D. II, III, IV

____5. Si Mang Crispin ay nakapagpundar


ng isang negosyo sa tulong ng Commercial
Bank na ngayon ay kumikita na ng malaki
at nakapagpatayo pa siya ng negosyo sa
karatig probinsiya na kung saan marami
ang nabigyan ng trabaho. Paano nakatulong
ang sektor ng pananalapi sa ekonomiya ng
ating bansa?
I. Dahil sa sektor ng pananalapi nabigyan
ng pagkakataon ang mga tao na
makapagpatayo ng sariling negosyo na
nakatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya
ng ating bansa
II. Dahil sa sektor ng pananalapi
nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na
magkaroon ng maayos na trabaho na
makatutulong sa paglago ng ekonomiya ng
ating bansa
III. Dahil sa sektor ng pananalapi
nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na
yumaman at mabili ang kanilang mga
kagustuhan
IV. Dahil sa sektor ng pananalapi
natututong mamuhunan ang mga tao at
natutugunan ang kanilang mga
pangangailangan at ng ating bansa.
A. I, II, III
B. I, II, IV
C. II, III, IV
D. I, III, IV
Tapos na ba ang lahat sa pagsagot?
Opo Ma’am.

Kung ganon ay makipagpalit ng papel sa


inyong katabi para sa ating pagwawasto.
(Susunod ang mag-aaral)

Ngayon ay basahin ang unang katanungan (sumunod ang mag-aaral)


at ibigay ang iyong sagot, Jedia. Ang sagot po ay letrang B.

Tama! Basahin ang ikalawang katanugan, (sumunod ang mag-aaral)


Ruwil. Ang sagot po ay letrang D.

Magaling! Basahin ang ikatlong (sumunod ang mag-aaral)


katanungan, Resty. Ang sagot po ay letrang A.

Mahusay! Basahin ang ikaapat na (sumunod ang mag-aaral)


katanungan, Edell. Ang sagot po ay letrang C.

Tama! Ngayon, basahin mo ang huling (sumunod ang mag-aaral)


katanungan, Mariel. Ang sagot po ay letrang B.

Magaling! May nakakuha ba ng apat na Wala po Ma’am.


puntos?

Wala po Ma’am.
Ikatlong puntos pababa?

Ako’y natutuwa sapagkat matataas ang


inyong nakuhang puntos. Bigyan ninyo (1, 2,3, 4, 5)
ang inyong mga sarili ng limang palakpak.

Ngayon ay ilabas ang inyong mga


kuwaderno at isulat ang ating takdang- (susunod ang mga mag-aaral)
aralin.
J. Karagdagang GAWAIN 6: TAKDANG-ARALIN
Gawain para sa Basahin ang panuto, Marjorie.
takdang aralin at
remediation.
Takdang-Aralin:
(2 minutes) Panuto: Sa isang long bond paper,
iguhit ang iyong pangarap na
negosyo at isulat sa ibaba ang mga
paraan na iyong gagawin upang
lumago ito.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG
ISLOGAN
BATAYAN PUNTOS
Nilalaman 10
Organisasyon 10
Kaayusan 5
Kabuuang puntos 25

Tapos na bang kopyahin ang takdang-


aralin?
Opo Ma’am.

Iligpit ang inyong mga gamit, pulutin ang


mga basura sa ilalim ng inyong mga upuan
at tumayo ng tuwid. Paalam sa inyo mga
mag-aaral.
(lahat) Paalam din po Ma’am.
IV. MGA TALA
V. PAGNINILAY

Inihanda ni:
SYRENE L. PAGUIA
Tagapakitang-turo
Ipinasa kay:
MR. FRANK JOE MOJICA, MAEd
Tagasuri

You might also like