You are on page 1of 15

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9

MARSO 7, 2024
HUWEBES, 3:00-4:00 NG HAPON

I. LAYUNIN
Pamantayang Pangnilalaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa
pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kita.
Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman ungkol
sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran.
Pamantayan sa Pagkatuto: Natataya ang mga dahilan sa pagkakaroon ng implasyon. (AP9MAK-IIId-9)
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon;
b. nakabubuo ng dula-dulaan, balita at patalastas tungkol sa dahilan at posibleng
bunga ng implasyon; at
c. napahahalagahan ang pag-aaral ng implasyon sa pamamagitan ng mga gabay na
tanong ng guro.
II. PAKSANG ARALIN/NILALAMAN
A. Paksa Implasyon
B. Sanggunian Araling Panlipunan Ekonomiks – Ikatlong Markahan – Modyul 3 Implasyon.
C. Kagamitang Panturo Kagamitang biswal, laptop at telebisyon.
D. Integrasyon sa Ibang Filipino, Math, ICT
Asignatura
E. Estratehiya sa Sama-samang pagkatuto, Replektibong pagkatuto, Quiz
Pagtuturo
III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Pang- araw - araw na Gawain
1. Panalangin Pormal nating simulan ang hapong ito
ng isang panalangin.
Pero bago iyon ay inaanyayahan ko ang
lahat na tumayo, manahimik at itungo
ang mga ulo upang damhin ang
presensya ng ating panginoon.
Maaari mo bang pangunahan ang
panalangin natin Sofhia. Panginoon, maraming salamat po sa
paggabay niyo sa bawat isa sa amin. Mag-
aaral po kami ngayon, nawa po ay bigyan
niyo po kami ng sapat na talino upang
magamit naming sa pag-aaral. Nawa po ay
ilayo niyo po kami sa anumang kapahamakan
at karamdaman at ingatan nawa po kami sa
pang-araw-araw naming pamumuhay. Batid
po naming lahat na ang amin pong mga
kasalanan ay inyo na pong pinatawad. Ito
lamang po an gaming hiling sa pangalan ni
Jesus. Amen.

2. Pagbati Isang mapagpalang hapon sa inyong Isang mapagpalang hapon rin po Binibining
lahat! Morales!
3. Pagsasaayos ng Bago magsiupo ang lahat ay pakiayos Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga kalat at
Silid -aralan ang lahat ng upuan, pulutin ang lahat aayusin ang hanay ng mga upuan bago
ng kalat na nasa sahig. umupo.

Kung tapos na ay maaari na kayong


magsiupo.
4. Pag-alam ng Cj, bilang kalihim ng klase maari mo Wala po Ma’am
Liban bang sabihin kung sino ang liban
ngayong umagang ito?

Mahusay kung ganoon!


Nagagalak akong marinig ito mula sa
inyo sapagkat gusto ninyong matuto
mula sa ating magiging aralin ngayong
hapon.
5. Balik-aral Tungkol saan nga ang ating tinalakay
noong nakaraan?

Sige Gian Ma’am mula po sa tinalakay natin noong


nakaraan. Tinalakay po natin ang Ugnayan ng
Kita, Pag-iimpok at Pagkonsumo.
Ayan mahusay!

Ano pang tinalakay?


Sige MJ Ma’am pinag-aralan din po natin ang Kita na
kung saan dito pumapasok yung mga
halagang natatanggap ng mga tao kapalit ang
isang produkto o serbisyong ibinibigay nila.

Ikaw Sofia Tinalakay din po natin ang consumption


Ma’am na kung saan ito po ay ang paggamit
ng mga pera pambili ng produkto o serbisyo.

Ayan maraming salamat.

Sige may karagdagan ka pa ba mula sa


ating tinalakay Katherine. Tinalakay din po natin ang 7 Habits of a Wise
Saver na kinapaalooban ng mga sumusunod:
1. Kilalanin ang iyong bangko
2. Alamin ang produkto ng iyong bangko
3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa
iyong bangko
4. Ingatan ang iyong bank records at
siguraduhing up-to-date.
5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng
bangko at sa awtorisadong tauhan nito.
6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit
insurance
7. Maging maingat
Ayan maraming salamat.

Malinaw baa ng ating tinalakay


ngayong umaga?

Mahusay kung ganoon.


6. Pagwawasto ng Mayroon bang takdang aralin akong Meron po Ma’am
Takdang-aralin iniwan noong nakaraan?

Kung mayroon ay maaari na ninyong


ipasa sa akin.
B. Paghahabi sa Ngayon upang mabuksan ang inyong
Layunin ng Aralin isipan sa ating tatalakayin sa umagang
ito.

Magkakaroon tayo ng aktibiti na


tatawaging
I-Konek Mo!
Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat at
magbibigay ako sa bawat pangkat ng
mga larawan na ginupit-gupit. Ang
gagawin niyo ay bubuuin niyo ang
larawan at magbabahagi kayo ng
nahihinuha niyo rito.

Sige para sa unang pangkat.

Ang nahihinuha po naming sa larawan ay ang


pagtaas ng mga bilihin lalong lalo na yung
mga pangunahing pangangailangan natin.

Ikalawang pangkat

Napapakita mo pa sa larawan ang pagbaba ng


halaga ng perao ang pagbaba ng kayang
bilhin ng isang halaga dahil sa implasyon.

Ikatlong Pangkat

Makikita sa larawan na ang pera ay madaling


maubos dahilsa pagmahal ng mga bilihin.
Mahusay!
Nabuo at nabigyan ninyo ng
kahulugan ang mga larawan.
Sa tatlong larawan na binuo ninyo, may
ideya na ba kayo sa ating tatalakayin
ngayon? Ano sa tingin niyo ang paksa
natin?
Sa tingin ko po Ma’am ay tungkol sa
Sige Wilma Implasyon.
Ayan maraming salamat.
Tingnan natin kung tama ang hula ni
Wilma.

Pero bago iyon, pakibasa ng Layunin Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aarala
Gian. ay inaasahang:
a. natatalakay ang konsepto, dahilan,
epekto at pagtugon sa implasyon;
b. nakabubuo ng dula-dulaan, balita at
patalastas tungkol sa dahilan at posibleng
bunga ng implasyon; at
c. napahahalagahan ang pag-aaral ng
implasyon sa pamamagitan ng mga
gabay na tanong ng guro.
Iyan lamang ang layunin na nais
niyong tamuhin sa pagtatapos ng aralin
ngayong hapon.
C. Pag-uugnay ng Panuto: Ang mga mag-aaral ay
Halimbawa sa magbibigay ng isang letra upang
Bagong Aralin: mabuo ang salita na tinutukoy sa
pahayag.
I _ P _ _ S Y _ N (Implasyon)
Sige ikaw Khaven
Letrang M IM P_ _ SY_N

Sunod Ikaw Nona


Letrang L po. IMPL_SY_N

Sunod Olrick
Letang A po. I M P LAS Y _ N

Sunod ay Sofia
Letrang O po Ma’am I M P LAS Y O N

Ayan maraming salamat.

Ano ang salitang nabuo ninyo mula sa IMPLASYON po Ma’am


paghuhula ng mga letra?

Ayan mahusay!
Implasyon.
D. Pagtalakay ng Ngayon ay dumako na tayo sa
Bagong Konsepto at panibagong talakayan ngayong hapon.
Paglalahad ng
Bagong Kasanayan # Ang taing paksa ngayon hapon ay
tungkol sa Implasyon.
1
Kapag sinabing implasyon pakibasa Implasyon
Olrick Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng mga produkto sa
pamilihan. Sinasabing ang pagtaas ng presyo
ng mga bilihin sa pamilihan ay kaakibat na ng
ating buhay.

Kung baga isa na ito sa pinakang suliranin na


kinakaharap ng ating bansa.
Ito ay hindi na bago, kahit noong
Panahong Midyebal, ang presyo ay
tumaas ng apat na doble sa Europe.
Ang presyo ay tumataas bawat oras,
araw at linggo. Ito ay naganap na sa
Germany noong 1920.

Kahit naman sa Pilipinas ay naranasan


na ang ganitong sitwasyon sa panahon
pa lamang ng pananakop ng Hapon
kung saan ang salapi ay nawalan ng
halaga dahil sa napakataas na presyo ng
bilihin.

Ngayon narito ang mga klasipikasyon


pagdating sa Implasyon.
Sunod pakibasa Andrei. Klasipikasyon ng Implasyon
1. Demand Pull
Ito ay nagaganap kung mas mataas ang
demand ng mga produkto at serbisyo kaysa
sa supply na nasa pamilihan.

Ayan pagdating nga sa demand pull ito


ay nagaganap kung mas mataas ang
demand ng mga produkto at serbisyo
kaysa sa supply na nasa pamilihan.

Pakibasa ng sunod Vince Ayon kay Milton Friedman, isang


ekonomista na tumanggap ng Gawad Nobel,
ang pagkakaroon ng labis na sa salapi sa
sirkulasyon o money supply ang isang dahilan
kung bakit nagagawa ng bawat sektor na
pataasin ang kanilang demand.

Sunod Hannah Ang patuloy at walang tigil na pagtaas ng


demand. Kapag ang demand ay tumataas at
hindi ito matugunan ng suplay, ang
pangkalahatang presyo ng mga bilihin ay
tataas na siyang sanhi ng implasyon.

Maraming salamat.

Sa madaling salita, ang sobrang dami


ng pera sa ekonomiya ay nagpapataas
ng demand, na nagdudulot ng pagtaas
ng presyo. Ito ang dahilan kung bakit
mahalagang mapanatili ng gobyerno
ang tamang balanse ng pera sa
sirkulasyon upang maiwasan ang
mabilis na pagtaas ng presyo na
maaaring magdulot ng mga negatibong
epekto sa ekonomiya.

Pakibasa ng sunod Nona Dae 2. Cost-Push Inflation


Ang sanhi nito ay ang pagtaas ng gastusin sa
produksyon. Halimbawa: paghingi ng mataas
na sahod ng manggagawa, pagtaas ng presyo
ng hilaw na materyales, pagmahal ng
produktong langis.

Ayan maraming salamat


Dito makikita ang mga nagiging sanhi
sa pagtaas ng mga gastusin pagdating
sa produksiyon.

Sunod pakibasa Khaven 3. Structural inflation


 Ang pinagmumulan ng implasyon ay
ang kawalan ng kakayahan ng ilang
sektor na maiayon ang anumang
pagbabago sa lebel at dami ng
kabuoang demand ng ekonomiya.
Pagtutunggalian ng mga pangkat sa
lipunan upang makakuha ng
malaking bahagi sa kabuoang kita ng
bansa at tunggalian ng mga wage
earners at profit earners. Ang bawat
kilos at gawi ng mga sektor ng
ekonomiya ay nagiging sanhi ng
pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Salamat.

Malinaw ba sa inyo ang tatlong Opo Ma’am


klasipikasyon pagdating sa implasyon?

Kung ganoon ay magpatuloy tayo.

Dumako naman tayo sa Pagsukat ng


Pagbabago sa Presyo.

Ayan bago natin malaman kung


mayroon nga bang implasyong
nagaganap sa ating bansa,
kinakailangan natin na alamin kung
paano sinusukat ang mga pagbabago sa
bilihin.

Pagdating sa implasyon karaniwan ito


ang ginagamit ang Consumer Price
Index (CPI) mas kilala bilang panukat
ng average na pagbabago ng presyo ng
mga produkto na pangkaraniwang
kinokonsumo ng mga mamimili.

Pakibasa Katherine
Ang pamahalaan ang nagtatalaga ng mga
piling produktong nakapaloob sa basket of
goods.
Ang basket of goods ay naglalarawan ng mga
produktong kadalasang kinokonsumo at
kumakatawan sa mga pangunahing
Ayan maraming salamat pangangailangan at pinagkakagastusan ng
mamamayan.
Kumabaga mula sa market basket ang
price index ay nabubuo na siyang
kumakatawan sa kabuoan at average na
pagbabago ng mga presyo sa lahat ng
bilihin.

Ngayon naman ay alamin natin kung


ano ng aba ang Consumer Price Index
(CPI)

Pakibasa ng kahulugan ng CPI


Sige MJ Ang Consumer Price Index (CPI)
Sinusukat ang pagbabago sa presyo ng mga
produkto at serbisyong ginagamit ng mga
konsyumer. Batayan sa pagkompyut ng CPI
ang presyo at dami ng produktong
kadalasang kinokonsumo na nakapaloob sa
tinatawag na market basket.
Ang market basket ay ginagamit din
upang masukat ang antas ng
pamumuhay ng mga konsyumer.

Narito ang mga paraan ng pagkompyut


ng CPI (tunghayan ang haypotekal na
datos)
1. Pagkuha ng Tinimbang na Presyo
(Weighted Price)
2. Pag-alam sa Kabuoang Tinimbang
na Presyo (KTP)
3. Consumer Price Index (CPI)

Kapag nakuha na ang KTP ay maaari


nang makuha ang CPI ng 2001 at 2002
sa pamamagitan ng pormula:

KTP2002 (kasalukuyang taon)


CPI = KTP 2001 (basehang taon)
Gagamitan ng datos ang pormula:

1,762 x 100 = 120.93%


CPI = 1,457

CPI 2001 = 100% (ang base year sa CPI ay


laging nasa 100%)
CPI 2002 = 120.93% (ang total ng CPI ay hindi
na kailngang i-round off)

Inyong Suriin ang Haypotetikal na


Datos
Malinaw na ba sa inyo ang pag
kompyut ng Comsumer Price index?

Ayan kung ganoon ay dumako na tayo


sa kahalagahan ng Consumer Price Opo Ma’am
Inde (CPI)

Pakibasa Precious  Ang CPI ay isang mahalagang


instrumento na ginagamit sa
paglalarawan ng ating ekonomiya.
 Sa pamamagitan nito, nababatid ang
cost of living o halaga na kailangan
upang mabuhay at makabili ng mga
pangunahing produkto na mahalaga
sa pamumuhay.

Ayan maraming salamat

Sunod.
 Ang inflation at deflation rate ay
Pakibasa Sofia
nababatay rin sa CPI ng bawat
buwan at taon.

Ayan ang Inflation rate ay nagpapakita


ng patuloy na pagtaas ng presyo, ang
Deflation rate naman ay
nagpapahiwatig ng pagbaba ng
pangkalahatang presyo sa pamilihan.
Opo Ma’am
Malinaw ba ang inflation?

Ang CPI ay ginagamit din sa pag-alam


ng Purchasing Power of
Peso/Purchasing Power Parity (PPP)
o ang kakayahan ng piso na makabili
ng produkto at serbisyo.

Kapag ang CPI ay patuloy na tumataas,


ang kakayahan na makabili ng piso ay
bumababa.

Ngayon naman ay dumako tayo sa


pagkompyut ng antas ng Implasyon o
Deplasyon

Sa pagtanto ng implasyon o deplasyon


ay ginagamitan ng pormulang:

CPI2002 – CPI2001
Inflation Rate = CPI2001 X 100

Kapag ang pagtaas ay positibo, ito ay


implasyon, kapag negatibo, ito ay
deplasyon.
Gawin nyong batayan ay ang sa
Haypotetikal na datos para makompyut
ninyo ang antas ng implasyon at
deplasyon.
Halimbawa batay sa haypotetikal na datos:
CPI2002 = 120.93%
CPI2001 = 100%
= 120.93 – 100 X 100
100
= 20.93% (inflation rate sa taong
2002)

Ayan nakuha baa ng pagkuha ng antas


ng implasyon at deplasyon? Opo Ma’am

Mabuti kung ganoon.

Magpatuloy na tayo sa sunod.


Pakibasa naman ako Gian. Purchasing Power of Peso/Purchasing Power
Parity (PPP)
Ang implasyon ay nakaaapekto sa
kakayahan ng piso na makabili ng
produkto, ito ang tinatawag na
Purchasing Power of Peso (PPP).

Ma’am ang PPP at ang Purchasing Power of


Peso po ay parehong mahalaga sa pag-unawa
sa ekonomiya at sa paggawa ng desisyon na
may kaugnayan sa pera, tulad ng pag-iinvest
at pag-iipon.
Ayan maraming salamat.

Ngayon naman ay dumako tayo sa mga


Dahilan, Epekto at Pagtugon sa
Implasyon

May pagkakataon na ang implasyon ay


tanda lamang ng pagbuti ng ekonomiya
ng isang bansa, ngunit sa isang bansang
tulad ng Plilipinas, ang implasyon ay
nagpapahirap lamang sa mga
mamamayan lalo na sa mahihirap na
pamilya.

Makikita sa dayagram ang iba pang


dahilan na nagiging daan sa
pagkakaroon ng implasyon.

Mula po sa dayagram nay an makikita yung


mga iba’t ibang dahilan kung bakit
nagkakaroon ng implasyon.
Pagdating sa Implasyon mayrron itong
mabuting epekto.

Pakibasa Andrei. Mabuting Epekto ng Implasyon


Sinasabi ng ilang ekonomista na ang pagtaas
ng presyo ay tanda lamang ng pag-unlad ng
produksiyon at ekonomiya, na humihikayat
sa mga negosyante na pagbutihin at pataasin
ang produksiyon.

Kapag maraming negosyante ang naganyak


magtayo ng negosyo, mababawasan ang
suliranin sa kawalan ng trabaho sa ating
bansa.
Sunod naman ay ang hindi mabuting
epekto ng implasyon.
Pakibasa Gian at bigyang paliwanag o Hindi Mabuting Epekto ng Implasyon
pag kakaunawa ang binasa. Malaking bahagdan ng ating mamamayan
ang mawawalan ng kakayahan na makabili
ng mga pangunahing pangangailangan sanhi
ng mataas na presyo.
Sa pagtugon sa Implasyon
Ang implasyon ay suliraning pang-
ekonomiya na patuloy na nararanasan
ng bansa.

Bagama’t malaki ang bahaging


gagampanan ng pamahalaan sa
paglutas ng problema ukol sa pagtaas
ng presyo, ang paglutas o pagbawas ng
implasyon ay gampanin ng bawat isa sa
atin.

Malinaw na bas a inyo ang tinalakay


natin ngayong hapon? Opo Ma’am.
E. Pagtalakay ng Ngayon ito ay inyong sagutan.
Bagong Konsepto at
Paglalahad ng Gawain: Loop-A-Word
Bagong Kasanayan Panuto: Hanapin ang mga salitang may
kinalaman sa implasyon at bilugan ito.
#2
Susing Sagot
1. Consumer Price Index
2. Implasyon
3. Deplasyon
4. Presyo
5. Basket of Goods
6. Hyperinflation
7. Cost of Living
8. Base year
9. Purchasing Power of Peso
10.Tinimbang na presyo
Ayan sino ang nakakuha ng sampung
puntos. Magtataas ang lahat.

Mahuhusay kung ganoon


F. Paglinang sa Upang higit pang paunlarin ang inyong
Kabisaan( Tungo sa kaalaman, may ibibigay ako na
Formative pangkatang gawain.
Assessment #3
Bumilang sa isa hanggang tatlo upang Isa, dalawa, tatlo
mahati sa tatlong pangkat.

Narito ang inyong pamantayan sa aking


pagmamarka.
Basahin ng lahat.

Pamantayan Puntos
Presentasyon 50
Malikhain 20
Organisasyon 10
Kaangkupan 10
Disiplina 10
Kabuoan 100

Para sa unang pangkat.


Panuto: Bumuo ng balita tungkol sa
dahilan at posibleng bunga ng
implasyon.

Ikalawang Pangkat
Panuto: Bumuo ng dula-dulaan tungkol
sa dahilan at posibleng bunga ng
implasyon.

Ikatlong Pangkat
Panuto: Bumuo ng patalastas tungkol
sa dahilan at posibleng bunga ng
implasyon.

Malinaw ba ang gagawin ng bawat Opo Ma’am


pangkat?

Maaari na kayong magsimula.


Bibigyan ko lamang kayo ng sampung
minuto sa paghahanda.

Ayan tapos na ang sampung minuto


maaari na kayong magpresenta.
Magpepresenta ang unang pangkat.

Magpepresenta ang ikatlong pangkat.

Magpepresenta ang ikatlong pangkat.


Ayan mahusay!
Bigyan natin sila ng limang angat.
Ayan napakahuhusay ng bawat
pangkat. Narito ang nakuhang mga
marka ng bawat pangkat

Para sa unang pangkat nakakuha sila ng


94 na puntos.
Sa ikalawang pangkat naman ay 93 na
puntos ang nakuha

Palakpakan aang inyong mga sarili


sapagkat nakagawa/nakabuo kayo ng
magandang gawain. At nakapagbahagi
pa kayo ng mga karagdagang
kaalaman.
G. Paglalapat ng Aralin Bilang isang kasapi ng lipunan, bakit
sa Pang-araw-araw mahalaga na may kamalayan tayo sa
na Buhay konsepto ng implasyon?

Sige Resty. Ma’am ahalaga po na maunawaan natin ang


implasyon dahil malaki ang papel na
ginagampanan nito sa ating ekonomiya, at ito
ay maaaring makaapekto sa kita at sa ating
ipon.
Ayan maraming salamat Resty.

Sunod ikaw naman Troy


Sa pagkakaroon ng kamalayan po Ma’am sa
implasyon, mas nauunawaan natin kung
paano ito makakaapekto sa ating pang-araw-
araw na buhay, mula sa presyo ng mga
pangunahing bilihin hanggang sa halaga ng
ating mga ipon.
Mahusay!

Sino pa ang may karagdagang sagot?


Bilang isang kasapi ng lipunan, bakit
mahalaga na may kamalayan tayo sa
konsepto ng implasyon?

Sige Jay. Ma’am ang pag-unawa po sa implasyon ay


tumutulong din sa atin na gumawa ng mas
matalinong mga desisyon pagdating sa
paghawak ng pera, tulad ng pag-iinvest at
pag-iipon.
Sa ganitong paraan po mas magiging handa
tayo sa mga pagbabago sa ekonomiya at mas
magiging epektibo tayo sa pagpaplano para
sa ating kinabukasan.

Ayan mahusay!

Isa, Dalawa, Tatlo.


Bigyan namna natin sila ng tatlong
angat!
H. Paglalahat ng Aralin Ano nga muli ang ating tinalakay
ngayong hapon?

Sige MJ Ang implasyon po Ma’am na kung saan ito


ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng
pangkalahatang presyo ng mga produkto sa
pamilihan. Sinasabing ang pagtaas ng presyo
ng mga bilihin sa pamilihan ay kaakibat na ng
ating buhay.
Ayan maraming salamat

Ano pa?
Sige Sofia Natalakay din po natin ang mga
klasipikasyon pagdating sa implasyon.

Mahusay!
Ano pa Katherine. Nalaman din po naming kung paano
kompyutin ang Consumer Price Index (CPI)
at ang implasyon po at deplasyon.
I. Pagtataya ng Aralin Ngayon ay pakikuha ng inyong mga
panulat at sagutan ang pagsasanay na
aking ibibigay.

Pakibasa muna ng panuto Andrei. Panuto: Basahin at unawain. Sagutin kung


Tama o Mali ang mga sumusunod. Ilagay sa
patlang ang iyong sagot.
___1. Ang halaga ng piso ay bumababa kapag
may implasyon.
___2. May kaugnayan sa implasyon ang
pagtaas ng halaga ng kuryente.
___3. Kapag madaming salapi sa sirkulasyon
ng ekonomiya, ang implasyong nalilikha ay
cost push.
___4.Ang pagbaba ng kapasidad ng
produksiyon ay nagdudulot ng implasyon.
___5. Ang implasyon ay ang pangkalahatang
pagbaba ng presyo ng mga produkto sa
pamilihan.
___ 6. Kapag hindi matugunan ng dami ng
suplay ang dami ng demand, ito ay
magdudulot ng deplasyon.
___7. Kapag itinaas ang sahod ng mga
manggagawa, ang implasyong nalilikha ay
demand pull.
___8. Mataas ang demand sa mga produkto
at serbisyo sa panahon ng kapaskuhan na
nagreresulta ng implasyon.
___9. Ang pagkakaroon ng kakulangan ng
produkto sa pamilihan ay nagbubunga ng
pagtaas ng presyo.
___10. Ang Consumer Price Index ay kilala
bilang panukat ng deplasyon.

Susing sagot
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali
6. Mali
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10.Mali
Magtataas ng kamay lahat ng mga mag-aaral.

Sino ang nakakuha ng limang puntos?


Ayan mahusay kung ganoon.

Tunay ngang mayroon kayong


natutunan ngayong umaga.
J. Karagdagang Ngayon kuhanin ninyo ang inyong mga
Gawain para sa kwaderno at isulat ang inyong takdang
natapos na aralin at aralin.
Remediation Takdang Aralin
Panuto: Magsaliksik tungkol sa mga dahilan,
bunga at epekto ng implasyon.

Gabay na tanong:
1. Ano ang kahulugan ng Demand-pull at
Cost-push inflation?
2. Ano ang pagkakaiba ng Demand-pull at
Cost-push inflation?
3. Ano-ano ang mga dahilan at bunga ng
implasyon?
4. Ano-ano ang mga epekto ng implasyon
sa mga mamamayan?

Malinaw baa ng ating kasunduan? Opo Ma’am

Kung ganoon ay tumayo na ang lahat


pakiayos ng inyong mga bangko.

Paaalam na sa inyong lahat! Paalam na rin po, binibining Morales!


IV. PAGNINILAY
a. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% pataas
sa Pagtataya
b. Bilang ng mag-aaral na Nangangailangan ng
Remediation
c. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
d. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy ng
Remediation
e. Alin sa mga Estratehiya ng pagtuturo ko ang ___Sama-samang pagkatuto ___Think-Pair –Share
nakatulong ng lubos? ___Replektibong Pagkatuto ___Pagpapakita ng Video
___ Powerpoint Presentation
___Integrative Learning ___Problem Based Learning
___Quiz ___Peer Learning
Iba pang estratehiya sa Pagtuturo:________________

___Nakatulong upang maunawaan ng mag-aaral ang


aralin
Paano ito nakatulong? ___Naganyak ang mag-aaaral na gawin ang mga
gawaing nakaatas sa kanila
___Nalinang ang mga kasanayan ng mga mag-aaral
___Pinaaktibo nito ang klase
Iba Pang Dahilan:______________________________
____________________________________________

f. Anong suliranin ang aking naranasan na


nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro/
supervisor
g. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa kapwa ko guro.

Inihanda ni:

RHEA D. MORALES
Gurong Nagsasanay

Sinuri ni:

MARIONNE N. MARQUEZ
Gurong Tagapamatnubay

Pinagtibay ni:

LANNIE L. ENRIQUEZ
Punong-guro

You might also like