You are on page 1of 15

CORE GATEWAY COLLEGE INC.

Maharlika Highway cor. Cardenas St.

San Jose City Nueva Ecija

TEACHER EDUCATION PROGRAM

DETALYADONG BANGHAY- ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


BAITANG 8

I. Mga Layunin:
Sa Modyul na ito, ang mga mag aaral ay inaasahang malinang ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa;
1. Natutukoy ang mga Gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng
pagtulong sa kapitbahay o pamayanan at pagbabantay sa mga batas at
institusyong lipunan.
2. Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at
pampolitikal na papel nito.
3. Naipapaliwanang ang kahalagahan ng tungkuling Pampolitikal at tungkuling
Panlipunan.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Responsibilidad sa Pamilya at Lipunan/ Huwarang Pamilya sa
Lipunan.
B. Sanggunian: K-12 Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao
C. Kagamitan sa Pagtuturo: Laptop, Power Point Presentation, Tulong biswal

III. Pamamaraan ng Pagtuturo

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral


A. Paghahanda
1. Pang araw-araw na
Gawain
a.) Panalangin

Simulan natin ang ating


aralin sa isang
panalangin na
pangungunahan ni,
Grace.
Yumuko po tayo at ipikit ang
ating mga mata, panginoon
maraming salamat po sa
umaga pong ito na muli kami
po ay matututo, gabayan nyo
po kami sa maghapon pong ito
at bigyan ninyo po kami ng
talino at kaalaman na
nagmumula sayo, ito po an
gaming samo at dalangin sa
pangalan ni Hesus Amen.
b. Pagbati

Magandang buhay,
Grade 8.
Mabuting Tao.
Mabuting Tao.
Magandang buhay.
c.) Pagtatala ng
lumiban sa klase

Pakitala mo nga ang mga


lumiban sa klase
ngayong araw, James.
Sige po, Ma’am.
Salamat.
2. Pagbabalik-Aral
Bago natin simulan ang
ating aralin ngayong
araw ano nga ulit ang
ating tinalakay noong
nakaraang araw Yes,
Kaye.
Tungkol po maam sa
Komunukasyon sa Katatagan
at Kunlarang ng pamilya.

Tama, Magaling.
Ano ano naman ang iba’t
ibang antas ng
komunuikasyon.

 Intrapersonal
 Interpersonal
 Pangmasa
 Pampubliko
 Pangkultura
 Pangorganisasyonal
 Pangkaunlaran
Tama, Magaling.
3.Pagganyak
Ngayon naman ay
mayroon akong
inihandang Gawain.
Basahin mo nga ang
panuto Kevin.
Lagyan ng kung
nagpapahayag
ng pagtulong sa kapitbahay o
pamayanan. Lagyan ng
kung nagsasaad ng
pagbabantay sa batas o
institusyong panlipunan. Isulat
sa sagutang papel ang iyong
sagot.
Malinaw ba class?
Opo, Ma,am.

1. Ang pamilyang Santos


ay nagbigay ng donasyon
sa mga naging apektado
ng
pagbaha.
2. Nakilahok sa assembly
meeting ng barangay si
Gina.
3. Ang mga kabataan ay
nagboluntaryong sumali
sa pagtatanim ng
halaman.
4. Ang mga kalalakihan
sa barangay Mataas ay
nagtutulongan sa
paggawa ng reading
center.
5. Tulong-tulong ang
lahat sa pag-apula ng
apoy sa nasunog na
bahay.
6. Ang mag-inang Fe at
Marina ay nakikilahok sa
clean and green project
ng barangay.
7. Binibigyan ni Susan
ng tamang edukasyon
ang mga anak.
8. Karapatan ng bawat
isa ang bumoto tuwing
may eleksyon
9. Si Elza ay nag text sa
888 upang masugpo ang
karahasan sa trabaho.
10.Karapatan ng bawat
sanggol na isilang,
mabigyan ng pangalan at
maaruga.
Tapos naba ang lahat?
Opo, Maam.
Kung ganun lahat ng yan
ay mayroong kinalaman
sa ating Aralin ngayon.

B. Paglalahad
Pakibasa nga ng sabay
sabay grade 8 ang ating
aralin ngayong araw.
Responsibilidad sa Pamilya at
Lipunan/ Huwarang Pamilya
sa Lipunan

Maraming Salamat Grade


8
Naniniwala ba kayo sa
kasabihang
“No man is an Island”
Opo maam
Tama dahil ang tao ay
hindi kayang mabuhay
ng magisa niya lang.
Ito ay isang tanyag na
kasabihan na ang hatid ay
katotohanan na
naglalawig sa sanlibutan.
Walang sino man ang
kayang mabuhay ng
mag-isa kailangan din na
magkaroon ng pamilyang
mag-aaruga, magtuturo
ng wastong gawi, aral at
makisalamuha sa kapwa.
Naiintindihan ba class?
Opo, ma’am.
Ngayon naman ay
dumako tayo sa
ginagampanan ng
pamilya sa lipunan
Basahin mo nga ang pang
unang gampanin Hannah.
Magbigay ng personal na
tulong. (moral o pinansiyal)
Salamat,. Hannah.
Kailangan natin na
magbigay tayo ng tulong
sa ibang tao para pag
tayo man ay
nangailangan
matutulungan din nila
tayo. Sabi nga nila Share
Your Blessing.
Para namaan sa
pangalawa basahin mo
nga ito, Kim.
Pagsasabuhay ng bayanihan
Para naman sa pangatlo
basahin mo nga ito,
Kaye.
Maging mapagkalinga sa
kalikasan ng pamayanang
kinasasakupan.
Kailangan natin na
mahalin natin ang ating
inang kalikasan.
Nakakasunod ba class?
Opo Ma’am.
Ngayon naman ay
dumako tayo sa
Tungkuling Pampolitikal
ito ay gampanin ng
pamilya na nagbibigay
diin sa pangangalaga ng
tao sa mga institusyonal
na batas, karapatan ng
tao at lipunan.
Basahin mo nga ang
pang-unang karapatan,
Chelsea.
Pagbibigay ng laya na
maipahayag ang paniniwala ng
isang tao batay sa kanyang
pananampalataya.
Para naman sa
pangalawang karapatan
basahin mo nga ito Kim.
Pangangalaga sa mga kabataan
laban sa pagbisyo gaya ng
droga, pornograpiya,
paninigarilyo at iba pa.
Salamat, Kim.
Para naman sa ikatlong
karapatan bnasahin mo
nga Ayesha.
Paggalang sa pag-aaruga at iba
pa.
Salamat, Ayesha.
At panghuling karapatan
basahin mo nga ito,
Kaye.
Pagpapahayaag ng sariling
pangangatwiran.
Salamat, Kaye.
Ang panlipunan at
pampolitikal na
gampanin ay natural na
tungkulin ng isang
indibidwal sa totoong
buhay. Ito ay
magkatuwang sa lipunan
at mamamayan sa
pangangalaga nito.
Naiinitindihan ba class
ang ating aralin ngayon?

Opo, Maam.
C. .Paglalahat
Ngayon naman kung
talagang naintindihan
niyo ang ating aralin
ngayon.
Ano nga ulit ang pamagat
ng aralin? May Ann.
Responsibilidad sa Pamilya at
Lipunan/ Huwarang Pamilya
sa Lipunan.
Tama, Magaling.
Ano ano naman ang mga
gampanin ng pamilya sa
Lipunan, Zaira.
 Pagbibigay ng personal
na tulong.
 Pagsasabuhay ng
bayanihan
 Maging mapagkalinga
sa kalikasan ng
pamayanang
kinasasakupan.
Tama, Magaling.
Kayo nga ay talagang
nakinig sa ating tinalakay
ngayong araw.
d. Paglalapat
Ngayon naman ay
mayroon akong
inihandang Gawain.
Basahin mo nga ang
panuto, Zion.
Suriin ang mga ipinapahiwatig
na kilos sa sitwasyon isulat
ang TL kung ito at tungkuling
Panlipunan at TP naman kung
ito ay tungkuling Pampolitikal.
Isulat ito sa sagutang papel.

Naiintindihan ba class
ang inyong gagawin? Opo, Maam.

_______1. Ang pamilyang Bustamante ay nakilahok sa bayanihang pagpapaganda sa nayon


para sa darating na kapistahan.

________2. Nag-aayuno ang pamilya ni Al Rahad bilang paghahanda nila sa pagsapit ng


Ramadan.
_________3. Naglalaan araw-araw ng oras ang pamilya Reyes para diligan ang mga halaman
bilang pangangalaga sa mga pananim.

_________4. Masipag na nagtatrabaho ang ama ng pamilyang Roxas upang matugunan ang
pangangailangan ng mga anak sa paaralan.

_________5. Tuwing pasko namamahagi ng aginaldo ang pamilyang Cortez bilang kanilang
paraan ng pasasalamat sa mga biyayang natanggap.

IV.Pagtataya

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling titik sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng gampaning panlipunan?

A. Sinusunod ng pamilyang Torres ang panukala ng gobyerno.

B. Nagpahayag ng pansariling saloobin si Carla hinggil sa problemang kinaharap.

C. Ginagalang ng bawat miyembro ng pamilya ang karapatang pantao ng bawat isa.

D. Pinalaganap ng pamilyang Santas ang pagbibigay ng tulong sa mga kapus-palad.

2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng panlipunang papel ng pamilya?

A. Bininyagan ang sanggol.

B. Binigyan ng bata ang pulubi ng pagkain.

C. Pag-aalaga sa isang matanda sa bahay-kalinga.

D. Matiwasay na bumoto ang mga mag-aaral sa ssg.

3. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pampolitikal na papel ng pamilya?

A. Pagtatanim ng halaman sa bakuran.


B. Pakikiisa sa bayanihan ng barangay.

C. Pagtulong sa kapitbahay na nasunugan.

D. Pagpapaaral ng mga anak sa magandang institusyon.

4. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng panlipunang papel ng pamilya?

A. Paglahok sa clean-up drive.

B. Pagtanggap ng tulong mula sa 4p’s.

C. Pagkakaroon ng proteksiyon mula sa awtoridad.

D. Pamimigay sa mga senior citizen ng honorarium mula sa DSWD.

5. Si Zack ay nakapila sa fast food chain para bumili ng pagkain. Nakita niya ang isang matanda
sa kanyang likuran kaya inalalayan niya ito sa priority lane. Anong pampolitikal na papel ang
nagampanan ni Zack sa pagtulong?

A. Karapatang pumila

B. Karapatan ng batang maisilang

C. Paggalang sa karapatan ng matanda

D. Manindigan sa pansariling karapatan

6. Si Belle ay isang manggagawa sa pabrika na naaksidente sa oras ng trabaho ngunit hindi


nabigyan ng tulong pinansiyal ng kompanya. Anong karapatang pampolitikal ang nalabag ng
kompanya sa pamilya ni Belle?

A. Karapatang magbakasyon

B. Karapatang umangat ang posisyon


C. Karapatang matanggap nang maaga ang mid-year bonus

D. Karapatan ng manggagawang may sakit na magtamo ng pisikal at Pang-ekonomiyang


seguridad

7. Anong papel ang ginagampanan ng pamilyang nagsusulong ng bayanihan sa isang lugar?

A. Pampolitikal C. Panlipunan

B. Pangkalusugan D. Pansimbahan

8. Si Ana ay isa sa mga empleyado ng DSWD kung saan isinusulong niya ang pangangalaga sa
karapatan ng bawat bata sa kanilang barangay. Anong papel ang ginagampanan ni Ana?

A. Pampolitikal C. Panlipunan

B. Pangkalusugan D. Pansimbahan

9. Alin sa sumusunod na pagpipilian ang nagampanan ng pamilyang Cruz nang magiliw nilang
tinanggap ang mga panauhin sa kanilang bahay?

A. Pampolitikal C. Panlipunan

B. Pangkalusugan D. Pansimbahan

10. Ang pamilya ni Juan ay nagboluntaryong maglingkod sa pamayanan sa pagsasagawa ng


clean-up drive. Anong papel ang nagampanan ng pamilya sa lipunan?

A. Pampolitikal C. Panlipunan

B. Pangkalusugan D. Pansimbahan
V. Takdang Gawain

Paggawa ng Islogan.

Sumulat ng isang islogan na maglalarawan sa maaring epekto ng matagumpay na pangangalaga


at pagsunod sa mga gampaning panlipunan at pampolitikal. Gumamit ng illustration board.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan


(10 Puntos) (5 Puntos) ng pag-unlad
(3Puntos)
Ang mensahe Di gaanong Magulo ang
Nilalaman ay mabisang naipakita ang mensahe.
naipakita. mensahe.
Napakalinaw Malinaw ang Hindi malinaw
Malikhain ng pagkakasulat ang
pagkakasulat ng mga titik. pagkakasulat ng
ng mga titik. mga titik
Kaangkupan Angkop na Angkop sa Hindi angkop sa
sa paksa angkop sa paksa. paksa.
paksa.
Remarks:

Naisagawa ng maayos ng mga magaaral ang mga gawaing nakapaloob sa isang oras na
pagtuturo sa araw na ito:

Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa Gawain.____

Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa


remediation.____

Inihanda ni: Inobserbahan ni:

RIZZA MAE DELFIN JZEZABEL D. RIGOS


BSED 4 VALUES EDUCATION GURO SA ESP 8

You might also like