2nd DLP

You might also like

You are on page 1of 15

DETALYADONG BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

BAITANG 8
I. Mga Layunin:
Sa Modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod nakaalaman,kakayahan, at
pag-unawa:
1. Nabibigyang-diin ang mga sanhi, dahilan o hadlang sa komunikasyon
2. Nakasusulat ng talata kung paano maipapakita ang mga paraan upang mapabuti ang
komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya
3. Nakapagpapamalas ng maayos na mga paraan kung paano malampasan ang mga
hadlang sa mabuting komunikasyon
II. Paksang Aralin
A. Paksa : Modyul 5: Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya
B. Sanggunian: K to 12 Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Baitang 8
C. Kagamitan sa Pagtuturo: Power point presentation, Laptop, at antulong na
biswal

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


III. Pamamaraan
sa Pagtuturo

A. Paghahanda
1. Pang-araw-
araw na Gawain
a. Panalangin
Bago natin pormal na
umpisahan ang ating klase
sa araw na ito pangunahan
muna natin ng isang
panalangin na
pangunguhana ni Ema.
Sa ngalan ng Ama, Anak, at ng
Espiritu, Santo Amen.

Panginoon naming
makapangyarihan sa lahat
maraming salamat po sa araw na
kami ay muling nagtipon upang
magkaroon ng mga panibagong
kaalaman at matuto mula sa aming
guro naway maisapuso at
maisabuhay po namin ang mga
kaalaman aming malalaman at
gabayan nyo po kami sa aming
klase upang maging bukas ang
iisipan ng bawat isa sa Kung
anumang tatalakayin ngayon. Iyan
lamang po ang aming hiling sa
pangalan ni Jesus na aming
tagapagligtas.
Sa ngalan ng Ama, Anak, Espiritu,
Santo Amen.
Maraming Salamat sa
pangunguna sa ating
panalangin ngayong araw,
Ema.
b. Pagbati
Magandang Buhay Baiting
8
Mabuting Tao
Mabuting Tao
c. Pagtatala ng Magandang Buhay
mga lumiban
at hindi
lumiban sa
klase
Pakitala mo nga sa inyong
kalahating papel ang mga
lumiban at hindi sa ating
klase ngayong araw, Reah.
Sige po
Salamat, Reah.

2. Pagbabalik - Aral
Ating alamin kung kayo ay
mayroon pang naaalala sa
nakaraang aralin natin
patungkol sa pamilya
noong nakaraan sa ating
klase. Ano ang nga ulit ang
pamagat ng ating tinalakay
kahapon, Anny.
Tungkol po sa Misyon Po ng
Pamilya
Mahusay!

Ano naman ang unang


misyon ng pamilya na una
nating tinalakay?
(Nag taas ng kamay ang mga
studyante)

Okay sige, Shan


Sir, ang una po ay ang pagbibigay
ng edukasyon.
Magaling!
Ano naman ang ikalawang
misyon ng pamilya na ating
tinalakay?
(Nag taas ng kamay ang mga
studyante)
Sige, Bea
Sir, ang ikalawa po ay ang
Paggabay sa mabuting pagpapasya.
Mahusay !

Ano naman ang huling


misyon ng pamilya na ating
tinalakay?
(Nag taas ng kamay ang mga
studyante)
Sige, Lee.
Ang huling misyon po ng pamilya
ay ang paghubog ng
pananampalataya
Magaling,
Nakinig nga kayon Mabuti
kayo sa ating talakayan.

3. Pagganyak
Bago natin alamin ang
ating panibagong aralin ay
magkakaroon muna tayo ng
isang laro na pinamagatang
Hulaan mo ako beybe.

Pamilyar ba kayo sa larong


Charade?
Opo Sir
Kung gayon, paki basa ang
panuto, Arjay.
Panuto:
1. Bumuo ng tatlong grupo at ang
bawat grupo
2. Piliin ang isang member na
syang magaakto ng mga salitang
ipapakita ng guro sa kanya at
pumili ng kategorya ng huhulaan.
3. Huhulaan ng grupo ang iaakto
ng kanilang kakampi sa harapan.
4. ang bawat salitang mahuhulaan
ay may katumbas na 5 puntos.

Opo, Sir.
Naunawaan niyo ba ang
panuto baiting 8?

Kung gayon lumapit na ang


mga magaakto sa unang
grupo

Ang kategoryang nabunot


nila ay hayop.
Ipakikita sa mga salita sa
aakto at maguupisa ng iakto
ang mga salitang Nakita o
nabasa.

(Nagumpisa ng iakto ang mga


salita)

1. Pusa
2. Baka
3. Aso
Mahusay ! 4. Kambing
Ang ikalawang grupo
naman ang grupo naman
ang susunod na huhula at
ang kanilang nabunot na
kategorya ay mga pang
araw-araw na Gawain.

(Nagumpisa ng iakto ang mga


salita)

1. Nagluluto
2. Nagsisipilyo
3. Naglalaba
Magaling ! 4. Kumakain
Ang huling grupo naman
ang huhula at ang
kategorya nila ay mga
sports.
(Nagumpisa ng iakto ang mga
salita)

1. Basketball
2. Badminton
3. Volleyball
4. Soccer
Mahusay at magling
kayong lahat. Base sa
larong ginawa natin may
ideya na ba kayo patungkol
sa susunod nating aralin?
Opo.

B. Paglalahad

B.2. Paglinang ng mga


Kaalaman, Kakayahan,
at Pag-unawa.
Kung ganun pakibasa nga
ng sabay sabay grade 8 ang
paksa ng ating aralin
ngayong araw
(Binasa ng mga mag-aaral)

Ang Kahalagahan ng
Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng Pamilya
Ngunit bago natin
talakayan ang aralin na ito
ay mayroon lamang akong
ipanonood na movie clip
from four sisters and a
wedding na patungkol sa
ating aralin ngayong araw.
(nagumpisa ng manood ang mga
mag-aaral)
At ngayon ay ano naman
ang inyong naobserbahan
sa inyong pinanood.
(Sumagot ang mga mag-aaral
patungkol sa obserbasyon nila sa
bidyo)
Mahusay!
Ano nga ba ang
komunikasyon?
(Nagtaas ng kamay ang mga mag-
aaral at nagsabi ng kanilang mga
ideya patungkol sa komunikasyon)

Ang komunikasyon nga ay


anumang senyas o simbulo
na ginagamit ng tao upang
ipahayag ang kaniyang
iniisip at pinahahalagahan,
kabilang dito ang wika,
kilos, tono ng boses,
katayuan, uri ng
pamumuhay, at mga gawa.
Ang katahimikan ba ay
isang komunikasyon o
hindi?

(Ang mga mag-aaral ay sumagot)


Salamat sa mga sagot ang
katahimikan po ay isang
komunikasyon. Dahil ang
katahimikan po ay may
ipinapahiwatig.

Pakibasa nga Ian ang nasa


harapan patungkol sa
komunikasyon ng pamilya.

Ang komunikasyon sa pamilya ay


ang paraan kung paano
nagpapalitan ng pasalita at di-
pasalitang impormasyon sa pagitan
ng mga kasapi nito. Isang
mahalagang kasanayan sa
komunikasyon ang kakayahan na
magbigay ng tuon sa iniisip at sa
nadarama ng kapwa. Mahalaga rin
ang pakikinig sa sinasabi ng kausap
at ang pag-unawa sa kaniyang mga
hindi sinasabi.

Salamat.
Sinong
makakapagpaliwanag ng
binasa ni Ian?

(Nagtaas ng kamay ang mga mag-


Sige, Mary. aaral)

(Ipinaliwanag ng mag-aaral ang


Mahusay ! binasa ng kaklase)
Ang komunikasyon sa
pamilya ay mahalaga dahil
nalalaman ng bawat
miyembro ng pamilya ang
saloobin at dinarama ng
bawat isa magsabalita man
sila o hindi. Kinakailangan
din na maging marespeto at
may interes ang bawat
miyembro sa
pakikipagkomunikasyon sa
isa’t isa ng sa ganun ay
magkaroon ng
pagkakaunawaan.

Kung ang pamilya ba ay


mayroong hindi maayos na
komunikasyon magiging
maayos ba ang kanilang
pamumuhay?

Tama. Hindi po
Hindi nga magkakaroon ng
maayos na pamumuhay sa
isang pamilya kung ito ay
walang maayos na
komunikasyon. Kaya
nagkakaroon ng mga di
pagkakaunawaan at
kakulangan sa kakayahang
lumutas ng isang problema.

Ngayon ay alamin natin


ang mga hadlang upang
magkaroon ng mabisang
komunikasyon sa pamilya.

Ano nga ba ang mga


hadlang sa pagkakaroon
ng mabisang komunikasyon
sa pamilya?

( nagbigay ng ideya ang mga mag-


aaral )
Salamat.
Pakibasa nga ang mga
hadlang sa pagkakaroon ng
mabisang komunikasyon sa
pamilya, Bill.

Mga hadlang sa pagkakaroon ng


mabisang komunikasyon sa
pamilya;

1.Pagiging umid o walang kibo.


2.Ang mali o magkaibang
pananaw
3.Pagkainis o ilag sa kausap.
4.Takot na ang sasabihin o
ipahahayag ay daramdamin o
didibdibin.
Pakibasa naman ang mga 5.Ati-atin.
paraan upang mapabuti ang
komunikasyon sa pamilya,
Bea.

Mga Paraan Upang Mapabuti ang


Komunikasyon

1.Pagiging mapanlikha o
malikhain (creativity)
2.Pag-aalala at malasakit (care
and concern)
3.Pagiging hayag o
bukas(cooperativeness/openness).
4.Atin (personal)
Salamat, Bill. 5.Lugod o ligaya

Ang mga hadlang na iyan


ay ang kinakaharap ng
ating mga pamilya sa
pahanon ngayon. Dahil sa
mga ito ay nagkakaroon ng
di pagkakaunawaan at
walang maayos na
pakikipagkomunikasyon sa
pamilya at kapwa.

Ngunit paano nga ba natin


mapatatatag ang
komunikasyon sa ating
pamilya?

( nagtaas ng kamay ang mga mag-


aaral at nagbahagi ng ideya sa
klase)
Maraming salamat sa mga
sumagot at nagbahagi ng
kanilang ideya.

Ang pinakamabisang tugon


dito ay ang pag-unawa sa
tunay na kahulugan ng
komunikasyon sa pagitan
ng tao. Ang tunay na
komunikasyon sa pagitan
ng mga tao ay tinawag ni
Martin Buber na
“diyalogo.”
Ano nga ba ang diyalogo?

(nagtaas ng kamay ang mga mag-


aaral at nagbahagi ng ideya a
Maraming salamat sa mga klase )
nagbahagi ng ideya.

Ang tunay na diyalogo ay


hindi lamang pag-uusap o
pakikipagtalastasan. Ito ay
naguumpisa sa pakikinig sa
iyong kadiyalogo at
pagiging bukas sa isa’t isa.
Hindi naglalayong baguhin
ang pananaw ng iyong
kadiyalogo kundi ito ay
naglalayong makinig sa ng
may buong atensyon at may
respeto sa dignidad ng
iyong kapwa.

Pakibasa nga ang dalawang


uri ng ugnayan na ating
mararanasan sa
pakikipagdiyalogo, Eman.

Salamat I – Thou at I -It

Pagsinabing I -Thou
habang ikaw ay
nakikipagdiyalogo
tinitingnan mo ang kapwa
nang mo ng may
paggalang sa kaniyang
dignidad kaya’t ibinibigay
ang buong atensyon sa
pakikipagdiyalogo sa
kaniya.
Samantalang, sa I -It naman
ay nakikinig ka lamang
para sa iyong pansariling
layunin at di mo
pinapahalagahan at
binibigyang interes ang
sinasabi ng iyong kausap.

Sa pamilya dapat o
nararapat na magsimula o
matutunan ang
pakikipagdiyalogo sang-
ayon ba kayo?
Opo.
Tama ngunit di lingid sa
atin ngayon na mayroon
mga pamilya na walang
maayos na komunikasyon
maaaring dahil sa di sila
pinapakinggan ng mga
magulang nila kung kaya’yt
minamabuti nalang ng iba
na manahimik.

Kung ang pamilya ang


ating inuuna at
pinapahalagahan kaysa ang
sarili at iba magiging
C. Paglalahat
Madali ang magkaroon
mabisang komunikasyon at
pakikipagdiyalogo.

Ang pagmamahal ang


pinakamabisang paraan ng
komunikasyon, sapagkat
ang tunay na pagmamahal
ay ang pagkakaisa ng isip
at puso ng dalawang tao.

Naintindihan ba ang ating


talakayan ngayong araw?
Opo.
Kung ganun sige alamin
natin.
Ano nan ga ulit ang paksa
ng ating aralin?
Ang Kahalagahan ng Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng Pamilya

Mahusay.
Ano naman ang ibig
sabihin ng komunikasyon?
Ang komunikasyon po ay ang
anumang uri ng sensyas o simbolo
upang ipahiwatig ang gustong
sabihin o saloobin.
Magaling.
Gaano kahalaga ang
magkaroon ng mabisang
komunikasyon sa pamilya?
Mahalaga po ito dahil
magkakaroon ng pagkakaunawaan
at pagmamahalan ang pamilya.

Mahusay tunay ngang


nakinig kayo at natuto sa
ating aralin ngayong araw.

Kung kaya’t mayroon ang


ipagagawang isang Gawain
sa inyo.

Pakibasa nga ang panuto,


Sean.
Panuto: Sa isang buong papel ay
gumawa ng concept map na
nagpapakita ng kahalagahan ng
mabisang kumunikasyon sa
pagpapatatag ng relasyon ng
pamilya at ipapasa pagkatapos ng 5
minuto.
Naintindihan ba ang
panuto?
Opo.
Kung ganun heto ang
inyong rubriks sa paggawa
ng concept map at maaari
na kayong magumpisa.
Rubriks
Organisasyon at Nilalaman – 30pts
Pagkakagawa – 20pts
Kabuuan – 20pts
Ngayon ay tapos na ang
panahon ng inyong
paggawa ipasa na ito sa
harap ng tahimik at
maayos. ( nagumpisa na sa paggawa ng
aktibidad ang mga mag-aaral )

May mga katanungan ba o


di naunawaan sa aralin
natin? Wala na po

Kung ganun salamat sa


inyong pakikinig at
pakikiisa sa klase natin
ngayong araw.

Paalam Grade 8 Paalam din po aming guro.


IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang pinakaangkop na
sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
___1. Ito ay pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa

mabisang paraan sa isang pakikipag-ugnayan.

A. komunikasyon B. anekdota C. liham D. epiko

___2. Ito ay tumutukoy sa isang uri ng literatura o sanaysay na may layuning

magbahagi ng karanasan o kuwento.

A. komunikasyon B. anekdota C. liham D. Pabula

___3. Ito ay batayang yunit ng lipunan.

A. Pamilya B. Paaralan C. Simbahan D. Ekonomiya

___4. Ang ______ ng saloobin ay parang pagbabakod ng sarili-hindi ito

mapapasok ng iba.

A. pagkainis C. takot

B. pagiging umid o walang kibo D. atin-atin

___5. Siya ang nagsabing may mga sanhi, dahilan, o hadlang sa komunikasyon sa

pagitan ng mag-asawa at sa ating komunikasyon sa kapwa.

A. Alejandro A. Abadilla C. Thomas Hobbes

B. Leandro C. Villanueva D. Lahat ng binanggit

___6. Sa pakikipag-usap, maging bukas lagi at manatiling tapat lalo na sa mag-

asawa. Tanggapin ang kausap bilang isang taong mayroong dignidad at

karapatan.

A. Pag-aalala at malasakit C. Lugod o ligaya

B. Pagiging hayag o bukas D. atin-atin

____7. Sa paraang ito ng komunikasyon, kailangang gamitin ng tao ang kanyang

talino at malikhaing isipan sa pagtuklas ng mabuting paraan ng

pagpapahayag ng kanyang sasabihin.

A. Pag-aalala at malasakit C. Pagiging mapanlikha

B. Pagiging hayag o bukas D. Lahat ng binanggit

____8. Ang masayang tao ay nakagaganyak sa kapwa na makipagpalagayang-


loob, magtiwala, at maging bukas sa pakikitungo.

A. Atin-atin C. Pagiging hayag o bukas

B. Lugod o ligaya D. Pagkainis

___9. Kahit na bata, kasambahay, o pulubi ang kausap, isiping mayroon kayong
pantay na dignidad at karapatan.
A. Pag-aalala at malasakit C. Lugod o ligay
B. Pagiging hayag o bukas D. Lahat ng binanggit
___10. Ang suliranin ay para sa mag-asawa lamang at ang pagsasabi nito sa
mga anak ay magdudulot lamang ng kalituhan, kailangan na lutasin ito
nang palihim sa mga kapitbahay. Ang “atin-ating” usapan ay hindi
pagsasangkot o paninisi sa ibang tao.
A. Atin-atin C. Pagiging hayag o bukas
B. Lugod o ligaya D. Maling pananaw
___11. Ito ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng
pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro, at
romantikong pagmamahal.
A. Pamahalaan C. Simbahan
B. Pamilya D. ekonomiya
___12. Siya ang nagsabing may mga sanhi, dahilan o hadlang sa komunikasyon sa
pagitan ng mag-asawa. Binanggit rin niya ang mga paraan upang mapabuti ang
komunikasyon.
A. Thomas Aquinas C. Leandro C. Villanueva
B. Alejandro D. lahat ng nabanggit
___13. Bakit mahalagang magkaroon ng mabuting ugnayan o komunikasyon ang
pamilya? A. Dahil dito nakasalalay ang mabuting pakikipagkapwa at maayos na lipunan
B. Simbolo ito ng pagkakaisa
C. Upang magkaroon ng matibay at matatag na bigkis ng pamilya
D. lahat ng nabanggit
___14. Ito ay sanhi o dahilan sa komunikasyon kung saan iniisip minsan ng tao na
magdaramdam o diribdibin ng kausap ang maaari niyang sabihin kaya nananahimik na
lamang siya o kaya’y nagsisinungaling sa kapwa.
A. Pagkainis o ilag sa kausap
B. Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o didibdibin
C. Pagiging umid
D. Mali o magkaibang pananaw
___15. Ayon kay Villanueva, mahirap umunlad ang pagkatao at pakikisama ng taong
ayaw magpahayag ng sariling kaisipan at damdamin o tumatanggap ng saloobin ng
kapwa. A. Pagiging umid o walang kibo
B. Pagakinis
C. Mali o magkaibang pananaw
D. takot
___16. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng bawat isa ay magkaiba, nagkakaroon ng
hindi pagkakaunawaan.
A. Pagiging umid
B. Ang mali o magkaibang pananaw
C. Pagkainis o ilag sa kausap
D. lahat ng nabanggit
___17. Mahalaga ang ______________________ dahil ito ay mabisang paraan, isang
pakikipag-ugnayan upang magkaunawaan.
A. komunikasyon B. anekdota C. pabula D. sanaysay
___18. Ang________________ ay isang literature o sanaysay na may layuning
magbahagi ng karanasan o kuwento.
A. komunikasyon B. anekdota C. epiko D. tula
___19. Alin sa sumusunod ang epektibo sa pakikipag-usap?
A. nagsisigawan C. nag-uusap ng mahinahon
B. umid o walang kibo D. lahat ng nabanggit
___20. Ang salitang matatag ay kasingkahulugan ng ______________________.
A. marupok B. magara C. mayumi D. matibay

V. Takdang Aralin
Panuto: Pumili ng isang sitwasyon sa ibaba at gumamit ng mga paraan upang
mapabuti ang komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya. Sumulat ng isang talata na
naglalahad ng iyong sagot.
• Maling nasagap na balita mula sa kapatid.
• Hindi nasunod na gawaing bahay ng kasambahay.
• Pagkakamali ng nakababatang kapatid.

Krayterya Puntos
Nilalaman o kaangkupan ng paksa 10
Pagkaorganisa 10
Pagkamalikhain 10
Kabuuan 30

Inihanda nina:
Arcian James L. Labonete
BSED 4- Values Education

You might also like