You are on page 1of 10

Jenny Felipe BSED 1C Kurikulum

Banghay-Aralin
I-Layunin

Sa katapusan ng araling ito,ang mga mag-aaral ay inaasahang;

A.Mapapaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng alamat.

B.Makakapagtanghal ng pangyayari sa alamat na nabasa.

C.Makakabuo ng makabuluhang sariling alamat.

II-Paksang Aralin

Paksa: Ang Alamat ng Sampaguita

III.-Kagamitang panturo

Kagamitan: Video presentation

Sanggunian:Filipino 2

IV Pamamaraan Gawain ng guro Gawain ng mag-aaral


A. Panimulang I.Pagpapakilala -Magandang hapon din po
Gawain Magandang hapon mga mag-aaral sa maam at mga kamag-aral.
baiting syete,seksyon Mababait. Ako
muli si Bb. Jenny Felipe,ang guro
niyo sa araling Filipino

II.Pagsasaayos ng mga upuan


Maaari niyo ba munang ayusin ang
inyong mga upuan? Tiyaking nasa
-Sige po maam.
tama kayong linya.

III.Panalangin
Ngunit bago natin ipagpatuloy ang
ating aralin, Ms.Melba Buyawe
maaari mo bang pangunahan ang
panalangin?
- Melba: Opo maam.
Tumayo kayo’t tayo’y
manalangin.
PANALANGIN
Panginoong
makapangyarihan sa
lahat,muli Ama tumatawag
po kami sa inyong
pangalan. Maraming
salamat po sa panibagong
araw na ipinagkaloob niyo
sa amin. Maraming salamat
po Ama at binigyan niyo po
kami ng pagkakataong
makasama ko ang aking
mga mag-aaral. Ama nawa
po sa isasagawa po naming
pagtatalakay sa mga oras na
ito ay pagkalooban po sana
ang bawat isa sa amin ng
karunungang nagmumula
sayo. Nawa po’y lubos
naming maunawaan ang
bawat araling aming
tatalakayin. Ibakod po Ama
ang kapayapaan sa loob at
labas ng gusaling ito.
Patawad po Ama sa aming
mga nagawang
pagkakasala.Magalang
naming hinihiling ang lahat
sa pangalan ng panginoong
Jesukristo.

AMEN
IV.Pagtsetsek ng ID at attendance
Ms.Lyka Santos,bilang kalihim ng
ating klase,maaari mo bang iulat
sakin kung sino ang walang suot na
ID pati na din ang mga lumiban sa
Lyka:Ma’am,kinagagalak
oras na ito? ko pong ibalita na lahat po
ay nakasuot ng ID at wala
pong lumiban sa klase.

Masaya akong malaman iyan.

B. Pagbabalik-aral Bago natin alamin ang ating bagong


tatalakayin,balikan muna natin ang
naunang paksa na ating natalakay
kahapon.

Ano nga ba ang ating natalakay


kahapon?Sino ang makakapagsabi? -Grazel:Ako po maam.
Ang ating natalakay
kahapon ay tungkol sa
salawikain.

Magaling Grazel!

Ano nga ba ulit ang salawikain? Sino -Ashley;Ako po maam.


ang makakapagsabi?
: Ang salawikain ay
maiiksing pangungusap
na lubhang makahulugan at
naglalayong magbigay
patnubay sa ating pang-
araw-araw na
pamumuhay.Naglalaman
ito ng mga karunungan.

Mahusay Ashley!
Ashley: salamat po maam.

Salawikain ang ating huling


tinalakay.
C. Panlinang na Bago natin umpisahan ang
lahat,mayroon akong inihandang
Gawain:
litrato sa inyo upang magkaroon
Pagganyak kayo ng ideya kung ano ang ating
paksa.

Mga bata,anong nakikita niyo sa - “pinya”


litrato? - “nanay”
- “pinagmulan ng
pinya?”

Tama ang aking narinig. Ngunit ano


nga bang uri ng kaalamang bayan
ito?

May makakapagsabi ba? -Lance: Ako po maam.


Ito po ay isang halimbawa
ng alamat.

Tama ka jan Lance.

Alam niyo na ba kung ano ang ating -Opo maam.


tatalakayin ngayon?

Mabuti naman.

D. Paglalahad ng Mga bata,alam natin na ang Alamat


paksa ay pasalitang panitikan na
nagsasalaysay ng pinagmulan ng mga
bagay bagay sa ating kapaligiran.

Bukod sa alamat ng pinya,ano pa ang


- “Alamat ng Pilipinas po
alam niyong halimbawa ng alamat? maam”
- “Alamat ng saging po”

Salamat po maam.
Ang galling niyo naman.

E. Pagtatalakay May ipapakita ako sa inyo na


halimbawa ng alamat na
ikakapulutan niyo ng aral.

(nakatitig sa Telebisyon
Alamat ng Sampaguita habang nakikinig sa guro)

Sa isang malayong bayan sa Norte ay


may isang napakagandang dalaga na
Liwayway ang pangalan.Ang
kagandahan ni Liwayway ay
nakarating hanggang sa malalayong
bayan. Hindi naging kataka-taka
kung bakit napakarami ng kanyang
naging mga manliligaw.Mula sa
hilaga ay isang grupo ng mga
mangangaso ang nagawi sa lugar
nina Liwayway. Sa kasamaang palad,
si Tanggol, isa sa mga ito ay inatake
ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala
sa ama ni Liwayway para mabigyan
ng pangunang lunas. Iyon ang naging
daan ng paglakalapit nila.Umibig
sina Liwayway at Tanggol sa isa’t-
isa sa maikling panahon ng
pagkikilala.Nang gumaling si
Tanggol ito ay nagpaalam kay
Liwayway at sa mga magulang niya.
Anang binata ay susunduin ang ama’t
ina upang pormal na hingin ang
kamay ng dalaga.Puno ng pangarap
si Liwayway nang ihatid ng tanaw si
Tanggol.Subalit dagling naglaho ang
pag-asa ni Liwayway na babalik si
Tanggol tulad ng pangako. Ilang
pagsikat na ng buwan mula nang
umalis ito ngunit ni balita ay wala
siyang natanggap.Isang dating
manliligaw ang nakaisip siraan si
Tanggol. Ikinalat nito ang balita na
hindi na babalik si Tanggol dahil
may asawa na ito.Tinalo ng lungkot,
pangungulila, sama ng loob at
panibugho ang puso ni Liwayway.
Nagkasakit siya. Palibhasa ay sarili
lang ang makagagamot sa
karamdaman kung kaya ilang linggo
lang ay naglubha ang dalaga at
namatay.Bago namatay ay wala
siyang nausal kundi ang mga
salitang, “Isinusumpa kita! Sumpa
kita…” Ang mga salitang
“Isinusumpa kita! Sumpa kita…” ang
tanging naiwan ni Lwayway kay
Tanggol.Ilang araw makaraang
mailibing si Liwayway ay dumating
si Tanggol kasama ang mga
magulang. Anito ay hindi agad
nakabalik dahil nagkasakit ang ina.
Hindi matanggap ng binata na wala
na ang babaing pinakamamahal.Sa
sobrang paghihinagpis, araw-araw ay
halos madilig ng luha ni Tanggol ang
puntod ni Liwayway. Hindi na rin
siya bumalik sa sariling bayan upang
mabantayan ang puntod ng
kasintahan.Isang araw ay may
napansin si Tanggol sa ibabaw ng
puntod ni Liwayway. May tumubong
halaman doon, halaman na patuloy
na dinilig ng kanyang mga luha.
Nang mamulaklak ang halaman ay
may samyo iyon na ubod ng bango.
Tinawag iyong ‘sumpa kita’, ang
mga huling salitang binigkas ni
Liwayway bago namatay. Ang
‘sumpa kita’ ay ang pinagmulan ng
salitang ‘sampaguita’.

F. Paglalahat ng Batid kong naunawaan niyo ang


ating tinalakay ngayon.
aralin
Mga bata,ano ang pamagat ng ating
binasa?Sino ang makakapagsabi? -Steve: (nagtaas ng kamay)
Ang pamagat ng
ating binasa ay
Alamat ng Sampaguita.

Mahusay steve!

Sino ang mga pangunahing tauhan ng


kwento? Jordan: (Nagtaas ng
kamay)
Ang mga
pangunahing tauhan sa
kwento ay sina Liwayway
at Tanggol
Tama ka jan Jordan.

Bakit namatay si liwayway?


Zarah; (nagtaas ng kamay)
Namatay si
Liwayway dahil natalo siya
ng lungkot,pangungulila at
sama ng loob kaya siya
nagkasakit.
Mahusay Zarah!

May mga napulot ba kayong mga


aral? Maaari niyo bang ibahagi sa
amin?
Jolina: (nagtaas ng kamay)
Huwag makinig sa
mga sabi- sabi. Gayundin
naman, huwag gumawa ng
hindi totoong kwento
tungkol sa iba dahil wala
itong mabuting maidudulot
kaninuman.
Napakagaling Jolina.

Meron pa ba?
Jonathan: (nagtaas ng
kamay)
Kadalasan, ang
paghihintay ay matagal.
Ngunit kung tayo ay may
tiyaga, siguradong may
Napakahusay Jonathan magandang kahihinatnan
ang iyong paghihintay

G. Pagpapahalaga: Kung kayo ang nasa katayuan ni


Paglalapat ng Liwayway,makikinig din ba kayo sa
aralin sa pang- mga sabi-sabi patungkol sa taong
araw araw na mahal niyo? -Hindi po maam.
buhay.

Baket?
-Dahil ayoko pong matulad
kay liwayway na
nagkasakit dahil natalo ng
lungkot.
Tama. At huwag din tayo maniniwala
sa akala dahil ikan ga nila,maraming
namamatay sa maling hinala
H. Pagtataya ng (Indibidwal)
aralin
Maglabas ng ‘sangkapat na papel at
sagutin ito.
Panuto:Sa ‘sangkapat na
papel,tukuyin kung ang
pangungusap ay tama o
mali base sa nabasa nating
alamat. Isulat ang TAMA
bago ang numero kung sa
paningin mo ay tama ang
pangungusap at kapag mali
naman ang
pangungusap,salungguhitan
ang salita o pariralang
nagpamali nito.(2 puntos
bawat bilang)

________1. Si Tanggol ay
inatake ng tigre habang
nangangaso sa lugar nina
Liwayway.
________2. Nagkasakit si
Liwayway matapos matalo
ng lungkot at pangungulila.
_________3. Bago
namatay si Liwayway ay
wala siyang nausal kundi
ang salitang “Isinusumpa
kita!Sumpa kita!”
________4. Ilang araw
makaraang nailibing si
Liwayway ayhindi
kailanman dumating si
Tanggol.
_______5. Ang halamang
nakita sa puntod ni
Liwayway ay tinawag na
sampaguita.

Sagot:
1. Mali.Ang salitang nagpamali
ay tigre,dapat baboy ramo.
2. Tama
3. Tama
4. Mali.Ang salitang nagpamali
ay hindi dumating,ang tamang salita
ay dumating.
5. Tama

I. Takdang-aralin Ilabas ang inyong kwaderno at Takdang-aralin:


kopyahin ang inyong takdang aralin.
Gumawa ng sariling
alamat.Isulat ito sa isang
buong papel.
Maraming salamat sa
kooperasyon.Hanggang sa muli.

You might also like