You are on page 1of 4

Learning Area Filipino

Learning Delivery Modality Face to Face

Paaralan Tabangao Integrated School Baitang Baitang 9


TALA SA Guro Bb. Gherlyn E. Dote Asignatura Filipino
PAGTUTURO Petsa Pebrero 27, 2023 Markahan Ikatlong
Markahan
Oras 8:15am-9:15am- Diamond Bilang ng Araw 1 araw
1:30pm- 2:30pm- Emerald

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang makamit ang mga
sumusunod:
 Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. tao, at tao vs. sarili) sa kuwento
batay sa napakinggang pag-uusap ng mga tauhan.
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa maikling
Pangnilalaman kuwentong makabanghay sa tulong ng teknolohiya at iba pang transitional
devices, upang makapagsalaysay ng sariling karanasan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasalaysay nang masining ng mag-aaral ang banghay ng maikling kuwento
gamit ang graphic organizer.
C. Pinakamahalagang PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) F9PN-IIId-e-52
Kasanayan sa  Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. tao, at tao vs. sarili) sa kuwento batay
Pagkatuto(MELC) sa napakinggang pag-uusap ng mga tauhan.
II. NILALAMAN Maikling Kuwentong Malay - Tahanan ng Isang Sugarol
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Gabay ng Guro Panitikang Asyano 9 Romulo B. Peralta et. Al.
2. Kagamitang Pang- laptop, speaker at pantulong na biswal
Mag-aaral
3. Teksbuk Panitikang Asyano 9 Romulo B. Peralta et. Al.
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga Modyul para sa mga mag-aaral at Powerpoint
Kagamitang Panturo Para
sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG Opo, Ma;am. (pupunta sa
GAWAIN Pang-araw-araw na Gawain unahan) “Sa Ngalan ng Ama,
a. Panalangin ng Anak at ng Espiritu
Tumayo ang lahat para sa ating panalangin. Nykyla, Santo”...... (sa pangunguna ni
maaari mo bang pangunahan ang ating panimulang Nykla, magdarasal ang mga
panalangin.? bata)
“Magandang Buhay din po,
b. Pagbati Bb. Dote
Magandang Buhay, klase!

Bago umupo, pulutin ang mga nakikitang kalat para sa “Salamat po, Ma’am.”
ikalilinis ng ating silid. Maraming Salamat. Maari na kayong
maupo.
“Wala po, Ma’am.”
c. Pagtatala ng liban
May liban ba ngayong araw?

Mahusay, batid kong sabik kayong madagdagan ang inyong


kaalaman, kaya’t huwag na nating patagalin at tayo ay
magsimula na.

d. Pagbabalik- aral

Bago natin simulan ang ating talakayan ngayong araw, tayo


muna ay magbabalik - aral para malaman ko kung
natatandaan n’yo pa ang ginawa natin noong isang linggo.
Maaari nang tumaas ang kamay ng gustong magbahagi ng
kanyang natatandaan sa tinalakay natin kahapon. (sabay-sabay tumaas ng
kamay ang mga bata)

(pipili ang guro sa mga nakataas ang kamay ng maaaaring Noong isang linggo po ay
magbahagi) nagkaroon tayo ng isang
maikling pagsusulit, tungkol
sa tinalakay natin noong
buong linggo at pagkatapos
po ay pinagawa niyo kami ng
aming awtput bilang 2.
Tama! Ako ay nagagalak dahil natatandaan niyo pa ang
ginawa natin noong nakaraang linggo.

Opo, Ma’am
Ngayon, bago tayo magpatuloy sa pagtalakay sa sunod na
aralin, may isang bidyo akong nais ipanood sa inyo. Makinig
at unawain ang mensaheng hatid ng bidyo. Handa na ba?
1. Tumahimik at huwag
Bago natin simulan ang panonood, ano-ano ang mga bagay abalahin ang katabi
na dapat tandan habang nanonood? Magsimula na tayo ng 2. Huwag malikot at huwag
panonood. tayo nang tayo.
3. Magtala ng ilang
mahalang detalye tungkol sa
pinanood.

Magsisimula na tayo sa panonood.


B. AKTIBITI 1. Motibasyon
(Pagganyak)
Mungkahing Estratehiya: TELEDRAMA

Pagpapanood ng napapanahong teleserye.


a. Ano ang suliraning nakita o narinig mula sa mga tauhan?
b. Paano nasolusyunan ng tauhan ang kanyang suliranin?

2. Pokus na Tanong a. Ang mga katangian ng


a. Ano-ano ang mga katangian ng maikling kuwento? Maikling Kwento ay ang mga
b. Paano nakatutulong ang pang-ugnay sa pagbuo ng maikling sumusunod:
1. Tumatalakay sa isang
kuwento?
madulang bahagi ng buhay.
2. Gumagamit ng isang
3. Presentasyon ng Aralin pangunahing tauhang may
Mungkahing Estratehiya: DIYALOGO…RADYO mahalagang suliranin at ng
ilang ibang mga tauhan.
Pagpaparinig ng isang dulang pantahanan sa mga piling mag-  3. Gumagamit ng isang
aaral na tumutukoy sa tunggalian ( suliranin) sa napakinggan mahalagang tagpo o ng
pag-uusap ng tauhan. kakaunting tagpo.
 4. Nagpapakilala ng mabilis na
pagtaas ng kawilihan
hanggang sa kasukdulan na
sinusundan kaagad ngwakas.
 5. Nagtataglay ng iisang
impresyon o kakintalan

b. Nakatutulong ang mga pang-


ugnay sa pagsasalaysay upang
mabisang maunawaan ang
mensaheng nakapaloob dito sa
pamamagitan ng pagpapakita
ng relasyon sa bawat
pangungusap. Ito ay
nagbibigay katiyakan sa mga
tiyak na mensahe, nagbibigay
linaw , nagsasaad ng
kadahilanan,sumasalungat sa
anumang ideya sa nauna at
nagsasaad ng pagtatapos.
C. ANALISIS May ilang katanungang, pasasagutan ang guro sa mga mag-
(Pagpapalawak sa Paksa) aaral.

1. Batay sa napakinggang usapan ng tauhan, ano-ano ang mga


tunggalian o suliranin ipinahihiwatig sa dula?
2. Bakit nagaganap ang ganitong pangyayari sa buhay ng mag-
asawa?
3. Ano ang karaniwang suliranin ng mag-asawa na pinagmulan
ng ‘di pagkakaunawaan?
4. Paano inilarawan ang tunggaliang tao vs tao at tao vs sarili?

4. Pagbibigay ng Input ng Guro

Alam mo ba na . . .
Ang bawat maikling kuwento ay nagiging kapana-
panabik dahil sa tunggaliang nagyayari. Ang tunggalian ay
paghahamok ng dalawang lakas, kaisipan o paniniwala na
pinagbabatayan ng banghay sa isang akda. Nalulutas lamang
ito kung may magtatagumpay o mabigo.

1. Tao sa Tao - Ipinakikita na ang kasiphayuan ng


isang tao dulot ng kanyang kapwa.
2. Tao sa kanyang sarili - Dito ipinakikita ang
maigting na paglalabang pangkatauhan ng
pangunahing tauhan. Nilalabanan ng tao ang
kanyang sarili.
3. Tao sa kalikasan - Ito ay tumutukoy sa kalamidad tulad
ng lindol, sunog, at baha. Ang mga ito ay kalaban ng tao
na kadalasan ay pinagbubuwisan ng buhay.
4. Tao sa kanyang lipunan - Ipinakikita nito ang
maigting na pakikibaka ng tauhan sa mga
kasawiang dulot ng lipunang kinabibilangan.

D. ABSTRAKSYON
Mungkahing Estratehiya: SKIT
(Paglalahat)
Magsadula ng isang pangyayari ayon sa tunay na buhay. Ano
ang mga dahilan ng tunggalian sa sumusunod na sitwasyon:
(Mahusay na naisabuhay ng
 Pagkatakot sa asawa mag-aaral)
 Pagdurusa ng mga Anak
 Martir na asawa
Paano nakatutulong ang tunggalian sa maikling kuwento?

E. APLIKASYON Mungkahing Estratehiya: WHAT IF?


(Paglalapat)
Kung ikaw ang nasa sumusunod na sitwasyon, paano mo ito
kahaharapin pagkatapos tukuyin rin ang ipinakitang uri ng
tunggalian.
 Kapag dumating ang asawa nang hindi pa luto ang
pagkain
 Mula umaga pagkagising, wala siyang tigil sa
paggawa; nagtanim sa bukid, nagsibak ng kahoy,
naglagay ng pataba sa tanim, naglaba at nagluto.
 Binubully ka ng iyong kaklase, nais mong gumanti.
Ngunit nagtatalo ang isip mo kung gagawin mo ang
pagganti.
 Kung ikaw ay napagdududahan ng iyong magulang
na hindi mabuti ang gawain ninyo ng iyong barkada,
ano ang gagawin mo?
F. EBALWASYON
G. KASUNDUAN Para sa naman inyong Takdang Aralin, isulat ito sa inyong (kukunin ang kanilang
kwaderno. kwaderno at isusulat ang
 Sumulat ng isang maikling kuwento ng tunggalian ng kanilang Takdang Aralin)
tauhan.
 Basahin ang maikling kwentong; Tahanan ng Sugarol
( Kuwentong Malay)

Naiintindihan n’yo ba ang inyong Takdang Aralin? Opo,Ma’am

May katanungan? Wala po, Ma’am

Makakaasa ba ako na ang lahat ay may mapapatsekan sa akin Opo, Ma’am


bukas?

Mabuti naman

Palakpakan ang inyong mga sarili. Ako ay nagagalak at


talaga naman ngang masasabi kong madami kayong
(papalakpakan ang mga
natutunan sa ating naging aralin ngayong araw.
sarili)
At dito na nagtatapos ang ating talakayan para sa araw na
Mapagpalang Araw din po,
ito, maraming salamat sa pakikinig. Muli, mapagpalang araw Ma’am. Paalam po.
klase, hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam!

Inihanda ni:

GHERLYN E. DOTE
Nagsasanay na Guro sa Filipino 9
Iniwasto ni:

Bb. CRESENCIA C. PAGSINOHIN


Gurong Tagapagsanay sa Filipino 9

Binigyang-pansin ni:

Dr. LANIE M. SALAZAR


Punong Guro sa Tabangao Integrated School

You might also like