You are on page 1of 8

1

Santiago City
Tel/Fax: (078)-305-3226 / 305-0897
www.northeasterncollege.edu.ph

June 13, 2023


MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
Ika-siyam na Baitang

I. Layunin
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nailalarawan ang mga tauhan sa kwento,
b. Naibabahagi ang sariling karanasan at opinyon sa totoong buhay; at
c. Nakagagawa ng Spoken Word Poetry batay sa kwentong napakinggan.

II. Paksang Layunin


Paksa: Bilanggo ni Virtuso Wilfredo
E- Sanggunian: National Library Board www.n/b.gov(3)

Kagamitang Panturo: Laptop, PowerPoint, at Projector, Video Clip


III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimula
a1. Pagbati
Magandang Umaga sa inyong lahat
Magandang Umaga rin po Binibining Abalos
a2. Panalangin
Bago natin pormal na simulan ang ating klase
para sa umagang ito, Tayong lahat muna ay
magsitayo at manalangin. Ano ang dapat gawin
kapag mananalangin? Ipikit ang mga mata
upang makapagpokus sa panalangin at iyuko
ang mga ulo tanda ng paggalang sa ating
Panginoon at sa panalangin.
Panginoon naming makapangyarihan sa lahat,
kami po ay nagpapakumbaba at nagpapasalamat
sa pagkakataong inyong binigay upang kami’y
matuto. Ituon mo nawa sa dakong ito ang iyong
kamay at pangunahan kami sa aming gagawin.
Naway kapayapaan ang manguna sa amin at
pangalan mo ang patuloy naming itinataas.
Amen.
Bago umupo maaari niyo bang ayusin ang
inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat sa
paligid.

(ang mag-aaral ay aayusin ang upuan at


pupulutin ang mga kalat sa paligid)

1
2

Santiago City
Tel/Fax: (078)-305-3226 / 305-0897
www.northeasterncollege.edu.ph

a3. Pagtala ng lumiban sa klase


May lumiban ba sa ating klase?
Wala po, Ma’am.
Mabuti. Ikinagagalak ko na kayo ay kompleto sa
araw na ito.
Handa na ba kayong matuto ng panibagong
aralin?
Opo, Ma’am!

a4. Pagbabalik-Aral
Bago natin talakayin ang ating aralin ay
magbabalik tanaw muna tayo sa ating
nakaraang talakayin kahapon sa pamamagitan
sa pagsagot ng mga katanungan na inyong
makikita sa screen. Handan a baa ng lahat?

Opo, Ma’am!
1. Ano ang Maikling kwento?

Ang maikling kwento ay isang uri ng panitikan na


natatapos o nababasa sa isang upuan.

Mahusay! Sino naman sa inyo ang


makakapagbahagi ng isang halimbawa ng
Pandiwa?
(ang mga mag-aaral ay magbabagi ng kanilang
sariling kasagutan).
Mahusay! Palakpakan niyo naman ang inyong
mga sarili. Natutuwa ako at naalala niyo pa ang
ating tinalakay kahapon tanda lamang nito na
nakinig at naunawaan niyo ang ating talakayin
kahapon. Isang senyales rin ito na handa na
kayong matuto ng panibagong aralin.

(Ang mga mag-aaral ay pumalakpak)


B. Pagganyak
Ngayon naman suriin natin kung gaano katalas
ang inyong pandinig at paningin sa
pamamagitan ng inihanda kong aktibidad.
Handa na ba ang lahat? Gawain 1. BASAHIN MO ANG HUNI KO!
Panuto: Hahatiin sa dalawang grupo ang klase
at bawat grupo ay bibigyan ng papel na may
secret message na ipapasa sa kamag-aral ng
tahimik. Ang pinakamabilis na makapapasa ng
mensahe sa dulong pila ay tatakbo sa harapan at
maghi-hymn bawal sambitin ang mensahe dapat
(timer 30 segundo) ihimno ito.
(pagpaparinig ng tunog)

2
3

Santiago City
Tel/Fax: (078)-305-3226 / 305-0897
www.northeasterncollege.edu.ph

1. [secret message: MAGTANIM AY DI BIRO


2. [secret message: MAY PLIS , SA ILALIM NG
TULAY

Ma’am isang magsasaka na hinuli ng pulis.


Ano ang mensahe na nabo niyo sa gawain
natin?
Mahusay! Sa madaling salita tungkol sa? Ma’am tungkol po sa isang bilanggo.
Sa inyong palagay bakit sila nabibilanggo?
(ang mga mag-aarala ay mag-babahagi ng
kanilang kasagutan)
Tama! Kung kayo ang tatanungin, ano ang
gagawin ninyo kapag napagbintangan kayo sa
krimeng hindi ninyo naman ginawa?

(ang mga mag-aaral ay mag-babahagi ng


Mahusay! Pero paano kung puwersahan kang kanilang kasagutan)
hinuli may magagawa ka pa ba? Ano sa inyong
palagay?

Mahuhusay! Ako’y namamangha sa talas ng


inyong isipan sa pagbabahagi ng inyong
kaalaman sa larawan na aking ipinakita ngayon.
Palagi ninyong tatandaan na hindi lahat ng mga
taong nasa loob ng selda o kulungan ay
masasamang tao, may iba na napagbibintangan
lamang, at kaya sila ikinukulong upang mag-
bago. Huwag tayong matakot sa kanila
sapagkat tao rin sila, at dapat mahalin, at
inuunawa natin sila. Sa buhay natin may mga
nagagawa tayong mga kasalanan na ating
pinagsisisihan, ngunit itong mga kasalanan o
pagkakamali na ito dito tayo natututo sa buhay, Opo, Ma’am!
at ginagawa natin itong insperasyon upang
magpatuloy. Sabi nga sa kasabihan sa Ingles
“Learn from your mistakes” Maliwanang ba?

C. Pagpapakilala sa Aralin
Tungkol po sa mga Bilanggo.
Batay sa aktibidad na ginawa natin kanina.
Nahihinuha ninyo na ba ang ating talakayin
ngayong araw na ito? Balmond?

3
4

Santiago City
Tel/Fax: (078)-305-3226 / 305-0897
www.northeasterncollege.edu.ph

Mahusay! Ang pag-aaralan natin ngayon ay


isang maikling kwento ni Virtuso Wilfredo ang
Bilanggo.
Bago ang lahat narito ang ating mga layunin,
Beatrix, maaari mo ba itong basahin? Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay
inaasahang;
a. Nailalarawan ang mga tauhan sa
kwento,
b. Naibabahagi ang sariling karanasan
at opinyon sa totoong buhay; at
c. Nakagagawa ng Spoken Word Poetry
batay sa kwentong napakinggan.

Maraming Salamat!

D. Pag aalis sagabal


Bago ang lahat, atin munang bigyang
kahulugan ang mga malalalim na mga salita na
ating makikita at mapapakinggan sa maikling
kwento na ating tatalakayin ngayong araw, at
Gawain 2. Ano Nga Ba Ako Sayo!
upang mas lalo natin itong maunawaan.
Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga
matatalinghagang salitang nasalungguhitan sa
bawat pangungusap. Sa pamamagitan ng pagpili
ng kasagutan sa loob ng kahon.

Halaga Makita
Nangungutya malaman

Kuripot

_____1. Pataas nang pataas ang presyo ng


gasoline.
_____2. Matanaw ko lamang siya sa malayo
masaya na ako, kahit sa iba na siya kasama.
_____3. Hindi maganda ang nanlilibak sa
kapwa.
_____4. Natuklasan ko na may iba ng
nagpapasaya sa kaniya.

Mahuhusay! Isaisip at huwag kakalimutan ang


ibigsabihin ng mga ito upang maunawaan ninyo
ang tulang ating papanoorin ngayon. Isa rin

4
5

Santiago City
Tel/Fax: (078)-305-3226 / 305-0897
www.northeasterncollege.edu.ph

itong senyales na handa na kayong makinig sa


ating talakayin ngayon ang Maikling Kwento ni
Virtuso Wilfredo ang Bilanggo.

E. Pagtalakay sa Aralin
Bago ang lahat atin munang alamin kung sino si
Virtuso Wilfredo.

Si Wilfredo Pa. Virtusio ay kabataang


manunulat na nakapagpanalo sa mga timpalak-
panitik.
Isinilang sa Bay, Laguna, noong 13 Mayo 1942.
Limang taong gulang palamang siya nang sila
ay manirahan sa NBP (National Bilibid Prison).
Ang kaniyang maikling kwentong “Bilanggo” ay
nagtamo ng unang gantimpala sa Palanca at
nanguna sa taunang pamimili ng Pilipino Free
Press. Nagkamit ng Balagtas Memorial Awards
ukol sa naikling katha noong 1969, siya pa rin
ang pumangalawa sa taunang pamimili ng
maikling kwento ng Liwayway sa nabanggit na
taon.
Ngayon dahil natukoy na natin kung kung sino
si Wilfredo Pa. Virtusio, atin ng pakinggan ang
kanyang akda na Bilanggo. Nais kong ipaalala
na making kayong mabuti sa ating talakayin
ngayon sapagkat may inihanda akong aktibidad
kapag katapos ng ating talakayin. (ang mga mag-aaral ay nakikinig)
(video clip at kopya ng maikling kuwento)

F. Paglalahat Opo, Ma’am!


Kung tunay ngang naunawaan ninyo ang Gawain #3.BINGO, BILANGGO!
kuwento, may hinanda na akonll,m,g aktibidad
upang kilatisin kung naunawaan ninyo nga ang Panuto: bibigyan ko ang bawat isa ng papel na
ating talakayin ngayong araw. Handan na ba may letra. Bubunot ako ng mga bola sa isang
kayo? kristal bowl na may letra at may katumbas na
tanong.
1. Ilarawan ang dating pamumuhay ng
pangunahing tahan.

2. Kung ikaw ang nasa posisyon ng pangunahing


tauhan paano mo ipagtatanggol ang iyong sarili?
3. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mga
kaibigan sa oras ng iyong kalugmukan?
4. Kng bibigyan ka ng isang kapangyarihan na
makatulong sa iyong kapwa ano ito at bakit?

5
6

Santiago City
Tel/Fax: (078)-305-3226 / 305-0897
www.northeasterncollege.edu.ph

5. Sinong opisyal ang nagpahirap sa kaniya sa


loob ng kulungan?
6.Magbigay ng mga karanasan ni Mang Selo na
may pagkakatulad sa iyong karanasan at paano
mo ito napagtagumpayan.
7. Naniniwala ka ba na ang hustisya ay para
lamang sa mayayaman? Bakit?
8. Kung babaghin mo ang wakas ng kwento.
Anong wakas ito at bakit?
Mahuhusay!Natutuwa ako sapagkat naunawaan
ninyo nga talaga an gating talakayin ngayon.
Huwag ninyong kakalimutan ang aral na inyong
natutunan sa ating talakayin ngayon. Lahat tayo
ay may karapatan sa hustisya, masama man o
walang nagawang kasalanan dapat binibigay sa
kanila ang hustisya na para sa kanila. Kaya
laging isaisip na hindi dapat husgahan ang lahat
ng mga nasa loob ng kulungan sapagkat hindi
natin natin alam ang tunay na nangyari kung
bakit sila nakulong at kung ano ang kanilang Opo, Ma’am
pinagdadaanan sa buhay. Piliing maging mabuti
lagi sa lahat ng oras.

G. Paglalapat
Ngayon nais kong ibahagi niyo ang inyong
sariling karanasan, opinyon at damdamin batay
sa ating talakayin ngayon. Isulat ito sa isang
Gawain #4. Karanasan Mo, Ibahagi Mo!
buong papel, at tatawag ako ng mag-aaral na
magbabahagi ng kaniyang karanasan. Panuto: Magbabahagi ng sariling karanasan na
maiuugnay sa napanood na maikling kwento.
Maaaring buhay ng mga mag-sasaka, mga taong
nasa bilangguan, o mga taong hindi naibigay sa
kanila ang karapatan na dapat meron sila. Gawin
ito sa loob ng limang (5) minuto.
Pamantayan sa paggawa:
Organisayon 3 puntos
Nilalaman 4 puntos
Presentasyon 3 puntos

Kabuuang Puntos 10 puntos

(ang mag-aaral ay magbabahagi ng kanilang


Sinong nais magbahagi ng kanilang karanasan karanasan sa loob ng klase)
na maiuugnay sa ating talakayin ngayon?

6
7

Santiago City
Tel/Fax: (078)-305-3226 / 305-0897
www.northeasterncollege.edu.ph

Mahusay! Bigyan natin siya ng palakpak Maria


Clara. Ako’y natutuwa sapagkat binahagi mo sa
buong klase ang iyong karanasan, sanay
maging insperasyon ito sa mga kapwa mo
kabataan. Palagi ninyong tatandaan na may
kaniya kaniya tayong kinakaharap sa buhay
oestado sa buhay, mayroong mayaman at
mahirap. Ngunit anumang estado mo sa buhay
ay may kalayaan, at may karapatan. Alamn niyo
baa ng kasabihan sa Igles na You know my
name but not my stoy, ibigsahin nito
kinakailangan nating respetuhin ang bawat isa Opo, Ma’am!
kase hindi naman tayo parehas ng
pinagdadaanan sa buhay. Maliwanag ba?

IV. Ebalwasyon
Pangkatang Gawain
Panuto: Gumawa ng isang spoken word poetry na may apat na saknong. Ang tulang
inyong gagawin ay Malaya kung saan maaaring walang sukat. Ang paksa ay tungkol sa
“Patas na kalayaan”. Mamarkahan ang inyong mga gawa sa pamamagitan ng rubriks na
nasa ibaba. Gawin ito sa loob ng limang (5) minuto.
Pamantayan sa paggawa ng Spoken Word poetry
Kaangkupan sa Paksa – 15
Mga salitang ginamit – 15
Kabuuan – 30 puntos

V. Takdang Aralin
Panuto: Saliksikin at unawain ang tulang “Ang pag-ibig sa Tinubuan ng Lupa” ni Andres
Bonifacio. Gumawa ng sariling repleksyon tungkol sa tula, ilagay sa word, at ipasa ito sa QR
code na nasa ibaba.

Inihanda ni: Iniwasto ni:


Indira Abalos LIMER VIERNES LPT, MaEd
Gurong Nagsasanay Gurong Nagwasto

7
8

Santiago City
Tel/Fax: (078)-305-3226 / 305-0897
www.northeasterncollege.edu.ph

You might also like