You are on page 1of 9

Department of Education

Division of Camarines Sur


MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

I. LAYUNIN:
Sa loob ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay kinakailangang:
a. Natutukoy ang kahulugan ng talumpati.
b. Naiuugnay ang paraan ng pagkilos sa dating karanasan sa pagtatalumpati
c. Nakagagawa ng isang piyesa sa pagtatalumpati base sa napiling paksa.

II. PAKSANG ARALIN:


a. Paksa:
“TALUMPATI”
b. Sanggunian:
https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-talumpati
c. Kagamitan:
Biswal na materyal
Laptop
Mga larawan
d. Integrasyon:
Matematika: Pagbuo ng mga salita gamit ang mga numero.
English: Pagbuo ng simpleng pangungusap
ESP: Kooperasyon, determinasyon, tiwala sa sarili at pagtutulungan.
III. PAMAMARAAN SA PAGTUTURO
Daloy ng Pagtuturo
at Pagkatuto Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang
Gawain

1. Panalangin Magsitayo na muna po ang lahat


para sa bungad panalangin. (ang mga mag-aaral ay tatayo para
sa panalangin)
2. Pagbati Magandang umaga sa inyong lahat!
Magandang umaga din po Ma’am!
3. Pagsasaayos Pulutin muna ang mga papel o
anomang dumi sa ilalim ng inyong
upuan.
Ngayon magsiupo na ang lahat ng
maayos at itago ang lahat ng bagay
na maaaring makasagabal sa ating
talakayan.

4. Pagtala ng May liban po ba ngayong araw?


Liban Maaari mo bang itala Bb. Claire ang Opo Ma’am.
wala sa araw na ito.

5. Pagbabalik- Magbalik-aral muna tayo, anong


aral paksa ang tinalay natin noong
nakaraang linggo?

Maraming salamat. Tungkol po sa dulang “Sinag sa


Department of Education
Division of Camarines Sur
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

Karimlan”
Kumusta ka naman Danica?

Mabuti kung ganun. Mabuti naman po Ma’am.


Maaari ka bang pumili ng isang
“emoticon” na naglalarawan ng iyong
nararamdaman ngayon, at ibigay/ (Kumuha siya ng masayang
ibahagi mo ito sa iyong kamag-aral. emoticon at ibinigay ito kay Sheena)

B. PAGGANYAK Unang Gawain:


Bago natin simulan ang ating paksang
tatalakayin sa araw na ito,
magkakaroon muna tayo ng isang
masayang gawain. Tatawagin natin
itong “Apat na larawan, Isang
salita”

Susuriin ninyo ang nasa larawan at


pagkatapos ay huhulaan ninyo ang
salita na pinapahiwatig nito sa
pamamagitan ng mga numero na
aking ibibigay.

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ __


20 1 12 21 13 16 1 20 9

Ano kaya ang nais ipabatid na salita


ng nasa larawan? Ito po ay salitang TALUMPATI

Magaling ang salita na nais


ipahiwatig ng nasa mga larawan ay
ang Talumpati.

C. Paglalahad Nahulaan na ninyo ang paksang


aralin na ating tatalakayin sa araw na
ito. Ngayon narito ang layunin ng ating
aralin.

LAYUNIN:
a. natutukoy ang kahulugan ng
talumpati.
Department of Education
Division of Camarines Sur
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

b. naiugnay ang paraan ng


pagkilos sa dating karanasan sa
pagtatalumpati
c. nakagagawa ng isang piyesa
sa pagtatalumpati base sa napiling
paksa.

PAGHAWAN NG SAGABAL
Para sa paghawan ng sagabal buohin
ninyo ang mga letra upang makabuo
ng mga salita at pagkatapos mabuo
ito ay bibigyan niyo ito ng
pagpapakahulugan.

1. NAGMUHIK
2. LOSPAKIG Para sa unang bilang ito po ay
3. NAKASANRA MUNGKAHI na nangangahulugang
palagay o ideya.

At ang ikalawa naman po


PAGKILOS na nangangahulugang
paggalaw ng katawan o anumang
Magaling! bahagi ng katawan ng isang tao.

At para naman sa ikatlo ito po ay


KARANASAN na
. nangangahulugang pag-aaral o
pakatuto sa pamamagitan ng mga
gawa, galaw, o kilos.
Napakahusay! Maraming salamat.

D. Pagtatalakay Ngayon bubuksan na natin ang ating


talakayan sa bagong paksa na ating
pag-aaralan.

Sinong may ideya sa kahulugan ng Ang talumpati ay sining ng


TALUMPATI? Jenny? pagpapahayag ng isang kaisipan
tungkol sa isang paksa sa paraang
pasalita sa harap ng tagapakinig.
Magaling binibini!

Alam ba ninyo may iba’t ibang bahagi


ang Talumpati ano kaya ito?

Una, ito po Panimula


Magaling! Maaari mo bang basahin
ito. - inilalahad ang layunin ng talumpati,
kaagapay na ang istratehiya upang
kunin ang atensiyon ng madla.
Department of Education
Division of Camarines Sur
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

Ikalawa, ito po ay Katawan


Magaling! Maaari mo bang basahin
ito. -nakasaad dito ang paksang
tatalakayin ng mananalumpati.

At ikatlo po ay ang, Pangwakas

Magaling! Maaari mo bang basahin -ang pinakasukdol ng buod ng isang


ito. talumpati. Dito nakalahad ang
pinakamalakas na katibayan,
paniniwala at katuwiran upang
makahikayat ng pagkilos sa mga tao
ayon sa layunin ng talumpati.
Napakahusay!

May iba’t ibang uri rin ang talumpati


anoa no kaya ito?
A.Impromptu o Biglaan- Ito ay
walang paghahandang isinasagawa
sapagkat biglang tatawagin ang
mananalumpati at pagsasalitain.

B.Ekstemporanyo o Maluwag-
Binibigyan ng kaunting panahon ang
mananalumpati na makapa-isip –isip
sa paksang doon din lamang
ipinaalam sa kanya kaya’t
karaniwang naisasagawa lamang
ang balangkas para sundan sa hindi
Magaling! isinaulong sasalitain.

Sunod ay ang mga uri ng talumpati


ayon sa layon nito.

Maari niyo bang basahin at


ipaliwanag? 1.Talumpating Pampalibang
Ang mananalumpati ay
nagpapatawa sa pamamagitan ng
anekdota o maikling kuwento.
Kadalasan ito ay binibigkas
pagkatapos ng isang salu-salo.

2.Talumpating Nagpapakilala
Kilala rin ito sa tawag na panimulang
talumpati at karaniwan lamang na
maikli lalo na kung ang ipinapakilala
ay kilala na o may pangalan na.
Isang halimbawa ay ang
Department of Education
Division of Camarines Sur
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

pagpapakilala sa panauhing
pandangal sa araw ng pagtatapos.

3.Talumpating Pangkabatiran
Ito ang gamit sa mga panayam,
kumbensiyon, at mga pagtitipong
pang-siyentipiko, diplomatiko at iba
pang samahan ng mga dalubhasa
sa iba’t ibang larangan.

4.Talumpating Nagbibigay-galang
Ginagamit ito sa pagbibigay galang
at pagsalubong sa isang panauhin,
pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa
kasamahang mawawalay o aalis.

5.Talumpating Nagpaparangal
Layunin nito na bigyang parangal
ang isang tao o kaya magbigay ng
papuri a mga kabutihang nagawa
nito.
Halimbawa: Talumpating nagbibigay
pugay kay Hidilyn Diaz sa
pagkakamit ng ginto sa Olympics
2021.
6.Talumpating Pampasigla
Pumupukaw ng damdamin at
impresyon ng mga tagapakinig.

Maraming salamat napakahusay!

Sa inyong palagay ano naman kaya


ang mga layunin ng talumpati? Ito po ay……
Magbigay o magdulot ng kasiyahan
Magbigay ng impormasyon
Makapagpahayag ng katwiran
Makapagpaliwanag ng katwiran
Magpakilos tungo sa isang
pagsasagawa

Sunod ay ang, Mga Bahagi at Dapat


Taglayin ng isang Talumpati upang
maging Mabisa.

Ano-ano naman kaya ito? maaari niyo


bang basahin at ipaliwanag. Panimula. Sa bahaging ito
tinatawag ang pansin ng mga
tagapakinig.
Department of Education
Division of Camarines Sur
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

Paglalahad. Ang bahaging ito ang


pinakakatawan sa talumpati. Dito
inilalahad ang isyu at pagpapahayag
ng diwa sa paksang tinatalakay.

Paninindigan. Dito ipinapaliwanag


ng nagtatalumpati ang kanyang
pangatwiran hinggil sa isyu. May
layunin itong humikayat o
magpaliwanag sa mga nakikinig.

Pamimitawan. Sa bahaging ito


binibigkas ang pangwakas na
pangungusap ng isang talumpati.
Kailangan din magtaglay ito ng
masining napangungusap upang
mag-iwan ng kakintalan sa mga
taga-pakinig.
Maraming salamat napakahusay!

Sunod ano-ano naman kaya ang


Katangian at Nilalaman ng Mahusay
na Tekstong Argumentatibo? 1. Mahalaga at napapanahong
paksa/isyu.
2. Maikli ngunit malaman at malinaw
na pagtukoy sa unang talata ng
teksto.
3. Malinaw at lohikal na transisyon
sa mga bahagi ng teksto.
4. Maayos na pagkakasunod-sunod
ng talatang naglalaman ng mga
ebidensiya ng argumento.
5. Matibay na ebidensiya para sa
Napakagaling! argumento.

Ano-ano naman ang ,mga dapat


isaalang-alang ng isang
mananalumpati?

Una ay ang TINDIG. - Dapat may tiwala sa sarili


Bakit kaya? - Ang isang paa ay nakauna nang
bahagya at ang isa ay nasa gitna ng
isang paa pababa. Tingnan ang
Magaling! ilustrasyon

Ikalawa ang TINIG. - Dalisay, hindi matinis, hindi


magaralgal, malamig, bilog at
malakas
Department of Education
Division of Camarines Sur
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

Mahusay!

Ikatlo ay ang LAKAS kinakailangang


Nagagamit ang dayafram sa
pagsasalita upang hindi pumiyok sa
pagsasalita.

Ikaapat, Paggalawa o Pagkilos ng


katawan -Hindi dapat masyadong makilos
-Dapat angkop ang kumpas ng
kamay sa sinasabi
Mahusay!

At ang panghuli ay ang KUMPAS NG


KAMAY - Paglahad
- Patihaya o pababa ang palad
- Nakataas ang palad
- Dalawang kamay ay nakataas na
pekis at mabilis na pagpapahiwatig
ng galit
- Kamay na pasuntok Kamay na
Magaling. Maraming salamat. paturo

Naunawaan niyo ba ang ating Opo!


tinalakay?

Kung gayon dadako na tayo sa


pangkatang gawain.

E. Paglalapat Hahatiin ko kayo sa 8 pangkat. (Magpapangkatang ang mga Mag-


aaral)
Panuto: Bubunot ng isang
napapanahong isyu at ilahad ang iyong
argumento, sariling pananaw o opinyon
sa napiling isyu o paksa. Kinakailangan
maayos na naisulat ang argumento ayon
sa bahagi nito at katangian ng mahusay
na tekstong argumentatibo. Sundin ang
format sa ibaba.
Department of Education
Division of Camarines Sur
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

Naunawaan ba ang inyong gagawin? Opo!

Ang bawat gawain ay may


pamantayang dapat sundin

Pamantayan Laang Puntos Aking


Marka
Akma sa paksa ang pagpapahayag ng sariling 30
pananaw/opinyon/argumento.
Malinaw na ipapahayag ang sariling 20
pananaw/opinyon/argumento hinggil sa napiling
napapanahong isyu.
Maayos na naisulat sariling pananaw/opinyon/ 30
argumento ayon sa mga bahagi nito.
Nakahihikayat at nakapagbigay-linaw ang kabuoan sa 20
pagsusulat ng sariling pananaw/opinyon/argumento.
Kabuoang Puntos 100
5 – Napakahusay 2 – Di-gaanong Mahusay
4 – Mahusay 1 – Sadyang Di-Mahusay
3 – Katamtaman

F. Paglalahat Ano-ano ang mga napansin mong


pagbabago sa mga salitang kilos
kapag ito ay nasa aspekto ng
pandiwa?

Magaling!

Bilang mag-aaral paano


nakakatulong ang aspekto ng pandiwa
sa inyong buhay o sa pang araw-araw Nakakatulong po ito sa
na gawain pamamagitan ng tamang
pagpapahayag ng mga salita upang
lubos na maunawaan ng mga
Napakahusay! tagapakinig.

Alam kung lubos niyo ng


naunawaan ang ating tinalakay.

Maraming salamat

I. PAGTATAYA/EBALWASYON
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong.
1. Ano ang sining ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa
paraang pasalita sa harap ng tagapakinig? (Talumpati)
2. Dito inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istratehiya upang kunin
ang atensiyon ng madla. (Panimula)
3. Nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati. (Katawan)
Department of Education
Division of Camarines Sur
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9

4. Ito ay walang paghahandang isinasagawa sapagkat biglang tatawagin ang


mananalumpati at pagsasalitain. (Impromtu o Biglaan)
5. Uri ng talumpati na ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng
anekdota o maikling kuwento. (Talumpating Pampalibang)
6. Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensiyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko,
diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan.
(Talumpating Pangkabatiran)
7. Ito ay ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. (Pangwakas)
8. Dito ipinapaliwanag ng nagtatalumpati ang kanyang pangatwiran hinggil sa isyu. May
layunin itong humikayat o magpaliwanag sa mga nakikinig. (Paninindigan)
9. Ang bahaging ito ang pinakakatawan sa talumpati. Dito inilalahad ang isyu at
pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay. (Paglalahad)
10. Ito ay pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig. (Talumpating
Pampasigla)

I. ASIGNATURA
Ano-ano ang mga pahayag sap ag bibigay ng opinyon, matibay na paninindigan at
mungkahi?

Inihanda ni:

NEMUEL C. BEQUILLO
Guro

You might also like