You are on page 1of 8

Kagawaran ng Edukasyon

Minalabac National High School


Del Carmen, Del Rosario, Minalabac, Camarines Sur

Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 7

KAYARIAN NG SALITA
Huwebes, Miyerkules at Lunes
7-B, 7:30 n.u. – 8:30 n.u.
7-D, 10:45 n.u. – 11:45 n.u.
7A, 2:00 n.u. – 3:00 n.h.
7C, 3:00 n.u. – 4:00 n.h.

Enero 11-12, 2018


Enero 15, 2018

I. MGA LAYUNIN
Sa pagtatapos ng 60 minutong aralin, ang 75% na mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naibibigay ang kahulugan ng apat na anyo ng kayarian ng Salita;
b. natutukoy sa pangungusap ang ginamit na Kayarian ng Salita;
c. nakapagbabahagi ng kahalagahan sa paggamit ng Kayarian ng Salita; at
d. nakagagawa ng sariling pangungusap gamit ang Kayarian ng Salita.
II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: “Kayarian ng Salita”
b. Batis: Filipino sa Bagong Henerasyon, pahina 35-37
c. Kagamitang Panturo: Mga kagamitang biswal at pedagohikal (graphic organizer), tsok
at Pisara
d. Kakayahang dapat linangin sa mga mag-aaral: Pagsasalita, Pagsusulat, Pag-unawa at
Pagsusuri sa pangungusap
e. Konsepto: Ang Kayarian ng Salita ay nakatutulong sa atin upang mas lalong mapaunlad
ang talasalitaan sa maraming paraan.
f. Halagang Pangkatauhan: Pagpapahalaga at pagbibigay ng lunsarang katuturan sa
paggamit ng kayarian ng salita na may respeto, pag-unawa at integrasyon; Kooperasyon
at Disiplina.
g. Integrasyon sa mga Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao at Araling Panlipunan
h. Estratehiya: I Can Hear your Message, Think,Write and Share, Pagsusuri ng mga
pangungusap at tutukuyin ang kayarian ng salita na ginamit.
i. Metodolohiya: 4A’s Approach o Dulog (Aktibiti, Analisis, Abstraksyon, Aplikasyon)

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Oras Pasunod-sunod na (IM’S)


na Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Gawain Kagamitan
Ilalaan
A. Panimulang
10 Gawain
min. 1. Pagbati Magandang umaga sa lahat! Magandang umaga din po!

2. Panalangin Tumayo ang lahat para sa Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at


panalangin, Ivan pangunahan mo ng Espiritu Santo, Amen.
po ang pagdarasal. Purihin nawa ang ngalan ni
Hesus, Ngayon at
magpakailanman siya nawa.
3. Pagpapanatili ng Bago maupo, pakiayos po ng Amen.
Kalinisan at upuan sa tamang linya at pulutin
kaayusan ang nakakalat sa ilalim ng inyong (Ang lahat ay aayusin ang
4. Pagtala ng liban upuan. kanilang upuan at pupulitin
sa Klase Kalihim, maaari mo bang itala at ang duming nakakalat.)
iulat sa klase ang liban ngayong Ma’am, wala pong liban
araw. ngayong araw.

Mahusay! Palakpakan natin ang


ating sarili.
5. Pagpasa o
pagwasto ng Mayroon ba akong ibinigay na
Kasunduan takdang-aralin sa inyo? Meron po.

Kung gayun, maaari na pong ipasa


sa unahan.

6. Pagbabalik-aral Ano ba ang huling paksang


tinalakay noong nakaraang araw?
Beth?
Ang huling paksang tinalakay
po natin ay tungkol sa Obra
Maraming salamat! Maestra na Ibong Adarna.
Ano ba ang mga aral na napulot
ninyo?

Ang mga aral na napulot po


naming ay tungkol sa
pagmamahal sa pamilya,
pagmamalasakit sa bawat isa,
Magaling! Tunay nga na nakikinig pagpapatawad sa mga
kayo sa ating tinalakay kahapon. nagawang pagkakamali at
pagmamahal sa kahariang Kagamitang
5 min. 7. Pagganyak Ang ipapakita ko sainyong mga nasasakupan. biswal
letra ay lalapatan natin ng tono,
pero bago ang lahat. Panonoorin
niyo muna po ako para alam niyo
ang gagawin. Naunawaan po ba?

-um (isang bagsak ng 2 kamay) Opo!


Mang (papatunugin ang 2 kamay)
Pa-an (1 palakpak) Nakikinig at pinapanood ng
Pala- (isang bagsak ng 2 kamay) mabuti ang lahat.
-in (papatunugin ang 2 kamay)
-an (1 palakpak)
Taga- (isang bagsak ng 2 kamay)
Ipa- (papatunugin ang 2 kamay)
Isa- (1 palakpak)
Pa-in ((isang bagsak ng 2 kamay)
I (papatunugin ang 2 kamay)

Sa una, mabagal ang gagawin


Pangalawa, may katamtamang
bilis at pangatlo ay mabilis na Ang Lahat ay nakikilahok.
upang mas lalong sumaya.

Nasiyahan ba kayo sa ating


ginawang awitin?
Maraming salamat sa inyong Opo Ma’am nasiyahan po!
pakikilahok! Ang gawaing ito ay
may kinalaman sa ating paksang
tatalakayin sa araw na ito.

Mayroon na ba kayong ideya? Ikaw


3 min. B. Paglalahad ng Kristel?
Aralin Tama!
Ang mga ginamit na salita ay
1. Paglalahad ng Ang paksang tatalakayin natin sa mga panlapi.
paksa araw na ito ay tungkol sa apat na
anyo ng Kayarian ng Salita.

2. Paglalahad ng Kagamitang
Layunin Gaya ng dati ay mayroon tayong biswal
layunin o pokus ng ating gagawing
pag-aaral.
1. Ngayon ay araw ng
Huwebes ang Ikalawang pangkat MGA LAYUNIN:
ang magbabasa ng layunin natin. a. naibibigay ang kahulugan ng
apat na anyo ng kayarian ng
salita;
b. natutukoy sa pangungusap
ang ginamit na Kayarian ng
Salita;
c. nakapagbabahagi ng
kahalagahan sa paggamit ng
Kayarian ng Salita; at
d. nakagagawa ng sariling
pangungusap gamit ang
Maraming Salamat Sainyo.
Ngayon, Kaya ba natin matamo ang Kayarian ng Salita.
ating layunin sa araw na ito?

Opo Ma’am!
Mahusay!

10 a. Aktibiti Ang ating gagawin ngayon ay Kahon, maliliit


min. tinatawag na “ I Can Hear Your na papel,tsok
Message” at pisara

Panuto: Bawat pangkat ay


magkakaroon ng isang Sender na
nakapuwesto sa unahan at isang
Receiver na nakapuwesto naman
sa hulihang bahagi ng upuan. At
ang ibang myembro ay
magsisilbing daan rin upang
maipaabot ang mensahe na
mabubunot sa kahon.
Kapag naihatid na sa Receiver ay
isusulat niya sa pisara ang
nasabing mensahe at bibilugan
ang kayariang salita na ginamit sa Ang lahat ng mag-aaral ay
pangungusap. Samantalang ang aktibong makikilahok sa
ibang miyembro ay sabay-sabay gawain.)
na babanggitin o sasabihin ang
anyo ng kayarian ng Salita.
Sa tingin ninyo, bakit
5 min. b. Analisis kinakailangan ito sa pagbuo ng Dahil ito po ay nagsisilbing
pangungusap? pananda at para hindi na
paulit-ulit ang mga salita sa
pangungusap.
Ano ang kahalagahan ng paggamit
ng kayarian ng Salita sa
pangungusap? Mahalaga po ito sapagkat mas
nauunawaan natin ang nais
ipabatid ng mga pangungusap
kung ito ay ginagamitan ng
mga kayarian ng Salita.
Mabisa kaya itong gamitin sa
pangungusap bilang kaayusan ng
diwa nito? Ipaliwanag. Opo, kung maayos at tama ang
pagkakagamit ng kayarian ng
salita ay madali nating
nalalaman kung sino o ano ang
tinutukoy sa pangungusap.

Mahusay!
Naunawaan po ba? Opo Ma’am!

Ngayon ating alamin kung ano ang


kayarian ng salita. Kagamitang
biswa, tsok at
15 Handa na bang makinig ang lahat? Handa na po Ma’am! pisara
min. c. Abstraksyon
Ang kayarian ng Salita ay may apat
na anyo, tulad ng sumusunod:

1. Payak- ang salita ay payak kapag


ito’y binubuo lamang ng salitang-
ugat.
Halimbawa:

ganda laro kain sulat


aral isip tanim tayo

Sa ganda ng tanawin ang lahat ay


namangha.

Alin po diyan ang ginamit na payak Ang ginamit po Ma’am ay ang


na salita? salitang ganda.

2. Maylapi- ang salita ay maylapi


kapag ito’y binubuo ng salitang-
ugat at panlapi.
Halimbawa:
Umawit kinain laruan
Inalis sumuko sulatin

Ang salitang UMAWIT ay may


panlaping um.,na ang salitang-
ugat po ay awit.
Ang salitang INALIS ay may
panlaping in., na ang salitang-ugat
ay alis.

Ang salitang KINAIN ay may


panlaping in.
Ang salitang-ugat po ay in.
Ano naman po ang salitang-ugat ng
Kinain? Ang salitang sumuko ay
maylaping um. Na ang
Ang salitang SUMUKO, ay salitang-ugat po ay Suko.
maylaping ano?

Mahusay!
Naunawaan na ba ang ibig sabihin Opo Ma’am!
ng Maylapi?

Karagdagan po, Maaari rin naming


magkaroon ng higit sa isang
panlapi ang isang salita.

Tinatawag na UNLAPI, ang


panlaping ikinakabit sa unahan ng
salitang-ugat. Ang mga
karaniwang panlapi ay:

Um- mag- ka -
sing- (sim-,sin-)
Mang- (mam-, man-)
Pang- (pam-, pan-)

Halimbawa:
Gamit ang Um
Ang bata ay umakyat sa puno ng
Santol.
Ang salitang-ugat ay akyat.
Opo Ma’am!
Naunawaan na ang Unlapi?

Tinatawag naman na HULAPI,


kapag ang panlaping ikinakabit sa
hulihan ng salita. Ang mga
karaniwang hulapi ay:

-an -han -in -hin

Halimbawa:
Ang sabi kay Nena ay walisan daw
ang daan.
Ang salitang walisan na
Ano po ang salita na may hulaping ginamitan ng hulaping an-
ginamit?

Mahusay!

Samantala, GITLAPI naman ang


tawag sa panlaping inilalagay sa
gitna ng salita. Ang mga gitlapi ay:
-um- -in-

Halimbawa:
Itinakbo ng bata ang kinuhang
tinapay.

Ang salitang Itinakbo ang may


gitlaping –in-, at unlaping i. kaya Opo Ma’am!
naman ang salitang-ugat ay takbo.

Naunawaan na po ba?

3. Inuulit- inuulit ang salita kung


ang kabuuan o bahagi nito ay
inuulit.
Halimbawa:

Araw-araw taon-taon
isa-isa sama-sama

Sa Ingles ng Araw=day
Ang araw-araw= everyday
Inuulit ang bahagi ng salita na
naiiba na ang kahulugan.

Sa Ingles ng isa=one
Ang isa-isa= one by one
Inuulit ang bahagi ng salita na
naiiba na ang kahulugan.

Ano naman kaya sa taon-taon? Sa Ingles po ng taon= year


At kapag po inulit ang salitang
taon ay magiging yearly po sa
Ingles. Nagkakaroon po ng
pagkakaiba ang kahulugan po
Napakahusay! Tama, ang iyong Ma’am.
sagot.

4. TAMBALAN- ang dalawang


salitang pinagsasama para
makabuo ng isa lamang na salita ay
tinatawag na tambalang salita.

Mayroon po itong dalawang uri:


a. Tambalang Ganap-kapag ang
kahulugang nabubuo ay iba na sa
kahulugan ng dalawang salitang
pinagtambal.

Halimbawa:
Bahaghari
Hampaslupa
Dalagambukid (isda)

b. Tambalang Di-ganap- kapag


ang kahulugan ng salitang
pinagtambal ay nananatili. Ito ay
ginagamitan ng gitling.
Halimbawa:
Bahay-kubo
Bahay-ampunan
Anak-mayaman
Urong-sulong
Malinis na papel,
Malinaw na ba sa lahat ang Opo Ma’am, malinaw na po sa bolpen,kagamitang
biswal
kayarian ng salita? amin.

5 min. d. Aplikasyon Ngayon, batid ko na alam na ninyo


ang ibig sabihin ng kayarian ng
salita at mga anyo nito, kung kaya’t
magkakaroon muli tayo ng
pangkatang gawain at ito ay
tatawagin nating “Think, Write
and Share”

Panuto: Bibigyan ko kayo ng isang


malinis na papel. Paramihan kayo
ng mga halimbawa na mabubuo
ninyo gamit ang kayarian ng salita.
Bilugan ang salitang ginamit at
isulat ang anyo nito.

Pero bago ang lahat ay may


pamantayan kayong susundin.
Basahin mo Alyana. PAMANTAYAN:
Bilang ng kayarian 5 puntos
ng salita naginamit

Pagkamalikhain 3 puntos
at Kalinisan
Kaayusan at Disiplina 2 puntos
10 puntos
(Ang lahat ng mag-aaral ay
aktibong nakilahok sa
gawain.)
2 min. e. Pagpapahalaga Madali ba ninyong natukoy ang
kahalagahan ng kayarian ng salita
sa pagbuo ng mga pangungusap?
Ipaliwanag. Opo, sa pamamagitan ng
kayarian ng salita, mas madali
nating natutukoy o nalalaman
ang nais ipahiwatig ng
pangungusap.
Mahusay ang iyong tinuran!
Gamit ang kayarian ng salita ay
natutulungan tayo na mas
maunawaan ang inihuhudyat ng
mga pahayag, pasulat man ito o
pasalita.

Bakit mahalagang pag-aralan


natin ang kayarian ng salita sa
pagbuo ng pangungusap? Dahil ito po ay isa sa mga
mahahalagang paksa na dapat
pag-aralan hinggil sa wika.
Magaling! Dapat lamang na alam
natin ang kahalagahan ng
kayarian ng salita at kung bakit
natin ito pinag-aaralan.

2 min. f. Paglalahat Mahusay! Sa muli, ano nga ulit ang


paksa na ating tinalakay sa araw Ang tinalakay po sa araw na ito
na ito? Joshua? ay ang ang kayarian ng salita
na na may apat na anyo ito ay
ang Payak, maylapi, Inuulit at
tambalan.
Tama!
Sa payak po Ma’am ay tanaw
Magbigay nga ng mga halimbawa
Sa Maylapi, tanawin,
nito, Jason?
ginamitan ng hulaping in.

Napakahusay!
Salamat, sino pa ang may
Ang iba pa pong halimbawa ay
karagdagan? Kyle?
inuulit na salita kagaya ng
litong-lito.
Magaling at Maraming Salamat!

IV. PAGTATAYA

I. PAGTUTUKOY
PANUTO: Suriin ang mga pangungusap. Bilugan ang salitang ginamit na kayarian ng salita at
tukuyin kung anong anyo (payak, maylapi, inuulit o tambalan)

______________1. Nakiusap ang bata kay Stella na araw-araw ng dadalaw sa bahay nila.

______________2. Dito naganap ang isang trahedya, tunay na nakakikilabot ang bahay ni Theresa.

______________3. Oo, nais niyang mabuhay ng matiwasay dahil ayaw niya ng gulo.

______________4. Ang pagbabalik-tanaw noong taong 2017.

______________5. Hindi kumukupas ang kanyang ganda.

II. PAGPAPALIWANAG

 Ano- ano ang kahulugan ng apat na anyo ng kayarian ng Salita?


Susing Sagot:

1. Araw-araw (Inuulit) 3. Mabuhay (Maylapi) 5. Ganda (Payak)


2. Naganap (Maylapi) 4. Pagbabalik-tanaw (Tambalan)

Ika-12 ng Enero, 2018


IV. KASUNDUAN

1. Pangkatang Gawain (Dating pangkat lamang)


PANUTO: Bumuo ng isang awitin na ginagamitan ng mga kayarian ng salita. Isulat ang liriko
sa isang buong malinis na makulay na papel.

Inihanda ni: Nabatid ni:

Vanessa V. Ballore Gng. Minda C. Pega


Gurong Mag-aaral sa Filipino 7 Katuwang na Guro, Filipino 7

You might also like