You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Region- IV A CALABARZON
Sangay ng Quezon
CALAUAG NATIONAL HIGH SCHOOL
Calauag, Quezon

Masusing Banghay Aralin sa Filipino


Baitang 10

“PAALAM SA PAGKABATA”

Inihanda ni:

CHRISTINE S. MANZANERO
Guro sa Filipno

Nabatid ni:

BERNARDO CRISTINO P. ALTAMIRA


Punong Guro
I. LAYUNIN
A. Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa napakinggang bahagi ng akda
sa pandaigdigang pangyayari sa lipunan.
B. Naihahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda.
C.Nakagagawa ng isang sanaysay tungkol sa mga di makalilimutang
pangyayari sa kanilang pagkabata.

II. PAKSANG ARALIN


a. Panitikan : Paalam sa Pagkabata (Maikling Kwento)
b. May- akda: Santiago D. Pepito
c. Sanggunian: FILIPINO_HS.COM 10 pp. 3-7
d. Kagamitan: Kartolina, speaker at mga tulong biswal.

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Panimulang Gawain
Panalangin
Amen
Pagbati
(Magandang Hapon Mga Bata)
Magandang Hapon din po.
Pagtala ng Lumiban
(may lumiban ba sa ating klase
ngayon?)
Wala po!

A. AKTIBITI
Pangganyak na Gawain
Magpaparinig ang guro ng isang kantang
pambata at pagkatapos ng kanta ay
sasagutin ang mga sumusunod na
katanungan.
(Taimtim na makikinig ang mga mag-aaral)
Base sa inyong narinig na awit ano ang
mensaheng pinaparating nito.
Ipinapahayag po dito ang kahalagahan ng
isang kabataan dito sa ating mundo.
Magaling! Ating palakpakan.

TALASALITAAN
Bago natin talakayin ang ating
paksa sa araw na ito, ngayon ay
susubukin ko ang inyong bukabularyo ng
inyong kaisipan pagdating sa
talasalitaan.Piliin sa loob ng kahon ang
mga kahulugan ng mga salitang may
salugguhit sa bawat pangungusap at idikit
ito sa bawat bilang at pagkatapos
maibigay ang kahulugan ay gamiti ito sa
sariling pangungusap
Natigil Uhaw
Pag-iyak Galit
Naghanda

1. Ang sunod-sunod na paghikbi ay tila 1. Pag-iyak


pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. 2. Uhaw
2. Ngunit ang damdamin ko’y tila tigang na 3.Galit
lupang pinagkaitan ng ulan.
3. Nanlilisik ang mga matang tumingin sa 4.Natigil
lambat at pagkatapos ay bumaling sa akin. 5. Naghanda
4. Ngunit Nauntol ang ibig kong sabihin
nang magpatuloy ang kanyang pagluha.
5. Umakma akong tumakbo ngunit
nahawakan niya ang isa kong kamay.

Mahusay ang pinakita ninyong


pagpapalawak ng inyong bukabolaryo
pagdating sa talasalitaan, Palakpakan
ninyo ang inyong mga sarili.

 Ano nga ba ang kahulugan ng


maikling kwento?
 Anu-ano nga ba ang ibat-ibang uri
ng maikling kwento?
 Mahalaga bang pag-aralan natin
ang maikling kwento, at paano ito
nakatutulong sa pagkakaroon ng
kamalayan sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan?
 At sa pagtatapos ng ating talakayan
kayo ay makagagawa ng sanaysay
tungkol sa mga pangyayaring di
niyo makalilimutan sa inyong
pagkabata.

B. ANALISIS
Panimulang Pagtalakay sa Paksa
Para sa inyo ano ba kapag sinabing
Maikling Kwento?
Ang maikling kwento o maikling katha y
nilikha nang masining upang mabisang
makintal sa isip at damdamin ng
mambabasa.

Itoy mababasa sa iisang upuan lamang.


Ngayon, titingnan ko ang inyong kaalaman
sa mga uri ng Maikling kwento.Tukuyin
niyo ang kung alin sa mga salitang iyan
ang kasing kahulugan at idikit sa tapat ng
tamang kahulugan.
Kwento ng Isipan

Kwento ng katutubong kulay

Kwento ng tauhan

Kwento ng Banghay

______1.Nakatuon ang pansin sa galaw, 1.Kwento ng tauhan


salita at kaisipan ng tauhan. Ang sentro o 2.Kwento ng banghay
pokus ng akda ay umiinog sa pangunahing 3.Kwento ng Isipan
tauhan. 4.Kwnto ng katutubong kulay
______2.Binibigyang diin dito ang
pagkabuo ng magkakaugnay na mga
pangyayari sa akda.
______3.Paksa ang pinagtutuunan ng
pansin gayundin ang diwa , o isipan ng
katha.

______4.Inilalarawan dito ang mga bagay,


paligid , kaayusang panlabas, pag-uugali
ng mga residente sa isang lugar, kanilang
mga paniniwala, mithiin ng lugar na iyon.

Ang inyong sinagutan ay ang ibat-ibang uri


ng maikling kwento, ngayon ang ating
tatalakayin ay kwento ng tauhan, Ano nga
ulit pagsinabing kwento ng tauahan?
Sir ang kwento po ng tauhan ay
binibigyang diin dito ang ugali o katangian
ng tauhan.
Mahusay! Palakpakin natin.

Pagtalakay sa Aralin.
“Paalam sa Pagkabata”
Pangkatang Gawain

Kayo ay hahatiin ko sa limang pangkat.


Bawat pangkat ay bubunot ng bahagi ng
kwento at kung anong bahagi ng kwento
ang mabunot ninyo ay ilahad sa masining
na paraan at kayo ay bibigyan ko ng
sampung (10) minuto para sa
paghahanda at Tatlong(3) minuto naman
para sa pagtatanghal.
(ang mga mag-aral ay pupunta sa kani-
kanilang grupo at matapos bumunot ng
bahagi ng kwento ay paghahandaan
naman ang masining na pagtatanghal)
I – Simula – Role-play
II – Tunggalian – kanta
III – Kasukdulan – Pabalita
IV – Kakalasan – Tula
V – Wakas – madamdaming
Pagsasalaysay
Malayang Talakayan sa Nilalaman
 Sinu-sino ang mga pangunahing
tauhan sa kwento? Ibigay.
Ang mga pangunahing tauhan po sa
kwento ay si Celso, Si Tomas na tatay ni
Celso at ang Nanay ni Celso na si Isidra.
 Batay sa pangyayari sa kwento
paano mo mailalarawan si Celso,
Maari kabang magbigay ng
kalakasan at kahinaan niya.
Si celso po ay isang batang Nalilito sa
kanyang kalagayan sa buhay,Ang kanya
pong kalakasan ay ang suwayin ang
kanyang tagubilin ng kanyang tatay at ang
kahinaan niya ay ang kanyang
pagkamaawain sa nangyayari sa kanyang
nanay.

C. ABSTRAKSYON
 Kung ikaw ang nasa kalagayan ni
Celso, Paano mo tatanggapin ang
katotohanan ng pagkatao mo?
Tatanggapin ko po ito ng buong-buo at
walang halong pagsisi sa aking pusot’
isipan ngayong alam ko na kung bakit
hanggang ganun na lamang ang galit ng
ama ni Celso.
 Paano mo tatanggapin ang isang
matinding pagsubok na darating sa
iyong buhay?
Ang bawat pagsubok po na bibigay sa atin
ng panginoon ay lahat po ay may
solusyon, kayat kung sakali man pong
may dumating na pagsubok sa aking
buhay ay tatanggapin ko at naniniwala
akong hindi tayo bibigyan ng panginoon ng
ganoong problema kung hindi natin
kayang lagpasan at patuloy na lalaban sa
anumang hamon ng buhay.
 Paano mo maiiugnay ang suliraning
nangingibabaw sa napakinggang
bahagi ng akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan?
Ang ganito pong pangyayari ay karaniwan
na sa ating lipunan, Maari nating sabihin
na ang isang pamilya ay nagkakahiwalay
ngunit mananatili parin ang
pagmamahalan para sa kapakanan ng
bawat isa.

D. APLIKASYON
Ngayon naman kayo ay gagawa ng
isang sanaysay tungkol sa pinamagatang
“Isang Kabanata sa buhay ko”, (Ang mga mag-aaral ay tahimik na
nakapaloob dito ang hindi malilimutang gagawa ng kanilang gawain.)
pangyayari noong kabataan ninyo.
IV. EBALWASYON
Hanapin sa loob ng kahon ang mga
salitang sumisimbolo sa bawat bilang
batay sa ating tinalakay na akda.

Pagmamahalan Kasalanan
Katapangan Repliksyon
Hamon ng buhay

1.Lambat- 1.Kasalan
2.Salamin- 2.Repliksyon
3.Bangka- 3.Hamon ng Buhay
4.Itak- 4.Katapangan
5.Tahanan- 5.Pagmamahalan

V.TAKDANG ARALIN
Gumawa ng isang Liham tungkol sa nais mong ipayo kay Celso bilang isang
kaibgan.

Pamantayan sa Paggawa ng Liham.


Tatasahin ang iyong ginawang Liham sa pamamagitan ng mga sumusunod
na pamantayan.
a. Makabuluhan at naiibang wakas . . . . 25%
b.Pagkamalikhain . . . . . . . 25%
c. Daloy kaisipan . . . . . . . 25%
d. Tamang paggawa at kalinisan . . . . . 25%
KABUUAN 100%

You might also like