You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

Mindanao State Universisty


Lungsod ng Marawi
Kolehiyo ng Edukasyon
Departamento ng Sekondaryang Pagtuturo

FILIPINO 9
A. Pangnilalaman Naipapaliwanag ang pagbabagong nagaganap
sa salita dahil sa paglalapi F9PT-IIIf-53

B. Pagganap • Nakikilala ang mga kayarian ng pang-


uri
• Nakapagbubuo ng isang
makabuluhang pangungusap gamit ang
kayarian ng pang-uri
• Nakapagpapamalas ng paggalang sa
kapwa.
II. Paksang Aralin
• Paksa Gramatika at Retorika: KAYARIAN NG
PANG-URI
• Sanggunian MSU-ILS Modyul sa Filipino 9 (Ikatlong
Markahan)
III. Kagamitan Cartolina, Double tape at Marker
IV. Yugto ng Pagkatuto
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. ALAMIN/TUKLASIN

Assallamu Alaykom at Magandang

umaga sainyong lahat klass?! Allaykomisallam warahmataluhi wa barakato

at magandang umaga din po ma’am layka.

Bago tayo mag-simula, Ginoong Paitao

maaari mo bang pangunahan ang

panalangin? (Nananalangin….)
Okey klass bago kayo umupo, maaari

niyo bang pulutin ang nakikita kong

papel o basura sa gilid at sa ilalim ng

inyong upuan at pakitago muna ito sa

inyong bulsa at itapon ito mamaya pag-

katapos ng oras kong ito. At pakiayos

narin ng inyong mga upuan. (Nagpulot ng basura at inayos ang upuan)

Maayos na ba klass? Kong maayos na

maaari na kayong umupo. Opo ma’am.

Ngayon, may lumiban ba sa araw na

ito? Wala po ma’am!

Okey maayos, sapagkat walang

maiiwan o mahuhuli sa ating

tatalakayin sa araw na ito.

BALIK-ARAL

Pero bago ang iyon, balikan muna natin

ang ating itinalakay noong isang araw,

ito ay patungkol sa………? Pag-lalarawan po Ma’am!


Sino makapag-bigay saakin ng

depinasyon kong ano ang pag-

lalarawan? Yes, abonawas? Ma’am ang paglalarawan ay isa itong mabisa

na gamitin upang maipahayag sa mambabasa

ang mga imahen o larawang diwa sa isang

teksto.

Tama! Dahil sa paglalarawan ay mas

napapadali natin matukoy o

maintindihan kong ano nga ba ang nais

ipahiwatig ng isang akda…

May dalawang uri ng Paglalarawan ito Karaniwan o obhetibong paglalarawan at

ay ang?... Laguindab? Masining o subhitibong paglalarawan po

ma’am.

Tama! So ano naman ang kahulugan ng

dalawang ito? Bacarat? Ang Karaniwan o Obhetibong Paglalarawan

ito ay ang paglalarawan na ang pangunahing

layunin ay makabuo ng isang konkretong

larawan sa isipan ng mambabasa. At ang

Masining naman po o Subhitibong


Palalarawan ay ang paglalarawang

pumupukaw sa imahinasyon ng mambabasa.

Tama Bacarat! Buti naman at

natatandaan mo pa.

Tama lahat ang sagot ng inyong mga

kaklase klass, basta’t ang lagi niyo lang

tatandaan na ang kinaibahan ng

dalawang uri ng paglalarawan ay ang

Karaniwan o Obhetibong Paglalarawan

ay layunin na makabuo ng isang

konkretong larawan sa isipan ng

mambabasa, tinatawag itong literal na

paglalarawan kaya hindi ito kakikitaan

ng personal na opinion ng

naglalarawan. Ginagamitan ito ng

payak, karaniwan at tiyak na

pananalita. Sa Masining naman o

Subhitibong Paglalarawan naman ay

kadalakasang ginagamitan ito ng mga

talinghaga o salitang nagdadagdag

kulay, tunog at galaw na

nangangailangan ng mas malalimang


pagtutok ng mambabasa. So ibig

sabihin kailangan pa nating basahin ng

paulit-ulit hanggang sa maintindihan

ang nais ipahiwatig nito.

Naintindihan ba klass? Opo Ma’am!

PAGGANYAK

Ngayon klass, Mag-bilang kayo 1 to 3

at pagkatapos ay magtipon-tipon kayo

at hanapin ang inyong mga kasama na

naaayon sa bilang nainyong nakuha.

Dito ang gropo ng 1, dito naman ang

gropo ng 2 at gropo ng 3.

Sige hanapin niyo ang inyong mga (Nagtipon-tipon sa kani-kanilang mga grupo)

kasama.

Maayos na ba ang lahat?

Opo ma’am!

Kong ganun, ay mayroon akong

ipapagawa sainyo na kong saan, sa

binigay kong ito sa bawat gropo ay


kailangan niyong buoin o ayusin ang

mga nakagulong letra, pagkatapos ay

kailangan niyo itong sagutan.

Gropo 1

1. Ganda_____

2. Maganda ______

3. Gandang-ganda _______

4. Ngiting-aso ________

Gropo 2

1. Puti _______

2. Maputi _______

3. Puti-puti _______

4. Balat-sibuyas

Gropo 3

1. Talino _______

2. Matalino _______

3. Tali-talino _______

4. Utak-matsing _______

Naintindihan ba klass? Naiintindihan po ma’am.

Bibigyan ko lamang kayo ng sampong

minute. Tulong tulong kayo para


mapadali kayong matapos. Ang

makakuha ng tamang sagot ay bibigyan

ko ng dagdag na puntos.

Okey klass, magsimula na kayo.

Naunang natapos ang gropo ng 3,

sinundan ng gropo ng 1 at ang huling

natapos ay ang gropo ng 2.

Tama ang mga salitang inyong nabuo,

subalit? Tama kaya ang sagot niyo rito? Opo ma’am

Sigurado kayo? Opo ma’am sigurado po.

Yan ang gusto ko sainyo may tiwala

kayo sa isa’t-isa. Pero bago natin

malaman kong tam aba itong mga sagot

niyo, may ideya ba kayo saating

tatalakayin sa araw na ito?

Ma’am patungkol po sa kayarian ng Pang-uri.

Tama!

B. LINANGIN (TALAKAYAN)
Ang ating pag-aaralan ngayon ay

patungkol sa kayarian ng pang-uri.

Alamin mo na natin kong ano ang

layunin ng pag-aaralan natin ngayon.

Klass basahin ng sabay-sabay.

• Nakikilala ang mga kayarian ng pang-


uri
• Nakapagbubuo ng isang
makabuluhang pangungusap gamit ang
kayarian ng pang-uri

Ano ang Pang-uri?

Pang-uri – ito ay nag-lalarawan g

pangngalan at panghalip.

Kayarian ng Pang-uri

• Payak – ang tawag sa pang-uring

binubuo lamang ng salitang ugat o

yaong mga walang lapi.

Halimbawa: ganda, busog, lungkot at

iba pa.
Tama kaya ang sagot niyo rito na ito ay

Payak? Opo ma’am!

Tama, lahat ay nakakuha ng tamang

sagot sa number 1.

Ngayon ay bigyan niyo ito ng

pangungusap…. (lahat ay magbibigay ng kanikanilang sagot..)

• Maylapi – ito ay binubuo ng salitang-

ugat na may panlapi.

Halimbawa: ganda, liit, kahoy at iba

pa.

Tama kaya ang sagot niyo rito sa

number 2? Maylapi ba sagot rito?

Opo ma’am! Maylapi po ang sagot niyan…

Tama.

Uri ng Panlapi

a. Unlapi – ito ay panlapi na ikinakabi sa

unahan ng salitang ugat.


Halimbawa:

Um + asa = umasa

Mag + aral = Mag-aral

Mang + isda =m Mangisda

Sige, bigyan niyo ito ng pangungusap.

(lahat ay magbibigay ng kan-kanilang

b. Gitlapi – ito ay isinisingit sa pagitan pangungusap..)

ng unang katinig at kasunod nitong

patinig.

Halimbawa:

-um + basa = bumasa

-in + sulat = sinulat

-um = punta = pumunta

Naiintindihan klass ang gitlapi?

Sige gumawa kayo ng pangungusap na

pumunta? (Lahat ay magbibigay ng kani-kanilang

pangungusap)

Magaling!

c. Hulapi – ito ay panlaping

matatagpuan sa hulihan ng salitang-

ugat.
Halimbawa:

-an + usap = Usapan

-in + mithi = Mithiin

Naiintindihan ba klass? Opo ma’am!

Sige bumuo kayo ng pangungusap na mithiin? (Lahat ay magbibigay ng kani-kanilang

pangungusapa)

• Inuulit – mga salitang naglalarawan na

may pag-uulit.

Tuluyang porma

Halimbawa: maling-mali, puting-puti

at iba pa.

Hindi Tuluyang porma

Halimbawa: matataas, mabababa,

magaganda at iba pang katulad.

Tama ang sagot niyong lahat sa number

3 na ito ay inuulit.

• Tambalan – ang tawag sa pang-uring

binubuo ng dalawang salitang

pinagsama upang magkaroon ng

paglalarawan.
Halimbawa: taos-puso, pusong-bato

at iba pa.

Dito naman sa number 4? Tama ang

inyong sagot.

Iyan lamang ang apat na kayarian ng

Pang-uri.

At lahat ng sagot niyo sa aktibidad

natin ay tama at lahat kayo ay

nakakuha ng perpektong marka. Kaya’t

palakpakan ang inyong mga sarili.

Bigyan ng tatlong palakpak at tatlong

bagsak ang inyong mga sarili. Ang

galing niyo rin gumawa ng

pangungusap gamit ang mga

halimbawang aking ibinigay.

Klass, wala ba kayong mga

katanungan? Wala po ma’am


Sigurado? Lahat naintindihan ang ating Opo ma’am

tinalakay sa araw na ito?

Kong gayon may nais lamang akong

itanong?

C. PAGNILAYAN/UNAWAIN

Gawain 1

Panuto: Bumuo ng mga salitang maylapi

(tuluyan o hindi tuluyan), at tambalan batay sa

mga salitang payak na nasa unang hanay.

Tiyaking pang-uri ang mabubuong salita.

Payak Maylapi Inuulit Tambalan

Lupa

Pusa

Aral

Bahay

sisiw

Gawain II

Panuto: Batay sa itinalakay na paksa, tukuyin

ang Kayarian ng Pang-uring nakasalungguhit

sa bawat pangungusap.
Basahin muna natin ito ng sabay-sabay at
unawain.

Sa buhay, kailangan maging 1. pusong-


mamon ka sa mga taong nangangailangan ng
tulong. Hindi mahalaga ang kasikatan dahil sa
yaman, 2. sikat na sikat ka nga kung hindi mo
naman alam ibahagi sa iyong kapwa, balewala
rin. Maging 3. matulungin at hindi dapat
maging palalo, iyan dapat ang maging
panuntunan sa buhay ng mga taong biniyayaan
ng Panginoon ng maraming bagay. Hindi dapat
tapakan ang mga taong may buhay-alamang,sa
4. taimtim na panalangin sa Dakilang
Lumikha, mababago rin ang mahirap nilang
buhay. Kaysarap, sa pakiramdam ang
tumulong sa kapwa. Magiging 5. magaang-
magaan ang pakiramdam kung ikaw ay
magiging daan sa kanilang pag-unlad.

➢ Sa tingin niyo klass, ano ang nais


ipahiwatig nitong pangungusap nito?

➢ Lahat ng inyong mga sinabi ay tama


klass.
Sagutan na ito at bibigyan ko lamang kayo ng

limang minuto.

D. ILIPAT

TAKDANG-ARALIN

Tukuyin ang kayarian ng pang-uring may diin


sa pangungusap.

__________1. Mabait ang anak


__________2. Buhay na buhay na ang mga
tanim ko.
__________3. Kahit kami ay hampas-lupa
lamang may Karapatan din kaming mabuhay
dito sa mundo.
__________4. Ang mga mag-aaral ay araw-
araw na naglalakad patungong paaralan.
__________5. Ang taba ng sanggol gusto
kong kagatin!

➢ Pakibigay ito sainyong klass monitor


upang siya na ang mag-pasa saakin
sainyong mga papel. Wala dapat akong
makitang gumagawa ng takdang aralin
dito sa classroom. Naiintindihan ba
klass?

Sige, maraming salamat sainyong


pakikinig. Paalam klass.
Maraming salamat din po ma’am layka!

You might also like