You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Division of Camarines Sur
SAN RAFAEL NATIONAL HIGH SCHOOL
Tigaon, Camarines Sur

MASUSING BANGHAY-ARALIN

Paaralan San Rafael National High School Baitang Grade 9


Guro Jeric N. Nuelan Asignatura Filipino 9
Petsa/Oras March 17, 2022 Markahan Ikatlong Markahan

I. Layunin
Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
a. Nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa
Kanlurang Asya; (F9PT-IIIg-h-54)
b. Natutukoy ang kahulugan ng pang-uri at ng mga antas nito;
c. Naibabahagi ang kahalagahan ng paggamit ng pang-uri sa buhay ng tao; at
d. Naisasagawa ang iba’t ibang gawaing may kaugnayan sa pagbibigay-katangian ang isa
sa mga itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa Kanlurang Asya
II. Paksang-aralin
a. Paksa: Pang-uri at mga Antas nito
b. Sanggunian: Sanayang Papel Sa Pagkatuto Ng Filipino 9, Kuwarter 3 Bilang 6
c. Kagamitan: laptop, LCD Projector, pisara, biswal aids, ispiker
d. Pagpapahalagang Pangkatauhan: Respeto sa opinyon o damdamin ng iba
e. Mga kasanayan sa Ika-21 siglo:
 Nalilinang ang kritikal na pag-iisip
 Nalilinang ang kasanayan sa panonood, pakikinig, pagsusulat at pagsasalita
 Nalilinang ang lohikal na pagbibigay ng katwiran.
f. Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao at Araling Panlipunan
III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
Tumayo muna ang lahat para sa panalangin. Jason,
pangunahan mo ang panalangin sa araw na ito. Purihin nawa ang pangalan ng ating Panginoong
Hesus.
Ngayon at magpakailanman, Amen.

Magandang umaga sa lahat! Magandang umaga rin po!

Bago kayo maupo ayusin muna ninyo at pulutin ang


mga kalat sa ilalim ng inyong mga upuan. At
siguraduhing nakasuot ng facemask at may
distansya sa bawat isa.
Maaari na kayong maupo.
2. Pagtala ng Liban sa Klase
Mayroon bang liban ngayon? Wala po
Mabuti kung ganun.

3. Pagtala ng Takdang-Aralin
Nabasa ba ninyo ang inyong pinapabasa ko sa inyo?
Opo.
Mabuti kung ganun. Pag-uusapan natin iyan sa
talakayan.
4. Pagbabalik-aral
Bago tayo magsimula sa ating bagong paksa ano ba
ang naging aralin natin kahapon? Tinalakay po natin ang tungkol sa Paghinuha at Paghula

Ano nga ulit ang pagkakaiba at pagkakatulad ng


Ang paghinuha po ay tinatawag sa Ingles na inferencing.
dalawa? Ito ay maaaring batay sa mga
ebidensya o mga implikasyong ipinapakita sa isang akda,
kuwento o pangyayari at ang paghula ay isang
kasanayang naglalayong hulaan ang kalalabasan ng
pangyayari o kuwento. Madalas itong gamitin sa
pagbabasa ng kuwento o nobela. Ang may-akda o
manunulat ang nagbibigay ng implikasyon o mga
pahiwatig sa akda na bumuo ng paghuhula o prediksyon
ang mga mambabasa.
Magaling!
Mahusay! Tunay na natuto kayo sa ating talakayan
kahapon.

B. Pagganyak
Mayroon akong 3 inihandang digital (para sa mga
nasa online) at aktuwal na kahon (para sa nasa f2f)
dito at mayroong laman ito. Huhulaan ninyo kung
ano ba ang mga ito. (Magbibigay ng hint ang guro) (kaniya-kaniyang hula ang mga mag-aaral)

At ang laman ng kahon ay larawan nina Angel


Locsin, Gabriela Silang at Mahatma Gandhi

Kilala ba ninyo ang mga ito?


Opo!
Ano sa tingin ninyo ang pagkakaiba ng tatlo.
Ilarawan. (sasagot ang mga mag-aaral)

Mahusay ang inyong mga sagot!


Maraming Salamat.

C. Paglalahad ng Paksa
Ipinakita ko ito sa inyo dahil ito ay may kaugnayan
sa paksang ating tatalakayin sa araw na ito. Ito ay
ang Paghuhula ng mga Pangyayari. Pakibasa ng LAYUNIN
ating mga layunin sa araw na ito na nasa slide Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-
aaral ay inaasahan na:
a. Nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na
bayani ng alin mang bansa sa Kanlurang Asya. (F9PT-
IIIg-h-54)
b. Natutukoy ang kahulugan ng pang-uri at ng mga
antas nito
c. Naibabahagi ang kahalagahan ng pagbibigay
katangian sa buhay ng isang tao; at
d. Naisasagawa ang iba’t ibang gawaing may
kaugnayan sa pagbibigay-katangian ang isa sa mga
itinuturing na bayani ng alinmang bansa sa Kanlurang
Asya

D. Pagtalakay/Panlinang na Gawain
Bago tayo magpatuloy talakayin muna natin ang
tungkol sa kahulugan ng pang-uri at mga antas nito.
Ano ba ang ibig sabihin ng pang-uri? Ang pang-uri ay tumutukoy sa mga salitang
naglalarawan sa pangngalan ng
tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari. Maaari rin
itong magbigay-turing sa isang
panghalip.
Tumpak!
Mayroon naman tayong tatlong antas ng pang-uri,
ano kaya ang mga ito. Lantay, Pahambing at pasukdol po.

Magaling!
Para bigyan ng pagpapaliwanag ang bawat isa narito (manonood ang mga mag-aaral)
ang inihanda kong video. Panoorin, pakinggan at
unawaing mabuti.

(Nilalaman ng Video)
ANTAS NG PANG-URI
1. Lantay – ito ay nasa lantay na kaantasan kapag
walang ipinaghahambing na dalawa o maraming bagay.
2. Pahambing – ito ay nasa pahambing na antas kapag
may pinaghahambing na dalawang pangngalan – tao,
bagay, hayop, lugar, at pangyayari.
a. Pahambing na Magkatulad - Ipinakikilala nito ang
magkapantay na katangian ng dalawang bagay na
pinaghahambingan. Ginagamitan ito ng mga panlaping
ka-, ga-, sing-/kasing-, magsing-/magkasing-.
b. Pahambing na Di-Magkatulad - Ipinakikilala nito ang
di-magkapantay o dipatas na paghahambing. Maaari
itong nagbibigay ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o
pagsalungat.
 Pahambing na Palamang – Ito ay may
katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan.
Ginagamitan ito ng mga salitang higit, mas, di-
hamak, at lalo. Tinutulungan din ito ng mga
salitang kaysa o kaysa kay.
 Pahambing na Pasahol – Ito ay may katangiang
kulang o kapos sa pinaghahambingan.
Tinutulungan ito ng mga salitang di-gaano, di-
tulad ni o di-tulad ng, di-gasino, di-masyado, at
marami pang iba.
3. Pasukdol – ito ay nasa pasukdol na antas o kaantasan
kapag ito ay nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat.

Naunawaan na ba ninyo ang pagkakaiba ng tatlo? Opo!

Magbigay nga ng halimbawa sa bawat isa. (Magbibigay ng mga halimbawa)

Mahusay ang inyong mga nabuong pangungusap.

1. Aktiviti
Ngayon magkakaroon tayo ng pangkatang gawain
batay dito. Papangkatin ko ang klase sa tatlong
pangkat at bawat pangkat ay may nakaatang na
gawain. Bibigyan ko kayo ng 10 minuto para pag-
usapan at gawin ito. At tigtatatlong minuto sa
pagbabahagi nito sa klase. Pagkatapos ay pipili kayo
ng mga mag-uulat sa unahan ng inyong ginawa.
Narito ang rubriks sa pagwawasto ng inyong
ginawa. Pakibasa Fatima.
UNANG PANGKAT
Mustafa Kemal Ataturk
 “Ama ng mga Turk”
 Nagtaguyod ng pagkakaroon ng demokrasya sa
bansang Turkey
 namuno sa kilusang pangkalayaan ng mga Turk
 natamo ang kasarinlan noong 1921 sa pamamagitan
ng kasunduan sa Lausanne
 binigyan ng pantay na karapatang sibil at politikal
ang mga kababaihang Turko
 nagtatag ng republika ng Turkey noong 1923 (unang
republika sa Kanlurang Asya)
PARAAN NG PAGTATANGHAL: Bumuo ng tula mula
rito. Gumamit ng mga iba’t ibang pang-uri sa pagbuo nito.
Ihambing sa isa sa mga maituturing mong bayani sa inyong
komunidad. Bigkasin sa isang nasa guesting sa radio
program.

PANGALAWANG PANGKAT
Reza Shah Pahlavi
 diktador, “Hari ng mga Hari”
 naglunsad ng mga programang modernisasyon,
westernisasyon at sekularisasyon
PARAAN NG PAGTATANGHAL: Bumuo ng isang
Patalastas mula rito. Maaaring mag-isip ng isang bagay na
mula sa inyong komunidad na maiuugnay at maihahambing
dito. Gumamit ng mga iba’t ibang pang-uri sa pagbuo nito.

IKATLONG PANGKAT
Seik Ibn Saud
 Nagmula sa isang maharlikang pamilya
 nagtatag ng kaharian ng Arab na tinawag na Saudi
Arabia
 pinamunuan ang pagtuklas ng petrolyo sa Saudi
Arabia noong 1938
PARAAN NG PAGTATANGHAL: Gumawa ng isang
segment sa balita na Alam n’yo ba ni Boyet Sison ng TV
Patrol. Gumamit ng mga iba’t ibang pang-uri sa pagbuo
nito. Ihambing sa isa sa mga maituturing mong bayani sa
inyong komunidad.

RUBRIKS SA PAGWAWASTO
Narito ang rubriks o pamantayan sa pagbibigay ng iskor sa
inyong ginawa.
Lawak at lalim ng Pagtalakay 5
Wastong gamit ng wika 5
Kahusayan sa Pagtatanghal 5
Kooperasyon ng bawat miyembro 5
KABUUAN- 25

(Magsisimula ang mga mag-aaral sa paggawa ng


Magsimula na kayong gumawa.
aktiviti)

2. Pagsususuri/Analisis
(Magsisimulang magtanghal ang mga mag-aaral)
Ngayon ay simulan na natin ang presentasyon sa
unahan ng inyong ginawa.

(magbibigay ng fidbak at iwawasto ng guro ang


ginawa ng mga mag-aaral)

Ang huhusay ng inyong ginawa.


Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.
3. Paglalapat/Aplikasyon
Mahalaga ba ang paggamit ng mga pang-uri sa Opo! Sapagkat naipaparating natin sa isang tao
buhay ng tao? Bakit? kung anong katangian mayroon siya. Ngunit dapat
nating tandaan din na may limitasyon din ito dahil
minsan di natin namamalayan sa paglalarawan
natin ng isang tao ay maaaring nakakasakit na tayo.

Tama! Ano pa? (Magbibigay ng iba pang sagot)

Mahusay! Tama ang inyong sagot.


(Magbibigay ng karagdagang pagpapaliwanag)

4. Paglalahat
Batay sa tinalakay natin ngayon ano ang inyong Natutunan po namin ang tungkol sa pang-uri at ang
natutunan? antas nito. Maaaring gamitin ito sa pagbibigay
katangian sa mga bayani sa kanlurang Asya o
maging dito sa Pilipinas.

Magaling! Wala na po.


May tanong pa ba?

Malinaw na sa inyo ang pang-uri at mga antas nito.

IV. Ebalwasyon
Panuto: Pumili ng isang tao na itinuturing mong bayani sa iyong buhay. Maaaring lider sa
inyong komunidad o ordinaryong mamamayan lamang at ibigay ang kaniyang mga
katangian. Gamitin sa pagsagot ang graphic organizer sa ibaba. (Para sa mga nasa digital
maaaring sagutan ito gamit ang google form)

Katangian
Katangian

Pangalan
ng Bayani

Katangian
Katangian

V. Takdang-aralin
Panuto: Uriin ang may salungguhit na pang-uri. Isulat sa patlang na may bilang kung ito ay
lantay, pahambing na magkatulad, pahambing na di magkatulad o pasukdol.

Maraming kababaihan ang (1) tagumpay sa mga larangang kanilalng pinili. Kung susuriin
(2) mas komplikado ang mga gawain ng kababaihan sa kasulukuyan kung ikokompara ito sa
kababaihan noon. Bagama’t (3) di-hamak na mahirap ang trabaho ng kababaihan ngayon ay
nagagawa pa rin nila ito nang buong husay. (4) Lalong nagging masipag ang kababaihan at
mas sistematiko ang kanilang trabaho. (5) Sobrang maasahan ang kababaihan ng
kasalukuyan. Kaya naman, karapat-dapat silang hangaan at papurihan.
1. ________________
2. ________________
3. ________________
4. ________________
5. ________________

Inihanda ni:

JERIC N. NUELAN
Teacher I
Iwinasto ni:

JANET D. SORIA
Master Teacher I

Nabatid ni:

ARRON G. PERWELO
Head Teacher I

BELEN B. AMATA
Principal III

You might also like