You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV-B MIMAROPA
Dibisyon ng Palawan
Calasaguen National High School
Calasaguen Brooke’s Point Palawan

Paaralan Calasaguen National High School


MASUSING Estudyanteng Guro GILMA S. BAHALA
BANGHAY Araw/oras ng Pagtuturo Marso 20, 2023
ARALIN Asignatura Filipino 7
Kwarter Ikatlong Markahan

I. LAYUNIN
A. Antas ng Pamantayan/ Lebel
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikan ng Luzon
B. Kasanayang Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita
(news casting) tungkol sa kanilang sariling lugar
C. Kasanayang Pampagkatuto Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito,alamat,
kuwentong-bayan, maikling kuwento mula sa Mindanao,
Kabisayaan at Luzon batay sa paksa, mga tauhan, tagpuan,
kaisipan at mga aspetong pangkultura (halimbawa: heograpiya,
uri ng pamumuhay, at iba pa) ( F7PB-IIId-e-16)
D. Tiyak na Layunin a. Nasusuri ang mga katangian at elemento ng mito, alamat at
kuwentong-bayan
b.Naisusulat ang katangian ng isang mito/alamat/ kuwentong-
bayan batay sa napanood na mga halimbawa nito
c. Naipaliliwanag ang tema at iba pang elemento ng
mito/alamat/kuwentong-bayan batay sa napanood na mga
halimbawa nito
NILALAMAN Filipino 7- ARALIN 3
“Si Mangita at si Larina”
III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
A. SANGGUNIAN Filipino 7 Ikatlong Markahan- Si Mangita at si Larina

B. KAGAMITAN Powerpoint Presentation, Biswal, laptop, Speaker


C. INTEGRASYON MAPEH
D. PAGPAPAHALAGANG
MORAL

IV. PAMAMARAAN GURO MAG-AARAL


A. PANIMULA Tulad ng ating nakaugalian, tayo Ang mga mag-aaral ay tatayo at
muna ay mananalangin, tinatawagan mananalangin
ko si Edison upang manguna sa
pananalangin.

Magandang umaga po sa lahat! Magandang umaga rin po aming guro.

Bago kayo maupo, pakiayos muna ang (Aayusin ng mga mag-aaral ang mga
hanay ng ating mga upuan at pulutin upuan at pulutin ang mga kalat sa ilalim
ang mga nakitang kalat sa ilalim. nito bago umupo)

Sinu-sino ang mga lumiban sa ating Wala pong lumiban sa ating klase
klase ngayong araw? ngayong araw, guro.

Natutuwa ako na pumasok kayong


lahat.

Sa loob ng klase, narito ang mga (Babasahin ng mag-aaral ang


alituntunin na dapat sundin habang anituntunin)
nagtatalakayan. Pakibasa Reo?
Mga alituntunin:

1. Makinig sa Guro.
2. Magtaas ng kamay kung may
katanungan o nais sumagot.
3. Huwag maingay/
makipagkuwentuhan sa katabi
4. Magpaalam kung aalis sa
kinauupuan

Maliwanag ba? Opo guro!

Mabuti! Aasahan ko iyan sa loob ng


ating buong talakayan.

Ngayong araw, narito ang layunin ng Layunin:


ating bagong aralin Pakibasa Jude.
Nasusuri ang mga katangian at
elemento ng mito,alamat, kuwentong-
bayan, maikling kuwento mula sa
Mindanao, Kabisayaan at Luzon batay
sa paksa, mga tauhan, tagpuan, kaisipan
at mga aspetong pangkultura
(halimbawa: heograpiya, uri ng
pamumuhay, at iba pa) (F7PB-IIId-e-
16)
Mga tiyak na Layunin:

a. Nasusuri ang mga katangian at


elemento ng mito, alamat at
kuwentong-bayan
b. Naisusulat ang katangian ng isang
mito/alamat/ kuwentong-bayan
batay sa napanood na mga
halimbawa nito
c. Naipaliliwanag ang tema at iba
pang elemento ng
mito/alamat/kuwentong-bayan
batay sa napanood na mga
halimbawa nito
B. BALIK-ARAL Bago natin talakayin ang bagong
aralin, balikan muna natin ang ating
tinalakay kahapon.

Ano ang ating huling tinalakay? Ang atin pong naging huling talakayan
ay tungkol sa “Si Mangita at si
Larina”

Sino ang mga pangunahing tauhan sa Ang matandang pulubi na sumubok sa


kuwentong ito? katauhan ng magkapatid, magkapatid
na sina Mangita na may mabuting puso
at Larina na masama ang ugali
Ano naman ang inyong natutuhan Huwag pong mainggit at dapat tulungan
mula sa kuwentong ito? natin ang mga nangangailangan.

Napakagaling! Tunay ngang kayo ay


natuto sa ating mga tinalakay
nakaraan.
Opo, guro!
Ngayon ay dumako na tayo sa ating
bagong aralin, handa na ba kayo?

C. PAGGANYAK Kayo ba ay pamilyar sa “pass the Opo guro!


message”?

Kung ganoon, kayo ay hahatiin ko sa


dalawang pangkat, paunahan sa
pagpasa ng mensahe sa bawat
miyembro ng pangkat at pagkatapos
isusulat sa pisara ang mensahe. Ang
unang pangkat na makapagsasagawa
ng wasto ang magwawagi. (Isasagawa ng mga mag-aaral ang
nabanggit na gawain)
1. Minikaniko ni monika ang makina
ng manika ni monika
2. Pitompu’t pitong puting puto
3. Pinaputi ni Tepiterio ang pitong
puting putong patung-patong

Ang pangkat na nanalo ay....

Mahusay, Palakpakan ninyo ang


inyong mga sarili.

D. PAGLALAHAD Mayroon akong inihandang maikling


gawain, hahatiin ko kayo sa dalawang
pangkat at Buoin ninyo ang salita sa
loob ng kahon sa pamamagitan ng
pagtukoy sa kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap. Ang mauunang pangkat
na makapagasasagawa ng wasto ang
magwawagi.
HINALUNGKAT

NAGALIT

NAGMAMADALI

NALAMAN

TUMIRA

Ang pangkat na nanalo ay....

Mahusay, Tama ang inyong mga


kasagutan. Palakpakan ninyo ang
inyong mga sarili.

Batay sa inyong ginawa, ano kaya ang Ang atin pong tatalakayin ay tungkol sa
ang ating pag-aaral ngayon? Edison? “Si Mangita at si Larina”

Tumpak!

Ngayong umaga ay ating tatalakayin


ang “Si Mangita at si Larina”

Ngayon ay manunood tayo ng isang


lecture. Dito iikot ang ating talakayan.
Kaya’t makinig ng mabuti dahil
pagkatapos nito ay may mga
katanungan kayong dapat sagutin o
ipaliwanag.

Ngunit bago ang lahat, narito ang mga (Babasahin ng mag-aaral ang
alituntunin na dapat sundin habang anituntunin)
kayo ay nanonood. Basahin ninyo
nang sabay-sabay! Mga alituntunin:

1. Gamitin lamang ang mata at tainga


sa panonood
2. Magtaas ng kamay kung may
katanungan
3. Huwag
maingay/makipagkuwentuhan
sa katabi
4. Magpaalam kung aalis sa
kinauupuan

Maliwanag ba? Opo guro!


E. PAGTALAKAY Naibigan niyo ba ang bidyong inyong Opo guro!
napanuod?

Kung gayon, bubunot ako ng mga


maswerteng pangalan ng mag-aaral na
siyang sasagot sa mga katanungan.

Ngayon, narito naman ang papremyo


na maaaring mapapanalunan kapag
nasagot ng tama ang katanungan.

Ang tanong:

1. Sino ang mga pangunahing Ang matandang pulubi na sumubok sa


tauhan sa kuwento? Ilarawan ang katauhan ng magkapatid, magkapatid
kanilang katangian na sina Mangita na may mabuting puso
Tama! at Larina na masama ang ugali

2. Bakit kaya magkaiba ng ugali Dahil si Larina ay naiinggit sa kanyang


sina Larina at Mangita gayong kapatid
magkapatid naman sila?
Mahusay!

3. Bakit mas marami ang may Dahil si Larina ay masama samantalang


gusto kay Mangita kaysa kay si Mangita ay ubod ng bait
Larina?
Tama!

4. Anong napatunayan mo sa Ang inggit o selos ay hindi maganda


akdang ito tungkol sa pagseselos? kaya ito ay dapat na iwasan.
Ilahad ang kinahihinatnan ng Naparusahan si Larina dahil sa
magkapatid dahil sa pagseselos? kasamaan niya.
Magaling!

5. Paano ipinakita sa akda ang Ang pagtulong ni Mangita sa


kahalagahan ng pagtulong sa matandang pulubi
kapwa?
Mahusay!

6. Paano mo isasabuhay ang aral Maging mabuting kapatid, anak at


na iyong natutuhan? kapwa, iwasan ang selos o inggit dahil
hindi ito nakabubuti gayundin ay
Mahusay! maging matulungin samga
nangangailangan.

May mga katanungan pa ba o nais Wala na po!


linawin?

Magaling! Ngayon ay magkakaroon


tayo ng pangkatang gawain.

F. PAGLALAPAT Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat.


Bibigyan ko kayo ng 5 hanggang 8
minuto upang maghanda at 3
hanggang 3 hanggang 5 minuto naman
para sa pagtatanghal, nauunawaan ba
ng lahat? Opo guro!

Pangkatang Gawain
Balita - Bumuo ng maikling balita na
naglalahad ng katangian ng mga tauhan
mula sa akdang tinalakay.
Slogan - Bumuo ng Slogan na
naglalahad ng inyong natutuhan mula
sa akdang tinalakay.
Pagsasadula - Bumuo ng
Para sa pamantayan, pakibasa Melca? pagsasadulang nagpapakita ng
kahalagahan ng pagtulong sa kapwa.
(Babasahin ng mag-aaral)

Maaari na kayong magsimula.

(Presentasyon ng bawat pangkat)


(Magbibigay ng puntos sa bawat
pangkat)

G. PAGLALAHAT Ano na nga muli ang ating tinalakay Ang atin pong tinalakay ay tungkol sa
ngayong umaga? Sige Edison, ano ang “Si Mangita at Si Larina”
iyong kasagutan?
Magaling!

Anong gintong aral ang inyong Huwag magselos/mainggit sa kapatid.


natutuhan sa kuwento? Jude, maaari Maging mabuting kapwa, anak at
ka bang magbigay ng iyong kapatid. Kung ano ang itinanim siya
kasagutan? ring aanihin.

Paano mo isasabuhay ang aral na (Ang sagot ng mag-aaral ay


iyong natutuhan? magkakaiba-iba)
Tama! Tunay ngang nauunawaan ang
ating aralin ngayon. Mahusay!

May mga katanungan pa ba o nais Wala na po!


linawin?

H. PAGTATAYA Magaling! Upang matiyak natin na


inyo ngang naunawaan ang ating
tinalakay, magkakaroon tayo ng
pagtataya.
Ihanda ang inyong papel at ballpen
para sa ating pagtataya.

Basahin ng sabay-sabay ang panuto.

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga


pangyayari batay sa akdang napanood.
Lagyan ng bilang 1 hanggang 10 ang
mga kahon.

☐1. Agaw-buhay si Mangita nang


bumalik ang matanda at kanyang
napatunayan ang masamang ugali ni
Larina nang hindi nito alagaan ang
kanyang kapatid.
☐2. bumalik ang matandang pulubi sa
tahanan ng mag-kapatid upang bigyan
ng ng mumunting buto ng halaman si
Mangita at nang gumaling ito sa
kanyang sakit
☐3. hindi nakayanan ni Mangita ng
matinding pagod lalo na’t hindi siya
tinutulungan ni Larina kaya siya’y
nanghina at nagksasakit.
☐4.. ipinagbilin ng matanda kay
Larina na subuan ang kapatid ng
mumunting buto oras-oras hanggang
sa kanyang pagbabalik ngunit hindi ito
ginawa ng una.
☐5. isang araw ay may isang
magandang pulubing humingi ng
kanin kay Larina ngunit sinigawan at
itinulak niya lamang ito.
☐6. naging isang magandang diwata
ang matanda at pinarusahan si Larina
dahil sa kasamaan ng kanyang ugali at
isinama si Mangita sa kanyang
tahanan sa polo ng lawa.
☐7. nakita ni Mangita ang nangyari
kaya’t ginamot nya ang matanda at
pinuno ng kanin ang mangkok nito.
☐8. namatay ang ama ng magkapatid
kaya’t napilitang magtrabaho si
Mangita upang sila’y may makain.
☐9. Noong unang panahon ay may
dalawang magkapatid na naninirahan
sa pampang ng Laguna de Bay na
maagang naulila sa ina.
☐10. Si Larina ay nasadlak sa lawa at
walang tgil na sinusuyod ang kanyang
buhok upang hanapin ang mga butong
kanyang itinago.
I. TAKDANG Para sa inyong magiging takdang-
ARALIN/ aralin.
KARAGDAGANG
GAWAIN Bumuo ng isang slogang kaugnay ng
aral na naitanim sa iyong isipan batay
sa akdangSi mangit at si Larina.

Inihanda ni:

GILMA S. BAHALA
Estudyanteng Guro

Iniwasto nina:

VANESSA MUTYA
Gurong Tagasubaybay

ROCHELLE Y. GRANDE
Punong Guro

You might also like