You are on page 1of 8

Masusing Banghay Paaralan Mayha National High Baitang/Antas 7

Aralin School

Guro MC STEVEN L. Asignatura Filipino


SOLEDAD

Pebrero 20, 2023


Petsa/Oras ng 7:30-8:30 - BURGOS Markahan IKATATLO
Pagtuturo 8:30-9:30 -GOMEZ
10:45-11:45- ZAMORA

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 60 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Matutukoy natin ang kahulugan, intensiyon, at ideya ng Mito/Alamat/Kuwentong
bayan.
b. Nalalaman ang kahalagahan ng bawat elemento na nilalaman ng napanood na Mito/
Alamat/Kuwentong bayan..
c. Nauunawaan ang mga gintong-aral na nakuha sa mga napanood na
Mito/Alamat/Kuwentong bayan.
A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
Pangnilalaman kaugnayan ng panitikang popular sa kultura pilipino.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa
Pagganap panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia
(Social Media Awareness Campaign)
C. Mga Kasanayan sa Naipapaliwanag ang tema at iba pang element ng
Pagkatuto mito/alamat/ kuwentong-bayan batay sa napanood ng mga
halimbawa nito. (F7PD-IIId-e-14)
II. NILALAMAN
Paksa Mito/ Alamat/ Kuwentong-bayan
Mga Kagamitan Laptop, Kopya ng teksto, telebesyon
Sanggunian Ikatlong Markahan Baitang 7
Panitikang Luzon: Larawang ng Pagkakakilanlan
Supplemental Lesson Plan 2
III. PROSESO NG PAGKATUTO
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG - AARAL
A. Panimulang Gawain
A. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat.

B. Pagbati sa klase Magandang umaga din po sir.

Zyrell maari kabang lumapit sa harapan upang


mag-alay ng isang dasal
.
Zyrell: Opo Sir!

Iyuko lahat ang ating ulo, Sa ngalan ng ama ng


anak. Amen.
Aking mahal na Tagapagligtas, salamat sa
pagkamatay mo sa krus para sa aking mga
kasalanan. Salamat sa bagong buhay sa
pamamagitan ni Hesukristo. Nawa'y mabuhay
ako ngayon sa ganap na kalayaan mula sa
kasalanan, buhay sa biyaya! Amang Diyos,
salamat sa hininga sa aking mga baga at isa
pang araw upang maranasan ang iyong
mapagmahal na kabaitan!

C. Pagsasaayos ng klase

Mangyaring pulutin ang mga kalat sa ilalim ng


inyong mga upuan at ayusin ang linya ng mga
upuan at magsiupo kayo sa inyong itinalagang
lugar. Pupulutin ng mga mag – aaral ang mga kalat,
aayusin ang linya ng upuan at tahimik na
magtutungo sa nakatalagang upuan nila.

D. Pagtatala ng liban sa klase

Mayroon ba tayong lumiban sa ating klase


ngayon?
Wala po Sir!

Okay mabuti naman.

A. Pagbabalik-Aral
Bago tayo dumako sa ating panibagong
kabanata ay muli nating balikan ang inyong
tinalakay na mga aralin noong nakalipas na
araw.

https://www.google.com/search?
q=suprasegmental&oq=supra&aqs=chrome.0.6
9
Dahil alam nyo na at nauunawaan ang
kahalagahan at ibig sabihin ng Ponemang
Suprasegmental magpatuloy na tayo sa ating
susunod na paksa.

B. Pagganyak

Bago tayo tumungo sa paksang ating


tatalakayin may ilan muna akong maiikling
palabas na ipapanuod sa inyo. Maari bang
manuod ng tahimik at ang tanging gamitin ay
ang mata, tenga at pagiisip?

Opo, sir!

Mito: Bakunawa
https://www.youtube.com/watch?
v=1HBK34GFCS8&t=102s

Kwentong bayan: Ang Punong Kawayan


https://www.youtube.com/watch?v=e939sduSwTA

Alamat: Pitong makasalanang Isla


https://www.youtube.com/watch?v=yZh9K6bSEs8
Ngayong tapos na nating panuorin ang tatlong
video, meron bang makakapagpaliwanag sakin
kung ano-ano ang inyong napanuod?

Ikaw, Martha?
Martha: Ang amin pong napanuod ay mga
halimbawa ng mga kwento.

Tama! mahusay, sa inyong palagay ano-ano


ang pinagkaiba ng inyong mga napanuod ng
kwento?

Ikaw Gian maari mo bang maipaliwanag?

Gian: Sir, ang pinagkaiba po ng mga kwetong


aming pinanuod ay sa mga karakter at tema ng
takbo ng kwento.
Mahusay! patungkol dyan ang pagaaralan natin
sa umagang ito, ang Elemento at Katangian ng
Mito, Alamat, at Kwentong bayan.
C. Presentasyon
Ang paksang ating tatalakaying ngayon ay ang
ang Elemento at Katangian ng Mito, Alamat, at
Kwentong bayan. Ano nga ba ang mga ito?

Panitikan- bahagi ng mayamang kultura ng


mga Pilipino na nagpasalin-salin sa bawat
henerasyon.

Matandang anyo ng panitikan- Mito, Alamat,


Kuwentong bayan. : Tumatalakay sa kalikasan,
pamahiin, relihiyon, paniniwala, at kultura ng
isang partikular na pangkat o lugar.

Mito- karaniwang tumatalakay sa kuwentong


may kinalaman sa mga diyos at diyosa ,
bathala, diwata at diyosa at mga kakaibang
nilalang na may kapangyarihan.
Isa sa haimbawa nito ay ang una ninyong
napanuod ang alamat ng buwan o bakunawa.

Ang mga katangian nito ay:


1. Ang mga tauhan ay mga diyos, at diyosa,
bathala o diwata.
2. nababalutan ng hiwaga o pangyayari na
hindi kapani-paniwala.
3. Naniniwala sa ritwal, kultura at tradisyon.

Alamat- Kuwentong nagsasaad kung saan


nanggaling o nagmula ang mga bagay-bagay
Halibawa nito ay ang pinanuod ninyong alamat
ng pitong makasalanang isla.
Ang mga katangian nito ay:
1. Kathang isip lamang.
2. Nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga
bagay-bagay.

Kuwentong-Bayan- Isang maikling kuwento


tungkol sa isang tauhang naninirahan at
nagtataglay ng katangian, katutubong kulay, o
kultura sa isang partikular na lugar o pangkat.
Halimbawa nito ay ang pinanuod ninyong
alamat ng kawayan.
Mga katangian nito ay:
1. Kuwentong nagmula sa bawat pook na
naglalahad ng katangi-tanging salaysay sa
kanilang lugar.

Ang bawat sa isa mga mga panitikan na ito ay


binubuo ng elemeno at ito ang
• Tauhan
• Tagpuan
• Banghay ng mga pangyayari.
D. Pagtatalakay
Ngayon upang mas maunawaan ninyo ang
paksang ating tinalakay, gamitin natin ang mga
elemento upang mas maunawaan nyo ang
inyong pinanuod ng mga kwento.

Magumpisa tayo sa tauhan, Ranier maari mo


bang ibigay ang tauhan sa pinanuod nating
alamat na may pamagat na pitong
makasalanang isla?

Ranier:Ang tauhan po sa alamat na iyon ay ang


Amang si lucio at ang pitong anak nitong babae
at ang mga istranghero.
Mahusay! ngayon naman Angel saan ang
naging tagpuan na pinangyarihan ng kwento?

Angel: Ang naging tagpuan po ng kwento ay sa


dalampasigan.

Magaling tunay ngang kayo ay nakauwa sa


inyong pinanuod, ngayon tumungo naman tayo
sa banghay ng kwento.

Sa inyong harapan ay mayroong larawan ng


tatsulok at sa paligin nito ay mayroong kahon na
may nakalagay na numero sa mga ito, ito ang
magiging tanda sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayare sa kwentong inyong
napanuod.

E. Pagsasanay
Panuto: Ilagay punan ang mga element ng
kwentong inyong napanuod.

Pamagat:

Tauhan:

Tagpuan:

Banghay ng mga pangyayari sa kwento:

F. Ebalwasyon

Magbigay ng tig 5 na halimbawa ng pamagat ng


kwento sa bawat bilang.

1. Alamat
2. Mito
3. Kwetong bayan
G. Paglalahat

Panuto: Isulat ang katangian ng bawat uri ng


kwentong nabanggit at sa gitna naman ilagay
ang maaring pagkakapareho ng mga ito.

MITO
Kuwentong
Alamat bayan

H. Pagtataya

Panuto: kumuha ng isang kapat na papel at isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Anong paksa ang magkakatulad sa mito, alamat at kwento?


a) Nakakatakot, nakakagulat, nakakaiyak
b) kalikasan, paniniwala, kultura
c) diyos, diwata, may pinanggagalingan
d) inis, muhi, suklam
2. Bakit sinuway ng pitong suwail na dalaga ang kanilang mapagmahal na ama?
a) upang sumama lumangoy sa dagat
b) upang sumama sa kanilang kaibigan
c) upang sumama sa kanilang nobya
d) upang sumama sa kanilang nobyo
3. Bakit nalunod ang pitong dalaga?
a) hindi sila marunong lumangoy
b) mabigat ang kanilang nobyo
c) hinampas ng malakas na alon
d) humampas sila sa isa pang Bangka
4. Ano ang kakaibang nilalang na kumain sa iba pang buwan?
a) pusa
b) aswang
c) bakunawa
d) sawa
5. Ano ang ginagawa ng mga ninuno natin upang itaboy ang malaking ahas sa pag kain sa
buwan?
a) binabaril
b) sinusumbong sa mga pulis
c) ginagamitan ng ritwal
d) nag-iingay
6. Sino ang punong laging kinukutya?
a) santol
b) bayabas
c) kawayan
d) manga
7. Sino ang naging dahilan ng pagkalagas ng mga bunga at pagkaubos ng sanga ng mga puno?
a) ibon
b) bagyo
c) ulap
d) kidlat
8. Ano ang gintong aral sa kwento ng Kawayan?
a) mag-aral ng mabuti
b) huwag maging salbahe sa kapwa
c) maging masunirin sa magulang
d) maging masama
9. Ano ang uri ng panitikan na nagsasaad ng kwento patungkol sa diyos at diwata?
a) alamat
b) mito
c) kwentong bayan
d) chismis
10. Ang kwentong nag sasaad ng pinagmulan ng mga bagay-bagay ay?
a) Mito
b) alamat
c) kwentong bayan
d) chismis
I. TAKDANG-ARALIN
IV. INTEGRASYON AP
Bilang ng Mag-aaral Burgos - Gomez - Zamora -
Bilang ng Mag-aaral na pumasok Burgos - Gomez - Zamora -
Bilang ng mga Mag-aaral na nakakuha ng Burgos - Gomez - Zamora -
80% pataas.
Bilang ng Mag-aaral na nakakuha ng 79-75. Burgos - Gomez - Zamora -
Bilang ng mga mag-aaral na Burgos - Gomez - Zamora -
nangangailangan ng remidyal.
Rubriks sa Pagmamarka (Maaring baguhin)

1. Sining at kaayusan - 40%

2. Angkop na salitang ginamit - 10%

3. Nilalaman - 30%

4. Mekaniks - 20%
Kabuuan = __________
100%

Inihanda ni: Sinuri ni:

Mc Steven L. Soledad Myrine Ferrol


Gurong nagsasanay Nakikiisang Guro

Inaprubahan ni:

Rhona Joy I. Jusay


School Head

You might also like