You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Commission of Higher Education


ISABELA STATE UNIVERSITY- MAIN CAMPUS
Echague, Isabela

MASUSING BANGHAY-ARALIN

I. PAKSANG ARALIN
Paksa Ang Tula at ang Uri ng Tula

Sanggunian Baisa-Julian,A.,Lontoc, Dayag,


& Del Rosario (2018).
Pinagyamang Pluma 8. Phoenix
Publishing House

Kagamitan Laptop
Speaker
Flash Cards
PowePoint Presentation

II. LAYUNIN

Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang A. Pangkabatiran


mga mag-aaral ay inaasahang: Natutukoy at naipaliliwanag
ang mga uri ng Tula

B. Saykomotor
Nakapagbahagi ng halimbawa
ng uri ng tula.

C. Pandamdamin
Napapahalagahan
ang masusulat na sariling uri ng
tula.

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. PANIMULANG GAWAIN

1. Pagbati
Isang mapagpalang umaga sa inyo mga
minamahal kong mag-aaral. Magandang Umaga po Ma’am
(LAHAT)

2. Pagdasal
Bago natin simulan ang ating aralin ay
hinihiling ko munang pangunahan ni Bb. Carissa
ang panalangin. (Pagyuko at pagdasal ng mga
mag-aaral)
Ama, maraming salamat po sa
Inyong binigay na araw para sa
amin. Isang araw napuno ng
biyaya at umaapaw na
kasiglahan sa bawat isa na
naririto sa aking klase. Bigyan
Niyo po kami ng kaalaman at
karunungan, upang aming
maunawaan ang araling aming
tatalakayin sa araw na ito.
Gabayan din Niyo po ang
aming mga guro sa kanilang
mga gawain sa araw na ito. Sa
ngalan ng Panginoong
Hesuskristo aming
tagapagligtas. Amen.

3. Pagtala ng Lumiban

Ngayon, titignan naman natin kung sino ang


mga lumiban sa klase. Wala po Ma’am. (LAHAT)
Mayroon bang lumiban?
Mabuti! Kayo ay kumpletongayong araw.

B. PAGLINANG NA GAWAIN

1. Pagganyak

Bago tayo dumako sa ating aralin. Ako ay


may inihandang laro para sa inyo na kaugnay sa
ating tatalakayin ngayong araw. Isigaw ng
baghaya ang “NAKASAGANA KAMIN!” kung
kayo ay handa sa ating aktibidad. Yes, Ma’am! NAKASAGANA
KAMIN! (LAHAT)

Sa unang kategorya, alamin ang mga ipakikita


at iparirinig kong halimbawa kung ang mga ito
ba ay Awit, Pastoral, Oda, Dalit, Soneto,
at Elehiya.

Bago ko ilahad ang ating aralin, nais kong


ihanda ninyo ang mga sumusunod:

 Ihanda ang inyong kwaderno at panulat


 Magtala ng mga mahahalagang impormasyong
inyong matututuhan.

2. Paglalahad

Ngayon klas, sa inyong palagay tungkol saan ang


ating tatalakayin ngayong araw? Sa tingin ko po ma’am tungkol
sa paano gumawa ng tula.
Mahusay, maraming Salamat! Bukod doon, ano
pa?
Sa atin pong aktibidad na
ginawa kanina ay inyo pong
ipinakita saamin ang mga
halimbawa ng Tulang
padamdamin o liriko kaya’t sa
aking palagay, atin pong
tatalakayin ngayong araw ang
mga Uri ng Tula.

Napakahusay! Maraming Salamat! Tama ang


iyong nasambit Bb. ___________

3. Pagtatalakay

Upang ating maipagpatuloy ang ating


talakayin, atin alamin ang kahulugan ng tula.

Ano nga ba ang Tula?


● Ang tula ay sangay ng panitikan na
naglalarawab ng buhay at kalikasan na
likha ng mayamang guni-guni o
imahinasyon ng makata. Karaniwan
itong binubuo ng mga taludtod, tugma,
sukat, kariktan, at matalinhagang mga
pahayag.

Ano- ano ang apat na uri g tula?

1. TULANG PADAMDAM/LIRIKO
 Nagtataglay ito ng mga karanasan,guni-guni,
kaisipan at mga pangarap tungkol sa paag-ibig,
ligaya, lungkot, hinanakit atbp.

 Karaniwan itong maikli, payak at itinatampok


dito ng makata ang kanyang sariling
damdamin.

Nakapaloob sa tulang padamdam/liriko ang;

AWIT (Dalitsuyo) - May paksa ng


pagmamahal, pagmamalasaki, at
pamimighati

PASTORAL (Dalitbukid) -
Inilalarawan ang tunay na buhay sa
bukid.

ODA (Dalitpuri) - Tulang


nagpapahayag ng paghanga o
pagpuri sa isang bagay.

DALIT (Dalitsamba)- Ito ay isang


awit ng pauri, luwalhati,
kaligayahan o pasasalamat,
karaiwang para sa Diyos.

SONETO (Dalitwari) - Karaniwang


pumapaksa sa damdamin at kaisipan
at nakikilala sa matinding kaisahan
at kasiksikan ng nilalaman.

ELEHIYA (Dalitlumbay) - Tulang


nagpapahayag ng panimdim o
pagkalumbay dahil sa isang namatay
na minamahal.

2. TULANG PASALAYSAY

 Naglalahad ng makulay at mga mahahalagang


tagpo sa buhay sa anyong patula tulad ng pag-
ibig at paagkabigo, tagumpay na mula sa
kahirapan.

Ang tulang pasalaysay ay nahahati sa tatlong


uri;

AWIT - Hango sa buhay ng dugong


mahal at pumapaksa sa pag-ibig,
pagtatagisan ng talino o tapang,
pananampalatay at pagtulong sa
kapwa.

KORIDO - Binubo ito ng walong


pantig sa bawat taludtod at
nagsisimula sa isang panalangin na
kung awitin ay mabilis.

EPIKO - Ang karaniwang paksa


nito ay tungkol sa
pakikipagsapalaran, katapangan at
kabayanihan ng mga tao noong
unang panahon.

3. TULANG DULA

 Ito ay isang tula na isinasagawa ng padula na


itinatanghal sa isang entablado o dulaan.

Ano-ano ang mga uri ng tulang dula?

MORO-MORO - Tulang dula na


pumapaksa sa paglalaban ng mga
Muslim at Kristiyano na laging
nagwawakas sa tagumpay ng mga
Kristiyano.

KOMEDYA - Isang uri ng tulang


dula na gumagamit ng nakaugaliang
martsa para sa pagpasok at pag-alis
ng entablado.

PANUNULUYAN - Isang
prusiyong ginaganap kung bisperas
ng Pasko. Isinasadula rito ang
paghahanap nina Maria at Jose ng
bahay na matutuluyan sa nalalapit na
pagsilang kay Hesus.

SARSUWELA - Isang dulang


musikal o isang melodramang may
tatlong (3) yugto na ang mga paksa
ay tungkol sa pag-ibig, paninibugho,
paghihiganti, pagkasuklam at iba’t
ibang masisidhing damdamin.

4. TULANG PATNIGAN

 Tulang sagutan na itinatanghal ng mga


nagtutunggaling makata ngunit hindi sa
paraang padula, kundi sa tagisan ng
mgakatwiran at tagisan ng mga talino sa
paraang patula.

KARAGATAN - Isang paligsahan


sa pagtula na kabilang sa tinatawag
na “libangang itinatanghal” na ang
taglay na pamagat ay nanggaling sa
isang alamat ng singsing ng isang
dalaga na nahulog sa dagat.

DUPLO - Madulang pagtatalo na


karaniwang ginaganap sa isang
maluwang na bakuran sa namatayan.
Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol
sa nawawalang loro ng hari.

BALAGTASAN - Tagisan ito ng


talino sa pagbigkas ng tul bilang
pangatwiran sa isang paksang
pagtatalunan.

BATUTIAN - Ito ay isang sagutan


patula na my halong pangungutya at
pagpapatawa ngunit naglalaman din
ng katotohanan.

4. Paglalapat

Para malaman kung naintindihan niyo ang


ating aralin, maaari niyo bang sabihin
5. Paglalahat

Mga mag-aaral inyo na bang nauunawa ang


kung ano ang tula at kung ano ang mga uri nito?

At sa aking nakita inyo na ring naintindihan


ang bawat uri ng mga tinalakay na tula. Opo, Ma’am!

6. Pagpapahalaga/ Values Integration

Bilang mag-aaal ano sa tingin niyo ang


kahalagaan ng uri ng tula sa paggawa at
pagsulat ng tula?

Ang kahalagahan ng uri ng tula


ay upang maayos na
maipahayag ang sigaw ng puso
at damdamin sa pamamagitan
ng pagsasaalang-alang sa mga
Tama! Upang may maayos na paksa at uri ng tula.
maayos na paglalahad ng damdamin.

IV. PAGTATAYA
bawat pangkat ay bubunot ng isang uri ng tula
at itanghal sa klase ang isang halimbawa nito.

V. TAKDANG ARALIN
Binabati ko kayo. Mula sa mga natapos
niyong mga gawain ay nasukat ang inyong
kahusayan sa pagtatanghal.

Bago tayo maghiwahiwalay, para sa inyong


takdang aalin, isulat ang inyong karagdagang
repleksyon sa mga natapos na gawain. At aking
kokolektahin sa susunod na ating pagkikita.

Dito na nagtatapos ang ating aralin mga


mag-aaral, maraming salamat sa pakikinig at
aktibong partisipasyon. Paalam sa inyong lahat!

Paalam po Ma’am. (LAHAT)

You might also like